Chereads / Chained In Chaos / Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 3 - Chapter 1

CHAOS RACE

I'm walking in the hallway while carrying my potion books. Nahihirapan na nga akong gumalaw dahil sa iksi ng palda ko tapos nahihirapan pa ako sa mga dala kong libro.

But i don't have choice, kailangan kong magtiis para mapromote ako sa next level. Kailangan kong palabasin ang magic ko sa lalong mas madaling panahon. I can't pass my Magic subjects if and only if my powers won't come out.

Maaliwalas ang panahon at napakatirik ng araw. Halos mapaso na ang balat ko dahil sa sobrang init ng panahon. It's not normal. Dapat hindi ganito kainit sa mga oras na ito. It's only 6 AM. May mali talaga sa araw.

Nagkagulo din kaninang 5 AM dahil natuyo daw ang lawa at dagat. Naputol din ang supply ng tubig kaya hindi kami nakaligo. Wala din kaming mainom na tubig.

May mga estudyante din na isinugod sa hospital dahil sa heat stroke. Araw-araw palala ng palala talaga ang lagay ng panahon. May hinala ang council na dahil ito sa isang estudyante o nilalang na may kapangyarihang kontrolin ang araw.

"Awww!" pagdaing ko ng mauntog ako sa pinto.

Sinamaan ko ng tingin ang pinto kahit na hindi naman ako nito naiintidihan. Sa sorbang kalutangan ko hindi ko na namalayan na nasa harap na pala ako ng classroom at nakasarado ang pinto kaya ayon nauntog tuloy.

Pinukpok ko ang pinto sa asar. Wala naman talagang kasalanan ang pinto pero kasi kailanagan kong maglabas ng sama ng loob.

"Lady Sathia" napatigil ako sa pagpukpuk sa pinto ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Parang robot ang tono nito. Patay....

Nakalimutan kong hightec na pala kami at mga robots ang mga pintuan namin. Bakit parang wala ako sa sarili ngayong araw?

"You may come in" saad nito at dahan-dahang bumukas ang classroom tsaka tumambad sa akin ang nakataas kilay na si Ma'am Bhates.

"Care to explain why you're late Sathy?" striktang tanong nya dala-dala ang magic sword nya.

"K-kasi po, walang tubig. Hindi ko nalabhan ang uniform ko" nauutal na paliwanag ko.

Nanliit ang kanyang mga mata at kinilatis ako. Marahan nya akong inamoy at napangawi. Ayan, naniniwala na sya.

"Okay come in. We'll discuss some matters" saad nya at kaagad na bumalaik sa harap ng klase.

As usual nasa akin na naman ang malalamig na tingin ng mga kaklase ko. Yumuko nalang ako at hindi nagpahalata.

Isa sa mga nagdadala ng takot ko sa mga kaklase ko ay ang hindi pangkaraniwang kaputian ng balat nila.

Parang multo.

Umupo ako sa panggitnang upuan at umayos ng upo habang diretso ang tingin kay Mrs. Bhates na nagsasalita sa harapan.

"Okay class, listen. Nagsisimula nang mapikon ang council. Ipinatawag na nila ang pinakamagaling na seer sa house of council para malaman na nila kung sino nga ba anag nilalang sa likod ng delubyong ito ngunut wala silang napala" pormal nyang panimula.

Napailing na lamang ako. Kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung bakit naniniwala ang mga tao sa mga taga house of council gayong lantad na lantad naman ang kasamaan ng mga pag-uugali nila.

Tamihik lamang akong nakikinig sa kanyang sinasabi kagaya ng mga kaklase ko. Ano na naman kayang gagawin ng council? Alam ko naman na hinding-hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nila.

Ibinalik ko ang tingin ko sa harao kung saan nakapwesto si ma'am Bhates.

"And the council already made thier decision. Lahat ng mga estudyante sa Chaos Academy ay susubukin ng Techno System. Kung sino man ang mga makakapasa ay ipapadala sa city para magmanman at huliin ang nilalang na pinag-ugatan ng mga pangyayaring ito at kung sino man sa makapasa ang makahuli sa nillalang na ito ay makakatanggap ng award" seryosong lintaya nya.

Napahalukipkip ako at naoahawak sa pisngi. Award? Anong kalseng award naman kaya? Tsaka hindi naman ako qualified doon dahil hindi pa rin lumalabas ang kapangyarihan ko.

What if hindi nalang kaya ako sumali?...

'You can't decline the council's comands'

Napaigtad ako ng may marinig akong boses sa isipan ko.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at huminto ito kay Yumi. Mahabang buhok, napakaputing balat, curly bangs, biluging mukha, at isang human snake.

Isa syang peculiar at may kakayahan syang makipag-usap at bumasa ng isipan. Higit sa lahat literal na masama ang ugali.

Pupular sya dito sa loob ng campus dahil isa sya sa ssg officers at rank 2 sya sa magic industry. Sya rin ang pinakaunang human snake sa kasaysayan ng academy kaya naman talagang hinahangaan at iniingatan din sya ng council.

'Eh, paano pag ayaw ko?' sagot ko sa kanya gamit ang isipan ko.

Tinaasan nya lang ako ng kilay tsaka ngumisi at nagtaas ng kamay.

"Yes yumi, any questions?" tanong ni Mrs. Bates

"Anong mangyayari kung hindi ka Sasali ma'am?" nakangising tanong nya.

"The student will be executed kapag nalaman ng council na lumabag ito sa gusto nila so I suggest to all of you section Chaos 1 na sumali kayong lahat or else....."

Nanlaki ang mga mata ko ng inilagay nya ang isa nyang daliri sa kaniyang leeg at umaktong 'patay'

Ughhh! How I hate the council! Really? They will risk our safety just for this? Dapat ang mga assassin nila ang ipadala! Bakit students? Wala pang experience ang students sa ganito.

Nagtaas ako ng kamay na kaagad na napansin ni Mrs. Bhates kaya sinenyasan nya ako na tumayo.

Tumayo ako at seryoso syang tinignan at tumindig.

"Bakit students ang iapaadala doon ng council Mrs. Bhates? Alam naman nating lahat na afford ng council ang pinakamagaling na assassin sa Chaos World diba? Bakit nila itataya ang safety ng mga students para lamang sa isang problema?" matapang kong tanong.

Napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Nakikita ko sa mga mata nila na hindi sila sang-ayon sa pakikialam ko sa desisyon ng council.

Ibang klase nga naman. Gusto nilang pumunta sa city para sa adventure at sa prize? Itataya nila ang mga buhay nila dahil lang sa isang maliit na problema na hindi kayang lutasin ng mga iresponsableng officers ng council!

Bumuntong hininga si Mrs. Bhates at tinapunan ako ng seryosong tingin na nagpapahiwatig na tutol din sya sa pagkwesyon sa kakayahan ng council.

"Sathy, bakit mo kwenekwestiyon ang kakayahan ng council? Wala kang karapatang gawin yon! Gusto lang ng council na mabigyan ng pagkataon ang mga skilled students! Iniisip lang naman nila ang kapakanan ng mga students!" nakasalubong ang kilay at nagtaas-baba ang dibdib nya dahil sa galit.

"Bakit mo ba to ginagawa Mrs. Bhates!? Alam mo naman ang mangyayari kapag sakaling malakas nga ang Sun Manipulator na yon diba!?" sigaw ko.

Hindi ko matanggap na mas kinakampihan pa ni Mrs. Bhates ang council. Alam ko naman na ayaw nya din sa mga pamamalakad ng council. Bakit parang nabaliktad ang mundo ngayon?

"Hindi mo kasi naiintidihan Sathy! Ginagawa ko to para lang din naman sa kapakanan mo!" singhal nya.

Para sa kapakanan ko!? Paano kapag nakapasa ako at ako ang ipapadala ng council sa city? Maraming mga panganib ang kakaharapin ko tapos sasabihin nya na para sa kapakanan ko!?

Pero ano nga ba ang laban ko sa council? Lahat ng officers sa council ay nasa top 5. Malakas sila lalong-lalo na ang magic nila. Walang kahit na sino man ang nakatalo sa kanila.

Napabuntong-hininga na lamang ako at gigil na napahilamos sa mukha. I guess wala na talaga akong magagawa kundi sundin ang ipinag-uutos ng council. Pagod na din naman akong makipag-argue sa lahat ng mga tao dito.

"Okay, kailan magsisimula ang training?" pagsuko ko.

"The training will start right now. The first 500 students who will arrive at the battlefield first will be automatically given a chance to participate on the training and for those who will not make it on time will be eliminated" dere-deretsyong saad nya.

Nanlaki ang aming mga mata na para bang nakakita ng kakilakilabot na nilalang. Everyone is on a great shock

Bumilis ang aking paghinga.

Oh no....

Mabilis kong ibinalibag sa gilid ang hawak-hawak kong bag at kumaripas ng takbo palabas gayon din ang aking mga kaklase.

Napakabilis ng pagtakbo ng mga estudyante papunta sa battlefield. Ang noong tahimik at matiwasay na hallway ay puno na ng mga estudyanteng animo'y hinahabol ng mabangis na bampira.

Para kaming mga gutom na asong nag-uunahan na makuha ang pagkain sa unahan.

"Nakasalalay ang buhay namin dito, kaya gagawin ko ang lahat para lang manalo sa gyerang ito" determinadong bulong ko at mas binilisan ang pagtakbo.

Halos hagipin na ng hangin ang kaluluwa ko dahil sa matinding presyon ng hangin. Puno ng sugat ang paa ko at napakasakit na ng buong katawa ko ngunit hindi ako pwedeng sumuko.

Ang tirik na tirik na araw ay mas nagpa-usbong ng kagustuhan kong mas tumakbo ng mabilis. Halos malapnos na ang balat ko dahil sa sobrang init.

Nagkakagulo na ang dating tahimik at walang katao-taong hallway ng campus. May nag bubugbugan, nagtutulakan at nagsasaksakan.

Mga gahaman! kung ginugol lang sana nila ang mga oras nila para tumakbo edi sana kanina pa sila nasa battlefield at naghihintay.

Tagaktak na ang aking mga pawis ngunit wala akong karapatang tumigil. Inggit na inggit ako sa iba kong mga kaklase na ginamit lang ang mga kapangyarihan nila para mauna sa battlefield.

Patuloy pa din ang pagtakbo ko at hindi na lamang inalintana ang matinding panunuyo ng aking lalamunan.

Mas binilisan ko pa ang animo'y walang hanggang pagtakbo dahil sa dahan-dahang pag-ugong ng trumpeta na nagpapahiwatig na malapit nang maubos ang oras at malapit nang makumpleto ang limang daang estudyante.

Sobrang lapit ko na sa battlefield. Halos na sa harapan ko na ang tarangkahan. Parang naging slow motion ang lahat dahil sa matinding tensyon na bumabalot sa aking buong kalamnan...

Isang hakbang...

Dalawa.....

Tatlo, at marahas kong winaksi ang tarangkahan na nakasarado at walang pag-aalinlangang pumasok. Kasabay non ang pagtatapos ng ugong ng trumpeta.

Salamat! Salamat at nakaabot pa ako.

Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa sobrang hingal. Nagtaas ako ng tingin sa billboard na nasa itaas at nakita ko ang timer na 0;00 ibig sabihin tapos na ang oras na nalalabi.

Dahan-dahan kong hinubad ang jacket na suot ko. Nakalimutan ko na kasing hubarin to kanina dahil sa sobrang dami ng ginawa ko.

Nagtataka ako kung bakit pagpasok ko dito sa battlefield kanina ay hindi na ako nakaramdam ng init. Yon pala dahil may barrier na inilagay ang council para na din daw hindi makapasok ang mga estudyante na hindi nakapasok kanina.

Nang tuluyan kong mahubad ang jacket ay walang pag-aalinlangan ko itong ibinalibag sa ere. Hindi ko naman kailangan yon eh. Ang kailangan ko lang ay t-shirt at pants tsaka rubber shoes.

Pupunta sana ako sa may bandang upuan para umupo pero kaagad akong hinarang ng isang grupo ng kalalakihan.

Nangingilabot ako sa kahindik-hindik nilang hitsura. Nakangisi habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

Ngayon na ako nagsising hinubad ko ang jacket ko. Nakalimutan ko pala na maraming manyak dito sa school.

"Hey miss, wanna hang out with us? You're freakin' hot" saad ng lalaking makisig ang pangangatawan na hinala ko'y lider ng grupo nila.

Matapang ang accent nya at may pakagat-kagat labi pa habang nakatingin sa bandang dibdib ko.

Nakaputing sando at fitted jeans lang kasi ako kaya talagang kitang-kita ang mga kurba ko. Seryoso ko syang tinignan at kinuha ang dagger ko na nakatago sa bandang hita ko.

Palagi ko itong dala-dala para depensahan ang sarili ko sa mga may masasamang loob. Iniwisasin ko ito sa hangin at naghanda sa pag-atake.

Nginisihan lang nila ako at dahan-dahang iginalaw ang panga nila. Paulit-ulit lang ang ginagawa nila hanggang sa pabilis ito ng pabilis kada segundo.

Wala akong ideya kong ano ang ginagawa nila dahil hindi ako pamilyar dito. Ngayon ko alang kasi nakita ang mga ito. Siguro panggabi ang kalse nila.

May mga estudyante kasi na sa gabi ang klase gaya ng mga vampire, dark sorcerer at wolves..

Sandali, wag mong sabihing.....

"Arghhhhh!!!!" nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagbabago ng anyo nila.

Nagmistula silang mga aso. Napakabangis at pula ang mga mata nila. Lahat sila ay kulay kayumangi ang balahibo maliban na lamang sa lider nila.

Kulay itim ang kaniyang balahibo at ang tutulis ng mga pangil at kuko. Pulang-pula din ang kaniyang mga mata habang masama ang tingin sa akin.

Naglalaway sya at naghihintay ng pagkakataong lapain ako.

Humakbang sya papalapit sa akin gayon din ang mga kasama nya habang ako naman ay paatras ng paatras.

Parang bulang naglaho ang tapang ko kanina. Hindi ko inaakalang mga wolf sila. Akala ko mga normal na estudyante lang sila na gaya ko hindi pa rin lumalabas ang mga powers.

Hindi pa nga lumalabas ang mga powers nila pero ang pagkawolf nila lumabas na. Ang malala pa dito ay hindi ko inakalang sila ang black saga.

Mga taga section Z. Ang pinakatatakutan ng lahat ng estudyante dito. Pero hindi ko sinasabing sila ang pinakamalakas. Dahil walang-wala lang sila kumpara sa mga dark sorcerer.

Kaso nga lang hindi sila kinatatakutan ng mga estudyante dahil mababait daw sila at hindi katakot-takot.

Humarap ang itim na wolf sa mga kasama nya at sumenyas na lapain ako. Napatingin naman sila sa akin at naghanda.

Lumingon-lingon ako sa paligid ko. Nagbabakasakaling may tumulong sa akin. Ngunit nanatili lang silang nakatingin sa akin at hindi nangahas na tulungan ako.

Katapusan ko na ata.....