Habang silently walking si Kris sa labas ng Ospital nang may mga nakakalokang pulis na humabol sakanya.
"OEMGHI WAT IS THE MEANING OF THIS!?" pa yassified na sigaw ni Kris habang tumatakbo na parang isang anime girl sa isang beach scene. Tumalikod si Kris at nakita niya na may limang guard na humahabol sakanya. Laking thank ni Kris kay Lord na tatlo sa guard ay mataba like obese fat dumbo levels kaya habang tumatakbo ay tumatawa si Kris na parang isang TV host na pinipilit ang tawa matapos magbitaw ng corny joke ang ini-initerview niya.
Laking gulat ni Kris sa once again na pag look niya sa likod at gumamit ng special power ang tatlong jumbo na guards.
- BOWLING BALL ACTIVATE! -
Nagtransform ang body ng tatlong guards sa isang malaking bowling ball kaya imbes na tumakbo sila ay nagpagulong-gulong at nagpaikot-ikot nalang sila gaya ng ginawa ng ex mo nung pinagpalit ka niya sa taong mukhang tampal puke na isda.
Na-shooketh si Kris kasi it's not very humanly na mangyare ang stuff na ganyan pati narin kung bakit siya nagkaroon ng very yassified na power. Natandaan niya na binigyan pala siyang power ng Queen of all Queens kaya nilabas niya ulit ang feng shui bagua at hoping na mailigtas ang sarili sa current situation ay malakas niyang sinabing...
"DING ANG BATO!"
Bigla nalamang nag darken ang color of the sky ay sa gitna, ang mata ng bagyo, ay tinusok niya ng lapis kaya biglang may nahulog na malaking bato at pinisat ang tatlong guards.
Pero di pa sya nagtatapos dahil may dalawa pang guard ang isa naman na guard ay si John Wick del Pikpik. Siya ay notorious na magaling na guard pero no match siya kay Kris na isang yassified queen kaya gamit ang feng shui bagua ay nag cast siya ng hypnosis spell dun pa sa natitirang guard. Ang di niya alam ang guard na nabigyan niya ng hypnosis effect ay si Cardo na may - Immortality Stigma -.
Under her spell pinaglaban niya sina John Wick del Pikpik at Cardo Daleesay at so intense ang paglalaban nila ng swords na pinagpawisan sila at maririnig ang ungol ng dalawang pagod na lalaki na mag laban kaya ang ending gamit ang makapangyarihan na feng shui bagua ni Kris ay hinigop niya nalang ang dalawa.
Sa paghigop niya sa dalawa ay nakakuha siya ng - Mana - ang mana ang tawag sa elementong essence spirit na kailangan mo upang gumamit ng magical items. Sa kalagayan ni Kris ay nakuha siya ng +25 mana mula sa nahigop niyang guards.
Akala ni Kris finish na.
Tapos na.
Pero girlie wag mag expect! Wg mag assume! Gyan nagsisimula mga issue eh, eme.
Lumabas mula sa foggy usok ang imahe ng isang lalaki na papalapit sakanya. Akala ni Kris tapos na pero magsisimula palang dahil lumabas na nga ang Final Boss ng starting Arc na ito na si Mr. Himopen, ang kapatid ng kahera na binungal niya ng cupcakes.
Ano na kaya mangyayare kay Kris? Is Kris gonna Kris Kross? Malalaman yan sa susunod na kabanata ng yassified nobel na ito.