Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 99 - 9.12 Looming Atmosphere

Chapter 99 - 9.12 Looming Atmosphere

It's been a while since Rukawa hasn't shown up in Shohoku High School and a lot of throwback Thursdays have been pestering in Haruko's head lately. "Uy, hindi ka pa ba kakain? Lalangawin na iyong sandwich mo." Nag-aalalang tanong ni Fujii who was seated beside her habang si Matsui naman ay nakapila pa sa counter para kumuha ng kanyang lunch servings.

"Ewan ko ba Fujii. Wala akong ganang kumain ngayon." dismayang sabi ni Haruko habang nakapatong ang ulo niya sa lamesa.

"Sus, lagi ka namang ganyan kapag wala sa mood. May nangyari ba?" ani Fujii habang nginunguya ang salad na nakahain sa harap niya at sa mga pagkakataong iyon ay inilahad na ni Haruko ang bumabagabag sa kanyang sarili.

Huminga muli si Haruko ng malalim at pilit na nilalabanan ang anumang takot na mahusgahan ang kanyang naging desisyon. "Tama ba ang ginawa ko? Na umamin na kay Rukawa habang maaga pa?" tanong niya at halos mabilaukan si Fujii mula sa kanyang narinig.

"Ano?! You confessed already?" The maiden was too stunned to speak at sakto lang ang dating ni Matsui na may dala pang siopao sa table nila.

Tumango si Haruko bilang pagsang-ayon sa kanilang hinala. "Eh Kamusta naman?" Pag-aalalang tanong ni Matsui kay Haruko na naupo sa tabi nito.

"Oh well, para akong sinapak ng reyalidad. Gaya din ng inaasahan, he rejected me on the spot at walang paligoy-ligoy." sagot naman ni Haruko sa kanilang dalawa while having a defeated face.

"Baka nga hindi pa tamang panahon na magpakastress ka sa problema na iyan."sabi ni Matsui at napatingala sa kanya si Haruko. Dagdag pa niya, "I mean... hindi na din masama na sabihin sa kanya ang totoong intensiyon mo. Si Rukawa kasi ang tipo ng tao na walang ibang iniisip kung hindi ang basketball at hindi niya masyadong priority ang mga bagay na tulad niyan sa ngayon." paliwanag ni Matsui trying to justify the answer behind Rukawa's response.

"Sa palagay ko din you should focus on yourself muna. Maraming expectations ang inaasahan sa iyo at saka may mga pangarap ka din naman sa buhay, di ba?" ani Fujii as she patted Haruko's shoulders.

Batid ni Haruko na may katwiran ang pananalita ng kanyang mga kaibigan kaya habang nakikinig siya sa kanilang mga sinasabi ay hindi nito mapigilan ang mga luha niya sa pagpatak. "Oo... Salamat at andyan kayo." Bulong nito sa kanila habang sinusubukang ngumiti sa pagkakataong iyon.

[Harrison Yamamura...]

*clang!* *gulp!* *ahhh!*

Pangkinseng kape ko na ata ito ngayong linggo kahit Huwebes pa lang. Alam ko namang masama sa kalusugan ang sobrang pagka-adik sa kape ngunit ano naman ngayon?! Wala akong pakialam at sino ba kayo para manghimasok sa buhay ko?

Sa mga oras na iyon ay pasimple akong umupo sa sulok ng canteen na malayo sa mga estudyante dahil ayaw ko ng istorbo. "Sir Harry!" Sinuswerte nga ako ngayon dahil sa unang beses ko pa lang tumambay dito sa canteen ay agad naman akong sinalubong ng isang pamilyar na boses.

"Congrats nga pala sa bago mong promotion." It was Ma'am Wakano Hirawa na mukhang masaya sa narinig niyang balita tungkol sa akin. Bagamat hindi ko siya masyadong inentertain, dala ang tray ng kanyang pagkain ay umupo siya malapit sa akin ng walang pakundangan. Naghahanap ata siya ng taong makakausap at ako ang napagdiskitahan.

Ngumiti ako kahit papano at tumango bilang acknowledgement. "Maraming Salamat po Ma'am sa suporta niyo. Naisip ko lang na mas magiging productive ako sa ganoong paraan. Kahit bagong guro lang ako dito, malaking bagay ng pinayagan nila akong magturo sa isang klase. At isa pa, sayang naman kasi ang oras kung hindi ko gagamitin ang nalalaman ko para makatulong sa mga estudyante dito." Sabi ko kay Ma'am Wakano, kahit sa totoo lang ay hindi ako nasisiyahan sa biglaang pagpapatupad ng principal ng pagbabago pagdating sa paghandle ko ng kaisa-isang section na naatasan sa akin.

"Ang galing naman. Napansin ko rin na ang dami mong ganap lately. Hindi ba parang nakakapagod?" tanong niya sa akin at mukhang nag-aalala din siya sa expectations na mayroon ang principal para ipagkatiwala sa amin ang mga pasaway na mga batang iyon.

Bahagya akong natawa sa kanyang tinuran. "Ako pa? Matagal na akong sanay sa stress. Kung tutuusin, mas gusto ko pa ngang maging abala kaysa wala akong ginagawa. At saka, gusto ko rin makita ang mga estudyante na iyon na nag-eenjoy sa sports." paliwanag ko sa kanya habang humihigop ako ng kape na nasa tabi ng lamesa.

Tumango naman sa akin si Ma'am Wakano at sinasang-ayunan ang aking punto. "Tama ka diyan, sir. Mabuti na lang at may taong tulad mo na willing mag-step up. Good luck sa mga plano mo, ha? Mukhang malaki ang maitutulong mo sa reputasyon ng school."

"Salamat. Susubukan ko ang lahat ng pwede kong magawa para sa team ng Shohoku." sagot ko sa kanya at bago siya nagpaalam ay inalam ko din ang status ni Rukawa pagdating sa ibang subject, as per my wife's orders

"Oo nga pala, pumasok na ba si Rukawa sa klase niyo, Ma'am?" kako sa kanya at sinuklian niya ako ng pagdududang tingin, malamang ay tungkol din iyon sa ginagawa ni Rukawa sa kanyang klase.

"Bukod kasi sa orientation period, hindi ko pa siya nakita dito sa school for the past few days." kwento sa akin ni Ma'am Wakano.

"Ganun ba. Balitaan mo na lang ako kung pumasok na siya. Baka sakaling maisipan niya pang mag-attend sa PE class dahil absent siya noong lunes sa klase ko." paliwanag ko sa kanya dahil maaari ko idrop-out sa klase ang hambog na iyon kung makakarami siya ng absent sa records ko. At wala pa din akong pakialam maski siya pa ang star player sa basketball team ng ekswelahang ito.

"Sige Sir... Sabihan ko na lang po kayo kung may updates na sa kanya. Mauna na po ako sa inyo." aniya at bumalik na si Ma'am Wakano sa faculty room para paghandaan ang susunod niyang klase. Sana all! Kainggit talaga.

Matapos nun ay payapa ulit ang paligid ko, pero hindi nagtagal ay nagulo na naman ang buhay ko ng dahil sa agaw-pansing sigaw ng lalaking pula ang buhok. "OY!" Malakas na boses ni Sakuragi ang umugong sa buong canteen. Lahat ng estudyante ay napatingin sa direksyon namin, maski sina Haruko at ng mga kaibigan niya.

Papalapit sa akin ang naturang estudyante at mukhang galit na galit sa di malamang rason. Sa kabila ng namumuong gulo ay kalmado ko siyang kinausap. "Ah, Sakuragi... Kamusta? Mukhang mahilig ka talagang gumawa ng eksena. Umupo ka rito baka masita ka pa ng guidance officer sa ingay ng boses mo." ningitian ko na siya pero ayaw niya pa ding magpaawat.

"Hindi mo ako madadaan sa ngiting iyan, Sir. Akala mo ba eh tuluyan ka ng makakalusot sa akin ha?!" Dagdag pa niya at ang tapang naman niya para sugurin ako rito ng mag-isa.

Ako pa man din ang tipo ng tao na madaling inisin kaya sinubukan ko siyang tanungin ng deretsahan "Sandali, ano ba ang problema iho?" sabi ko kay Sakuragi at pinapaupo ko siya nang hindi niya ako sinisigawan.

"Maang-maangan ka pa. Teacher ka pa man din! Ang kapal ng apog mo para pagsabihan si Haruko ng masasakit na salita!" Huh? Ano bang sinasabi ng batang ito?

Sa mga oras na iyon ay napapakamot na lang ako sa anit. Ayoko talaga ng gulo lalo na sa pagkakataong ito pero mukhang wala akong choice. "Relax, Sakuragi. Hindi naman ako ang kaaway mo. At saka, baka dapat mo munang linawin kung ano ba ang nararamdaman mo para kay Haruko, hmm?" bulong ko sa kanya pero wala pa din siyang pag-unawa sa sitwasyong kinasasangkutan niya.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Ang akin lang, huwag na huwag mo ng ulitin ang ginawa mong pagbabanta sa kanya! Naiintindihan mo?!" ani Sakuragi at napasulyap ako sa mayuming mukha ni Haruko na pilit umiiwas sa aking titig. "So, nagsumbong ka pala sa iba iha! Humanda ka sa akin." iritableng bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang tensyonadong aura nilang magkakaibigan.

"Alam mo iho, masyado ka lang napangungunahan ng emosyon. Hindi ba dapat ang focus mo ngayon ay ang basketball at ang pag-aaral mo? O baka naman gusto mong pag-usapan natin kung bakit sobra kang apektado pagdating kay Haruko? And it also makes me wonder - why her? Masyado bang personal ang dahilan?" Bagamat wala akong ibang masamang pakay sa naging pakikitungo sa akin ni Sakuragi, mukhang iyon ang naramdaman niya matapos ang padalos-dalos niyang panunugod sa akin.

His eyebrows twitched na para bang sasabog siya lalo sa galit pero biglang natigil ang tensyon nang tumunog na ang bell. "Hindi pa tayo tapos!" sabi niya bago siya naglakad palayo sa akin.

Hmm... Mukhang magiging masaya ang school year na ito ah! Talagang hindi pa tayo tapos sa usapang ito, Sakuragi... Tignan na lang natin kung may magagawa pa ang pagmamalasakit mo sa kanya.

- BACK TO SCENE -

Sumapit na ang dapit hapon at nagsiuwian na ang karamihan sa mga estudyante. Bagamat tapos na ang last period subject ng mga third year, ibang direksyon naman ang tinahak ni Rukawa matapos mamarkahang absent ang kanyang attendance sheet sa mga nagdaang araw.

A basketball court is so close to becoming his home dahil dito niya lang maipapamalas kung gaano siya kalayang magpahayag ng tunay niyang sarili - walang anumang pag-aalinlangan ng dahil lang sa mapaniil na wika mula sa pekeng pamilyang nakagisnan sa kasalukuyang panahon.

Sisimulan na sana ni Haruko ang pag-aayos ng mga gamit sa basketball court ng eskwelahan, ngunit tila mas lalong lumala ang kaba sa kanyang dibdib nang maramdaman niya ang presensya ni Kaede Rukawa. Hindi pa man siya lumalapit, ang kanyang tindig at ang aura nito ay sapat nang magdulot ng bigat sa damdamin ng dalaga.

Ang bawat talbog ng bola mula sa gymnasium ay tila sumasabay sa mabilis na tibok ng puso ni Haruko. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan, pilit na itinatago ang sarili mula sa paningin ni Rukawa. Aalis na sana siya, ngunit hindi niya inaasahan ang biglaang pagtawag ng binata.

"Haruko..." malumanay na pagtawag ni Rukawa at napatingin si Haruko sa kanya na halatang nagulat. "Ano ba yun?" tanong niya sa binata.

"Patawad sa mga nasabi ko sa Wendy's," panimula ni Rukawa at halatang puno ng pagsisisi ang kanyang pahayag. "Hindi ko sinasadyang masaktan ka, at maling-mali talaga ang ginawa kong pagsasawalang-bahala sa'yo, lalo na noong dumating si Sir Harry."

Napatitig si Haruko sa kanya at pilit na iniintindi ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Hindi niya din kasi inasahan ang ganitong kilos mula kay Rukawa na isang taong kilala sa pagiging mailap sa personal niyang buhay.

"Bakit mo ba ino-open up ang isyu na ito sa akin ngayon?" seryosong tanong ni Haruko at ramdam ang pag-aalinlangan sa kanyang boses.

Napatingin si Rukawa sa bolang hawak niya at doon hinahanap ang lakas ng loob upang ipaliwanag ang sarili. "Binabagabag kasi ako ng konsensya sa kung paano kita trinato noon. Napaisip ako na hindi ko dapat sinabi iyon sa'yo, lalo na sa harap ng guro. Hindi mo deserve maranasan ang ganung klase ng pag-uugali." sagot niya sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Haruko. "Uhhmm... Pwede ba tayong magsimula ulit?"

Nagulat si Haruko sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman—tuwa ba dahil humihingi ng tawad si Rukawa, o kaba dahil hindi niya alam kung seryoso ito sa nais niyang sabihin.

"As in start over?" tanong niya, pilit na hinuhulaan ang totoong intensyon ng binata.

"Oo," nahihiyang sagot ni Rukawa pero pinilit niyang maging kalmado. "Kahit na awayin pa ako ng Sakuragi na iyon hanggang magsawa siya, wala na akong pakialam basta gusto kong lang ayusin ang lahat sa pagitan natin. Eh kasi... ano... Ayokong madamay pa ang team sa mga hindi natin pagkakaintindihan, lalo na't magsisimula na ang club activities sa susunod na linggo."

Tahimik na pinag-isipan ni Haruko ang mga sinabi niya. Gusto niyang maniwala pero hindi niya maalis ang sakit ng mga salitang pinaramdam sa kanya noong araw na iyon. "Gusto ko lang malaman ito mula sa iyo... bakit ka ba nagalit noon, Rukawa?" tanong niya kay Rukawa at halatang may halong hinanakit. "Sinabi ko lang naman sa'yo ang nararamdaman ko. Kung ayaw mo, pwede mo namang sabihin sa akin iyon nang maayos."

Sandaling natahimik si Rukawa dahil hindi siya sanay magpaliwanag ng kanyang damdamin, ngunit alam niyang ito ang tamang oras upang maging totoo. "Hindi naman sa ayaw ko..." panimula niya at halatang nahihirapan sa kanyang pagpapahayag. "Natakot ako. Natakot ako para sa nararamdaman mo para sa akin, sa mga posibleng mangyari, and everything is just too much to handle. Ewan ko ba... sobra akong magpanic nitong mga nakaraang buwan. Aware naman ako na hindi talaga maganda ang naging reaksyon ko sa mga sinabi mo tapos nung nakita ko pa si Harry... parang bigla akong natrigger sa bigla niyang panghihimasok niya sa usapan at tuluyan na akong nawalan ng kontrol sa bibig ko."

Napabuntong-hininga si Haruko. Alam niyang hindi madali para kay Rukawa ang magsalita ng ganito ngunit hindi niya maiwasang magduda sa likod ng kanyang pagpapakumbabang humingi ng tawad.

"Natakot ka? Sa alin? Sa nararamdaman ko o sa sarili mong nararamdaman?" ani Haruko na pilit na iniintindi ang sagot ng binata.

"Pareho." pag-amin ni Rukawa na halatang hirap sa kanyang sitwasyon. "Hindi ako sanay magpakita ng emosyon. Takot akong magtiwala dahil baka balang araw eh talikuran din ako ng mga taong mahalaga sa akin."

Sa puntong iyon, naramdaman ni Haruko ang bigat ng emosyon ni Rukawa. Hindi niya maikakaila ang sinseridad nito pero hindi rin niya mapigilan ang sarili na madismaya sa mga nangyari.

"Hay... Bakit ba ang unfair ng mundo? Ikaw na itong nakasakit ng feelings tapos ako pa ang dinedemand mo na magpapatawad?!" ani Haruko at halatang nahahati ang damdamin kung dapat ba siyang maging matigas o hayaan na lamang ang kanyang mabuting kalooban na magdesisyon.

Napayuko si Rukawa, ramdam ang bigat ng kanyang pagkakamali. Alam niyang hindi madali para kay Haruko ang magbigay ng kapatawaran, ngunit determinado siyang subukan.

"Kaya nga at pasensya na din sa pagiging hangal ko. Hindi ko naisip na ganun pala kalaki ang epekto ng mga salita ko sa iba. Sana mabigyan mo ako ng chance na makabawi kahit konti lang." mahina ang sagot ni Rukawa pero puno iyon ng pagsisisi.

Sandaling natahimik si Haruko. Napaisip siya kung tama bang bigyan ng pagkakataon si Rukawa ngunit alam din niyang may bahagi sa kanyang puso na gustong maintindihan ito.

"Pwera biro, sorry din kung binigyan pa kita ng ikaka-overthink mo. Masyado din akong naging insensitive sa mga nararanasan mong stress on a daily basis." sabi ni Haruko may halong pag-aalala.

Masayang napatingin si Rukawa kay Haruko. Mukhang gumaan ang pakiramdam niya sa lalo na sa kanyang narinig pero alam niya sa sarili niyang hindi pa rin sapat ang paghingi ng tawad.

"Hindi, ayos lang talaga..." ani Rukawa na pilit na pinapakalma ang sitwasyon ngunit hindi pa rin maalis ni Haruko ang alinlangan sa kanyang damdamin. Alam niyang hindi madaling kalimutan ang sakit na naidulot sa kanya ng binata.

"Rukawa, gusto ko sana magtiwala ulit sa'yo pero hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili sa utak ko ang mga nangyari. Malinaw sa akin na kaya mong manakit sa oras na hindi mo naiintindihan ang nararamdaman mo... kaya natatakot akong baka mangyari ulit 'yun" Nag-aalinlangang saad ni Haruko at napabuntong-hininga na lang si Rukawa. Alam niyang hindi madali ang hinihingi niya ngunit umaasa pa din siya sa matinding pag-unawa ni Haruko sa problemang kinakaharap niya sa labas ng basketball court.

"Ganun ba? Pasensya ka na din sa kakulitan ko pero sana hayaan mong ipakita sa'yo na kaya kong magbago. Hindi na ako gagawa ng ganung klaseng pagkakamali... lalo na sa'yo." sagot ni Rukawa na halatang nagpipilit na bumawi.

Tahimik na pinagmasdan ni Haruko ang binata. Ramdam niya ang sinseridad nito pero hindi pa rin niya maiwasang magduda. "Sabihin mo nga sa akin paano kita mapagkakatiwalaan kung puro pagdududa at paghihinala ang nasa isip mo tungkol sa ibang tao? Change is constant but it doesn't mean that it always happens in an instant. Batid ko namang alam mo kung ano ang sinasabi ko diba?!" ani Haruko na pinipilit intindihin ang kanyang nararamdaman.

Tumango si Rukawa, tila nag-isip ng mabuti bago sumagot. Alam niyang hindi niya pwedeng madaliin ang proseso ngunit handa siyang magbago.

"Oo. Gagawin ko ang lahat para maging better hindi lang sa loob ng court, maski na sa pagiging normal na tao, in general." seryosong sabi ni Rukawa at bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Haruko. Hindi niya maitatanggi na natuwa siya sa choice of words ni Rukawa ngunit alam niyang ang tunay na pagbabago ay makikita sa mga kilos, hindi lang sa salita.

"Normal na tao? Imposible iyon sa gaya niyang may malahalimaw na talento at techniques..." bulong ni Haruko sa sarili at halatang pinupuri nya ang magandang katangian kung bakit siya napahanga sa player na kaharap niya ngayon.

"Okay! Tulungan mo na akong magligpit dito. Tumatagaktak na ang pawis mo oh, baka may madulas pa dyan sa sahig." Ngiting sabi ni Haruko kay Rukawa, Dagdag pa niya, "What if mag-general cleaning na kaya tayo bukas?" suhestiyon niya na lalong ikinasiya ng binata.

"Sige. Hindi na ako mag-aabsent bukas." Kalmadong sabi ni Rukawa as they both went inside the locker room ng basketball team.

"Talaga?! If that's the case, aasahan kitang hindi malalate bukas." Paalalang saad ni Haruko at tumango naman sa kanya si Rukawa.