I just stayed in my room while doing my homework and reviewing my notes. After a while, I heard a knock on my door. Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin sa pinto.
"It's open!" I shouted.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ng kapatid namin ni Silver. Si kuya Skyler.
"Hey," bati niya pagkapasok.
Nakasuot pa rin siya ng basketball jersey at dala-dala pa niya ang mga gamit niya. Kakauwi pa lang pala niya.
"Hey, kakauwi mo lang?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Lumapit siya sa akin at tinignan ang ginagawa ko.
"Obviously. Kamusta paa mo?" he asked seriously and looked at my foot.
"Okay na."
"Good. Papasok ka ba bukas?" he asked again. Nakatayo lang ako sa may upuan ko habang siya ay nasa harap ko.
"Yes. You know I don't want to stay here the whole day."
Napabuntong-hininga siya at pinitik ang noo ko. Napa-aray ako at hinawakan ang noong pinitik niya saka siya sinamaan ng tingin. Gosh, bakit ba siya namimitik agad dyan?
"What was that for?" inis kong tanong sa kanya.
"Habang tumatagal, tumitigas ang ulo mo. 'Wag ka na pumasok bukas dahil hindi agad 'yan gagaling kung hindi mo ipapahinga," sermon niya. I pouted at him. Sinubukan kong lumukad para ipakita sa kanya na nakakalakad naman ako.
"See, I can walk. Hindi naman na masakit e."
Pag-apak ko ulit ng paa ko ay napangiwi ako at napaupo dahil parang nabigla 'yung pag-apak ko. Sumakit tuloy ito at napaupo ako sa sahig. Dali-dali namang lumapit sa 'kin si kuya at tinulungan akong makatayo.
"Can walk huh." He smirked at me while his hands are still holding my waist to support me. Sinamaan ko siya ng tingin at tinampal ang braso.
"Nabigla lang ngayon pero nakakalakad naman talaga ako!"
"Whatever you say, hindi ka pa din papasok bukas. Dito ka lang." Pinaupo niya ako sa inuupuan ko kanina at kinuha niya 'yung gamit niya na nahulog pala sa sahig.
"But ku-"
"No buts Scarlette. Sasabihan ko si dad na dito ka lang bukas." He cut my words and walk towards the door to leave me. Hahabulin ko sana siya ngunit nang iapak ko ulit 'yung paa ko, kumirot ito. Napangiwi ako at nainis na lang.
God, nakakainis talaga siya.
Kinuha ko 'yung ointment para gamutin 'yung paa ko ulit. Hindi na sana siya sumasakit pero dahil kay kuya Sky, kumirot tuloy ito. Bakit ko pa kasi naisipan na ipakita sa kanya na nakakalakad naman ako? Ayan tuloy, mukhang lumala pa. Hay, Scarlette.
Inayos ko 'yung mga gamit ko sa study at dahan-dahang umalis ng kwarto. Napapangiwi pa ako dahil medyo namamanhid ito. Hay, curse that brother of mine!
Pumunta ako sa kwarto ni kuya Sky na katabi lang naman ng kwarto ko at kumatok. Nang hindi pa niya binubuksan at walang sumasagot, binuksan ko na 'yung pinto at pumasok na. As I thought, nasa bathroom niya ito para maligo. Nakita ko pa 'yung mga gamit niya na nakalagay lang sa sahig. His jersey, his duffel bag and ball. Only his shoes were well placed. I tsked, sa lahat talaga ng bagay, mas maalaga siya sa mga sapatos niya. I sighed as I look at his things lying on the floor. Kinuha ko 'yung bag niya at nilagay sa study area. 'Yung jersey niya ay nilagay ko na din sa labahan na nakalagay sa gilid ng table. 'Yung bola naman ay nilagay ko sa kama niya para hindi pakalat-kalat sa kwarto niya.
After I place his things to their proper places, the bathroom door opens. Lumabas na ang magaling kong kapatid at tapos na maligo. Nakasuot lang siya ng itim na shorts habang may tuwalya na nakasabit sa leeg niya at pinupunasan ang basang buhok. Hindi na siya nagulat nang makita ako sa loob ng kwarto niya. He probably knew that it was me who was knocking on his door awhile ago.
Hindi niya ako inintindi at hinanap 'yung duffel bag niya. Hindi na kasi niya nakita sa sahig e.
"I put it there." I pointed at his study area where I put his duffel bag. Alam ko na agad na duffel bag ang hinahanap niya. What else will he look for but for his duffel bag?
Sinundan niya ng tingin 'yung kamay ko at kinuha 'yung bag niya para kunin ang ano mang kukunin.
"What is it?" he asked feeling bored.
Nakatayo lang ako sa may kama niya. I crossed my arms and sat on his bed. Hindi niya ako binabalingan ng tingin dahil busy siya sa paglabas ng mga gamit niya sa bag. His towel, water bottle and other stuffs.
"Please don't tell dad that I'll be staying here tomorrow," I said in a sweet tone. Nag-puppy eyes pa ako para lang hindi na niya sabihin kay dad na hindi ako papasok bukas. Kapag sinabi niya, papayag agad 'yon lalo na kung isusumbong pa niya na mukhang lumalala pa 'yung paa ko.
"Don't even think about it Scar. Hindi mo 'ko madadaan dyan sa pagpa-puppy eyes mo." Ngumuso ako at napairap. Nilagay niya sa loundry basket 'yung towels niya.
"Please kuya. I don't want to stay here. Mababagot ako dito." Halos magmakaawa na ako sa kanya dahil ayaw ko talagang mag-stay dito sa bahay.
Not that I don't like here, I love my home so much, is just that I don't really like the idea of just staying here for the whole afternoon. Lalo pa na ikukulong lang din ako sa kwarto dahil sa paa ko. God, I hate the sprain.
I'm actually an active person. Extrovert. Very outgoing. Gusto ko 'yung umaalis at pumupunta sa ibang lugar to explore. Mahilig ako sa hikings and swimming. I always do things to keep myself busy in order not to be bored and also to explore new things. Kaya noong nagdadalaga na ako ay hindi na ako masyado nagii-stay sa bahay ng buong araw. I like to travel with my family, friends and sometimes alone.
"Mamili ka, mabagot o malumpo habang buhay?"
God, bakit ang exaggerated niya? Grabe talaga itong mag-isip. Malumpo agad habang buhay?
"OA ka din e noh? Ayan tuloy sumusunod na din si Silver sa ka-OA-an mo."
Sa kanya siguro mas nagmana si Silver. Ang exaggerated mag-isip, my gosh.
Tapos na siya sa pag-aayos ng gamit niya at tumingin sa 'kin. Hindi pa pala siya nakasuot ng damit hanggang ngayon. Ano ba 'yan, hindi ba siya nilalamig?
"Whatever Scar. Sino ba mas matanda sa 'tin? You should listen to me, it's for your own good."
I let out a deep sigh when he went to his walk in closet afterwards. I guess he will get a shirt to wear. Nothing will change his mind now. Binato na niya ako ng paborito niyang linya na 'Sino ba ang mas matanda sa 'tin?'. Kapag sinabi na niya 'yan sa 'kin, meaning to say he's really damn serious. He's on his good brother mode. Napahiga at napatalukbong na lang ako ng unan dahil sa inis. Naiinis talaga ako kapag ganyan siya. I'm nineteen already pero parang siya pa rin ang parating nagsasabi sa 'kin kung anong dapat kong gawin at hindi. He's really overprotective sometimes. Ginagawa nila akong bata.
"Scar, get up."
Nakahiga pa rin ako at nakatalukbong ng unan. Hindi ako gumalaw kahit sinabi niya na bumangon na ako mula sa pagkakahiga sa kama niya.
"Scar." May diin na pagtawag niya sa pangalan ko.
"Ayaw ko. Naiinis ako sa 'yo." I heard him sigh. After a minute, I felt him sitting on the bed next to me.
"Alam ko. But you should listen, okay. I'm worried about your foot that's why I'm being the oh-so-overprotective brother again. Gusto mo ba talagang hindi gumaling 'yan ng tuluyan?"
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko para alisin ang unan sa mukha ko. Ngumuso ako nang maalis na nga niya 'yung unan.
"Okay, I understand," malungkot na sabi ko.
I know he's just being protective again. He has always been lalo na kapag alam niyang mapapahamak lang naman ako. Wala siyang ibang ginawa kung hindi maging mabuting kapatid sa 'kin kahit hindi naman talaga kami tunay na magkapatid. We both knew that we're not blood-related but because our parents married each other, we are now a family. He's now my brother and I'm thankful for that.
Bumangon ako sa pagkakahiga at pinitik agad niya ang noo ko. Napa-aray ulit ako at hinimas 'yung noo. Ang sakit kaya niya pumitik!
"Susunod ka naman pala, grabe pang arte." I rolled my eyes.
"Wala naman makakabago ng isipan mo e. Kahit mag-puppy eyes pa ako ng ilang beses, hindi tatalab sa 'yo." He chuckled.
"What are you, a baby?" I rolled my eyes at him again. Hindi ako umimik at nanatiling malungkot ang mukha, baka sakaling maawa siya sa 'kin. He suddenly ruffled my hair. "I'm sorry, okay."
"Please... Good heavens, make my brother change his mind, please." Pinaglapat ko pa ang mga palad ko at talagang nananalangin na sana baguhin ang isipan ng magaling kong kapatid.
Napailing siya at bumangon mula sa pagkakaupo at humarap ulit sa 'kin.
"Okay, let's have a deal. Papasok ka bukas pero hihintayin at tatawagan mo ako kapag aalis ka na ng school. Saka huwag ka na umalis ng room mo kapag lunch break, pupuntahan na lang kita."
Bigla akong napangiti sa sinabi niya at nabuhayan. God, thank you so much. Narinig agad niya ang panalangin ko.
"Really?"
"Oo nga. Basta nagkakaintindihan tayo?" Hinawakan niya ang ulo ko gamit ang isang kamay.
"Oo! Wala nang bawian 'yan ah. Papayagan mo na akong pumasok."
Ngiting-ngiti ako nang makalabas ng kwarto ni kuya Sky. Siguro naawa 'yon sa 'kin kaya pumayag na din. Hindi ko talaga siya titigilan hanggat hindi niya ako papayagan. Bumaba na din ako para pumunta ng sala. Tapos naman na ako sa schoolworks ko kaya sa sala na lang ako tatambay. Nandoon din naman si mom at nanonood ng movie. Nakinood na din ako habang nakaupo sa tabi niya at kumakain ng chips. Mga ilang sandali ay bumaba na din si Silver. Tumabi siya sa 'kin at kumuha na din sa chips na kinakain ko. The movie was a romance drama kaya walang balak manood si Silver. He hates romantic dramas. Nag-stay na lang siya para kumain nung chips. Kaming dalawa lang ni mom nagkakaintindihan dahil parehas kaming mahilig manood ng dramas.
When the movie ended, daddy arrived. Lumapit agad kami ni Silver sa kanya para salubungin at batiin.
"Hi daddy!" bati ni Silver.
"Hey, Silver."
"Hi, Dad. How are you?" I asked after kissing his cheek.
My dad is a businessman. He's actually the owner of a chain company that's why he's a very busy man. But he always finds a way to have time for us. Hinding-hindi siya nawawala kapag may events kami lalo na kapag recognition or graduation. He's always there to support us. He's the best dad, actually.
"I'm fine baby. You, how's your foot?" he asked. Kinuha ni mom 'yung gamit niya pagkatapos halikan ni dad ang pisngi niya.
"It's fine Dad. It doesn't hurt anymore."
"Dad ate is really hard-headed. I told her to use her supporter when she's walking downstairs but she doesn't listen. Paano kung nahulog siya?" pagsusumbong agad ni Silver kay dad. I raised a brow at him.
"No, I'm not. Hindi ko lang naman ginamit 'yon dahil hindi naman kailangan. I can walk Sil, duh!" I heard mom and dad chuckled.
"Well, that's good to hear that you're really taking good care of your sister. I'm proud of you anak." Ngumiti si dad at ginulo ang buhok ni Silver.
"He's really growing up. Hindi na baby," komento ni mom para asarin si Sil.
"Mommy!" reklamo agad ni Sil.
Napangisi na lang ako nang asarin na siya ni mom. Pumunta na muna si dad sa taas para magpalit ng damit. After awhile, bumaba na ulit si dad galing kwarto nila para kumain na kami ng dinner. Kasama na niya si Sky na mukhang tapos na din gawin ang schoolworks niya.
Sabay-sabay na kami kumain ng hapunan. Every night, magkakasama kaming kumain ng dinner. Parang isang rule na sa amin na sabay dapat kami kumain sa hapunan dahil ito na lang 'yung time na buo kami. Dad is really busy and also mom. She's also taking care of the business kaya minsan hindi siya ang nakakapagluto ng pagkain. But for special occasions, hindi sila absent doon. They are both present sa bawat okasyon na mahalaga para sa amin.
So dinner time is the time for us to talk together. Ask each one of us if we had a great day or not. We siblings are open to our parents kaya wala namang problema. Para nga kaming magkakaibigan lang.
"Ikaw Sky, bakit wala ka pa ding dinadala na babae dito sa bahay simula noong nagkahiwalay kayo ni Georgia?" biglaang tanong ni dad kay kuya Sky habang kumakain. Napatingin ako sa kanya na nasa harapan ko. Medyo natigilan siya pero ngumiti pa rin ng bahagya at hinarap si dad.
"I decided not to put myself in a relationship again. Magtatapos naman ako dad so I just need to focus on my studies for now." Napatango tango sa kanya si dad.
"Mabuti 'yan. Akala ko hindi ka pa din nakakamove-on don kaya hindi ka nagkaka-girlfriend." Halos matawa na ako sa sinabi ni dad.
"Dad! That was three years ago. I'm totally over with it." Napangisi si dad at si mom.
"So bakit hindi ka pa din nagkaka-girlfriend? Not that we're pressuring you Sky, we're just curious," sabi ni mom.
"Mom, you know kuya, he's very focused on his studies and basketball," singit din ni Silver.
Ngumunguya-nguya lang ako habang pinapakinggan sila na iinterrogate si kuya Sky. Natatawa na lang ako sa isipan ko habang minamasdan ang reaksyon ni kuya. Halos magdugtong na ang kilay niya dahil sa inis na nararamdaman dahil tinatanong naman siya ng mga bagay na kinakainisan niya.
He got a girlfriend actually when he was seventeen. Her name was Georgia. Georgia was his first girlfriend and the first lady he brought into our home kaya alam nila mom and dad ang tungkol sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit nagbreak agad sila when he was eighteen. Nabalitaan ko na lang kay mom na wala na sila nung babae dahil kinuwento niya sa 'kin. I can't blame Mom and Dad though if they are asking him about girls because I, myself am also curious why he doesn't want to entertain girls or liking a girl.
He's a damn captain of our basketball team kaya maraming babae ang nagkakagusto at nagpapantasya sa kanya. He's actually a good-looking guy kaya maraming babae sa school ang humahabol sa kanya. Kaya nagtataka din ako kung bakit wala siyang natitipuhan sa school. Kahit hindi naman siya sa akin nagkukwento tungkol sa mga ganon, malalaman ko pa rin kung kailan siya may natitipuhan sa school dahil sa mga chismosang estudyante sa amin.
"Enough with Sky. How about you Scarlette, may nanliligaw na ba sa 'yo?" Halos mabulunan ako sa kinakain dahil sa diretsong tanong ni dad. Napainom agad ako ng tubig.
"Wala dad," sagot ko.
"Why not? Wala bang umaaligid sa 'yo na mga lalaki? You're in the right age naman, Scarlette kaya pwede ka nang mag-boyfriend." Ngumiti na lang ako ng alanganin sa sinabi ni mom.
Gosh, boyfriend? Wala nga akong gustong lalaki, mag-boyfriend pa kaya?
"It's okay mom. Wala din naman akong balak magka-boyfriend."
"Bakit naman?"
"Mas okay na 'yan. Ang bata mo pa para mag-boyfriend," kuya snorted at me.
"Sky, she's nineteen already. Don't be so protective to her," saway agad ni mom sa kanya.
Nagkibit balikat lang si kuya at pinatuloy ang pagkain. Hindi na ako nagsalita at pinatuloy na din ang pagkain. Wala naman akong paki sa topic namin ngayon. Mom and dad are just really pushing us to have a boyfriend or a girlfriend already. They just want us to live a normal life. They actually don't pressure us with our studies. It doesn't matter if we are not at the top as long as we're doing our best on something and watching us achieve what we want to achieve. They are actually cool parents.
As for us, siguro hindi na muna namin iniisip ni kuya Sky 'yung tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend or boyfriend. Mas focus lang kami sa kung anong gusto naming gawin ngayon. Sa mga pangarap namin. Ang pagpapasok sa isang relasyon ay hindi basta-basta na dahil gusto mong magka-jowa ay hahanap ka na. It must be requited where both of you have to commit. For me relationships are special kaya hindi ako nagmamadali na pumasok sa isang relasyon.
Napaisip tuloy ako, not even once I had a crush on someone. I don't know the feeling of having a crush. But I do idolize or have the feeling of attraction towards men who are celebrities which I didn't actually feel towards a man who I can see every day or talk with. Habang iniisip ko nga, wala talaga ako matandaan na nagkagusto ako sa isang tao.
"You can let go of me, kuya." Hindi ko na napigilang sabihin sa kanya habang nakaalalay siya sa akin sa paglalakad.
Mula pa sa bahay ay para akong isang disabled person kung ituring nila. Maayos naman na ang paa ko dahil ginamot ko na kagabi pero parang hindi sila makampante hanggat hindi ako naaalalayan para hindi matumba.
Kanina pa 'to si kuya Sky na nakaakbay sa akin at inaalalayan talaga ako sa paglalakad. Pati ba naman pagbaba namin mula kotse at pagpasok sa school ay nakaalalay pa rin siya. Gosh.
"We have a deal right?"
"I know pero kailangan talaga ganito? Hanggang maihatid mo 'ko sa room ko?" I rolled my eyes at him.
"Ano naman?" I sighed. Bahala siya dyan, siya naman mahihirapan kapag pinagpatuloy pa rin niya. Mapapagod din siya.
Lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway ay napapatingin sa amin. Marami pang napapatili dahil sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Hindi ko na lang iniintindi dahil wala din naman akong pakialam. Kahit naman siya ay wala ding pakialam kahit maraming nagpapapansin sa kanya. Ang cold talaga niya.
With his perseverance, nakarating naman kami sa room ko. Agad nagtinginan sa amin 'yung mga ka-blockmates ko dahil talagang pumasok pa si kuya Sky sa room ko.
"Hintayin mo 'ko mamayang lunch break, sabay tayo."
"But kuya-"
"We have a deal." Pinandilatan niya ako ng mata kaya napabuntong hininga ako.
Ang sungit naman niya. Tsk. Nagpaalam na siya sa 'kin at tumango na lang ako. Dumating na din si Alya kaya hindi na ako nakaramdam ng boredom. Medyo nabobored na din ako dahil wala pa siya. Muntikan pa siyang ma-late ah.
"Bakit hindi mo dala 'yung supporter mo? Maayos na ba paa mo?" tanong bigla ni Alya.
"Hindi ko na dinala. Hinatid ako ni kuya Sky." Bigla siyang tumili at parang nabuhayan ng dugo nang marinig ang pangalan ng kapatid ko. Napangiwi pa ako dahil sa kanya.
"OMG, so galing dito 'yung kuya mo?" tanong niya. Tumango ako at bored na nag-scribble sa notebook ko. "God! Sana pala mas napaaga ako. He's really dreamy."
Pinagsiklop niya ang dalawang kamay at ngumiti na parang baliw. I almost forgot, isa din pala siya sa mga fangirls ng kapatid ko. Sa dinami-rami pa na pwede niyang magustuhan ay 'yung kapatid ko pa. Napapangisi na lang ako minsan sa kanya dahil patay na patay siya doon at kinukwento pa sa 'kin. Hindi ko naman siya matutulungan mapalapit sa kapatid ko dahil I don't want to play cupid. Alam ko ang ugali ng kapatid ko kaya kapag hindi niya gusto ang kaibigan ko, masasaktan lang ito. Ayaw ko naman masaktan ang best friend ko ng dahil lang sa kanya. Naintindihan naman raw ni Alya. She was flattered when I told her my reason kung bakit hindi ko siya tinutulungan kahit alam ko namang gustong gusto niya 'yung kapatid ko. Okay na daw siya sa pagfa-fangirl.
Pagkatapos ng morning class namin ay inayos ko na 'yung mga gamit ko. Ilan sa mga ka-blockmates namin ay nagsilabasan na ngunit bigla din naman nagingayan. Nagkatinginan kami ni Alya pero napansin ko ding nakatingin na sila sa akin. Napakunot ang noo ko. Nakita ko si kuya Sky kaya naman nalinawan na ako kung bakit nagingayan ang mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung matutuwa ako na maraming humahanga sa kapatid ko o hindi e. Ayan tuloy, nadadamay ako dahil sa kasikatan niya dito sa school.
I sighed when he went near me. Talagang nagsitabihan pa ang mga kaklase ko na nasa pintuan para lang padaanin ang kapatid ko. Geez.
"You're early," komento ko habang kinukuha ang gamit.
Inagaw niya sa 'kin 'yung bag ko at siya na ang nagbitbit noon. Tinulungan niya akong makatayo. Lumabas na kami ng room at tinawag ko pa si Alya na mukhang na starstruck dahil ang lapit lang niya sa kapatid ko. Sumunod naman siya sa amin papuntang cafeteria.
Same scenario sa room ang nangyari nang makapunta kami sa cafeteria. Halos lahat ng mga estudyante sa bawat year level ay kilala itong kapatid ko. Napapatingin, ngumingiti at bumabati sa kanya. Ito namang kapatid ko ay walang pakialam kaya ako na lang ang ngumingiti sa kanila. Kawawa sila, masyadong cold itong kapatid ko.
Pinaupo niya ako sa bakanteng upuan at sumunod na din si Alya. Ngiting tuta siya habang naupo at hiyang hiya pa sa kapatid ko.
"Are you fine here?" tanong niya sa akin. Inayos ko 'yung uniform ko at tumango.
"Okay na. Hindi mo na kailangang gawin but thanks."
"Ako na bibili ng pagkain niyo."
"Talaga? OMG, thank you Skyler," sambit naman ng kaibigan ko. Ngumisi ako. Dumadamoves lang para makausap ang kapatid ko e.
"No prob." Umalis na siya sa harap namin at hindi na napigilan ang mahinang pagtili ng best friend ko. Inalog-alog pa ako at hinampas dahil sa kilig niya.
Gosh, ang sadista talaga nito.
"Blythe! Totoo ba 'yon? Si Skyler ba talaga 'yon? Tell me!" kinikilig na sambit niya.
"Hindi, imagination mo lang 'yon Alya," pangbabara ko sa kanya.
"Eh! My gosh."
She looked at my brother who was patiently waiting in line at the counter with dreamy eyes. Napatawa na lang ako at napailing habang minamasdan siyang pagpantasyahan ang kapatid ko.
"Do you think she's his girlfriend?" Natigilan ako nang marinig na nagsalita ang babae sa katabing table namin.
"Baka nga. Ang sweet nila kanina e. Nakaalalay talaga sa kanya si Skyler."
Confirmed. Mukhang ako ang pinag-uusapan nila dahil binanggit nila ang pangalang Skyler. Hindi ko na lang sila inintindi at nagpanggap na walang narinig. Close friends lang kasi ang may alam na magkapatid kami ni kuya Skyler. Bukod kasi sa iba ang last name namin, hindi kami masyadong nagkikita ni kuya sa school. Ngayon nga lang niya ako hinatid sa room ko. I was surprised that he knows my room though. Hindi lang kami masyadong nagkikita dahil medyo malayo din ang building niya sa building namin.
Hindi nagtagal ay bumalik na si kuya at dala na ang pagkain namin. I smiled and thanked him. Ganoon din ang ginawa ni Alya na hindi matanggal ang ngiti sa labi. Aysus, aasarin ko talaga ito mamaya.
"Ikaw, hindi ka kakain?" tanong ko sa kanya nang mapansing sa aming dalawa lang ang binili niyang pagkain.
"Hindi na muna. May meeting pa ako sa basketball team."
"Really? What time?" Tumingin siya sa wrist watch niya at saka tumingin ulit sa 'kin.
"Now actually. Sinundo lang kita para alalayan papunta ng cafeteria."
Awe. Kahit ang sungit talaga niya minsan pero sweet naman siyang kapatid. Sa sobrang ka-sweetan minsan mas gusto mo na lang na magsungit na lang siya.
"Edi pumunta ka na. You're doomed! Late ka na," pang-aasar ko sa kanya.
"No, ihahatid pa kita sa susunod mong class." My lips slightly parted. Oh my god, he's really being the oh-so-good-brother again.
Hindi naman niya kailangang gawin 'yon pero talaga ini-insist pa rin niya.
"May I remind you that I only had a sprain on my ankle and not a fractured bone or anything serious? I can still walk, you don't need to help me kuya." He snorted at me.
"We have a deal Scarlette. O baka naman gusto mong pauwiin na kita ngayon? You'll stay there, in your room. Alone. Doing nothing. Just lying on your bed the rest of the afternoon..." he said just to tease me.
"Okay! Fine." Sumimangot ako at kumain na lang. He gave me a smirk, totally celebrating his victory.
Hays kainis talaga siya. Bahala siya dyan maghintay, aalis din naman 'yan kapag ang bagal kong kumain.
*****