Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 98 - 9.11 Echoes of the Deep

Chapter 98 - 9.11 Echoes of the Deep

[Kaede Rukawa…]

"Paano ba talaga ginagawa iyan?" tanong ko kay Sendoh habang tinititigan ang manta board na hawak niya. "Mukha lang iyan kick board na nilagyan ng camera sa ilalim eh." sabi ko base na din sa napansin ko. Wala naman akong sinabing kakaiba kaya nakakaloko na noong patawa-tawa lang ang hayop na ito sa harapan ko.

"Hehehe, hindi naman ganun ang purpose nyan, Rukawa. Bale ilalagay ko lang ang board na ito sa tubig habang nakatali iyon rito sa yacht gamit ang isang harness. Pagkatapos, iikutin namin ni Kanari ang mga designated areas sa Tokyo Bay habang hinahatak kami ng yacht. Isa pa, ang gagawin naman ng camera ay irerecord nito ang lahat ng mahahagilap sa lente, and that data will help us monitor the condition of the reefs and marine creatures." He spoke like I'll immediately visualize what the heck is going on underwater. Bakit pa ba ako nagtanong kung hindi ko rin naman maintindihan ang sinabi niyang paliwanag?

"Ano yun, para kang sasabak sa underwater wakeboarding?" tanong ko sa kanya, expecting a decent answer pero binigo lang ako ng aking expectations.

"Sort of," sagot ni Sendoh ng nakangiti. "To see is to believe na lang, I guess. Mas mahirap ito para sa akin dahil kailangan naming iwasan na magalaw ang board pati na ang mismong kinukuhanan namin ng video recording as much as possible para malinaw ang footage." dagdag pa niyang pahayag which made me realize that it was "Boring." a voice in my head suddenly pops up.

Maybe I'm just trapped living in negativity para maging masaya sa progress ng iba pagdating sa kanilang interests. Sino ba naman ako para makialam sa ganap nila? I felt I was a nuisance to everyone kaya nanahimik na lang ako sa isang sulok sa yate.

Habang abala ang lahat, pinusisyon ni Maki ang yacht sa starting point ng kanilang pag-survey. "Sendoh, ready ka na ba?" tawag ni Maki mula sa captain's seat, at sumenyas si Sendoh pointing a thumbs-up sa ere.

"Kayo lang ba ni Kanari ang gagawa nito?" nag-aalalang tanong ni Akiesha habang inaayos niya ang rashguard ni Sendoh.

"Oo, babe. Kami lang kasi ang nandito para matapos ito today. Just wait here and enjoy the view, okay?" sagot ni Sendoh na may kasama pang ngiti. That dude never stops flexing his teeth na para bang wala ng lugar para sa seryosong bagay.

"I will, basta mag-ingat ka." Sa lahat ng pakiusap ni Akiesha kay Sendoh, he just simply nodded, then turned an eye on Kanari who was already wearing her snorkel mask and flippers.

"Rukawa." tinawag ako ni Gale mula sa kabilang dako ng yacht at iniwan ko muna si Kumo na natutulog. "Kung gusto mo, we can monitor the live footage from here," sabi niya habang itinuturo ang small monitor na nakakabit sa isang laptop.

"I guess mas okay na may nagbabantay dito sa ibabaw habang nagsu-survey sila. Baka kasi may makita silang kakaiba." sabi naman ni Akiesha who sat beside Gale na para bang walang nangyari sa conversation nila ni Sendoh.

I hesitated at first but eventually agreed to join them. I lean closer to the monitor since nacurious akong makita kung ano ang punto ng pagsama ko sa biyaheng ito through Sendoh's camera lens.

"Alright, drop the board!" sigaw ni Sendoh signaling Fujima and Hanagata to lower the manta board into the water. "Kanari, Let's do this!" sabi pa niya nang magsimula sila sa kanilang pagsisid.

The two of them carefully slipped into the water, adjusting their masks and gripping the board tightly. The yacht moved slowly, towing Sendoh and Kanari along the water's surface as the camera started recording everything below. Habang pinapanood ko ang footage sa monitor, kitang-kita ko ang magagandang corals, iba't-ibang isda, at mga buhay na gumagalaw sa ilalim ng dagat. Kahit papaano ay nabighani ako sa tanawin kahit pa wala ako sa posisyon para husgahan ang ginagawa niya.

"Ang ganda pala ng ilalim ng tubig dito." sabi ko at hindi ko sinasadyang iparinig iyon kay Maki na nakatayo malapit sa pwesto namin.

"Oo naman. Kaya ginagawa ni Sendoh ito para magbigay ng awareness sa pangangalaga ng karagatan natin." sabi ni Maki na tila ipinagmamalaki ang ginagawa ni Sendoh. "Siya lang kasi ang bukod tanging humiwalay ng landas compared sa mga kasama nya doon sa Kamakura City Colleges na sina Jin, Fukuda, Koshino, Miyagi, at Ayako."

I think he was talking about Sendoh regarding his first choice in his college program to enroll. He then started to yap about Sendoh being enrolled sa Marine Biology department kasama si Kanari and si Sendoh lang ang kaisa-isang basketball representative from that college department. Maki was aware of this base na din sa kwento ni Kanari sa kanya at pinapatunayan niya lang na isa siyang ganap na "Lolo" bukod pa sa hilig niyang ichismis ang mga hindi na dapat pang malaman ng iba.

As our yacht continued on its journey, napansin kong sanay na sina Sendoh and Kanari sa ganitong klase ng gawain, occasionally adjusting their grip on the board, and I did not expect something unusual appeared on the screen. Mabilis lang iyon nahagip ng aking mga mata ngunit hindi lang pala ako ang nakapansin ng isdang mala-anino na umaaligid kasama ng mga Nemo.

"Ano iyon?" tanong ni Akiesha habang pinanood ang footage kasama namin.

"Hmm?" narinig kami ni Fujima at lumapit siya para tingnan ang screen. "Wait, Sendoh, nakita mo ba iyon?" tanong niya muli sa radio kung saan nakakonekta ang linya ni Sendoh.

We still can't figure out what he is trying to say nang sinubukan niyang ifocus muli ang camera kung saan dumaan ang isda na pinaghihinalaang bagong diskubre. "Oo, nakikita ko. Mukhang may malaki tayong na-encounter dito... Kanari, stay close."

"Ang saya nito! Hindi ko in-expect na may ganito tayong makikita," sabi ni Kanari habang nakasuot ang snorkel niya.

It was a small, shimmering fish with elongated fins and vibrant colors that seemed to reflect in the water. Pinanood namin ang footage at mukhang wala talagang kibo si Kumo dahil hindi pa siya gumagalaw mula sa pwestong iniwan ko.

"Parang hindi ko pa 'yan nakikita sa mga librong nabasa ko" ani Gale na todo ang 20/20 vision sa screen.

"Sendoh, may nakita ka bang ganito dati?" tanong ni Hanagata sa kanya.

Sendoh's voice crackled over the radio attached to the yacht. "Hindi pa rin ako sigurado. Mukhang bago. Swerte lang natin kung makakakuha tayo ng mas malapit na footage para madala sa research."

"Baka naman sinuhulan mo lang ang isdang iyan para lang magpapansin sa camera mo." sabi ko kay Sendoh which obviously making them a fool, laughing so hard for such statement.

"Baka nga, para magmukhang impressive 'yung project namin." dagdag ni Kanari na nagmamayabang na dahil lang sa misteryosong isda.

"Pero seryoso, kung sakaling bago nga iyan, ano kaya ang magiging pangalan nun?" tanong ni Fujima nang bigla silang nagkaroon ng ideya na pawang kalokohang utak lang ang makakaisip.

"Nako, kung si Sendoh ang magbibigay ng pangalan, sigurado akong may halong yabang." sabi ni Maki sabay tawa. "Ewan ko na lang kung hindi niya ipangalan sa sarili niya." May punto nga naman si Maki sa kanyang katwiran.

"Please lang, huwag niyong ibibigay kay Sendoh ang opportunity na iyan." sabat ni Akiesha, joining the teasing. "Baka maging Sendohius magnificentus or something ridiculous like that ang pangalan nun at ipagyayabang niya iyon sa buong buhay niya."

"I agree!" patawang sabi ni Gale. "Or maybe Sendohix flashyfinus! Ang sagwa naman kung sarili niyang pangalan ang ibibigay." dagdag pa niya which made Sendoh look embarrassed.

"Pero hindi rin naman kayo pwedeng magbigay ng pangalan ng isda kung wala kayong balak i-research ang tungkol sa hayop na iyan." I said not trying to sound arrogant.

"Wow, serious much?" tanong ni Maki.

"Mukhang ready ka nang sumunod sa yapak ng karibal mo ah." Hanagata triggers my nightmares from that thought.

"I'm not. Gusto ko lang makaalis agad para wala na akong marinig na kalokohan galing sa inyo." sagot ko sa kanila at ang nakakainis lang ay hindi nila ako sineseryoso.

"Pero, kung bagong species nga ito, it's a big deal. We need to document it properly and see if it matches anything sa mga existing literature." sabi ni Sendoh over the radio trying to be serious which only backfired.

"Bagay din naman ang Akirae luckycatchus bilang scientific name." sabat ni Fujima. "Hindi ba, swerte mo naman talaga na makita iyan dahil ikaw pa lang ang may girlfriend sa atin dito?"

I don't know why pero umahon si Sendoh mula sa ilalim ng dagat at hinayaan muna si Kanari na mag-obserba pa ng matagal. Inalis niya pansamantala ang snorkel nya at nagwika ng, "Maybe, ang tamang sagot dyan ay Rukawa kaedisinterestus." sabi na nga na at wala talaga siyang ibang magandang sasabihin. They all laughed and all I can do was to endure their silly thoughts. "Kung paano niya sinabing ayaw niyang sumama sa atin, pero siya pa ang nandito at nagko-comment pa." sumingit pa si Sendoh which made my blood boil in anger.

"GAGO!" inis kong turan sa kanyang mga salita at hindi pa sila sinisinok dahil lang sa hindi nila mapigilang tumawa sa sarili nilang kababawan.

Matapos ang ilang minuto ay umangkas na ang dalawang sumisid sa yate kasama ang ibang marine equipment na ginamit nila kanina. "Kung totoo ngang bago itong isda na nakita natin, baka hindi lang pangalan ang mapalagay natin, baka pati award ay magawaran din tayo." sabi ni Sendoh who needs to wake up from his dreams hanggat hindi pa niya iyon tuluyang napapatunayan sa harap ng mga panel.

"Pero sa ngayon," dagdag ni Kanari habang hapong-hapo sa kanyang pagpigil ng hininga sa pagsisid, "tara, kain muna tayo."

Habang tahimik akong nakaupo sa gilid ay nakikinig lang ako sa kwentuhan ng dalawang maninisid tungkol sa genus na Sendohius na imbentong pangalan para sa mga species na walang patawad sa personal space ng iba - isang lehitimong papansin gaya na lang mismo ng Akira Sendoh na iyan at hindi pa talaga sila makamove on sa kanilang excitement. Nakakatuwa man silang pakinggan pero bumabalik pa din ako sa pangamba na nag-aabang sa akin sa oras na matapos ang maliligayang araw ko dito sa laot.

Ilang sandali pa, lumapit sina Fujima, Hanagata, at Gale sa gilid ko habang nanghihingi ng pagkaing nakahain sa gitna ng lamesa na sa palagay ko ay balak nilang baunin matapos nilang makarating sa daungan ng Tokyo Bay. Gale also asked me some questions na hindi ko lubos maisip na magiging mitsa ng biglaang pagbigat ng paligid.

"Are you somehow related to Ma'am Roannes? Magkaparehas kasi kayo ng apelido kaya naninigurado lang." Ano ang ibig niyang sabihin sa mga winika niya sa akin?

"Kapatid siya ng tatay ko, which makes a lot more sense na tita ko siya on my father's side." I said to her in reply.

"Is that so?" at napalingon naman ako kay Fujima, "No offense hah pero hindi talaga maganda ang pakikitungo sa amin ni Ma'am Roannes noon." pag-amin niya sa akin ng mga naganap sa kanilang high school experience. At pwede bang inormalize ang hindi pagsasabi ng 'no offense' lalo na kung negatibo din ang feedback niyo sa iba? But since it was ante Roannes ang pinag-uusapan, might as well make this an exemption.

"Laging siyang memasabi, memapuna, at hindi niya kami tinantanan hanggat hindi nagkandaletche-letche ang buhay namin." rebelasyong sabi ni Hanagata at ako na mismo ang nahihiya sa mga naririnig kong balita tungkol kay ante Roannes dahil totoo din naman lahat ng iyon pagdating ko sa bahay nila.

Alam ko namang hindi madali ang pakikitungo kay ante Roannes pero parang bago sa akin that other people experience the same mistreatment that I've endured under the same person. "Talaga? Ano ba ang ginawa niya noon?" narinig kong tanong ni Maki na naiintriga sa ganap nina Fujima noong high school pa sila.

Nagulat ako sa mga kasunod nilang kwento. Na-reklamo na pala nila si ante Roannes, nagpadala ng sulat na naglalaman ng sumbong sa kanilang administration pero walang nangyari. "I'm not sure pero mukhang biased siyang magbigay ng grade. Madalas niyang pinapaboran ang mga estudyanteng mapapakinabangan niya, at oras na sumuway ka eh parang kasalanan mo pa kung bakit mo siya sinasaktan or nadisappoint." paliwanag ni Fujima nang sinuportahan siya ng ibang detalye mula kay Gale.

"Hindi naman maipagkakaila na we are competitive sa acads pero ang ending, grumaduate na lang kami na may sama ng loob. We were aiming for scholarships, tapos siya lang pala ang sisira sa pangarap naming grades." Medyo naiintindihan ko din how this actually work against them. Siguro ay pakiramdam ni ante Roannes na nauungusan siya ng mga estudyanteng gaya nila dahil lang sa likas silang matalino sa klase. Nilalamon yun ng insecurities kaya nambabagsak kapag hindi ka niya trip sa loob ng klase niya.

Gusto ko mang magpaliwanag pero parang bigla akong naubusan ng salita. Sa totoo lang, kahit ako hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na gusto ko sanang mawala si Roannes at si Harry sa buhay ko. Pero paano? Kung saan-saan na sila nakikisawsaw sa buhay ko, mula sa bahay pati ba naman hanggang sa eskwelahan.

Hindi ko din kinakaya na kimkimin pa ang sama ng loob kaya pinilit ko ng magsalita. "Nagsama pa silang dalawa." sabi ko pero damang-dama ang kabiguan. "Si Harry pa ang naging PE teacher ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ganito ang buhay ko ngayon. Mukhang ako pa yata ang pinaparusahan sa kaugaliang ginagawa nila sa iba."

Nagulat ako nang biglang magbago ang tono ni Sendoh. "Si Harry… as in Harrison Yamamura?" at tumango na lang ako out of shame.

"Sino ba iyon babe?" tanong ni Akiesha na kinakabahan na din sa pwedeng gawin ni Sendoh dahil sa galit.

"Eh siya lang naman ang dahilan kung bakit namatay ang anak ng kapatid ko." sabi niya, at kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Sendoh. "Tapos ngayon, siya pa ang PE teacher mo, Rukawa? Abay, ibang klase din naman ang kapal ng mukha niyan."

Nang marinig ko 'yun, parang biglang bumigat pa lalo ang pakiramdam ko. Alam kong hindi dapat ako magdahilan o magtago. "Sendoh… Sorry, hindi ako kumibo sa oras na kinakailangan."

"Anong ibig mong sabihin?" I know he was seeking answers from me kaya hindi na ako namulaklak pa ng salita at sinabi ko ang lahat ng nalalaman ko.

"Matagal ko ng alam kung ano ang nangyari sa kapatid mo, at ang kalokohan ni Harry sa inyo. Sinabi ko dapat ang totoo kay ante Roannes, but knowing them both, sigurado akong magkakasundo pa ang dalawa na baliktarin ang sitwasyon na ikakapahamak ko pa." sabi ko, pakiramdam ko ay dapat kong sabihin iyon kahit na ramdam kong wala rin naman akong magagawa para bawasan ang sakit na ipinadama nila sa amin both sides.

"Walang kang dapat ihingi ng paumanhin sa akin." madiing sagot niya. "Naiipit ka lang pareho sa kanilang dalawa pero hindi ko hahayaang kontrolin pa nila ang buhay mo. Hindi dapat sila ang magdikta sa takbo ng buhay mo lalo na si Harry."

Tahimik akong napatingin kay Sendoh, punong-puno ng guilt. Hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon mula sa kanya pero may bahagi sa loob ko na parang biglang lumuwag. Alam kong hindi ito madali pero mukhang sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa sa laban ng buhay.

"Maraming salamat sa inyo," sabi ko sa kanila ng mahina pero puno ng pasasalamat. "Hindi ko talaga alam kung paano ko ito gagawin mag-isa." lalo pat may nasabihan na akong masasakit na salita na hindi dapat marinig ng isang tulad ni Haruko dahil lang sa pagmamanipula ni Harry sa sitwasyon.

Naramdaman ko rin ang pagsang-ayon ni Akiesha at ng iba pa. "Tama si Sendoh. Huwag kang mag-alala, tutulong kami sa paghahanap ng paraan para mawala na sila ng tuluyan sa buhay mo."

Napatingin ako kay Fujima, Hanagata, at Gale. Seryoso ang mga mukha nila, tila ba nagkaintindihan na sila kahit walang nagsasalita. "Hindi kami papayag na mangyari sa'yo ang nangyari sa amin noon." sabi ni Fujima, at doon ko na napagtanto na handa silang tumulong sa akin.

"Rukawa, kung gusto mo talagang makawala sa impluwensya nila, siguraduhin mong laruin mo ng mabuti ang alas mo laban sa kanila." panimula ni Maki.

"You have to think strategically at hindi ka dapat nagpapadala sa emosyon kung kinakausap mo sila sa bahay niyo o maski sa Shohoku" dagdag ni Fujima. Batid kong nakakain ng galit at inis ang utak ko kaya hindi ko maiwasang magpadalos-dalos, na hindi nararapat sanayin lalo na sa pakikipaglaro sa kanilang plano.

"Tama sila, Rukawa. Alam mo, unang pagkikita pa lang namin ni Harry ay kinutuban na ako ng masama kapag pumupunta siya sa bahay namin ni ate. Huwag ka sanang magalit pero bagay nga talaga silang magsama ng tita mo." komento ni Sendoh na tila nang-aasar pa. Halos mapikon na din ako sa sinabi niya maski kanina.

"Nananadya ka ba, Sendoh?" tanong ko at pinaramdam ko sa kanya ang inis ko. Hindi ako makapaniwala na may oras pa pala siyang magbiro sa ganitong klase ng usapan.

"Hindi sa ganun. You know for sure kung gaano sila mahirap pakisamahan, diba? Dahil nga kasama mo sila parati, you have all the advantage para mangalap ng ebidensya laban sa kanila at manmanan ang bawat kilos nila." paliwanag ni Sendoh which definitely make sense. Malaki rin ang tsansa ko na mabantayan sila.

"Tanging bagay na pinakaayaw nilang marinig ay katotohanan. Muntik na din akong masira dahil sa kasinungalingan ni Kozue pero nang ipamukha ko sa kanya ang reyalidad, tumigil na din siya sa panggugulo sa buhay ko." paliwanag pa ni Maki. Masyadong seryoso ang dating niya kaya alam kong may bigat din ang sinasabi niya.

"Kozue? Is she the one na gumawa ng iskandalo sa kasal ni Jin at Via?" tanong ni Kanari sa senior niyang si Maki. Medyo napangiti ako dahil sa pagiging mosang ni Kanari, pero kita rin sa mukha ni Maki na hindi niya nagustuhan ang pagpapaalala ng eksenang iyon.

"Oo, Kanari, at pwede bang itikom mo na ang bibig mo. Huwag mo na ding balakin pang ikwento sa kanila iyan ulit at nakakahiya." sagot ni Maki na halatang ayaw pag-usapan ang masalimuot na nakaraan.

Dalawang oras na din ang nakalipas at nakadaong na din ang yate na sinasakyan namin sa Tokyo Bay. "Sakali mang hindi niyo na ako makausap pagkatapos nito, kayo na sana ang bahalang magdesisyon sa planong naiisip niyo." bilin ko sa kanilang lahat matapos namin magbigayan ng numero sa kanya-kanyang contacts list at mapag-usapan ang maaari naming gawin laban sa kanilang dalawa na namemeste sa mga buhay namin.

"Huwag ka na masyadong mag-overthink ng ganyan, Rukawa. Alam kong kaya mo silang turuan ng leksyon sa pinakamakataong paraan. Hindi katulad nila na ewan ko ba kung saan nanggaling ang halang sa bituka." komento ni Sendoh na concerned diumano sa aking kalagayan at pinaparinggan si Harry for sure at si ante Roannes.

"Makakaasa ka sa amin. Hindi lang kami tumutulong sa iyo dahil lang sa gusto naming maghiganti. We also want closure. That's all." ani Gale bago sila bumaba sa yate.

Marinig lang nila ang aking pasanin at makisimpatya sa problema ko ay malaking bagay na upang gumaan kahit paano ang pakiramdam ko. Bagamat ang susunod na dalawang oras na pagbiyahe pabalik sa Kanagawa ay nangangahulugang matatapos na ang masayang ala-ala na ito, wala na akong pagsisisihan sa pagtuwid ng kamalian nina ante Roannes at Harry na matagal na dapat naresolba.