Chereads / Until I became Yours / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Blythe, sure ka bang kaya mo na?"

Nagaalalang tanong ng best friend kong si Alya habang pababa kami ng hagdan galing sa second floor ng building namin dito sa Univ na pinapasukan namin.

Inalalayan niya akong maglakad dahil na sprain ang ankle ko nang mag-training kami para sa cheering squad. Ayos naman ako at kaya ko pa namang pumasok pero napaka-overacting ng mga taong nakapalibot sa akin. Lalo na si Alya na daig pa si mommy sa pag-aalala.

"Oo naman, Alya. Sprain lang 'yan. Kaya ko pa maglakad noh," sabi ko habang hawak ang supporter.

Naka-bandage 'yung right ankle ko dahil nagkamali ako sa paglanding noong tumalon ako. Isa ako sa nili-lift kaya mas lalong lumala noong nagkamali din sa paghawak sa akin sa paa para buhatin.

Napailing si Alya at patuloy lang sa pag-alalay sa akin. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga estudyanteng bumababa din ng hagdan dahil kanina pang tanong ng tanong si Alya kung okay lang ba ako. Sinesermunan pa ako dahil pumasok pa daw ako imbes na magpahinga na lang. Napapabuntong hininga na lang ako dahil agaw eksena naman kami dito sa second floor. 'Yung mga nakakakita tuloy sa amin ay halatang gusto na din nila akong tulungan pero hindi magawa dahil natatakot kay Alya na bigla na lang manenermon ulit at magtatanong. Buti na lang nasanay na ako sa babaeng 'to.

"Huwag ka na pumasok ngayon. Pagkababa natin, uuwi ka na ah. Tatawagan ko si tita para ipasundo ka." Kinuha niya 'yung phone niya para tawagan si mommy ngunit kinuha ko kaagad 'yon bago pa niya ma-dial 'yung number.

"Huwag ka ngang OA dyan. Ayos lang talaga ako, okay? Besides, ayaw ko mag-stay sa bahay. Alam mo namang ayaw ko sa bahay lagi e," pagrereklamo ko sa kanya. Siya naman ngayon ang napabuntong hininga.

"Okay, fine. Pero nahihirapan ka na e." Napanguso ako nang tignan niya ang kalagayan ng paa ko.

"Kaya ko pa naman e. Saka, dalawa na lang ang klase ko mamaya." Humugot ng malalim na hininga si Alya bago tumango sa akin.

"Fine. Sabi mo 'yan ah."

Ngumiti ako at pinisil ang magkabilang pisngi niya. Grabe naman kasing mag-alala ang best friend kong 'to. Naalala ko pa noong kahapon nang tawagan ko siya para sabihin na nasa hospital ako dahil na-sprain 'yung paa ko. Daig pa niya si mommy noong nagtanong kung bakit ako nagka-sprain! Halos gusto na nga niya ako puntahan sa hospital kahit gabi na.

Napapangisi na lang ako habang dahan-dahan kaming bumababa ng hagdan ni Alya. Alam ko naman na concern lang siya sa akin kaya mahal na mahal ko ang babaeng 'yan. Sa lahat ng kaibigan ko, siya lang talaga ang nagii-stay sa akin. Loyal daw siya sa akin e. Pagkarating namin sa baba ay hindi pa din niya ako binibitawan. Nakaalalay pa rin siya sa 'kin kahit may supporter naman akong hawak.

"Sa cafeteria pa ba tayo kakain?"

"Oo naman. Saan pa tayo kakain kung hindi doon?" tinaasan ko siya ng kilay kaya napairap siya.

Wala siyang nagawa kung hindi kumain nga sa cafeteria. Medyo malayo-layo pa 'yung cafeteria sa building namin kaya medyo nahirapan kami dahil sa paa ko. Wala naman akong pakialam kung may supporter akong dala dito sa school. Kahit hindi sanay, pumasok pa rin ako dahil sayang din 'yung araw kung mag-aabsent ako. Besides, ayaw ko mag-stay sa bahay. Mababagot lang ako doon na nakahiga sa kama.

I was grateful because Alya was patient with me. Hindi niya talaga ako pinabayaan at inalalayan niya talaga akong makapunta sa cafeteria kahit medyo malayo pa 'yon. Pagdating, ay umupo agad kami sa bakanteng upuan. Pinagpawisan kaming dalawa dahil ang init din sa labas. Si Alya na ang nag-order para sa aming dalawa dahil na din sa kondisyon ng paa ko kaya naiwan ako dito sa table namin.

"Blythe! Omg, okay ka na ba?" Napalingon ako sa pinto nang magsalita si ate Roseanne na kadarating lang.

Kadarating lang niya pero nakita niya kaagad ako. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Kasama niya sina ate Trixie na kasamahan namin sa cheering squad. Sila ang seniors ko na kasali sa cheering squad din. Isa kasi ako sa mga bunso dahil second year pa lang ako. Lumapit sila sa akin at isa-isang yumakap.

"Okay na ako ate. Medyo masakit pa pero nakakalakad na," sagot ko tanong niya kanina.

Nagpapasalamat ako dahil matagal pa 'yung contest na pinaghahandaan namin kaya hindi ako made-depressed dahil na-sprain ang ankle ko. Saka matagal pa 'yung game ng basketball team dahil kakasimula pa lang ng sem. Siguro next week, makaka-training na ulit ako. Pangarap ko talaga ang makasali sa cheering squad e.

"Pagaling ka kaagad ah. Mami-miss ka namin." Nalulungkot na sabi ni ate Sabrina. Napanguso ako.

"'Wag ka nga, Sab. Malakas kaya 'yan si Blythe noh."

Nagtawanan naman kami sa sinabi ni ate Trixie. Nagkwentuhan lang kami saglit at hindi nagtagal ay nagpaalam na din sila para bumili ng sariling pagkain. They were glad na hindi malala 'yung nangyari sa paa ko. Dumating na din si Alya dala 'yung in-order niya para sa aming dalawa. Nagpasalamat ako at nagsimula na kaming kumain dahil may susunod na klase pa kami pagkatapos.

Time flies by so fast at natapos na ang klase ko sa araw na 'to. Two subs lang naman ako kaya less hassle. Hindi ako makaka-training ngayon dahil sa ankle ko kaya excused ako. Makakauwi ako kaagad. Sad.

Nagkahiwalay na kami ng daan ni Alya dahil may practice sila para sa banda. Kasali kasi siya sa banda ng univ namin. Gusto pa sana niya akong ihatid sa main gate pero tumanggi na ako dahil male-late pa siya sa practice nila kung ihahatid pa niya ako. Saka, kaya ko naman lumabas e. So wala na siyang nagawa kasi nagpumilit ako.

Habang dahan-dahan akong naglalakad dala itong gamit ko ay may bumabati naman sa akin na kakilala. Nago-offer pa nga ng tulong pero tumatanggi na lang ako. Hindi man ako maayos na nakakalakad pero kaya ko pa naman. Gosh mukha ba akong lumpo? Ngumingiti na lang ako at nagpapasalamat dahil alam kong nagmamagandang loob lang naman sila.

"Blythe!"

Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag naman sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Luka na patakbong pumupunta sa pwesto ko. Naka-basketball jersey na siya pero pumunta pa rin siya sa pwesto ko para lang batiin. Hindi pa ba siya magpa-practice? Anong oras na oh.

"Luka," bati ko sa kanya nang makalapit na siya sa akin.

"I heard about what happened to you. Ayos ka lang ba?" tanong niya at tinignan ang paa ko. Napatingin din tuloy ako at napanguso. Kalat na pala 'yung balita sa nangyari sa akin. Pati basketball team alam din.

"Yup, I'm fine. Nakakalakad naman ako."

"Uuwi ka na ba? Hatid na kita," offer niya. Umiling ako at ngumiti.

"No need. I have my driver with me."

"Kahit ba palabas lang?" He smiled at me. Napairap ako sa kawalan dahil kahit gaano ako tumanggi sa kanya, hindi pa din niya ako papakinggan. He's so persistent, parang si Alya lang.

"Okay, fine." He gave me a smirk and held my waist to help me.

I know Luka. Since first year pa lang ako, magkaibigan na kami nito. He's part of the basketball team at doon kami nagkakilala sa court noong nagtraining kami para sa cheering squad. He's two years ahead of me pero hindi 'yon naging dahilan para hindi niya ako lubayan. Gusto daw niya maging magkaibigan kami and being friends with him was fun too. There are times that we would hang out and he would invite me to parties.

Ayun lang, masyadong demanding ang lalaking 'to. Kahit anong tanggi ko sa mga alok niya, wala pa rin ako magagawa dahil ipagpipilitan pa rin niya. Matindi ang determination niya sa pagpipilit sa akin. Kaya imbes na makipagtalo sa kanya sa offer niyang ihatid ako palabas sa school, pumayag na lang ako. Luka will always be Luka.

We were talking while going to the school's parking lot. Sinermunan pa niya ako dahil pumasok pa raw ako imbes na ipahinga na lang 'yung paa. Napapanguso na lang ako dahil pang-ilan na siya sa nanermon sa akin ngayong araw. Pagdating namin sa parking lot ng school, natanaw ko na 'yung driver ko kaya nagpaalam na ako kay Luka.

"Hey, thanks. Hindi mo naman kailangan gawin 'to, but thank you," I sincerely said to him. Binitawan na niya 'yung baywang ko at ngumiti ng bahagya.

"No prob. I was so worried when I heard the news. Glad you're feeling better now." I gave him a smile and nodded.

"Okay. Bye, Luka."

Lumapit na ako sa driver ko pagkatapos magpaalam kay Luka. Bumalik din naman ang lalaki sa loob dahil may training pa sila sa basketball team.

"Ma'am Scarlette. Dapat po tumawag kayo para nasundo ko kayo." Nakayuko na sabi ni kuya Henry.

"Okay lang po kuya. Kaya ko naman po e, medyo matagal lang." Ngumiti ako kay kuya Henry para hindi na siya mabahala. Masyado kasi silang nag-aalala sa kalagayan ng paa ko.

Tumango si kuya at ngumiti na din ng bahagya sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tinulungang makapasok.

"Ah kuya Henry, sabi po pala ni kuya balikan niyo na lang siya pagkahatid sa akin. May training pa kasi sila sa basketball team."

"Sige po." Ngumiti ulit ako kay kuya at nagdrive na din siya pauwi ng bahay.

Pagkauwi ay pinagbuksan ulit ako ni kuya Henry ng pinto at tinulungang makapasok sa bahay. Kahit sinabi ko na sa kanya na okay lang naman at kaya ko pero tinulungan pa rin niya ako. Gosh, daig ko pa talaga 'yung lumpo at hindi na makakalakad. Wala ako magagawa dahil masyado nila akong bini-baby, hay.

"Scarlette! How's your day sweetie?"

Ngumiti ako ng malapad nang makita si mommy Kelly na papalapit sa akin galing kusina. She must be cooking because she's wearing an apron. Umalis na din si kuya Henry pagkatapos ibaba 'yung gamit ko dahil hihintayin pa niya si kuya.

"It was good mom. What are you cooking?" I asked after I kissed her cheeks.

"Your dad's favorite adobo. Alam mo naman 'yung daddy mo, hindi na nagsawa sa adobo." We both chuckled because that was true.

Since the day na natikman niya 'yung specialty ni mommy Kelly na adobo ay 'yon na ang paborito niya at hinding-hindi pinagsasawaan. Sawa na nga kami e.

"By the way, masakit pa ba ang paa mo? Sabi ko naman sa 'yo na huwag ka na munang pumasok e."

I let out a deep sigh. Hay, here we go again. Talaga si mommy, OA kung mag-alala. Matagal ko pa siya nakumbinsi kaninang umaga na papasok ako. Kahit kasi si daddy ayaw din akong papasukin. Kahapon lang kasi na-sprain 'yung paa ko tapos papasok na agad. But thanked God, napapayag din sila.

"Okay lang ako, mom. Hindi naman masyadong masakit."

"Hay okay. Tulungan na kita papuntang room mo."

Kinuha niya agad ang gamit na dala ko at inalalayan makaakyat ng hagdan. She's really caring. Simula noong kinasal sila ni dad at tumira na kasama namin ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang alagaan ako. She's very caring and loving. Parang ako pa ang tunay niyang anak kaysa sa anak niya e.

We are actually a blended family. Mommy Kelly has a child who is two years older than me. Naging anak 'yon ni mommy noong bago sila nagkakilala ni daddy. Kaya minsan, nagseselos noon 'yung anak niya sa akin dahil mas mahal na daw ako ng mommy niya. She actually treated me as her own daughter. With her, I felt how good it is to have a mother.

Well as for my stepbrother, the feeling was mutual kasi pinagseselosan ko din siya noon dahil mas madalas na silang magkasama ni daddy since lalaki din siya. I thought ayaw na sa akin non ni daddy makipag-bonding dahil sila na lang parati. Pero ayos naman kami ni kuya ngayon. Wala naman kaming hard feelings sa isa't isa dahil mga bata pa naman kami noon nung nangyari 'yon. Siguro hindi lang talaga kami sanay na ganoon bigla 'yung setup. Sanay kami na kami-kami lang noong una.

Like, kami lang ni daddy at sila din ni mommy Kelly. So it was really an adjustment for the both of us at syempre ginagawa lang nila 'yon para maka-bonding namin ang isa't isa at makilala din.

Me and kuya are close. Tinuring ko na talaga siyang kuya at tinuring na din niya akong kapatid kahit minsan nag-aaway din kami at may pagka-seryoso 'yon minsan. Daig pa si daddy kung mangsermon sa 'kin.

"Where's your brother? Hindi ka ba tinulungan kanina sa school?" tanong ni mom nang makapasok na kami sa kwarto ko.

"He helped me. He still have training kaya hindi kami sabay umuwi ngayon," I explained and sat on my bed.

"That's good. Sinabihan ko 'yon na bantayan ka lalo na't malawak 'yung school niyo. Mahihirapan ka maglakad kapag ganoon." Ngumiti lang ako kay mom habang nilalagay niya 'yung gamit ko sa may study area ko.

"Dalhan na lang kita dito ng meryenda, okay?"

"Opo mommy. Thank you!" she smiled at me then lumabas na ng kwarto ko.

Nagbihis na din ako ng damit pagkaalis ni mommy ng room ko. Hindi naman ako nahirapan magbihis kaya madali ako nakapagpalit. Pagdating ulit ni mommy sa room ko para dalhin 'yung isang tray ng cheesecake ay napanguso siya dahil nakita akong nakabihis na. Hindi ko raw siya hinintay para matulungan akong makabihis.

Si mommy talaga, ang laki ko na pero bini-baby pa talaga ako. Palibhasa, only girl ako sa family namin.

"Nasaan po pala si Silver, mom?" tanong ko sa kanya tungkol sa bunso naming kapatid.

"Nagte-training sa soccer team kasama mga kaibigan niya."

"Oh? Sumali pa rin siya sa team?" gulat kong tanong. Mommy chuckled.

"Oo. Paano ba naman e na-inspired sa inyong dalawa ni Sky. Sumali siya sa try-outs noong isang linggo at nakapasok. Ayaw lang sabihin sa inyo dahil surprise daw. Pero sinabi ko na sa 'yo kaya huwag ka na lang magpahalata na alam mo na."

I grinned. Sigurado akong maiinis 'yon si Silver kapag nalaman niyang sinabi sa akin ni mom 'yung sekreto niya. Basta talaga kay mommy, walang matatago na sekreto.

"Don't worry mom, hindi ko sasabihin." She grinned at me and winked.

Iniwan na ulit niya ako sa kwarto ko upang kainin 'yung meryenda. Hindi pa daw siya tapos maghanda ng hapunan kaya kailangan na niyang bumalik sa kusina.

Nilagay ni mommy 'yung tray sa coffee table ko dito sa kwarto. May sariling mini sala set kasi ako dito sa kwarto para maupuan. Dahan-dahan akong naupo sa sofa para kumain. I enjoyed my favorite cheesecake while scrolling through my phone.

Paubos ko na 'yung cheesecake nang may mag-pop up bigla sa screen ko na message. I hurriedly open the message when I saw it was from Jeremy.

Jeremy:

Hi beautiful, how r u?

Me:

I'm fine! Gosh. Bakit ngayon mo lang ako minessage? I thought you'd forgotten about me!

Jeremy:

Hahaha. Why would I? You're my best friend Blythe. I was just busy lately, sorry.

Napairap ako sa kawalan nang mabasa ang reply niya. Jeremy is my guy best friend for as long as I can remember. Since birth yata magkaibigan na kami nito. He just flied to US to be with his mom and dad when we were 15. Nag-migrate na talaga sila doon noong 10 kami pero hindi lang siya sumama kasi ayaw niya raw akong iwan. Grabe pa kasing arte ng lalaki na 'yon at parang lahat ng desisyon niya sa buhay ay nakasalalay sa akin. Kung hindi ko pa nga siya pinilit na lumipat na sa US, hindi pa siya aalis.

I can't blame him though, he was the first best friend I ever had and I was his first best friend. When we were still young masyado na kaming dumepende sa isa't isa dahil lagi naman kami magkasama. We grew up together at lahat ng happenings sa buhay ko ay nasaksihan na niya. Ganoon din naman ako sa kanya. I can't deny the fact that I got lonely when he flied to US. Hindi ko kayang mawala siya dahil siya lang naman ang best friend kong nakakakilala talaga sa akin.

Me:

Yeah right. How r u?! Wait, what time is it there? 5 am?

I'm sure it's already 5 am there. Grabe, gising na agad siya ng ganitong oras. Minsan nga hindi na kami nakakapag-usap dahil hindi nagtatagpo ang free time namin. Gosh! I missed this guy. Hindi kami nakapag-usap lately at wala akong balita sa kanya these past few months. What's he been up to?

Jeremy:

Lol. Yes, it is. And I'm fine. I miss you, btw.

Me:

Awe. Miss you too. What are you doing?

After I send that message, my phone suddenly rings. My brows furrowed as I saw the name of the caller. Gosh Jeremy is calling! I hurriedly answered him.

"Hey!" bati ko sa kanya sa kabilang linya.

[Hi Blythe!]

"Gosh. It felt like ages since I heard your voice. What are you doing ba?" tanong ko sa kanya. "Busy with your girlfriends huh?"

[Ohw getting jealous sweetie? Don't worry, you're still my number one girlfriend.] Then he chuckled. I rolled my eyes at him even though he can't see me.

"Yeah right. Why'd you call me at this hour?"

[Get your luggage Jeremy! We're running late to the airport!]

Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses sa background. That sound's like tita Lawry, Jeremy's mom. Airport? So aalis sila? Napaaga naman bakasyon nila ah.

[Yes Mom... Hey sweetie, got to go. I'll text you later. Bye! And see you soon.]

"Wait, what? What do you mean?"

[I'm coming home, sweetie. Wait for me okay?]

Bago pa ako makasagot ulit sa kanya, bigla na lang niya pinutol ang tawag. Gosh, that guy. Nakakainis talaga siya, bigla na lang niya ako bababaan ng phone. But wait, did he say, he's coming home? Home, dito sa Pilipinas? Oh my god! Bakit hindi niya agad sinabi sa akin na babalik na siya dito? Anong oras kaya ang departure nila?

I tried calling him back to further ask for information but his phone is already shut down. God, mukhang wala talaga siyang balak sabihin 'yon sa akin. Talagang tumawag pa sa 'kin bago 'yung flight nila ah. Ayan tuloy nabuking siya dahil sa sigaw ni tita Lawry.

Kaya siguro hindi siya nagpaparamdam these past few months kasi uuwi na pala siya. I missed that guy, wala na ako ka-wrestling. Haha.

After some minute ay bumaba na ako ng kwarto para dalhin na 'yung tray sa kusina. Dahan-dahan pa akong naglalakad pababa ng hagdan habang dala 'yung tray. Hindi ko na dala 'yung supporter dahil hassle pa kung gagamitin ko 'yon. Nakakalakad naman ako e habang nakahawak sa wall at hagdan. Pagdating ko sa baba ay sakto namang bumukas na ang pinto at bumungad sa akin ang pawisan kong kapatid.

"Ate!" gulat na sigaw niya at binitawan agad 'yung soccer ball na hawak at sapatos para lumapit agad sa pwesto ko.

Nagulat pa ako sa kanya dahil bigla na lang sumigaw na parang nakakita ng multo.

"Ano?!" gulat kong tanong.

"Bakit naglalakad ka ng walang supporter? Paano kung nahulog ka sa hagdan at nabaok ang ulo mo?!" sermon niya sa akin. Binatukan ko kaagad siya dahil OA siyang mag-isip. Grabe talaga 'to, nagmana talaga siya kay mommy sa sobrang pagaalala sa akin.

"OA ka Silver ha. Maayos pa naman paa ko noh. Maayos pa ako nakakalakad." Inirapan ko siya at naglakad na papuntang kusina.

Pero ang bata hindi matahimik at inagaw pa sa akin 'yung tray.

"Ako na magdadala, maupo ka na lang dyan. Tsk." My lips parted when he answered me like that. Gosh, lumalaki na ang baby Silver namin.

Pumunta siya sa kusina at binigay 'yung tray kay manang. Nakita ko pang nagkausap sila ni mommy at ngumiti lang si mommy habang ginugulo 'yung buhok ng kapatid ko. Ano naman kaya pinag-uusapan ng dalawa?

Bumalik kaagad sa pwesto ko si Silver at inalalayan akong makaupo sa sofa sa living room. Hay, batang 'to. Hindi ko alam kung matutuwa ako minsan o maiinis dahil sa ka-sweetan. Maalaga 'to sa akin e kumpara doon sa kuya namin. Seryoso masyado 'yon.

"Hey, Sil. I'm okay. Hindi mo naman kailangang alalayan ako," mahinahon kong sabi.

"I know but I promised dad that I will take care of you. At all cost." Napanguso ako sa kanya nang makaupo kami sa sofa.

Ginulo ko 'yung buhok niya dahil sa mga pinagsasabi niya. I'm touched. He's only 13 and ganyan na siya mag-isip. Kahit magkapatid kami sa ama pero grabe itong magmahal sa akin. Talagang mas bini-baby pa ako kahit siya naman 'yung bunso. Hindi na siya bata, binata na ang baby Silver.

"Thank you, baby Silver." He pouted at me after I mention my endearment to him.

"Ate, I'm not a baby anymore!" Inis niyang tugon. I raised a brow at him. Dati naman gusto niyang tinatawag ko siya ng ganon.

"Oo hindi na talaga!" I snorted at him.

"By the way, do you have something to tell me?" He squinted his brows, getting confused because of what I asked.

"What?"

"You know, something happened to you these past few days? In your school?"

I was asking him as if I didn't know. I looked at the soccer ball which is now on the floor because he just dropped it when he saw me. I saw how he pursed his lips and avoid his gaze at me, getting shy.

I chuckled seeing him getting shy in front of me. Lumalaki na talaga ang lalaking 'to. Nahihiya na sa akin.

"Oh? Bakit hindi ka sumasagot?"

"I know! I told you I won't join the team but I changed my mind. Don't tease me ate, please." Ngumisi ako dahil namumula na ang pisngi niya.

Ilang beses ko na kasi siya pinush na sumali sa soccer team ng school nila ngayong high school na siya pero ayaw niya, nahihiya. I know he loves playing soccer kahit noong bata pa lang siya kaya hindi ko alam kung bakit ngayong high school na e ayaw na niya. Maybe he was scared he wouldn't pass the try-outs and taking the risk to join the team. I know he's really good in playing soccer. He was once the soccer captain in their team when he was in grade school. Nahihiya siguro 'to sa akin ngayon dahil hindi niya naman tinupad 'yung sinabi niyang hinding-hindi siya sasali sa soccer team kahit pilitin ko pa siya ng pilitin.

"Why will I tease you? Alam ko naman na sasali ka talaga doon." I smirked at him. "You love soccer kaya hindi mo ito kayang bitawan ng ganoon na lang, Sil. I know you."

Napanguso siya at sumandal sa sofa. Ngumisi ako dahil sa itsura niya ngayon. Hindi niya ako maloloko sa sinabi niyang hindi na siya maglalaro ng soccer. Lahat ng bagay na gustong-gusto niya e hindi siya pumapayag na hindi niya makuha o maabot. Ganoon ko siya kakilala bilang isang kapatid.

"Hay, you're right ate. Hindi ko kayang bitawan ang pagso-soccer. I'm sorry kung hindi ko agad sinabi, I just wanted to surprise you and kuya. But I guess, nasabi na sa 'yo ni mommy." I chuckled while he was frowning.

"'Di mo sure Sil."

Being the sweetest brother of all, hinatid na ako ni Silver sa kwarto ko. Hindi talaga siya pumayag na maglakad ako paakyat ng hagdan nang hindi niya ako inaalalayan. Sinabihan ko na siyang huwag na at kaya ko naman pero ayaw talagang sumunod. Hay, lumalaki ang batang 'to na matigas ang ulo. Sumasabay na din siya kina mom and dad sa pagiging overprotective sa akin kung minsan. Inaasar ko na lang siya habang paakyat kami pero hindi man lang napipikon. Ayos na daw na asarin ko siya kaysa sa mahulog ako ng hagdan. Wow, Silver. Hulog agad? Hindi pwedeng matapilok na muna?

When I was inside my room, pumasok na din si Silver sa kwarto niya para makapag-shower na. Amoy pawis na daw siya dahil sa training kanina kaya kailangan nang maligo. Nag-stay na ako sa room ko habang ginagawa 'yung mga school works ko.

Scarlette Blythe Hernandez–19

Skyler Keive Palmes–21

Silver Drew Hernandez–13