Chapter 97 - 9.10 Towed by Fate

The first week of a typical Japanese school calendar revolves around class orientations and other extra announcements which would be usually forgotten by the students after a certain subject period. Patirik na ang sikat ng araw sa umaga na iyon at nagbabadya pa ang napakainit na panahon. The seaside basketball court was finally open for public use at maswerte ang binata na wala siyang kaagaw sa lugar na iyon - or so he thought. 

Kaede was focused on his game, dribbling his basketball and recreating his orthodox moves flawlessly as feathers. Wala siyang pakialam sa kanyang paligid maski maglupasay pa si Kumo sa kanyang harapan. Kidding aside, the full court only accommodates the player and his cat on the other side who only sleeps under the hoop. 

He is about to aim for a slam nang may biglang sumulpot na kamay sa likuran ni Rukawa. "Huli ka!" panggulat na sigaw ni Sendoh na nakatsamba pa ng supalpal. Muntik ng masubsob si Rukawa dahil sa hindi balanse ang paglapat ng paa nito sa sahig while the cat was awaken by the bounce of the ball. 

"Mearh!!!" Tumakbo papalayo ang pusa at pansamantalang nagtago sa damuhan dahil sa gulat nito sa mga nasaksihan.

"Tsk! Ikaw?!" Rukawa looked straight at Sendoh, judging his reasons for showing up in the area this early in the morning, "Anong ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ni Rukawa sa kanyang kausap. 

Akira went to the other side of the court para kunin ang bola ni Rukawa at saka siya sumagot ng mahinahon. "Meron kasi akong appointment meeting na kailangan kong puntahan. Isa pa, malapit lang ang bahay namin dito sa dalampasigan." paliwanag niya kay Rukawa at natutuwa siyang makita ang kanyang old-time basketball rival.  

The dude was wearing a rashguard na nakakapagtaka sa pananaw ni Rukawa. Pinaikot muna ni Sendoh ang bola sa kanyang daliri at saka nagtanong kung bakit andoon si Rukawa kasama ang kanyang pusa. "Diba may pasok kayo ng ganitong oras? Bakit ka napadpad sa lugar namin?" ani Sendoh ngunit sinungitan lang siya ni Rukawa. 

"Ang daldal mo talaga… Ano bang pake mo kung nandito ako?!" suplado ang sagot nito kay Sendoh. "Ibalik mo sa akin iyan." He really meant business. Seryoso ang mukha ni Rukawa na nagpapahiwatig na masama ang bawat araw na nagdaan. Ngayon lang siya nakatikim ng day-off mula sa pangmamata ng kanyang mga kamag-anak and he was fed up with the thought that he needs to deal with the guy whom he did not expect to meet at all.

"Oo na pero mamaya ka na maglaro. Samahan mo muna ako maglipat ng gamit." pakiusap ni Sendoh and he stopped playing the ball in his finger. Bukod pa doon ay kinuha niya ang duffle bag ni Kaede at pinedal ang bisikleta nito paalis sa seaside court. 

Given with no other choice ay sumama na lang sila ni Kumo sa pupuntahan ni Sendoh kahit hirap siyang intindihin kung bakit nais siyang isama ng binata sa pagpalaot sa dagat. Both Sendoh and Rukawa were walking lapses who handled various marine equipment needed for assessment. Everyone is gathered around, including the Shoyo High School's alumni, and some female strangers who love taking pictures na ngayon lang nakita ni Rukawa.

"Hehe, tadhana yata 'to, Rukawa. Hindi mo naman pinaalam sa amin na sasama ka pala." sabi ni Fujima na hindi makapaniwala sa kanilang bisita. "I never expected that magkikita-kita tayo dito, lalo na't kasama pa si Rukawa." bulong ni Fujima sa kanyang sarili. 

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Dinukot lang ako ni Sendoh para maging kargador dito." seryosong sabi ni Rukawa as a matter of fact based on his point of view. Although Rukawa's presence was initially a surprise for the group, the guy chose to sit quietly with Kumo by his side. 

Hanagata replied with his mischievous smile. "Hala ka Sendoh! Ginalit mo si Rukawa. Abonohin mo ang pamasahe niya ah." birong saad ng binata habang sinusuot ni Sendoh ang kanyang flippers.

"Sige, no problem. Mahirap na. Baka mahuli siyang hindi pumasok sa Shohoku ngayon." sumbong ni Sendoh na lalong nagpasimangot sa mukha ni Rukawa.

"Bastos!" komento ni Rukawa sa tinuruan ni Sendoh. Bagamat katiting lang ang narinig nilang tugon mula kay Rukawa ay hindi nila maiwasan na humalagapak sa tawa dahil sa naging patutsadang sagutan nilang dalawa. 

While they are waiting for Maki, patuloy pa din ang pagbibihis ni Sendoh ng kanyang gears. Nakalapag naman ang mga maleta sa daungan ng bangka na isasabay nina Fujima, Hanagata, at Gale - their female classmate, papunta sa Tokyo for the upcoming start of their new semester. 

"Anong meron bakit ang dami niyong dalang gamit?" tanong ni Rukawa sa grupo.

Upon hearing his inquiry, Gale spoke on behalf of her classmates. "Pauwi kasi kaming tatlo nina Fujima sa boarding house namin. Bukas na kasi ang start ng class orientation namin kaya ngarag pa din ang ferzon dahil gusto pang magbakasyon ng utak. I'm Gale nga pala." Paliwanag nito kay Rukawa nang biglang sumingit si Hanagata sa usapan.

"Basta ako sa baba hah! Ikaw na matulog sa taas ng kama." nangangamba si Hanagata para sa kanyang kagustuhan paglapag nila sa daungan ng Tokyo Bay.

"Ayoko nga! If you want, sa labas ng boarding house ka na lang matulog tutal hindi ka din naman kasya sa bunk bed." wika ni Gale na halos hindi maatim ang reklamo ng binata sa kanya.

"Magkakasama kayong natutulog sa iisang bahay?" ani Rukawa na tila kasalukuyang fascinated sa idea of mixed genders na naninirahan sa iisang unit.

"Oo pero it's more like a room dahil bedspacer lang ang naavail namin for long-term stay at para na din makatipid." kwento naman ni Fujima sa kanya.

Meanwhile, hindi mapigilang mapansin ni Rukawa ang iba't ibang abubot ni Sendoh na nakakalat sa paligid. "At bakit nakakabit ang camera sa board na iyan?" He had been talking about the manta board Sendoh was holding. This allows him to throw a lot of questions lately since Rukawa couldn't grasp the reason why he was dragged with them in the first place.

"Ah, May kailangan kasi kaming tapusing survey sa dagat, manta tow survey iyon to be specific. Nabanggit ko na kanina habang papunta tayo dito di ba? May mga data kasi kaming kailangang kolektahin for a final project." paliwanag ni Sendoh which doesn't make sense for Rukawa's brain cells.

Napakunot-noo si Rukawa habang iniisip ang mga narinig mula kay Sendoh. "Then, what the heck am I doing here? Anong kinalaman ko sa gagawin mo ngayon sa dagat? Pinwersa mo lang akong sumama para magbuhat ng gamit mo?" Birada ang pagtatanong ni Rukawa which made the other guests smile for the unusual behavior. 

They realized that Rukawa can be nosy at some point. Napangiti si Sendoh at bahagyang kumindat kay Rukawa. "Kailangan lang namin ng extra hands, alam mo na. Mas maganda rin na nandito ka para makita mo kung gaano kasaya ang ginagawa namin. Baka sakaling bumait ka at pansamantalang mawala ang init ng ulo mo sa akin." sabi ni Sendoh na hindi ikinatuwa ni Rukawa.

Suddenly, a feminine voice made Sendoh's world complete. "Ang sabihin mo, your other group mates ditched you here dahil pabuhat sila sa iyo for their grades." tugon ni Akiesha who is wearing a summer dress for her man.

"How dare you say that to me!" Kanari felt offended dahil siya halos ang in-charge sa paggawa at revisions ng kanilang project ni Sendoh. 

At that time ay hindi pinansin ni Akiesha ang nang-aamok ng away sa kanya. "Uy, babe!" Masayang niyakap ni Sendoh ang kanyang girlfriend pagdating niya sa naturang meeting place. "Pasensya na kung hindi na kita naihatid papunta dito." dagdag nitong pahayag.

"It's fine. Ang importante ay matapos niyo ng maayos ang dapat ninyong gawin at hindi iyong sinasamantala ng iba diyan ang kabaitan mo." pagpaparinig na sabi ni Akiesha kay Kanari. 

They have not been on good terms in Kamakura City Colleges. Bagamat they are strangers to each other, it has been a big issue that Kanari was trying to steal her man dahil lang magkaklase sila ng boyfriend niya and has every opportunity to be delusional and controlling sa anumang ginagawa ni Sendoh sa buhay niya.

"Mga pare! This is Akiesha, my girlfriend." pagpapakilala ni Sendoh sa kanyang mga kaibigan and they were left speechless.

"Hala! Sana all…" Gale said who was kinda envious of their sweetness habang the other guys acknowledge her presence.

Sa kabilang banda ay tinignan ni Akiesha si Kanari, ensuring her man that his life will be safe against his obsessed classmate kapag magkasama silang lahat on the same boat,sabay sabi ng, "Don't worry. Nandito lang ako para magrelax at mag-enjoy. Hindi ko naman kayo pakikialaman sa anything academic related stuff." at lalong nayamot si Kanari sa narinig. 

 

Kanari had a huge crush on Sendoh because of the heated game between Kainan and Ryonan during the finals. Even though she supports her school, Kainan, in that game, Sendoh's plays caught most of her attention.

"Tinatanong ba kita?" Kanari spoke without any respectful regards to Akiesha. Dahil sa inis at selos ay napilitan si Kanari na umastang matino sa pagbiyahe nila sa dagat.

Few minutes later ay dumating na si Maki sa daungan sakay ng kanilang yacht na balak gamitin bilang ferry sa mga susunod na buwan. "Tara na!" tahasang pag-aya ni Maki sa mga kaibigan. 

"Pasensya na kayo senpai kung naabala namin kayo ni Sendoh." sabi ni Kanari kay Maki pagsakay nila sa naturang yacht.

"Ayos lang iyon. Ang totoo niyan eh nasa test drive pa itong yacht na ito. Kung sakali mang tumirik ito sa kalagitnaan ng biyahe, hindi naman ako papayag na ako lang mag-isa ang maiiwan sa gitna ng dagat." sabi ni Maki in his most carefree tone.

"Bwisit ka! Kaya pala atat kang isama kami dito sa biyahe dahil alam mong kailangan naming pumunta sa Tokyo." Natatawang saad ni Fujima sa excuses ni Maki.

Everyone is ready to sail out in Tokyo Bay except for one. "Hoy, Rukawa," tawag ni Sendoh mula sa yacht at hindi mapigilan ang mapangiti nang makita ang seryosong mukha ng binata. "Sigurado ka bang ayaw mong sumama? Ang dami mong masasayang na opportunity kapag nakatambay ka lang diyan."

Nanatiling tahimik si Rukawa habang nakaupo sa gilid ng pier at sa kabilang banda naman ay hindi napigilan ni Sendoh ang mapangiti. "Bakit ba kasi kailangan kong sumama?" reklamong sagot ni Rukawa ngunit alam niyang hindi ganun kadaling kumbinsihin si Sendoh na iwanan siya sa daungan.

"Hindi kita pipilitin, pero parang kailangan mo ring mag-relax. Kaya ka nga nagpunta rito kanina para tumakas kahit saglit, diba?" paliwanag ni Sendoh habang nag-aayos ng mga gamit sa yacht.

"Hindi ako tumatakas," pagtangging sagot ni Rukawa na may halong inis, sabay sa pag-iwas ng tingin. "Nagpahinga lang ako."

Napatango si Sendoh, kita sa mata niya na nauunawaan niya si Rukawa. "Ganun din iyon. Pero what if sumama ka kahit sandali lang. Kung talagang ayaw mo na, ihahatid kita pabalik. Baka lang makatulong sa'yo ang makita ang dagat." pangungumbinsi ni Sendoh kay Rukawa

Tahimik na pinag-isipan ni Rukawa ang sinabi ni Sendoh pero iba ang plano ni Kumo sa mga sitwasyong iyon. Nagpumiglas si Kumo sa pagkakahawak ni Rukawa sa kanya at biglang sinugod ang yacht. "Meow… meow… meow…" pagtawag ng pusa kay Rukawa nang makasakay na si Kumo sa yacht.

"Kita mo na, pati ang pusa mo gusto din maglakwatsa kasama namin." Birong saad ni Maki mula sa captain seat.

"Hindi sa akin ang pusang iyan, not yet." paliwanag ni Rukawa. Dagdag pa niya, "Ano ba yan… Talagang nagmana ka kay ante Roannes neh?!" sabi ni Rukawa kay Kumo which made the Shoyo Alumni feel shocked and somehow terrified upon hearing the name of their former teacher.

Nagkatinginan silang dalawa ni Sendoh at sa wakas, tumango na rin si Rukawa. "Sige na nga. Masyado kayong mapilit, pero saglit lang." Itinaas niya ang kanyang bisikleta at hinila papunta sa yacht, habang napangiti si Sendoh at sabik na sinalubong ang kaibigan.

"Yun naman pala! Hindi ka magsisisi, promise," sabi ni Sendoh habang tinutulungan si Rukawa sa kanyang mga gamit. 

"It's such an honor na mapapayag ka sa lakad na ito." pabirong sabi ni Sendoh at napapakunot na lang ang noo ni Rukawa sa mga pinagsasabi ni Sendoh.

"Gunggong!" He said at naupo si Rukawa sa isang sulok at nakakalong na sa kanya ang pusa matapos niyang maiangkas ang gamit niya. Hindi siya sigurado kung ano ang hinahanap niya sa paglalayag na iyon pero sa kaibuturan ng puso niya, naroon ang pag-asang baka sakali ay makahanap siya ng kahit konting katahimikan.

"Alright! Mukhang kumpleto na ang lahat ng kailangan natin. Let's get this survey done para makabalik din tayo agad." ani Sendoh who is trying to sound excited during that time.