Nakahiga ako sa kama samantalang ang pinsan ko naman na si Xiana ay naka upo sa gilid ng kama ko. Dito sya tumatambay pag wala siyang kasama sa bahay nila.
"Cai!! Andyan kaba?!! Omg!! Cai!!" Pag tawag ng kung sino sa may pinto ng aking silid.
Nang buksan ko ito ay bumungad sa'kin si Khione na tuwang tuwa.
"Oh bakit?" Saad ko nang maupo sya sa kama ko.
"So, ito na nga may good news ako sainyo! " Saad ni khione at mukhang excited na sa kanyang sasabihin.
"Oh ano nga?? " Inip na tanong ni Xiana.
"May Laro sila Zack sa Sabado!! " Excited na saad ni khione.
"Oh tapos? Anu gagawin ko?" Saad ko at humiga nalang sa kama. Nakita ko pang biglang napangisi ang dalawa.
"Edi syempre manonood tayo! Susuportahan na'tin sila! " Saad ni khione at tumabi sa'kin.
"Ayoko! "Pagtanggi ko agad. "Kayo nalang."
Tss. Ano naman gagawin ko dun? For sure makikita ko lang ung mga babaeng nagccheer sa kanya noh! No way.
Hindi naman sa naiinsecure ako, Duh. Mas maganda pa'ko sa kanila noh!
Napasimangot naman bigla ang dalawa.
"Hindi pwede kaylangan nandoon tayong apat, atska andoon ang kuya mo! Baka nakakalimutan mo na mag ka-team silang dalawa, kaya dapat sumuporta ka." Pagpipilit ni Xiana.
Hindi nalang ako sumagot at nagtalukbong nalang ng kumot habang nag uusap silang dalawa para sa sabado. Alam ko naman na sila ang masusunod dalawa kahit ano pang gawin ko.
Nag dumating ang araw na yun ay masayang masaya ang tatlo.
Well masaya din naman ako pero di ko lang pinapakita dahil baka asarin pa ako ng tatlo.
Nang makarating kami sa loob ng court ay punong puno ito ng tao at hiyawan ang naririnig ko kahit hindi pa naman nagsisimula ang laro.
Luminga linga ako sa paligid at napatingin ako sa gawi nila kuya at nakita kong naka akbay si Zack kay Kuya. Nagtatawanan ang dalawa at pabiro na sinapak ni Kuya ang braso ni Zack.
Kinalabit naman ako ni Khione kaya napunta sa kanya ang atensyon ko, may itinuturo syang mga lalaki malapit sa katabi naming upuan. Nagkibit balikat nalamang ako sa kanya at tumingin ulit sa gawi ng kapatid ko, pero sa pagkakataon na iyo ay nakita ako ni Zack kaya't ngumiti sya sa'kin. Ginantihan ko naman ito ng ngiti.
Naramdaman ko na nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa ko. Dumating na ang kalaban nila galing ibang school kaya naman ay nag simula na ang laro.
Kanina pa kami sigawan ng sigawang apat, sumasakit na nga ang tenga ko dahil sa malakas na hiyawan dito sa court pati ang lalamunan ko ay masakit na din dahil sumasali ako sa pag ccheer nila Xiana.
Bigla naman akong binulungan ni Xiana.
"Girl, tignan mo yon oh. Grabe kung makapag cheer! Ikaw naman lakasan mo din boses mo para marinig ka ni Fafa Zack!" Inis na nginuso nya ung mga babae sa may bandang gilid namin.
"Go! Zack! Mahal na mahal kitaaa!" Sigaw naman nung babaeng nasa itaas namin. Napangiwi nalang ako sa kanila. Grabe!
"Go! Luke Mahal!!" Sigaw pa ng isa.
Gusto ko din tapatan ang mga babaeng 'to!
"Go! Zackk! Kaya mo yan! Kaya mahal kita eh!" Sigaw ko. Gulat namang napatingin sa'kin sila Khione at Estelle. Si Xiana naman ay ngumiwi at tumawa ng malakas.
At ako? Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa, madami din kasing mga babae na tumingin sa'kin. Tumingin nalang ulit ako kila Zack at laking gulat ko nang makita syang nakatingin sa'kin bago ngumisi at kumindat!
Omg! Kumindat sya! Teka ako ba ung kinindatan nya?! Lumingon naman ako sa nasa likod ko pero lalaki pala ang nasa likod ko kaya imposible na sya ung kikindatan ni Zack.
So ibig sabihin ako nga! Assuming na kung assuming pero kinindatan nya ko! Mangingisay na ata ako sa kilig dito e! Kinindatan ako ng isang Zack Perrier!
Malapit nang matapos ang laro, dahil natatambakan na ang kalaban at sigurado namang sila Zack ang mananalo d'yan. Nakita kong pinasa ni Kuya ang bola kay Zack na agad namang umingay ang mga tao dito dahil na shoot ni Zack ang bola!
"Iba talaga ang isang Perrier!" Sigaw ng lalaki na malapit sa'min.
Napangiti naman ako sa sinabi ng lalaki.
Tama sya, iba talaga ang isang Perrier..
Hindi pwede na matapos ang laro ng wala akong kahit isang picture ni Zack kaya naman sinimulan ko nang picturan sya. Napangiti ako sa mga nakuha kong picture sa kanya.
Kahit Pagod at puro pawis na ay ang gwapo parin. May isa syang picture sa'kin na nakatalikod sya at kitang kita ang jersey na suot nya, nakalagay doon ang apilido nya na 'Perrier' at may number na 10.
Natapos ang laro at nanalo sila.
Agad namang kaming lumapit kila Kuya, nakita kong nagtatawanan silang dalawa ni Zack.
Lumingon naman ang dalawa sa gawi namin, kaya't agad akong napangiti nang makita si Zack.
Kahit pawis na pawis na ang gwapo pa din! I wonder ano kayang amoy nya kahit pawis na? Oh my, ang dumi ng utak mo Caila!
Napailing nalang ako sa naiisip ko. Lumapit ang tatlo para batiin ang pagka panalo nila, pero ako? Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makitang titig na titig sa'kin si Zack.
Yumuko nalamang ako para umiwas ng tingin sa kanya. Ngunit pagka angat ko ng tingin ay wala na sya sa pwesto nya kanina! Luminga linga ako upang hanapin sya, pero nanigas ang katawan ko ng may maramdaman akong nakatayo sa likod ko.
Humarap ako unti unti sa taong ito at laking gulat ko nang makita ko si Zack. Sobrang lapit nya sa'kin at Naaamoy ko ang matapang nyang pabango, hindi naman masakit sa ilong kaya nga parang gusto ko pang lumapit sa kanya eh.
"Napanood kita kaninang nagccheer, thank you sa support para sa team namin." Nakangiting saad nya.
Tsk. Hindi naman sa team nyo ako nag ccheer eh, sayo kaya! Gusto kong sabihin yon sa kanya ngunit nakain ko na ata ang dila ko dahil di na ako makapag salita.
Alanganing ngumiti naman ako sa kanya at tumango " W-wla yon"
Grabe. Hindi ko pa'rin makalimutan ung pagkindat nya.
Magsasalita pa sana sya ngunit tinawag na sya ng coach nila. Nagpaalam sya sa'kin at humingi ng paumanhin dahil tinatawag na daw sya. Agad naman akong nilapitan ng tatlo.
Hays, panira naman ng moment 'tong coach nila. Tsk.
"Anong sabi?" Excited na tanong ng pinsan ko.
"Nagpasalamat lang." Tipid na sagot ko.
"Ano? Anong nagpasalamat? Saan?" Sunod sunod na tanong ni Khione.
"Dahil daw nagcheer ako sa team nila, nagpasalamat dahil sa support ko." Tamad na sagot ko. Tumango tango nalamang ang dalawa at hindi na sumagot.
Nang makauwi na kami ay humilata nalamang ako sa kama hanggang sa dalawin ng antok.
Hays, nakakapagod ang araw na ito.