Their classes have not even started yet ngunit sa dinami-rami ng sections sa Shohoku High School na umabot na sa sukdulan ay naisipan pang paghaluin randomly ang kanilang mga estudyante without any basis. Grades man or popularity ang labanan, hindi na nakaisip si Sakuragi ng dahilan para lang mahiwalay ang isang Kaede Rukawa sa kanyang radar. The tensai kiddo just needs to confront and deal with his quote-unquote rival from literally everything.
Nasa kawalan pa din ang pag-iisip ni Hanamichi nang gatungan siya ng mga kaibigan niya tungkol sa crush niyang si Haruko ng almost three straight years in high school. "No chances of winning ka pa din ata brad. Sa nakikita ng mata ko parang nagkakamabutihan na silang dalawa ni Rukawa at ni Haruko, your loves." nang-aasar na komento ni Noma na naghihimas-rehas pa sa kanyang bigote.
"Hay nako! Kailan ka ba magigising sa reyalidad Hanamichi? Kaibigan lang ang turing niya sa iyo." Nang-aasar na tanong ni Ohkusu habang nagpipigil ng tawa sa laki ng bunganga na ibinuka ng kaibigan niya.
"Magsitigil nga kayo. Hindi naman kayo nakakatulong eh!" Galit na saad ni Sakuragi sa mga kaibigan niya.
"Kaya nga at saka paano ba kayo nakakasigurado dyan Ohkusu kung hindi pa umaamin ang kaibigan natin kay Haruko." sabat ni Mito pagtalikod niya sa kanyang upuan and his revelation indeed gathered some unnecessary fuss at the back row.
Isshi suddenly heard their conversation and asked the tensai about this absurd question. "Uy seryoso ba Sakuragi? Na crush mo si Haruko?" Sa sobrang inis ni Hanamichi ay pwersado niyang tinikom ang bibig ni Isshi na kasama din nila Rukawa sa basketball team.
"Oo kaya manahimik muna kayong tatlo at huwag na kayong dumagdag sa sisira ng diskarte ko, maliwanag ba?" Binlackmail agad sila ni Sakuragi ng kanyang intimidating aura para lang panindigan ang pinupunto niya.
At that moment, Rukawa tried his best para hindi mapansin ang kanyang condescending reaction towards Sakuragi as he remained poker face while talking to his classmate. "Saan mo nga pala gustong umupo?" biglang tanong ni Rukawa kay Haruko.
That second almost felt like a bliss nang bumulong si Haruko ng wala sa kanyang sarili. "Pwede bang sa hita mo na lang?!" It came out of nowhere sa thoughts ng dalaga as she blushed red like tomato at hindi maikubli ang inis ng mga cheering squad ni Rukawa about Haruko's response.
"WHAT?! ARE YOU SERIOUSLY, SERIOUS?" Bulalas ni short-haired girl sa binulong ni Haruko at napukaw nito ang atensyon ng buong klase.
"Shocks! Bakit ko ba nasabi iyon?! Ang rupok mo talaga self." Bulong ni Haruko sa kanyang sarili at wala ng mukhang ihaharap kay Rukawa kaya agad niyang tinakpan ang mukha niya dahil sa sobrang kahihiyan.
"Miss, kung dito ang classroom mo, pwede mo namang hinaan ang boses mo. Sagabal ka sa daanan namin kung alam mo lang." harap-harapang saad ni Rukawa sa kanyang kaklaseng.
Although it was too late, her other two friends were still finding excuses for the uncivilized behavior of the maiden. "Hi Rukawa. Pagpasensyahan mo na ang friend namin. Kinulang kasi siya sa bebetime dahil matampuhin at wala siya nun in real life. I am Char by the way para mas madaling matandaan and that pig-tailed hair na girlalu is Bridgette na tunog midget." saad ng dalaga na may mahabang buhok.
"Wow thanks hah sa paintroduction. Kala mo naman ang talino pero nangongopya ka lang naman ng sagot sa akin, bruha." Resbak ni Bridgette kay Char habang nakatakip pa din ang bibig ng kaibigan nila na nagpupumiglas.
"Naku, sorry nga pala sa inasal ng Arisa na ito sa inyo ni Haruko. Masyadong feeling main character ang peg." palusot muli ni Bridgette kay Rukawa.
"Ughm…" Lumingon-lingon sa Rukawa sa kanyang magkabilang gilid. "Pakihanap nga dito kung nasaan ang pake ko?!" ani Rukawa sa kanila and the three bitches were too stunned to speak that's why hindi din mapigilan ni Haruko na matawa sa reaksyon ng mga nambubully sa kanya in terms of Rukawa's attention.
"Nakikisawsaw pa kasi sa usapan ng may usapan. Oh ayan, dasurv." Napangiti na lang si Haruko habang bumubulong sa kanyang isip kaya walang magawa ang tatlong bitches kung hindi ang umatras sa laban.
"Myghash! He is too savage." Arisa said nang makawala siya sa pagkakahawak ni Bridgette sa bibig niya.
"Kaya nga natin siya minamata dahil we want his love and attention for me eh." ani Char sa mahinang kokote diumano ng kanyang mga barkada.
"Ang kupal masyado at ang kapal ng face mo teh. Maghilamos ka nga later nang magising ang diwa mo gaga." inis na turan ni Bridgette kay Char.
"Ano kasi ang sinasabi mo kanina?" Rukawa asked Haruko again and this time ay nasa tamang katinuan na ang lahat maging ang disposisyon ng dalaga para sa kanyang buhay at kahihiyan.
"Ah… ang ibig kong sabihin, sa third row. Kahit sa third row na lang ako umupo, Rukawa." Paglilinaw ni Haruko sa katabi niyang binata as he silently walked to his designated seat for her. Inusog ni Rukawa ang upuan para kay Haruko nang magkaroon siya ng espasyo para makaupo dito.
"Dito ka na para nakikita mo ang sulat ng mga teacher kapag nagdiscuss na sila." saad ni Rukawa nang ilapag niya ang mga libro ni Haruko malapit sa aisle ng classroom.
"Salamat…" Ngumiti si Haruko sa love language na pinaparamdam sa kanya ni Rukawa nang umupo na siya sa kanyang silya. Hindi na din hinintay ni Rukawa ang kanyang pasasalamat kaya umupo na din ang binata sa last row na so far away to reach ni Hanamichi.
Bridgette suddenly ruined Haruko's day besides her desk pagkaalis ni Rukawa sa kanilang space. "Akala mo ba palalampasin na lang namin iyang kaharutan mo kay Rukawa, pwes dyan ka nagkakamali." babalang saad nito sa pinaparinggan niya.
Haruko already expected such scandalous scenes to happen in their class with the members of Rukawa's brigade. As annoyed as she was, hindi na nanahimik pa si Haruko sa kadramahan ni Bridgette sa harap niya. "So what? Sasaktan niyo ako ng mga barkada mo? Bakit teh… Sino ba kayo para kausapin niyo ako ng ganyan?" ani Haruko at saka na lang niya pinagpatuloy na ayusin ang kanyang mga gamit sa kanyang table.
Samantala ay hindi na mapakali si Sakuragi sa mga nangyayari. Nakita niyang inaaway na naman si Haruko ng isa sa mga babaeng nagpapakabaliw para lang mapansin ni Rukawa kaya naman bigla siyang napasugod sa pwesto ni Rukawa to make everything clear.
"Teka lang. Kumalma ka saglit Hanamichi." Kabado bente si Mito dahil hindi niya alam ang maaaring gawin ni Hanamichi at baka mapaaway silang bigla sa unang araw ng klase.
"Nako po… This can't be real!" Napakomento si Takamiya sa tabi ni Haruko kaya napatakbo siya sa last row kung nasaan sila and moments later ay nakapalibot na silang limang magbabarkada sa lamesa ni Rukawa.
"Hanamichi, kung ano man ang binabalak mo, huwag mong ituloy." Paalala ni Ohkusu sa kaibigan niyang nag-aalburoto na sa selos kahit walang karapatan.
"Oo nga brad. May itinama din sa wakas ang pareng Ohkusu na ito." sabat naman ni Noma na ikinainis ng barkada niya. Meanwhile, their classmates such as Sasaoka and the others checked outside kung papunta na ang kanilang guro sa kanilang classroom.
"Hoy lalaki! Magkalinawan nga tayo. Ano ba si Haruko sa buhay mo?!" Pag-uusisang tanong ni Hanamichi kay Rukawa at hindi rin maiwasan ni Haruko na makinig sa usapan nila.
Nakaupo na si Rukawa sa kanyang silya, yawning in their face since he is ready to sleep in his comfy place as usual, nang palibutan siya ng galit ni Hanamichi due to his overthinking and insecurities. "Kaklase ko siya ngayong school year na ito at malamang, siya pa din ang team manager sa basketball team." Rukawa stated as a matter of fact ngunit hindi kumbinsido si Sakuragi sa tono ng pananalita ni Rukawa kung kaya't bigla niya itong kinuwelyuhan sa harap nilang lahat.
"Sigurado ka bang walang kahit anong label sa inyo na hindi namin alam? Magsabi ka ng totoo!!!" Seryosong tanong ni Sakuragi at natigil lang ang tensyon nang padating na sa classroom ang kanilang adviser at ang una nilang subject teacher.
"Tsk… Hindi ko kailangang ipaliwanag sa iyo ang sarili ko kaya bitawan mo nga ako gunggong!" nababanas na sabi ni Rukawa nang pakawalan niya ang kanyang sarili sa maruming kamay kuno ni Hanamichi. Rukawa shoved the guy away from his face and the red haired tensai was full of rage now as of the moment.
"Boys at the back. Ang aga niyo namang nag-aaway dyan. Gusto niyo bang maguidance kayo agad sa unang araw pa lang ng klase?" pagbabantang saad ni Ma'am Wakano na kakarating lang sa kanilang klase.
"Hindi po." tipid na sagot ni Takamiya at naupo na lang sila sa kanyang sariling pwesto habang si Hanamichi naman ay padabog na bumalik sa kanyang kinauupuan kanina.
"Hmmp… Ang ineexpect ko kasi eh third year students na ang mga kausap ko sa classroom na ito. Nagkamali ba ako ng pinasukang klase? I hope not." nagpaparinig ang madam sa kanyang mga estudyante. With some bare minimum reference materials that she has right now ay hindi inakala ng mga estudyante na masyado siyang strikto para sa mga gaya nilang gagraduate na sa high school.
Students have settled down already to their seats nang mapansin ni Ma'am Wakano ang mga bakanteng upuan sa harapan niya. "May hinihintay pa ba tayo?" tanong ni Ma'am Wakano sa mga estudyante habang nakadungaw siya sa kanyang wristwatch. "Oras na… Masyado naman silang paVIP." dagdag pa nitong komento sa mga vacant seats na napansin niya sa kanyang harapan and after fifteen minutes ay nagpakita na sa pinto ng kanilang classroom ang mga latecomers.
Bigla nalang binuksan ang pinto ng isa sa kanila sa labas. "Hays! Sorry po… we're late." pagbati ni Matsui na kakarating lang sa unang klase nila with their adviser.
"Oh Hello there! Saan kayo naglakwatsa mga ate?" Ma'am Wakano asked them with an irritated look on her face.
"Nanggaling po kami sa bahay po namin, obviously, pero nakakapagod ngang akyatin ang fourth floor lalo pa't malelate na… hay nako…" Nairaos naman ni Fujii kahit papano ang kanyang paliwanag kahit medyo magulo na ang kanyang buhok at tila hihikain na sa pagkakataong iyon.
"Okay settle down na pero sa susunod, huwag na kayong pumasok kung malelate lang din naman kayo." naiinis na sabi ni Ma'am Wakano sa kanilang dalawa.
"Sorry po ulit." Bulong nilang dalawa at pinapasok naman sila sa klase matapos nun.
"Oh well, Good Morning sa inyo class. I am Ms. Wakano Hirawa who graduated with a Bachelor's degree in Secondary Education at Tokyo University. My major is about science kaya huwag na kayong magtaka kung bakit ako naassign na magturo ng subject na ito sa inyo. I might be considered as a fresh college grad but I highly encourage your cooperation and participation sa discussions natin. Malinaw ba ang kasunduan natin class para hindi nasasayang ang laway ninyo sa kakasalita pero wala namang kabuluhan ang sinasabi?" agad nitong pagpapakilala sa kanyang mga estudyante.
"Yes ma,'am." tugon ng buong klase at nagkapalagayan na ang dalawang panig matapos ang ilang segundo.
"Hindi niyo lang ako basta subject teacher ninyo. I am also your adviser kaya kung may concerns kayo regarding sa ibang teachers niyo or kahit sa mga classmates niyo ay don't hesitate to talk to me kahit madalas akong tinotoyo sa sama ng loob dahil sa stress ng workloads natin." prangkahang saad pa ni Ma'am Wakano into their faces.
"Okay po." said by the unanimous students of hers.
"Regarding sa ating class rules, gusto ko lang kayo maging mabuting estudyante. Do your best para pumasa sa subjects ninyo at alam niyo na kung ano ang tama sa maling gawain. Mahigpit ako sa deadlines kaya kung magpapaextend man kayo, please lang na siguraduhin niyong makakapagpasa kayo ng mga requirements niyo on time. Ayoko din ng mema… may maipasa lang para matapos ang activity at may masabi lang na walang kabuluhan towards other people. Kung bumagsak man kayo sa subject na ito, which is hindi na din naman bago sa inyong mga students, nagpaparemedial exams pa din naman ako para makabawi kayo sa grades. Goods ba tayo dito?" dagdag paalala ni ma'am Wakano as they only give her a silent treatment kahit may pailan-ilan pang tumango as their agreed response to her reminders.
There are 5 rows and 6 columns of seats that were arranged inside their classroom, at occupied ang lahat ng ito which makes them a total of 30 students in section C. "Few reminders also sa klase ko. Of course hindi mawawala ang laboratory works sa subject natin that's why I need you to do a head count from one to five. Starting with you nak para may group na kayo at makapagstart na din sana tayo officially next meeting sa discussions natin." ani Ma'am Wakano sabay turo nito kay Rukawa.
"1… 2… 3… 4… 5… 1…" Up until the last count ay hindi na talaga natutuwa si Sakuragi sa takbo ng kanyang tadhana kaya naglakas loob na ang binata na magreklamo na sa kanyang guro.
"Ma'am… pinagtitripan mo ba ako? Bakit kasama ko ang mayabang na ito sa grupo? Gusto kong magpalipat sa iba." inis na turan ni Sakuragi na halos magwala na sa sama ng loob.
"Of course not. It's just mataas lang ang probability of chances na magkakasama kayo ni Rukawa sa isang group. This is valid hanggang matapos ang school year na ito kaya kahit sa'yo pa nak mag-umpisa ang bilang, hindi pa din nito mababago ang resulta." paliwanag naman ni Ma'am Wakano kay Hanamichi.
"Dibale Sakuragi, kasama niyo naman si Haruko sa grupo kaya huwag ka mag-alala." sabi naman ni Matsui which made the red head feel motivated.
"Ganun ba? Osige hindi na pala ako magpapalipat ma'am. Basta kasama ko si Haruko my loves, I will always do my best! NYAHAHAHAHAHAHA…" Bulyaw ni Sakuragi at the top of his lungs at nasiyahan naman siya sa naging kinalabasan ng pagkakahati nilang magkakaklase sa kada grupo.
"Hmmp… bahala kayo dyan." bulong ni Rukawa sa kanyang sarili at saka siya napahinga ng malalim.