Umagang umaga sinisira ang araw ko. Pinatay ko ang alarm clock na nasa gilid ng kama ko dahil sisirain lang nito ang araw ko. Bumangon na ako upang makapag almusal dahil gutom na gutom na ako, ang weird nga ng panaginip ko eh, puro pagkain. Kaya naman pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay bumaba na na ako upang mag almusal.
Habang kumakain ako sa hapag ng almusal ay biglang bumukas ang pinto at tumambad sa'kin si Zack. Naka jogging pants ito at naka gray na t-shirt. Kitang kita mo ang maskulado nitong mga braso, kitang kita ko din ang patak ng pawis sa kanyang noo, pati narin sa may bandang tyan nya ay basang basa na sya ng pawis. Manipis lang ang t-shirt nya kaya naman bumakat ang abs nito.
Hays ganda naman ng almusal ko, pandesal sa umaga. Kulang nalang ang kape!
Nailing nalamang ako sa aking iniisip. Ano ba naman yan Cai! Ang aga aga ang dumi ng utak mo! Tigilan mo yan! Pangaral ko sa aking sarili.
Nang makita ako ni Zack ay agad syang ngumiti sa'kin at lumapit.
Hays, yang ngiti ngiti mo na namang yan ah!
"Good Morning." Bati nito. Umayos naman ako ng upo.
"Morning. Bakit ka nga pala andito?" Takang tanong ko sa kanya.
Bakit nga pala sya nandito? Sino nagpapasok sa kanya dito sa bahay?
"Ah. Ung kuya mo kasi, niyaya ako magbasketball" sagot nya.
"Nga pala. Nakalimutan kitang batiin kahapon. Balita ko MVP ka daw! Tska Congrats dahil nanalo kayo." Masayang bati ko sa kanya.
"Thanks."Nahihiyang Saad nya. Nakita ko din nag blush sya.
Cuteee!
"By the way, before i forgot. Narinig ko ung sinabi mo na cheer sa'kin kahapon."
Ako naman ang namula dahil sa sinabi nya. Kaylangan ba'ng ipaalala?!
"Ah Sorry I didn't mean that, akala ko kasi di mo maririnig kaya.." Sigurado akong Pulang pula na ang mukha ko sa hiya!
"Kaya..?" Tanong nya pa. Umangat ako ng tingin at nakita kong nakangisi sya!
"Kaya ano.. Inutusan lang talaga ako ni Xiana eh!" Defensive kong sagot. Tumango tango naman sya at parang pinipigilang mapangiti.
Sorry Xiana.
Lumapit naman sya unti unti sa'kin hanggang sa isang dangkal nalang ang pagitan naming dalawa!
"Really huh?" Nakangiting tanong nya.
He's enjoying this! Nakakinis dahil parang nanlalambot ang tuhod ko!
"O-oo. Asan nga pala si kuya?" Pag iiba ko sa usapan. Lumayo naman sya sa'kin at nakahinga ako ng maluwag. Umayos naman ako ng upo at tinuloy ko na ang pagkain ko.
Grabe na talaga!
"Miss me? lil sis?" Napatingin naman kami pareho ni Zack sa Lalaking nagsalita sa may pintuan. He's wearing a Black shirt and jogging pants, naka rubber shoes din ito.
Tinaasan ko naman sya ng kilay habang papalapit sa'min, nang makalapit ay agad syang ngumisi sa'kin at kinuha ang hotdog sa plato ko! Sinamaan ko sya ng tingin ngunit tawa lang ang ginanti nya sa'kin.
Samantalang si Zack naman ay nakatingin sa'min dalawa at naiiling nalang. Bigla syang pumunta sa kusina taka ko naman syang tinignan hanggang sa makalabas sya sa kusina ay may dala syang dalawang plato at kutsara. Agad naman syang umupo sa katabi kong upuan at inabot sa kapatid ko ang isang plato. Nagsimula na silang kumain at nagtataka parin akong nakatingin sa kanya.
Naguguluhan na'ko ha! Parang masyado syang feel at home dito sa bahay namin ah?!
"How long are you gonna stare at me?" Tanong niya na ikinagulat ko.
"Ha? Di naman kita tinitignan ah?" Defensive na sagot ko.
Natawa naman ang kapatid ko sa inasal ko, pati si Zack ay nakangiting napailing nalang.
"May tanong lang ako." Taas kamay kong tanong sa kanilang dalawa. Napakunot naman ang noo ng dalawa at nagtatakang tinignan ako.
"Ano?" Sabay nilang tanong.
"Matagal na ba kayong magkakilala? Mukha kasing sobrang close nyo eh." Naka kunot ang noo ko habang nagtatanong sa kanila. Tumawa naman ang kapatid ko at sinamaan sya ng tingin ni Zack.
Seriously? Nababaliw na naman ata ang kapatid ko eh. Magtatanong ako tas tatawanan lang?!
"Yeah. Matagal na kaming mag kaibigan." Si Zack na ang sumagot.
"Eh? Ba't di ko alam yun?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Lil sis, nasa Manila ka kasi nun." Napakamot batok nalang ang Kuya ko sa'kin. Tumango nalang ako at inubos na ang pagkain. Pumunta ako sa kusina para ilagay na ang plato ko sa lababo pagtapos ay naabutan ko pa'rin ang dalawa an kumakain. Paakyat na sana ako ng hagadan ng may bigla akong naalala.
"Kuya.." pagtawag ko sa kapatid kong lamon ng lamon.
"What?" Tumingin sya sa'kin ng naka kunot ang noo.
"Samahan mo'ko mag mall.. Please?" Kahit labag sa loob kong magpasama sa kanya. Alam ko naman na pag kasama ko sya ay lagi nalang syang naiinis sa'kin dahil ang tagal ko daw mamili ng damit.
Aba, naghahanap pa kasi ako ng magandang damit noh!
"Ayoko" agad na bumusangot ang mukha nya.
Tsk. Kundi ko lang kaylangan ng driver eh!
"Sige na kasi.. walang maghahatid sa'kin eh.. tska wala ung kotse ngayon ni mommy eh, ginamit nya kasi.. kaya sige naa.." pagpapaawa ko dito.
Nagpout pa'ko para effective ah! Pero inirapan nya lang ako! Aba! Sayang effort ko. Bakla ba'to? At nangiirap??!
"Ako nalang sasama sayo." Napatingin kaming dalawa ni Kuya kay Zack.
What? No way. Hiyang hiya na nga ako kanina palang eh.
"That's Good. Oh si Zack nalang kulitin mo. Wag mo muna akong guluhin ngayon Cai." Ngising sabi ng Kapatid ko. My jaw drop. What the?
"Goodluck bro, sana matiis mo si Cai sa kaartehan nya." Pahabol pa ng kapatid ko bago sya tumayo at pumunta ng kusina. Naiwan naman kaming dalawa ni Zack dito, tumingin sya sa'kin at nag kibit balikat nalamang. At ako? Gulat pa'rin sa mga pangyayari.
I guess wala na akong magagawa? Bumugtong hininga ako bago tumingin sa kanya.
"Uhm.. Mag aayos lang ako" Nahihiyang Saad ko. Tumango naman sya at pinag patuloy ang pagkain.
Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at naligo na. Pagtapos maligo ay nagbihis na ako. Nakabihis na ako pero hindi pa'rin ako mapakali sa susuotin kong damit. Parang gusto ko pang magpalit ang kaso baka naiinip na si Zack sa baba. Hindi nalang ako nagpalit at nag ayos nalamang ng mukha. Naglagay lang ako ng light make up, para naman hindi ako mukhang maputla dahil sa puti ng balat ko.
Hindi ako mapakali habang nakatingin sa salamin.
Caila, can you focus! Hindi ito date! Sasamahan ka lang nya mamili sa mall, okay?!