Raiza Constellation?
...
Laking ginhawa kay Krissy na nilagtas siya sa sandaling aatakihin na siya ni Andrea. Matapos maglaho ang alikabok sa paligid mas luminaw sa paningin ni Krissy na nagkakamali siya sa nakitang pamilyar na mukha. Hindi pala ito si Raiza Constellation dahil ang anino ng babae ay magpagkaliit, naka face mask, at halatang habulin ng mga negrito na red flag na mahilig mang gaslight at magmaneho ng walang lisensya.
Ngunit bago tuluyan luminaw ang mukha ng babae at isipin kung sino ito ay na stumble upon si Krissy dahil masyadong oddly specific yung last description nya sa babae kaya unti-unting bumabalik sa kanyang memorya ang dating mga pangyayare at naiibsan ang kanyang amnesia. Kaya't hinawakan niya ang kanyang ulo gamit ang kanyang dalawang kamay sideways habang naka U shape ang mga ito at inikot-ikot ng ulo habang nakaluhod at biglang tumutugtog mula sa kapitbahay ang mga katagang
Sino ang ang pipiliin ko ikaw na pangrap ko o siya bang kumakatok sa puso ko o ano ano ang kikilalanin ko isipan ba o puso ko dahil litong-litong lito lito lito lito lapid
Sinapak ng malakas ni Andrea si Krissy dahil nagawa pa nitong mag-emote kung saan may kalaban siya sa kanyang harap. Diba ang shunga deseve yun ni Krissy dahil sa mundong to pro ml player ang masamang kapitbahay na si Andrea at hindi sabog kung kaya't nakakapag isip ito ng maayos.
Nilipad si Krissy at sumalpak sa bubong ng kapitbahay ngunit lumabas ang mga tao sa loob ng bahay na dala dala ang krus at mga bawang dahil akala nila may tiktik sa bubong nila. Ngunit ang nakakabahala ay umaga nangyari ang paglalabanan nina Krissy at Andrea kaya't hindi justified ang actions nila kaya pinapunta sila sa guidance office ng Home Owners Association at binigyan sila toyo at patis para di naman sila mag mukhang tanga at upang gumawa ng adobo for the donation drive. Pero going back, laking gulat ni Krissy sa lakas ni Evil Queen Tigress of the North na si Andrea dahil sa lakas nito.
No, it can be. Ay wait "No it can't be*" pala kasi baka magalit si Raiza Constellation.
Sabi ni Krissy sakanyang sarili nang biglang lumanding si Andrea sakanyang harapan with a fierce pose at yumanig ang buong assosayon ng subdibisyon. Handa na atakihin ng masamang kapitbahay si Krissy gamit ang matulis nitong baba nang biglang nahiwa ito sa kalahati kaya hindi na siya baba kundi ba nalang.
Niligtas muli ng babaeng anino si Krissy ngunit sa pagkakataon na ito ay klaro na sakanyang alaala kung sino ang ginang.
The height? Check.
The facemask? Check.
The chihuahuaness in her blood? Check.
Ang babae pala na ito ay walang iba kundi si Iya Suanegga, ang dating alagang aso ni Krissy na may lahing American Hairless Terier, Bulldog, at Bullmastiff o mas kilala bilang Hairless Bullbull.
I-i-iYA? (in Maja Salvation keratin voice)
Tumingin ang ulo ni Iya sa likod habang ang katawan nito nasa harap so imagining niyo nalang at tinanggal nito ang kanyang facemask at tinaas ang jawline at tumingin sa amo nito na may halong pait at galit ngunit nangingibabaw parin sa kanya ang awa at pagmamahal (HALUH?).
Ngunit bago pa man ito makapagsalita ay pinakawalan ni Andrea ang isang spell kung saan tinatawag niya ang kayang makapangyarihan na ninuno ng Tigre ng Norte. Si Sarah G.
Nanlisik ang mga mata ni Iya habang hindi pa tuluyan pumapasok sa isipan ni Krissy ang mga pangyayari. Dali-daling tumakbo si Iya sa kinaroroonan ni Andrea habang patuloy na isinasagawa ang ritual.
Ngunit huli na ang lahat dahil...
MAC-KENZY MAC-KENZY DUG-DOG DU-RE-MI (2×)
Nangitim ang kaulapan tulad ng mantsa na nasa panty ng masamang kapitbahay, gumawa ang ulap ng isang malaking bilog na tila mata ng isang bagyo at may papaibaba na isang nilalang na mistulang Tigre.
HAHAHA! SA WAKAS! SA WAKAS! Malaking pagdiriwang ni Andrea. Habang sa kabilang banda nagtatanong si Krissy kung saan sa Waze ang WAKAS.
Isang tinig ang bumasag sa dati nang nasisirang kapitbahayan ni Krissy.
HELLO PHILIPPINES AND HELLO WORLD. SABAY SABAY TAYO!
...
Hello Philippines and hello world nga ba talaga ito? O paalam na Pilipinas at paalam na sa mundo?