⏱Flashback⏱ ►
Kakatapos lang ng pasko noong makabalik sa clinic ang doctor na nakaassign para masuri muli ang kondisyon ng mata ni Rukawa matapos ang naging injury nito sa laro laban sa Toyotama High School. It was a bright sunny day and years have already vanished from their timeline, pero nakaukit pa din sa isipan ni Rukawa ang mga nasaksihan niya sa ospital kung saan siya nagpacheck up ng mata.
He was stunned by the figure of a man, vulnerable enough para kaawaan ngunit sa pinakanakakadismayang dahilan. Nakatayo si Harry sa labas ng kwarto ni Nikki Sendoh habang naiiyak. Siya ang kanyang supposedly live-in-partner and almost tied up in the sacrament of marriage while he was still in a prior commitment with Roannes na pagraduate na sa kanyang masters degree sa UK at nakatakdang umuwi sa Japan by the end of March.
"Hanggang kailan ka ba magmumukmok dyan ate? Hindi na babalik ang Harry na iyon kahit gusto mo man siyang makausap o makita." Her brother was trying to be realistic at that time of despair.
"I'm so sorry Akira. Marupok kasi ang ate mo at nagpadala agad sa bugso ng emosyon. Akala ko pa naman siya na talaga ang taong nakalaan para sa akin pero hindi naman pala." Nikki was bursting out in tears lalo pa't ang pamilyang sinubukan niyang isalba ay nawalan na ng saysay sa pagpanaw ng anak nila ni Harry sa kanyang sinapupunan.
Sa mga pagkakataong iyon ay tahansan ng tinanggalan ni Sendoh ng maskara ang taong pinag-uusapan nila. "Ayoko namang maging panira ng araw mo ate pero narinig ko siyang may ibang kausap na babae sa telepono na tinawag niyang beh at nagsabi pa ng I love you doon sa ibang karelasyon niya habang wala ka sa bahay at naghihintay siya doon sa sala natin."
"Kailan mo pa natuklasan na dalawa kaming babae na pinagsasabay ni Harry?" paglilinaw na tanong ni Nikki na hindi maikubli ang panghihinayang sa tiwalang ipinagkaloob niya sa taong lolokohin lang siya sa bandang huli.
"Noong bumisita siya sa bahay para sorpresahin ka sa birthday mo." Ayon naman kay Sendoh as she starts to giggle for her stupid mistake.
"Hahahahaha… and he just greeted me that day na parang wala siyang tinatagong sikreto sa akin. Ang kapal ng mukha and thank God na tapos na ang masakit na yugto kasama siya." she shouted carelessly while still lurking in her battlecry.
"Pasensya ka na ate kung ngayon ko lang sinabi sa'yo ang tungkol dyan. Hindi ko naman kayang makita kang nadedepress ng dahil lang sa maling pag-ibig na iyan." katwiran ng kapatid niya na tila guilty sa pagtatago ng sikreto na iyon sa kanya.
"You know, it's fine with me na nangyari ito dahil baka pagsisihan ko lang din sa huli kung kasal kaming dalawa ni Harry. Thank you sa pagiging concern mo sa feelings ko kaya mangako ka sa akin Akira, no romantic girlfriends and boyfriends either during college." Hindi pa man nakagraduate noon si Sendoh sa highschool ngunit nangongontrata na si Nikki ng assurance mula sa kanyang kapatid na tiyak ikinagulat niya ng todo.
"Hah? Saan ba nanggagaling iyan ate? Grabe ka naman. Ano ba ang akala mo sa akin, bobo magmahal?" kinompronta agad ni Sendoh si Nikki tungkol sa hindi makatwirang request from her according to his understanding.
"It runs in our genes, baby, at nakita mo naman sa nangyari sa akin kung bakit. Kaya naman gusto ko na may latin honors ka kapag grumaduate ka sa college para sa revenge plot ko." pangungulit na sabi ni Nikki with a grin face which made her little bro a bit cringe.
"Amp. Hala siya. Nandadamay kabod ng wala sa katinuan." ani Sendoh na pinapawisan ng malapot sa mga bilin ni Nikki sa kanya.
"Basta no fling dates and unofficial parties muna sa college, okay?!" sabi muli ni Nikki na todo ang pangungumbinsi sa kanyang nakababatang kapatid.
"Iyong latin honors kaya ko namang pagsumikapan iyon, pero hindi ako nakakasigurado tungkol sa lovelife." pambabarang sagot ni Sendoh sa ate niya.
"Akira naman eh!" naiinis na sabi ni Nikki sa mga pagkakataong iyon.
"Joke lang. Magpahinga ka na nga lang dyan ate. Nabubuang ka na hindi mo pa naiinom ang gamot mo." saad naman ni Sendoh na sagad na ang pasensya sa mga pinagsasasabi ng ate niya.
Sa kabilang banda naman ay nahuli sa akto ni Rukawa ang hindi maipaliwanag na tagpo sa pagluha ni Harry. "Ah eh… kanina ka pa ba dyan Kaede?" aligagang tanong ni Harry sa pamangkin ni Roannes. He suddenly wiped his tears pagkakita sa kanya ng binata.
"Malamang kakatapos ko lang magpacheck up. Ano ba ang inaasahan mo?" pambabarang sagot ni Rukawa sa kausap niya kaya hindi maiwasan magkomento ni Harry tungkol sa magaspang na pakikitungo sa kanya ng binata.
"Seryosong tanong, ano ba ang problema mo sa akin? Kahit kailan talaga matabil ang tabas ng dila mo." ani Harry at hindi niya mapigilan ang sarili na pagtaasan ng boses si Rukawa at sa public place pa iyon nangyari.
"Paano ba naman kasi, ang respeto ay binibigay lang sa taong karapat dapat sa bagay na iyon at hindi iyong dinadaan mo sa superiority complex para lang masabing may napatunayan ka na sa lipunan. Tsaka bakit ka ba apektado sa kwentuhan dyan sa loob ng kwarto? Ikaw ba ang pinag-uusapan nila?" ani Rukawa sabay turo niya sa gilid niya kung saan ang kwartong pinag-uusapan si Harry.
"Nananaginip ka lang. Pinaparatangan mo ako ng kasinungalingan dahil gusto mo lang ako mawala sa puder ni Roannes." pagtangging saad ni Harry sa kausap nito.
"Pero hindi mo maikakaila ang narinig ko mula sa kwarto na ito." tugon ni Rukawa at tinuro nito ang silid na tinutukoy niya kung nasaan si Nikki. Medyo kinabahan si Harry na maaaring magsumbong si Rukawa sa kanyang kasintahan tungkol sa nangyari kaya naman ay bigla siyang nagsumamo sa taong kinabubwisitan niya para maisalba lang ang kredibilidad ng kanyang pangalan.
"Okay fine pero please lang. Hayaan mong ako na ang kumausap at magpaliwanag sa tita mo tungkol sa problemang ito." Bulong ni Harry kay Rukawa at balak pa niyang lumuhod para lang bigyan siya ni Rukawa ng pagkakataon para lang maayos ang gusot na pinasok niya habang wala si Roannes.
"Is that crocodile tears? But sure, ginusto mo din naman iyan so suit yourself." tipid na sagot ni Rukawa at saka nagwalk-out para makauwi na siya mula sa hassle ng mahabang pila sa doctor's appointment kanina.
"Teka… iyon lang? Wala ka na bang ibang sasabihin?" saad ni Harry na hindi makapaniwala sa reaksyon ni Rukawa.
"Ughm… Congratulations dahil deserve mo iyan?! Iyon po ba ang gusto niyong marinig? Alam mo, matuloy man ang kasal niyong dalawa ni tita pag-uwi niya o hindi, bahala na po kayo sa buhay niyo." paliwanag ni Rukawa at tuluyan ng naglaho doon na parang bula dahil sa mga sumunod na lame arguments ni Harry para lang majustify ang kamalian niya.
"Pasensya na at salamat sa pag-unawa mo sa sitwasyon ko." Harry was grateful for the time being dahil few months later ay natupad nga ang kasal nilang dalawa ni Roannes without any unexpected guests and revelations.
◄ ⏱End of Flashback⏱
It was already 6:00 in the morning nang makababa si Roannes sa Shoyo High School. "Sige beh! Mag-ingat kayong dalawa sa biyahe." Pagpapaalam niya sa dalawang kasama niya sa bahay.
"Of course, Akong bahala sa kanya beh." Ngiting saad ni Harry sa mga pagkakataong iyon. Sa loob ng trenta minutos ay narating na nila Rukawa ang intersection ng Yokohama district. They were still stuck sa traffic which is really unusual at malayo pa ang kanilang destinasyon patungo sa Kitamura district kung saan malapit ang Shohoku High School.
Nakasandal si Rukawa malapit sa bintana ng kotse sa backseat at kahit tinted ito mula sa loob ay napansin agad ni Ichiro na iyon ang iniidolo niyang player. "Oh! Rukawa-senpai, kamusta ka?" Naalimpungatan si Rukawa at lumingon ang binata sa magkabilang gilid para makita kung sino ang tumatawag sa kanya.
Rukawa suddenly pressed down the button para ibaba ang bintana sa kotse at hindi na nakaimik si Harry sa mga oras na iyon. "Ikaw pala. Akala ko ba injured iyang paa mo. Bakit ka nakamotor?" concern na tanong ni Rukawa sa kanyang kouhai.
"Panahon pa ata ni kopong-kopong mula nang mainjure po ako at hindi na din naman nananakit." nagdadahilang saad ni Ichiro.
"Sa palagay mo ba eh hindi ka lalo madisgrasya dyan?" Kalmado man ang aura ni Rukawa ngunit masyado siyang matanong sa araw na iyon na tila hindi mapaniwalaan ng kouhai niya ang mga nagaganap.
"Alam ko naman po kung ano ang pwedeng mangyari sa akin kapag nagpabaya ako. Mas maigi siguro na to take the risk kaysa naman magsisi ako sa mga bagay na gusto ko pero hindi ko nagawa." katwiran ni Ichiro at natahimik naman si Rukawa sa kanyang kinauupuan.
"Sige po. Magkita na lang po tayo sa Shohoku mamaya. Ang swerte ko lang talaga siguro na nakaenroll po ako doon sa wakas." Ngiting pamamaalam ni Ichiro kay Rukawa sa gitna ng kalsada at saka pinaharurot ang motor niya nang umusad na ang daloy ng trapiko.
[Rukawa Kaede…]
Ang araw na ito ang simula ng huling taon ko sa high school. Malapit na ang alas siyete ng umaga at ang unang schedule ko ay Science na napakakomplikado. Mukhang wala ng pag-asa itong kumag na ito at napakatagal pang nagpapakarga ng gas sa kotse niyang palaspag matapos naming madaanan ang intersection kanina.
Hindi na ako nagdalawang-isip na bumaba sa kotse niya at binuksan ko ang compartment sa likod kung saan ko tinago ang folding bike ko. "Hoy! Saan mo balak pumunta?" ani Harry na nagtataka sa inaasta ko sa mukha niya.
"May kailangan akong kunin sa bahay." Pagdadahilan ko sa kanya dahil ayaw ko lang talagang pumapasok sa Shohoku na may kasama lalo na siya.
"Huwag ka ngang pasaway at bumalik ka dito." Ang kulit talaga ng animal na ito kahit kailan gaya ni Kumo.
Umangkas na ako sa bike ko sa mga pagkakataong iyon. "Ayaw mo naman sigurong madawit ang pangalan mo sa akin na maraming bad records kapag sabay tayong papasok sa Shohoku na magkasama, diba? Nakakasira iyon ng first impression sa tulad mong bagong salta doon kaya itikom na ang bibig since I'm doing you a lot of beneficial favor here." paliwanag kong ganyan sa kanya.
Ang dami ko pang sinabi at napapagod na ako sa nakakasurang mukha ng Harry na ito. Naging basher pa tuloy ako ng sarili ko para lang tigilan ni Harry ang kakasulpot sa akin dahil lang hinabilin ng ante Roannes sa kanya na bantayan ang bawat kilos ko na as if namang wala akong sariling buhay aber?!
Usap-usapan sa anonymous page ng buong eskwelahan na maraming guro sa senior year ang nagretiro at nagresign na at nang malaman kong ang Harry na ito ay isa sa papalit sa mga PE faculty members, panigurado ng malaking gulo ang kahihinatnan ng buong klase niya. Ngayon pa nga lang na kasama ko ito sa iisang bahay eh nagpapatayan na kami, paano pa kaya sa buong eskwelahan?
After how many pedals that I need to do ay nakarating na din ako sa wakas sa Shohoku na walang daplis o sira-sirang gulong ng bisikleta ko. Gaya ng dati ay ipinarada ko ang bisikleta kong may kasamang lock malapit sa parking area ng basketball court. Walang halong kemikal pero namiss ko talaga ang lugar na ito sa totoo lang, except for something unexpected.
- BACK TO SCENE -
Dahil nakakandado pa ang pinto sa Shohoku basketball court, Rukawa stepped inside the school premises through the entrance malapit sa court nang nadatnan niya ang bulletin board sa center aisle kung saan nakalista ang mga pangalan ng estudyante sa bawat section. He scanned through the list of third years at laking gulat niya ng makasabay niya sa hallway ang current team manager ng basketball team nila na si Haruko Akagi.
"Oh! H-hi Rukawa… Looks like magkaklase tayo ngayong school year. It's nice to see you again after years of lengthy lockdowns." Kinakabahang sabi ni Haruko dahil hanggang sa mga panahong kasalukuyan ay hindi pa din makamove on ang ate niyo sa kanyang delusional era sa ace player ng basketball team.
Their names were written under section C sa mga third year high school at hindi na pinagtuunan ng pansin ni Rukawa ang iba pang mga pangalan na nakalista doon. Meanwhile, napansin ni Rukawa na halos walang pinagbago si Haruko mula sa kanyang pakikitungo sa kanya. "Siya ata ang nagtutor sa akin noong first year kami. Mahiyain pa din ang babaeng ito hanggang ngayon." bulong ni Rukawa sa kanyang sarili as his perception towards her.
"Nasaan nga pala ang dalawang kaibigan mong babae?" biglang tanong ni Rukawa kay Haruko.
"Ah… sina Fujii ba? Eh papunta pa lang sila dito kasama si Matsui. Pasensya ka na kung medyo hinihingal ako. Inumpisahan ko kasi ang general cleaning last minute kaya nilock ko muna ang pinto sa gym para walang ibang dumi na makakapasok sa loob." ayon kay Haruko.
"Ayos lang. Gusto mo bang tulungan na kita dyan sa mga dala mo? Para kang maglalayas eh." Komento ni Rukawa at mukhang hindi makapaniwala si Haruko na nakakausap niya ng casual ang taong matagal niyang minamahal ng palihim.
"Naku! Huwag na. Nakakahiya sayo Rukawa. Kaya ko naman dalhin itong mga gamit ko hanggang fourth…" aligagang saad ni Haruko but he insisted nang biglang hinablot ni Rukawa ang mga makapal na librong dala ni Haruko para sa mga subject nila sa araw na iyon.
"Sa palagay mo ba maniniwala ako sa pagsisinungaling na iyan?" seryosong sabi ni Rukawa kay Haruko which made her blush.
"Hindi mo naman ito kailangang gawin Rukawa pero maraming salamat." Nahihiyang sagot ni Haruko.
Pagkaakyat nilang dalawa ni Haruko sa ikaapat na palapag ay dinig na dinig sa hallway ang masiglang kwentuhan ng mga estudyante sa kada sulok ng building.
"Hindi lang pala ang boss ng mga gorilya ang masarap magluto, aba pati din pala ang Lolo sa Kainan. Nyahahahaha! Mainggit kayo mga hampas-lupa dahil nakalibre ako ng take out kasama si Jessie sa kasal doon kay Lolo Maki." Nagpaparinig na sabi ni Hanamichi sa kanyang mga kaibigan na masayang inaalala ang summer job na naranasan niya sa pandemic era.
Si Mito, gayon din ang iba pa nilang barkada, ay nakakumpol sa dulo ng classroom, sa last row malapit sa bintana. "Oo na. Paulit-ulit na lang ang kwento mo Hanamichi. Maawa ka sa tiyan ko, kinulang na nga sa kanin pati ba naman sa ulam eh tinipid pa sa akin kaninang umaga." ani Takamiya na hindi maikubli ang inis sa kaibigan niya.
Sa kabilang banda naman, the former Shohoku basketball substitute players two years ago were hopeful for their career to flourish eventually this year. "Tingin niyo ba eh masasama na tayo sa lineup ng starting players ngayong taon?" nag-aalangang tanong Kentaro Ishii sa mga kaibigan niya.
Meanwhile, his adjacent left was being serious about his aspirations in life "Sana… huling pagkakataon na din naman natin sa highschool na makasama sa mga official games ng distrito natin." saad ni Satoru Sasaoka while eating some bread in his seat.
"Ngayon pa ba tayo panghihinaan ng loob? Kasama naman natin sina Rukawa at Sakuragi sa team kaya hindi imposible na kailangan nila ang tulong natin sa laro." komento naman ni Toki Kuwata na excited na sa paparating na tournaments.
Samantala, the three bitches was leaning beside the window near the hallway. "OMG! Papunta dito si Rukawa. Ihanda na ang kapal ng mukha mga mamsh!" aligagang saad ni short-haired babe at inaayos ang kanyang sarili through make-up.
"Luh! Sabagay kapal lang ng mukha ang meron sa'yo teh. Samantalang ganda ko lang naman ang pinakamabentang ambag ko for my own gain." said by the pig-tailed girl sa kanilang girl group.
"Anong sabi mo?" galit na reaksyon ng kaibigan niyang short-haired.
"Hmmp… Magpustahan pa tayong tatlo, sa akin pa din ang huling halakhak dahil ako ang magiging jowa ni Rukawa kahit grumaduate pa tayo sa High School." The long-haired maiden was too confident in her own words at malabo pang malunok niya iyon lahat sa mga oras na iyon.
It was also unexpected sa part ng mga cheerleaders ni Rukawa ang balitang magkakasama silang lahat sa iisang section kasama ang kanilang ultimate crush sa basketball team kaya naman ay hindi nila maiwasang hindi mainis sa kasama ni Rukawa habang papunta silang dalawa sa kanilang classroom.
"Hey mamshies! Do you see something fishy outside?!" The pig-tailed girl was so irritated that she wondered why Haruko and Rukawa were making such a nostalgic scene for a fangirl's daydream.
"Yes but why with her? Ang landi talaga ng Haruko na iyan para ipabuhat kay Rukawa ang mga libro niyang iyan. Such an irresponsible witch!!!" nababanas na sabi ng long-haired bitch habang papalapit sina Haruko at Rukawa sa pintuan ng kanilang classroom.
"Andyan na pala kayo Rukawa!" Pagbati ni Mito sa kakarating lang na mga estudyante while Sakuragi cannot process what just happened between her and Rukawa.
"Kamusta kayo, Mito? Ang saya naman na magkakaklase pala tayo ni Sakuragi." Ngiting bati ni Haruko sa kanya.
"Oh no! Not with this kind of crowd, please!!!" dismayadong saad ni Rukawa sa kanyang isip nang makita niyang magkakasama sa iisang classroom ang mga mediocre sa paningin niya at ang gunggong na may pulang buhok.
"RUKAWA??!!!" Bulyaw ni Sakuragi na napatayo sa kanyang kinauupuan dahil sa nakakagulat niyang nasaksihan.