Kinagabihan ay wala ng nadatnang hapunan si Rukawa sa hapagkainan nina Roannes at Harry. Maski anino rin ng dalawa ay hindi niya mahagilap sa tusong tahanan na iyon at madalas na siyang makaligtaan ni Roannes pagdating sa paghahain ng kanyang pagkain. Gayumpaman ay naglakad ang binata patungo sa kinatatayuan ng refrigerator sa bahay na iyon. Kinuha ang pitsel na may lamang tubig, nagsalin sa kanyang baso at uminom ng banayad.
Why does a good person always have to deal with consequences for the wrongdoings of others? Not that he is actually craving for their attention pero napaisip na lang si Rukawa ng valid reason para sa mga kakaibang ganap ng mag-asawa at hindi na siya masyadong iniimbyerna sa kani-kanilang issue sa buhay. "Baka naman tulog na sila…" He deliberately whispered to himself matapos siyang busugin ng malamig na likido.
Nilapag niya ang baso sa drying rack after drinking. He also frantically raced to his room for a good night's sleep, but recent events were only starting to make sense as he contemplated his usual routine before bedtime, with a spinning ball in his finger.
⏱Flashback⏱ ►
Nang makadaong na sa pier ng Kanagawa ang sinasakyang yate nina Maki, Kanari, Akiesha, Sendoh, at Rukawa mula sa Tokyo, tinupad na nga ni Sendoh ang pangako niyang 1v1 kay Rukawa habang nasa biyahe sila sa Tokyo bay. Bagamat nais pa nina Maki at Kanari na magpaiwan kasama sila, kinailangan na nilang umuwi para asikasuhin ang kailangan nilang tapusin sa kani-kanilang tahanan.
"Lika na dali! Tumatakbo ang oras!" nagmamadaling saad ni Sendoh kay Rukawa na mas excited pang maglaro kaysa sa mismong nagmamay-ari ng bola.
"Teka lang! Ayaw akong pakawalan ng pusang ito." reklamong saad ni Rukawa habang nanlalambing si Kumo sa kanyang paanan.
Seeing her spiky-haired boyfriend so desperate to play ball with Rukawa, Akiesha already knows what to do at that moment. "Alright Kitty-chan~ Ako muna ang bahala sa iyo." Nanggigigil na sabi ni Akiesha kay Kumo habang niyayakap ang pusa sa kanyang mga braso. Hindi na rin pumalag ang pusa dahil komportable din ito sa dalaga.
"Thank you babe." masayang sabi ni Sendoh na mahahalata pa rin ang sigh of relief.
Kahit nahihiya si Rukawa sa naging asal ng pusa niya ay agad naman siyang nagpasintabi kay Akiesha. "Pasensya na sa abala." marinig saad nito sa dalaga na nagpapahiwatig ng nagbabadyang kakulitan mula sa kanyang pusa.
Samantalang naupo si Akiesha sa bench na malapit lang sa seaside court. "Ano ba kayo… Basta mag-enjoy lang kayo ah!" Ngiting sabi ni Akiesha at nagpaalam na ang dalawang players sa kanya para simulan ang laro.
Twenty minutes have gone by and even though Sendoh became exhausted from his diving sessions with Kanari, hindi pa din halata sa kanyang play ang katangian ng isang talunan. "Hoy! Parang hindi ikaw iyan, ah!" pamumuna ni Sendoh sa malamyang kilos ni Rukawa.
"Ano bang sinasabi mo dyan?" Naiinis na tanong ni Rukawa sa kanyang kausap.
"Ang dami mong mintis sa mga tira mo. Mukhang mapag-iiwanan na kita niyan sa laro mong iyan." pang-aasar pa ni Sendoh at lalong nag-init ang dugo ni Rukawa mula sa kanyang sinabi. "Tsk!" irap pa nito sa kanya na tila madali siyang pikunin sa pagkakataong iyon.
Nasa depensa si Sendoh at lamang siya ng 2 points sa kanyang katunggali. "Kung hindi gumagana ang pagiging agresibo mo, mas mabuti siguro na daanin mo na lang sa poker face ang lahat tutal natural din naman iyon sa iyo." payo niya kay Rukawa na desperado ding makapuntos.
Rukawa's dribble sounded like a rush at iritable na din siya sa kumpyansa ni Sendoh. "Sa mukha mong iyan ngayon, masyado kang halata. Pero kung ako naman ang gagawa ng blank expression, hindi din ako makakatagal ng isang minuto." Pabiro pang sabi ni Sendoh na agad namang kinontra ni Akiesha.
"Isang segundo kamo." bulyaw pa ng dalaga mula sa malayo.
"Ganun ba babe? Hehehe, sabagay… hindi ko din kayang itago ang emosyon ko lalo na kapag sobra akong masaya, galit, or malungkot." at habang abala si Sendoh sa kanyang diskusyon ay agad namang sinamantala ni Rukawa ang pagkakataong makalusot sa depensa niya.
Few seconds later ay nai-lay up na ni Rukawa ang bola matapos mapatid si Sendoh mula sa ginawang niyang crossover. "Sorry ah! Pero mukhang nakabawi na din ako sa'yo." kalmadong sabi ni Rukawa while looking down to his opponent at ngayon lang din naramdaman ni Sendoh ang takot sa posibilidad ng pagkatalo sa isang gaya ni Rukawa.
"Ankle break?! Talaga naman… Nagtatanim ka ba ng sama ng loob sa akin?!" gulat na tanong ni Sendoh kay Rukawa habang si Akiesha naman ay sanay na sa drama ng kanyang boyfriend dahil alam nitong hindi niya masyadong seseryosohin ang insidenteng nangyari since it happens frequently on their team practices sa Kamakura City Colleges.
"Hindi ba halata?" Seryosong tanong ni Rukawa kay Sendoh as he snapped due to the comment.
Tumayo si Sendoh at kinompronta si Rukawa dahil sa ginawa niya. "Nakakabwisit ka talaga alam mo ba iyon?!" nababanas na sabi ni Sendoh kay Rukawa habang si Akiesha naman ay natatawa sa gilid dahil sa isip-batang reaksyon ng kanyang kasintahan.
Meanwhile, Rukawa has the ball, continues his ritual and dribbles. Pumwesto siya sa 3-point area and a quick release results in a nice arc. The ball swooshs directly onto the hoop without any problem. "Sino nga ba iyong sinasabi mong nagmimintis kanina?" Rukawa answered him with another sarcastic question, declaring an end to their duel.
"Hay nako…" Sa pagkatalong iyon, hindi na mapigilan ni Sendoh na mahiga sa court sa sobrang pagod. Napapikit siya at huminga ng malalim, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili mula sa matinding laro. "Kung ikaw din ang sumisid kanina tas maglaro ka pa ng isang game, masasagad din naman ang stamina mo." Pampalubag-loob na sabi ni Sendoh sa kanyang sarili habang bahagyang tumawa sa kanyang pagod.
Samantala, si Rukawa naman ay nakaupo sa gilid ng court, pinagmamasdan si Sendoh na tila nagpapahinga ngunit halatang nag-iisip ng malalim. Nais niyang maintindihan ang punto ng sinabi nito kanina.
"Sige, sabi mo eh…" komento ni Rukawa na parang walang nangyari. Dagdag pa niya, "Ano ba ang gusto mong palabasin kanina?" Curious na tanong ni Rukawa kay Sendoh, sabay tingin dito na parang naghihintay ng mas malinaw na sagot.
"Alin? Tungkol ba sa pagtatago ng tunay na emosyon?" ani Sendoh na nakatingin kay Rukawa at sinagot naman siya ng pagtango.
Tumayo si Sendoh mula sa pagkakahiga at pinawi ang pawis sa kanyang noo bago muling nagsalita. "Base sa kwento namin nina Fujima kanina, ang mga taong pinoproblema mo ngayon sa bahay ay mahirap basahin. Hindi mo alam kung sincere ba ang kabutihan ng puso nila o may tinatago ng masamang plano sa likod ng kabaitan nila."
Napabuntong-hininga si Rukawa habang iniisip ang mga sinabi ni Sendoh. Alam niyang totoo ang mga ito, ngunit hindi pa rin niya maiwasang maramdaman ang bigat ng sitwasyon. "Sabagay, hanggang ngayon naman eh nakikinabang pa din sila sa perang pinaghirapang kitain ng tatay ko. Wala ng bago sa kanila kung samantalahin nila ang pagkakataon para sa easy cash flow." Malamig na sagot ni Rukawa, na may halong galit sa kanyang tinig.
Naglakad si Sendoh papalapit sa kanya, tila nag-iisip ng mas malalim na sagot. "Kung natry mo ng maging agresibo sa pakikitungo sa kanila at kung sa bandang huli ay sila pa rin hanggang ngayon ang nangingibabaw sa pagdedesisyon sa buhay mo, bakit hindi mo subukang bumaligtad at maging masunuring bata sa pananaw nila?" panimula ni Sendoh sa usapan, habang tinitingnan si Rukawa ng seryoso.
Ngunit mabilis na umiling si Rukawa, halatang hindi sumasang-ayon. "Alam mo namang masama pa din ang loob ko sa kanilang dalawa ni Harry at ante Roannes, di ba?!" irap na sabi ni Rukawa, sabay lingon palayo kay Sendoh, na para bang sawang-sawa na siyang ipaliwanag ang kanyang nararamdaman.
Hindi naman nagpatinag si Sendoh at tumingin lang sa kanya nang diretso. "I get your point, pero walang mararating ang galit na iyan kung hindi ka marunong magcompromise ng dapat mong maramdaman sa oras na gumawa na naman sila ng mga bagay na nakakasira ng bait mo. Kahit ano pa ang gawin mo, sila pa din ang mas nakakatanda sa iyo, and they will always demand respect kahit gaano pa kasama ang ugali nila." Paliwanag ni Sendoh, na may bahagyang tono ng pangaral sa kanyang boses.
Natahimik si Rukawa. Halata sa kanyang mukha ang pagkadismaya ngunit hindi niya maitanggi na may punto si Sendoh. "Mahirap magpakatao sa mga ipokrito diba?" sagot niya na halos pabulong habang nakayuko si Rukawa at hawak ang bola.
Napabuntong-hininga muli si Sendoh at tumapik sa balikat ni Rukawa. "Sa ngayon, ang magagawa mo lang ay ang makisama sa kanila hanggang sa masabi mo na din sa sarili mo na handa ka ng kumalas sa kapit nila sa iyo. Dibale, mapapakinabangan mo din naman ang galit na iyan sa kanila sa tamang pagkakataon." Ani Sendoh na tila nagbibigay ng lakas ng loob kay Rukawa.
◄ ⏱End of Flashback⏱
Ang biyernes ng umaga na iyon ay hindi tulad ng nakasanayan nina Roannes at Harry. Bagamat walang nakakaalam sa kung ano talaga ang tunay na intensyon ni Rukawa sa biglang paninilbihan niya sa dalawa, Roannes was surprised on how the heck their breakfast was served diligently.
"Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito?" Nagtatakang saad ni Roannes sa pamangkin niya while scanning the dining area filled with aroma.
Miso soup with egg, fried fish, rice, and hot tea. It was only a typical Japanese breakfast pero iba ang kutob ni Harry sa kinikilos ni Rukawa. "Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Harry with a stern expression while looking at the dining table.
"Opo. Hindi po kasi ako nakakain kagabi kaya nagutom po ako ng malala pagkagising." Kalmadong paliwanag ni Rukawa habang nasa kusina pa siya para magligpit.
While it was evident that Harry was a bit skeptical about everything Rukawa does ay sinamahan na niya si Roannes na umupo sa dining area. "Baka naman hinaluan mo ito ng lason ah?!" Harry said this loud enough for Rukawa to hear.
Kaede stopped what he was doing right now at the moment and reconsider what Harry just said. "I mean, kung isa talaga akong kupal na gaya niya, matagal ko na sana iyon ginawa di ba?!" bulong ni Rukawa sa kanyang sarili at nararamdaman ni Roannes ang iritableng mukha ng binata.
"Hoy! Tigilan mo na nga iyang kakabash mo. Kumain ka na lang kung ayaw mong mapikon ako sa'yo lalo, Harry!" pagsuway na sabi ni Roannes na nasasarapan sa luto ni Kaede at muntik pang makarami ng servings sa gana nitong kumain.
Harry has no self awareness, she thought. "Galit ka pa ba sa akin?" tanong niya kay Roannes at sinagot naman siya ng reklamo.
"Paanong hindi ako magagalit eh halos daganan mo na ako kagabi sa sobrang bigat ng braso mo?! Buti sana kung primi ka lang natutulog eh kaso hindi! Sinasakop mo lahat ng space kaya ako napupuyat," saad ni Roannes na halatang naiinis habang tinutuloy ang pagkain sa lamesa.
Napataas naman ng kilay si Harry at halos ayaw niyang magpatalo sa argumento. "Nabibigatan ka pa sa lagay na iyon? Muscles lang naman ang maipagmamalaki ko dun at hindi naman iyon taba, okay?!" Nangangatwiran pa siya sa lagay na iyon sabay tingin kay Roannes na tila sinisiguradong may puntos ang sinabi niya.
Napailing na lang si Roannes at pinipilit iwasan ang susunod na sagot ni Harry. Tuloy-tuloy ang kanilang usapan at pabalik-balik sa parehong isyu, habang si Kaede na kanina pa tahimik ay nakikinig lamang mula sa gilid.
"Tita!" biglang tawag ni Kaede kay Roannes na ikinagulat ng dalawa. Napalingon si Roannes sa kanya na lubos ang pagtataka sa kanyang mga kinikilos. "Huh?"
Nag-ayos muna ng postura si Kaede bago nagsalita. "Pasensya na po sa mga nasabi ko noon." aniya at halata sa mukha niya ang pagsisisi habang nakatingin kay Roannes.
Bago pa makapagsalita si Roannes, biglang inilabas ni Harry ang isang sobre at iniabot kay Kaede. "Ano ito?" tanong ni Kaede na naguguluhan habang tinitingnan ang sobre.
"Allowance mo," seryosong sagot ni Harry na parang wala lang pero may halong ngiti sa kanyang labi. "Baka sabihin mo na namang kinukupit namin yan sa tatay mo."
Bahagyang natawa si Roannes pero agad rin niyang ibinalik ang seryosong tono. "I hope you've finally learned your lesson." sabi niya kay Kaede.
Nagbigay galang si Kaede, bahagyang yumuko bilang pasasalamat. "Salamat. Pasensya na po talaga." sabi ni Kaede sa kanilang dalawa.
Habang bumabalik sa pagkain si Roannes, tahimik namang bumulong si Kaede sa sarili. "Be civil. Unang hakbang pa lang naman ito kaya tiisin mo muna." bulong ni Kaede sa kanyang sarili. Halos hindi maipinta ang mukha ni Rukawa sa awkward situation na kinasangkutan niya pero wala siyang ibang maisip na magandang plano kundi ang pagkatiwalaan muna siyang muli ng dalawa bago isakatuparan ang lahat ng nais niyang gawin sa bahay na iyon.