Chereads / Chained In Chaos / Chapter 2 - Prologue

Chapter 2 - Prologue

THE WHISPERING UNKOWN LADY

"Sathy?" dumapo saakin ang malamig na tingin ng terror magic teacher namin na si Mrs. Bhates.

Si Mrs. Bhates ang adviser namin ngayong school year. Dalawang taon pa kasi bago kami makamove sa next grade level at paiba-iba ang mga adviser kada year.

Kalbaryo para sa ibang mga estudyante ang pag-aaral. Biruin mo, dalawang taon pa bago mag-end ang grade level na ito at may posibility pa na hindi kami mapromote sa next level.

Ngunit sa case ko, hindi ako nahihirapan sa pag-aaral. Palagi kasi akong outstanding at ako ang isinasali at pambato ng mga teachers sa mga contest lalong-lalo na sa science.

Maganda naman ang performance ko sa academic pero hindi masyado sa magic. Utak lang kasi ang puhonan ko tsaka infact, hindi pa naman talaga lumalabas ang kapangyarihan ko dahil wala pa ako sa legal age.

Kung tutuusin nga mas dehado ako sa mga classmates ko dahil ako ang pibakabata sa room at ako pa lang ang walang kapangyarihan.

"Present ma'am!" masiglang pagtugon ko.

Akala ko tatawag na ulit sya ng ibang estudyante ngunit taliwas sa aking inaakala ay nanatili pa rin ang malamig nyang tingin sa aking mga mata.

Tumaas ang balahibo ko sa takot.

Kinikilabutan ako sa klase ng tingin nya sa akin. Dahan-dahang bumukas ang kanyang labi kaya nanginginig sa takot akong naghintay kung ano ang sasabihin nya.

Ano ba ang ginawa kong mali? Wala naman akong maalalang nilabag na rules. Hindi naman ako late at wala din akong lacking outputs.

Subalit lumipas ang ilang segundo wala pa din syang kahit na isang salitang binigkas ngunit nanatiling naka-awang ang kanyang mga labi.

Sa tingin ko may gusto syang sabihin pero hindi nya makayang bigkasin.

Ilang minutong nanatili ang tensyon na syang sinasabayan ng nakakabinging katahimikan na naghahari sa apat na sulok ng silid-aralan.

Napawi lamang ang nabubuong tensyon ng marinig namin syang nagsalita ulit na parang walang nangyari.

What's wrong with Mrs. Bhates? Parang iba ang awra ng ngayon. Siguro may problema sya kaya lang hindi nya kayang sabihin sa akin at inililihim nalang ito.

Pakiramdam ko may nangyayari sa kanya na hindi ko alam. May itinatago ba sya sa akin?

"Arianna?" kaswal nyang saad habang nakatitig sa kanyang class record na nakalapag sa kanyang lamesa.

Nagchecheck kasi sya ng attendance bago magsimula ang klase kada umaga. Wala kasi syang tiwala sa secretary namin. Ako lang ang pinagkakatiwalaan nya dahil maliban sa ako ang class president, close din kami sa isa't-isa at kilalang-kilala na nya ako.

Bawat galaw ko kabisado na nya.

"Present ma'am" matinis na saad ni Ari habang hawak ang kanyang ginintuang salamin at lipstick.

Wala namang nagbago sa kanya, maarte pa rin. Kalahi kasi sya ng deity na si Aphrodite. Ang goddess of love and beauty.

Karamihan sa mga estudyande dito sa Chaos Academy ay mga decendant ng mga deities or gods and goddessess.

Ang iba naman ay mga anak ng mga mortal ngunit may mga kapangyarihan.

Tinatawag silang mga peculiar. Mortal sila ngunit biniyayaan ng kakayahang hindi pangkaraniwan.

Habang ako naman, hindi ko alam kung ano at sino ako dahil wala namang mga magulang na nagpalaki at nag-alaga sa akin.

Wala akong kakilala sa buong city na ito. Basta ang alam ko lang ay ako si Sathia at wala na akong ibang maalala maliban don.

Minsan nga nagtataka ako kung bakit wala akong maalala kahit ano paggising ko. Hindi naman ako tanga para hindi mapagtanto na naamesia ako pero may possibility din kasi na ginamitan ako ng magic para mawala ang ala-ala ko.

Nakakaingit lang dahil tuwing closing ng school year may parents lahat ng mga kaklase ko na sasabit sa medals nila. Nasa gilid lang ako palagi habang tinitignan na sabitan sila.

Kahit na ako palagi ang top one kada school year namin hindi pa din ako nakakaramdam ng saya. Iniisip ko na ang malas ko dahil wala akong mga magulang.

Alam ko na wala akong mga magulang dahil kung meron man edi sana hinanap na nila ako diba? Pero wala man lang naghanap sa akin. Paggising ko walang nanay o kamag-anak ang nasa tabi ko sa ilalim ng maalinsangang gabing iyon.

Tuwing closing ng school year tanging si Ma'am Bhates lang ang sumasabit sa medals ko. Ngunit kahit na ganon ang kalagayan ko nagpapasalamat parin ako dahil may Mrs. Bhates na iniintindi at inaalagaan nya ako na parang totoong anak.

Hindi naman natin maipagkakaila na mas masarap pa din sa pakiramdam na tunay na ina o ama ang nag-aalaga sayo. Kaso nga lang wala akong choice.

Nang dahil sa mga taong nanging dahilan ng pagkawala ng mga ala-ala ko naging miserable ang buhay ko. Paano ko nalaman na hindi aksedente ang nangyari sa akin?

Simple lang dahil paggising ko sa gitna ng madilim na gubat na iyon, may busal pa ako sa bibig at may tali pa ako sa kamay at paa.

May malaking sugat din ako sa nuo at leeg na hanggang ngayon ay nananatiling peklat sa balat ko.

Mas umusbong pa ang galit ko sa mga taong yon nang balikan ko ang mga ala-alang iyon.

Sisiguraduhin ko na magbabayad sila sa ginawa nila sa akin. Hindi nila alam kong gaano kahirap ang mamuhay ng mag-isa habang dala-dala mo ang inggit sa mga kaklase mo na kasama ang mga magulang nila.

----------

Sikreto lang ang relationship namin ni Mrs. Bhates dahil agains the law na mag-adopt ang isang teacher ng isang students dahil baka daw pag-ugatan ito ng pagiging bias ng teacher which is masasabi kong hindi magagawa ni Mrs. Bhates.

Mahal na mahal nya ang pagtuturo at nagtuturo na sya kahit noong hindi pa nya ako kilala kaya naman masasabi ko na first love nya ang pagtuturo at mahal na mahal nya ang trabaho nya kaya hindi nya kayang dayain ang trabaho nya.

Kaya napakalaki ng respeto ko sa kanya. Isa syang bayani sa buhay ko. Kung wala sya siguro wala na rin ako at siguro matagal ko nang kinitil ang buhay ko dahil sa matinding lungkot.

Sya ang nagsilbing bangka noong unti-unti na akong nalulunod. Sya ang nagsilbing payong noong unti-unti na akong nababasa sa napakalakas na ulan.

Sya ang tumulong sa akin na bumangon ulit. Pinatuloy nya ako sa bahay nya at pinag-aral sa eskwelahang ito. Hindi ko nga akalain na may mahika nga talagang nageexist sa mundo.

I mean, hindi sa mundo ng mga tao kundi sa mundo ng mahika ang Chaos World na syang pinamumunuan ng council....

"Next, Sathy"

Well speaking of council sigurado ako na may mas malalim pa silang dahilan kung bakit nila ipinagbabawal ang adoption between teacher and stundents.

Napakarami din ng batas na ipinasusunod nila at lahat yon ay hindi makatarungan. Gaya na lamang ng death march kung saan legal ang pumatay.

"Shathy?"

Sinisiguro ko na malalaman ko kung ano ang itinatatago ng council at desidido ako na pabagsakin sila.

Simula una pa lang alam ko na taliwas sa ipinapakita na kabaitan ng council ang tunay nilang kulay. Mapagpanggap sila at nagbabalat-kayo lang.

"Sathy!"

May kutob ako na may kinalaman ito sa aking tunay na pagkatao. May kinalaman sila sa pagkawala ng memorya ko. Malakas ang kutob ko.

"SATHY!"

Nabalik ako sa huwisyo ng marahas akong kinalabit ni Ma'am Bhates. Galit ang ekspreyon ng kanyang mga mukha.

Well, yon ang ipinapakita nya sa mga kaklase ko pero iba ang nakikita ko. Dahil ang nakikita ko ay...

Pag-aalala at pagkabahala....

"Sorry ma'am, may iniisip lang" saad ko at umiwas ng tingin.

Nawala tuloy ang fucos ko sa discussion kakaisip sa council na yan.

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak nya sa aking braso hanggang sa tuluyan na nya itong bitawan.

"Now, pumunta ka sa harap" kaswal nyang utos.

Kaagad akong kumilos at sinunod ang kanyang sinabi. May performance task kasi sa magic subject namin ngayon.

Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin sa mga kaklase kong nakatingin din sa akin.

Sila yong tipong tahimik lang at walang imik. Hindi gaya sa ibang section na puro kabaliwan at asaran lang ang nangingimbabaw.

Sa tuwing nakatingin sila sa akin hindi ko maiwasang hindi maging komportable. Iba kasi ang datingan ng tingin nila. Parang may ipinapahiwatig....

Nakakatakot....

"Sathy, close your eyes..." walang emosyon at mahinhin na utos ni Ma'am Bhates.

Parang nilamon ng tinig nya ang buo kong kamalayan at diwa. Wala na akong ibang makita kundi ang mga mata nyang nakatitig sa mga mata ko.

Wala na akong ibang marinig kundi ang paghinga nya. Nasa kanya lamang ang atensyon ko.

Nakakahipnotismo.....

"Close your eyes Shathy....."

Bumigat ang aking mga talukip ngunit pilit ko itong nilalabanan.

Hindi ako komportable na mawalan ng kamalayan hagga't alam ko na nasa paligid ko lang ang mga kaklase ko. Ayaw kong mawalan ng kontrol sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko ngayon, dahil sa nararamdaman kong

panganib...

Hindi ko nakayanan at tuluyan nang pumikit ang aking mga mata ngunit hindi ang aking diwa. Dahil buhay na buhay ang diwa ko. Para bang binalot lang ang makapangyarihang kaluluwa ko ng mahinang katawang lupa.

Strong but weak...

"You are sleepy Sathy....you want to sleep. Take a nap honey. Rest...." malumanay at malambing na tinig ang bumubulong sa aking mga tainga.

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Ang nakakapagtaka, gusto kong matulog. Pagod ako gaya ng ibinulong nya. Ngunit hindi pa ito nagawa ni Mrs. Bhates. Hindi pa tumalab ng ganito kalalala ang kapangyarihan nya sa akin.

Dumaan ang ilang segundo at bawat paglatak ng orasan ay syang dahan-dahang pagkawala ng aking kamalayan...

Sinubukan ko itong labanan ngunit hindi ko kaya ang sensayson na hatid nito.

Nakakahipnotismo ng kanyang mga utos at napakalumanay ng kanyang boses ...

"Sathy!!!!!" napabalikwas ako sa napakalakas na sigaw ng mga kaklase ko at ni Mrs. Bhates.

Otomatikong bumuka ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mga kaklase ko na pinagigitnaan ni Mrs. Bhates habang magkahawak ang mga kamay.

Oh no! Ginagawa nila ang Aktibong Ritwal. Mapanganib pa naman ang ritwal na iyon.

Halos lahat ng mga hindi makaaford sa bayad ng laboratory namain ay ginagawa ang ritwal na iyon para mailigtas ang mga mahal nila sa buhay kahit na wala silang perang maibabayad pero karamihan sa kanila ay namamatay dahil malaking enerhiya ang kinakailangan ng ritwal na iyan.

Hindi ko lubos akalain na sa kabila ng mga nagyayari ngayon sa amin ay nananatili paring kalmado at walang kabuhay buhay ang mga kaklase ko.

Para lang silang mga robot na pinrogram at binihisan bilang mga estudyante. Walang emosyon at napakatuwid tumayo at umupo.

"Sathy, are you okay? Kanina pa natapos ang pinapagawa ko sayo kaya i told you to stop but you didn't listen! It looks like wala kang kahit na anong marinig" hindi na mapigilan ni Mrs. Bhates ang halo-halong emosyon na nadarama at kaagad akong inambahan ng yakap.

I'm confused.

Kung kanina pa natapos ang activity ko, then why she keeps hipnotizing me and commanding me to sleep?

Bumitaw sya sa mahigpit nyang pagkakayakap saakin at hinawakan ang mukha ko.

"Mrs. Bhates? Diba sabi mo kanina pa natapos ang performance ko? Then bakit patuloy nyo pa rin akong hinihipnotismo?" litong-litong tanong ko.

Kaagad na kumunot ang kanyang nuo na para bang naguguluhan.

"What do you mean Sathy? I only said close your eyes. Wala na akong ibang maalalang inutos ko sayo. Pagkatapos non nawala ka na sa huwisyo" nagtatakang tanong nya habang hawak-hawak pa rin ang mukha ko.

Bumigat ang aking paghinga.

I-ibig sabihin, hindi sya yon? Kung hindi sya yon edi sino?

Tumayo ang aking mga balahibo sa biglaang pag-ihip ng malamig na hangin na dumampi sa aking balat.

Nakakakilabot....

"W-wala Mrs. Bhates, ano po palang gagawin natin ngayon?" pag-iba ko sa usapan.

Hindi naman sa ayaw kong ipaalam sa kanya. Ayaw ko lang talaga idiscuss ang ganitong mga bagay na nangyayari sa buhay ko kapag merong ibang tao sa paligid ko.

"For now wala na muna tayong gagawin since first day of class naman. Alam ko din na pagod kayong lahat dahil sa ginawa nating ritual. So i'll annouce to your subject teachers na hindi na muna kayo papasok ngayon" mahabang lintaya nya.

Subalit hindi gaya ng ibang mga estudyante, hindi man lang nagpakita ng bakas ng saya ang mga classmate ko. Kung sa ibang section pa to kanina pa siguro nagtatalunan sa saya ang mga estudyante dahil sa galak.

"Anyway, thank you for participating the ritual guys. That's all, you can go back to your respective dorms right now. Class dismiss" saad ni Mrs. Bhates kaya kaagad kong isinukbit ang aking bag at nagmamadaling tumakbo papunta sa dorm ko.

Hindi ko na naggawang magpaalam pa sa kanya dahil sa takot. May ibang nilalang sa room namin. At ang hinala ko matagal na syang nananatili doon.

Matagal ko na kasi syang naririnig at nararamdaman. Hindi ko nga lang sya pinapansin dahil akala ko guni-guni ko lang yon dahil wala naman akong nakikitang kahit na ano. Tanging boses at mabigat na presensya nya lang ang nararamdaman ko.

Patuloy pa din ako sa pagtakbo. Puno na ng pawis ang aking noo but i managed ko ignore it at patuloy na tumakbo papauntang dorm.

Nang marating ko na ang entrance ng building ay agad akong huminto sa harap nito.

Otokatikong iniscan ng pinto ang buong katawan ko at ng makita nito na may mark ako na nagpapatunay na isa nga akong estudyante dito ay kaagad nagbukas ang pinto ng hindi man lang gumagawa ng ingay.

Napaka-advance kasi ng mundo namin sa technology ngayon. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit mas napadali ang pangaraw-araw na buhay ng nilalang dito sa mundo.

Nagmamadali akong pumasok sa pintuan at pumunta sa underground. Bale 6 storey talaga itong building na ito pero hindi nga lang masyadong lantand ang underground.

Kada floor ay may maximum 350 rooms. Napakalapad kasi talaga nito at hindi lang pala ang building na ito ang available. May limang magkaparehang building for dormitary.

Hindi din kasi biro ang pupulasyon nga mga estudyante at guro dito. Each grade levels ay may maximum na 100 sections containing 36 students each.

Ngunit sa kabila ng napakaraming mga estudyante dito sa academy hindi ko pa rin masabi na crowded ang academy dahil kung titignan mo ay parang wala masyadong tao dahil lawak ng academy.

Nandito na ako sa harapan ng dorm ko. Pumatong ako sa rag at ilang segundo lang ay dahan-dahan itong gumalaw at bumaba sa uderground.

Technically, isa itong hidden door para makapasok ang owner sa kanyang dorm at yong puntuan naman ay parang pang-alert kapag may nagtangkang pumasok sa kanilang dorm para maireport nila ito sa council.

But in my case kahit siguro sinong nakakakilabot na nilalang pa ang pumasok sa dorm ko hinding-hindi ko tatangkain na magsumbong da council. Wala akong tiwala sa kanila at ang iba naman ay takot.

Huminto ang paggalaw ng rag kaya naman i assume na nakalapag na ako. Tinignan ko ang rag at nakalapag na nga ito sa sahig.

Humakbang ako at iniwan ang rag sa ere. Ilang segundo lang ay muling lumipad ang rag papunta sa ibabaw at bumalik kung saan ito nakapwesto kanina.

Naglakad ako papunta sa sala para manuod ng tv ng sa ganon ay marelax naman ang utak ko sa kabila ng mga pangyayari ngayong araw sa buhay ko.

Nang nakarating ako sa sala ay agad kong inilapag ang bag ko sa lamesa at kinuha ang remote sa kaibigan ko na pakain-kain lang habang nanunuod ng cartoons at talagang nakapatong pa ang paa sa mesa.

Wow, mas feel at home pa kaysa sa may ari ah? Kapal din.

"Sathy! Nandyan ka na pala. Kanina pa ako nag-aalala sayong babae ka. Tinawagan ako ni Ma'am Bhates kanina para ipaaalam ang nangyari sayo" matinis nyang sigaw sabay hampas sa braso ko.

Medyo nabubulol pa nga sya dahil sa kapunuan ng bibig nya. Ayan kasi kain pa ng kain.

Inikutan ko sya ng mata at dumistansya ng kaunti. Naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng ice cream sa fridge. Talak pa rin sya ng talak sa sala kahit wala naman syang kausap. Talaga namang napakadaldal ng babaeng to.

Binuksan ko ang fridge at tumambad sa akin ang dumi at kalat sa loob. Ubos na din ang pan cakes na ginawa ko kaninang umaga dahil linamon na nya.

Pero syempre ang tanging pagkain na hindi nya ginalaw ay ang ice cream ko. Mainam, alam nya kasi na iba ako magalit lalong-lalo na kapag ginalaw nya ang mga paborito ko.

Last time kasi na pinakialaman nya ang favorite teddy bear ko ay halos kalbo na sya paggising nya habang nakangisi ako dala-dala ang gunting na ipinamutol ko sa buhok nya.

"Please stop nagging Anne! You're so annoying" saad ko habang magkasalubong ang mga kilay.

Sino ba namang hindi iinit ang ulo kung ang dami na nga ng nangyari sayo the whole day tapos pagdating mo papagalitan ka kaagad ng best friend mong hindi nauubusan ng sasabihin.

Aba, kasalanan ko bang natrap ako sa illusion ng unknown lady na yon? Oo, babae yon sigurado ako. Napansin ko kasing malumanay at babaeng-babae ang boses nya.

"Sorry, ikwento mo na nga lang kasi kung ano ang nangyari kanina" saad nya sabay buntong-hininga at minadahe ang kanyang nuo.

Pumunta ako sa couch at pagod na sumalampak doon. Kaagad nya naman akong sinundan at umupo din sa couch at ipinatong pa ang maduduming paa sa table na nakapwesto sa harap ng couch.

Pinitik ko ang paa nya kaya napadaing sya at kaagad na inalis ang paa mula sa pagkakapatong nito sa lamesa. How unlady like.

"So ano nga?" tanong nya sa akin sabay irap.

Bumuntong-hininga nalang ako at gumanti ng irap tsaka sinimulang ikwento sa kanya ang mga nangyari sa loob nga classroom namin.

Alam ko naman kasi na hindi sya titigil hangga't hindi nya nalalaman ang gusto nyang malaman. What a curious little cat.

__________________

Halos hindi ko na namalayan ang oras dahil na rin nag-enjoy akong ikwento kay Anne ang buong detalye ng mga pangyayari. Parang naubusan nga ako ng laway kakakwento sa mga kaganapan kanina habang sya naman ay nginangatngat lang ang mga kuko nya habang padalin-salin ang tingin sa akin.

"So you mean hindi si Mrs. Bhates ang naghipnotismo sa iyo?" kunot-noong tanong nya sabay pag-ayos ng kanyang pagkakaupo kaya agad akong napatango ng marahan.

"Kung ganon, sino? Sa pagkakaalam ko walang ibang nakakapagpahipnotismo maliban nalang kay Mrs. Bhates" nalilitong tanong nya habang nakahawak sa invisible nyang balbas na para bang nag-iisip.

"That's what i'm trying to figure out..." saad ko at seryosong tumitig sa kawalan.

"Let the adventure begin".....