At mula ngayon ang bayang ito ay tatawagin nang Library of Heroes. Natuwa si Jin Kurie, dahil mayroon na siyang bayan na kaniyang sariling pag-aari. Subalit walang ibang nakatira sa bayan niya kundi siya lang mag-isa. Hindi niya alam kung sa ibang bayan ay may mga nakatira maliban sa mga bayani na nagmamay-ari nito. Sa bayan niya ay may isa lamang bahay, na para sa kaniya at mayroon din isang building na tinatawag niyang Hall of Heroes, sa madaling salita ito ay isang library patungkol sa buhay ng mga bayani. Isang libro palang ang nandoon, at iyon ay tungkol sa kaniyang buhay.
Napag desisyonan ni Jin Kurie na mag ikot-ikot sa mundo ng Alphian, at puntahan ang pinakaunang bayan, ang Ikarus, the Dragon City. Ito ay pag aari ng pinakaunang bayani na napunta sa mundo ng Alphian na si Ikarus Crasus. Isang half human half dragon na nagmula sa mundo ng Ikron. Nang malapit na siya sa bayan ng Ikarus, napansin niyang maraming nakatira sa bayan na ito, may mga nagliliparang mga dragon, hindi lang isa, dalawa o tatlo, kundi napakarami, Isa nga talaga itong Dragon City. Hindi lamang mga dragon ang nakatira dito, may nakita din siyang ibang mga nilalang, katulad ng mga taong lobo, mga orcs, mga goblins, kahit mga higante at mga elves. Masaya silang namumuhay sa mundong ito ng Alphian. Talaga ngang wala nang gulo sa lugar na ito, kahit ang mga mortal na magkalaban na mga nilalang na nababasa niya sa mga aklat ay masayang nagkukuwentuhan, tulad ng mga taong lobo at bampira, mga elves at mga orcs, mga higante at mga dwarves, at marami pang iba.
Pumunta siya sa pinakagitna ng bayan, nakita niya ang napakahabang hagdan paakyat sa itaas, mga isang libong hakbang ang taas nito, tinawag ito ni Ikarus Crasus na Thousand Steps of Dragon. Sa pinakatuktok nito ay ang bahay mismo ni Ikarus Crasus. Inakyat agad ito ni Jin Kurie at pinuntahan l niya agad ang bahay ni Ikarus Crasus, may dalawang dambuhalang dragon ang nakabantay sa may pintuan ng bahay na malapalasyo ang ganda. Pagpasok sa pintuan ay nakita niya agad si Ikarus Crasus na nakaupo sa isang trono at binati niya ito. Masaya naman si Ikarus Crasus nang makita niya si Jin Kurie.
" Ikaw pala ang pinakabagong bayani na napunta dito sa mundo ng Alphian... haha magsaya ka at magpaligaya, ito ang pahinga mo sa lahat ng ginawa mo noong ikaw ay nabubuhay pa" masayang sigaw ni Ikarus Crasus habang yakap yakap si Jin Kurie. Halos mabingi naman siya sa mga sinabi ni Ikarus Crasus.
Pinaupo siya ni Ikarus Crasus sa isang magarang upuan, napansin niya na hindi nag iisa si Ikarus Crasus sa bahay niya, may kasama siya, isang napakagandang babae, isang elf? ... ito ay si Gregoria Sedra, ang pang apat na bayani na napunta sa mundo ng Alphian, peru sa susunod na natin pag usapan ang tungkol sa buhay ni Gregoria Sedra. Ituon muna natin ang kamera Kay Ikarus Crasus, na bida natin sa chapter na ito.
Sinabi ni Jin Kurie ang kaniyang plano na magtayo ng isang Hall of Heroes sa kaniyang syudad at para mangyari iyon ay kailangan niyang isulat ang naging buhay ng mga bayani na napunta sa mundo ng Alphian noong sila ay nabubuhay pa sa kanilang sariling mundo. Tumawa naman ng malakas si Ikarus Crasus at sinabi niyang magandang ideya ito para malaman ng lahat ng mga henerasyon ng mga bayani na mapupunta sa mundo ng Alphian ang tungkol sa kabayanihan niya. Natuwa naman si Jin Kurie sa sagot ni Ikarus Crasus at nagsimula na itong magkuwento tungkol sa kaniyang buhay.
Ito ang buhay ni Ikarus Crasus, nagmula siya sa mundo ng Ikarus na pinamamahalaan ng mga true dragon. Ang pamilya Crasus ang pinakamalakas sa Ten Great Dragon Families, at namahala sa mundo ng Ikarus sa loob ng mahabang panahon, sinasabi na ang mga true dragon ay mga immortal na nilalang na may walang hanggang buhay, samantalang ang mga half dragon naman ay may katapusan ang buhay depende sa bloodline kung saan siya nagmula. Kung nakaligtas man sa katandaan ang mga true dragon, ay hindi parin maiiwasan na mamatay sila sa mga digmaan. Ang mga dragon ay likas nang mga war maniac at tinawag silang mga Berserker. Karaniwan nang nakakalaban ng mga true dragon ay ang mga elves at mga giants. Samantalang ang mga tao naman sa mundo ng Ikarus ay mga alipin ng mga malalakas na nilalang.
Ang ama ni Ikarus Crasus ay isang prinsipe at ang kaniyang lolo ay ang hari, ang pinakamalakas na true dragon sa Crasus family. Isang araw ay may nahuling mga tao ang mga nagpapatrolyang dragon na pinamumunuan ng ama ni Ikarus Crasus. Nakita rin niya na may mga kasama itong half-elf peru hindi niya ito pinansin sapagkat sa bandang huli ay magiging alipin din naman sila ng mga true dragon family. Nakita rin niya na may isang sanggol na tao na dala dala ang isa sa kanilang nahuli. Kaya kinuha niya ito upang patayin peru nagmakaawa ang ina ng bata na huwag nang patayin ang bata, Siya nalang ang patayin kapalit ng buhay ng bata. Agad namang hinugot ng ama ni Ikarus Crasus ang kaniyang sandata na tinatawag na Dragon Blade. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi malaman kung ano ang ginawa ng ama ni Ikarus Crasus sa babae at bigla na lamang nahati sa dalawa ang katawan nito.
Dinala ng ama ni Ikarus Crasus ang bata sa kanilang bahay, ipinaalagaan niya ito sa mga alipin upang sa paglaki nito ay maging alipin din, subalit lumalaki ang bata bilang isang napakagandang babae. Napansin ito ng ama ni Ikarus Crasus, at dito ay nag simulang mag iba ang tingin niya sa bata, na ngayon ay labingwalong taong gulang na. Nabighani ang ama ni Ikarus Crasus sa dalaga, at dahil sa isa itong alipin ay handa itong sumunod sa lahat ng kaniyang ipag uutos. Iniutos niya sa dalaga na pagsilbihan Siya sa kaniyang pangangailangan sa laman, at hindi nagtagal ay nagbunga ang kanilang ginawa.
Nanganak ang dalaga ng isang half human half dragon na bata, at tinawag itong Ikarus Crasus. Subalit hindi siya tinanggap ng kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nanatiling alipin ng Crasus family. Kaya malaki ang galit at pagkapoot ni Ikarus Crasus sa kaniyang ama. Lumaki si Ikarus Crasus na kinasusuklaman ang ama niya, at dahil sa alipin ang kaniyang ina ay naging alipin na rin siya.
Taong 5324 DE o Dragon Era, ito ang haba ng pamumuno ng mga dragon sa mundo ng Ikarus, ay naging binata na din si Ikarus Crasus, sa edad na dalawampung taon, ay naging isa siyang magiting na mandirigma. Naging miyembro siya Slave Warriors, mga mandirigmang alipin ng Crasus family. Kasama niya sa Slave Warriors ang pito pang mga alipin na sanay din sa pakikipaglaban at may pambihirang kakayahan. Isang half dragon half human, isang elf, dalawang ogre, isang higante, isang tao, isang dragon at isang fairy, sila ang miyembro ng Slave Warriors.
Taong 5325 DE, ay sinalakay ng Slave Warriors ang kaharian ng mga higante. Nagtagal ang labanan sa loob ng dalawampung araw. Namatay ang higanteng kasama nila, matapus siyang patayin ng magkapatid na ogre dahil sa prinotektahan nito ang mga batang higante na tumatakas. Nakita ito ni Ikarus Crasus, gusto niya ring tulungan ang mga batang higante na walang kamalayan sa mga nangyayari pero mahigpit na nakabantay sa kaniya ang kanilang lider na isang dragon. Sa taong ito, naubos ang mga higante sa mundo ng Ikarus, lahat ay pinagpapatay ng mga Slave Warriors.
Taong 5329 DE, ay may nagpakita kay Ikarus Crasus na isang lalaki, balot na balot ang katawan nito ng maitim na damit, ito ang nagpanukala kay Ikarus Crasus na tapusin na ang kahibangan ng mga true dragon. Napakaraming mga inosenting nilalang ang nawalan ng buhay, napakaraming mga bata at matandang nilalang ang naging mga alipin at patuloy na pinahihirapan ng mga true dragon. Mahabang panahon na itong ginagawa ng mga true dragon at hindi magtatagal ay mawawala ang balanse ng mundo ng Ikarus Crasus. Iminungkahi pa ng lalaki kay Ikarus Crasus na malulutas lamang ang problemang ito kung mawawala sa mundo ng Ikarus ang mga true dragon na sakim sa kapangyarihan.
Taong 5330 DE, napagkasunduan ni Ikarus Crasus, kasama ang tatlo pang mga miyembro ng Slave Warriors, na isang elf, isang tao at isang fairy, na e assassinate ang hari ng mga true dragon, ang lolo ni Ikarus Crasus. Napagpasyahan din nila na ubusin ang mga true dragon mula sa Ten Great Dragon Families, at itinira nalang ang mga aliping dragon at ibang mga nilalang.
Taong 5333 DE, pinatay ni Ikarus Crasus ang kaniyang lolo. Pinatay din niya lahat ng kabilang sa Crasus family, kasama na ang kaniyang ama. Pinakawalan nila ang mga naging alipin ng Crasus family at pinatay lahat ng mga bilanggong mga kriminal. Namatay din ang dalawang ogre na kabilang sa Slave Warriors ng protektahan nila ang ama ni Ikarus Crasus. Pinatay naman ng elf ang lider nila na isang dragon.
Kinabukasan ay puro bangkay ang makikita sa kaharian ng mga dragon. Walang naiwang buhay sa mga true dragon, maging sa mga mandirigmang alipin na nagtangkang protektahan ang mga miyembro ng Ten Great Dragon Families.
Taong 5334, nagtayo si Ikarus Crasus ng isang kaharian kung saan lahat ay pantay pantay, walang malaya at wala ring alipin. Walang mayaman at wala ring mahirap. Lahat ay sa ilalim ng pamumuno ni Ikarus Crasus, at lahat ng nilalang ay tinanghal siyang bayani ng Ikarus.
Taong 5375, ay dumating sa mundo ng Ikarus ang isang bagay na hindi nila inaasahan. Ang Grand Catastrophe ay nangyari sa mundo ng Ikarus, sa pamumuno ni Necro, isang S rank Dark Beast, ay sinakop ng mga Dark Beast ang mundo ng Ikarus. Tinipon ni Ikarus Crasus ang lahat ng mandirigma sa kaniyang kaharian at hinarap nila ng buong tapang ang mga Dark Beast.
Sa labanan na naganap sa kapatagan ng Ekteria na tumagal sa loob ng isang buwan at dalawampung araw, ay naubos ang mga tauhan ni Necro na mga Dark Beast samantalang sa panig naman nila ni Ikarus Crasus ay sampu nalang silang natira. Dito ay si Necro na lamang ang natira kaya nagpakawala ito ng Dark Beast energy at tinamaan sila ni Ikarus Crasus at ang kaniyang mga kasama. Dahil sa ginawa ni Necro, nanghina ang kaniyang buong katawan at naubusan na siya ng enerhiya para lumaban. Samantalang si Ikarus Crasus naman ay nakatayong muli at halos walang bakas na pinsala sa kaniyang katawan. At pinatay niya si Necro na nanghihina.
Bumalik si Ikarus Crasus sa kaniyang kaharian, kasama ang siyam na magigiting na natira sa labanan. Dito ay namuhay na silang mapayapa, nakapag asawa si Ikarus Crasus, nagkaroon sila ng anak na lalaki at babae, mga half dragon half human at half elf half dragon.
Taong 5400 DE, nagsimula nang maramdaman ni Ikarus Crasus ang epektro ng Dark Beast Energy. At nabuo ito sa loob ng kaniyang katawan na parang isang parasite, na unti unting kinakain ang kaniyang buhay. Ito ang Beast Curse. Wala silang gamot na mahanap na gamot sa sakit na ito kaya sa bandang huli ay namatay din si Ikarus Crasus.
Pagkatapos na magkuwento ay tumawa nalang siya ng napakalakas, samantalang ang elf na kasama nila ay iyak ng iyak ng maalala niya ang mga pangyayari. Kaya sinabihan na lamang siya ni Ikarus Crasus na huwag ng isipin ang mga bagay na iyon, narito na sila sa mundo ng Alphian, lahat ng bagay na naranasan nila sa mundo na pinagmulan nila ay hindi na nila mararanasan pa sa mundong ito. Ngumiti naman si Jin Kurie, siguradong napakagandang kwento ito. Iniisip niya kung ano ang magiging title ng libro, mas magandang pakinggan kung "Ikarus Crasus, the Half Dragon Half Human Berserker."
Bago matapos ang libro ay sinulat ni Jin Kurie sa pinakahuling pahina:
Name: Ikarus Veran Crasus
Race: Half Dragon Half Dragon
World: Ikarus
Ability: Dragon Berserker Boost,
Half Blooded Curse
Age: 96 years old
Cause of Death: Beast Curse
At pinalagda ni Jin Kurie si Ikarus Crasus sa pinakababang bahagi ng huling pahina. Tapos na ang aklat, nakikita na ni Jin Kurie na marami ng pupunta sa kaniyang bayan para lang basahin ang kwento ng buhay ng pinakaunang bayani na napunta dito sa mundo ng Alphian. Dahil sa sabik na sabik na si Jin Kurie na mailagay ang librong ito sa Hall of Heroes, nagpaalam na siya kay Ikarus Crasus at Gregoria Sedra. Mabilis siyang umuwi, sa daan nakita niya ang isang nilalang na may pakpak na tulad sa anghel. Puti ang buhok nito at may bughaw na mga mata. Napahinto si Jin Kurie, at tiningnan kung ano ang ginagawa ng nilalang na ito. Nang makita naman siya ng nilalang ay agad na itong lumipad pataas sa mga ulap. Hindi naman siguro siya natakot kay Jin Kurie ano?
Dumiritso na si Jin Kurie sa kaniyang bayan, at dali dali na pumasok sa Hall of Heroes. Inilagay niya sa tabi ng kaniyang aklat ang aklat ng buhay ni Ikarus Crasus. Tuwang tuwa si Jin Kurie, ito ang kaligayahan ng isang librarian. Napagod siya sa buong araw na ginawa niya, kaya pumunta na siya sa kaniyang bahay at nagpahinga, di niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Umaga na nang magising si Jin Kurie, bumangon siya at maligo saka kumain. Pagtapos ay binuksan niya ang pinto ng kaniyang bahay para makasagap ng sariwang simoy ng hangin. Laking gulat niya sa kaniyang paglabas ay nakita niya ang sampung iba't ibang uri ng nilalang. May isa naman na lumabas mula sa Hall of Heroes. May apat pa na papasok sa bayan.
Nilapitan siya ng isang succubus, at tinanong siya kung kailangan ba niya ng mga manggagawa sa kaniyang bayan. Gusto sana ng succubus na maging katulong siya sa bahay ni Jin Kurie. Peru tumanggi si Jin Kurie at sinabi na ang kailangan niya ay mga nilalang na pweding manirahan sa kaniyang bayan. Tuwang tuwa ang mga nakarinig sapagkat gusto nilang tumira sa bayan ni Jin Kurie. Maliit pa kasi ang babayaran nila sapagkat wala pa silang kakumpetinsya.
Dito sa mundo ng Alphian, lahat ng mga nilalang na nakatira sa isang bayan na pag aari ng mga bayan ay dapat na magbayad ng tax sa lahat ng kanilang kita. Ang pera naman sa mundo ng Alphian ay tinatawag na Alpi. Ang isang Alpi ay katumbas ng isang daang peso sa Pilipinas. Halimbawa, noong mag umpisa ang pinakaunang bayan, ang Ikarus o Dragon City, kalahating Alpi lamang ang binabayaran ng mga nilalang na naninirahan sa bayan na iyon buwan buwan. Subalit sa paglipas ng panahon, dumami ang nilalang na gustong tumira sa bayan ng Ikarus, ang problema ay limitado ang mga bahay na pweding itayo sa isang bayan. Sa Ikarus ay pwedi lamang magtayo ng isang daang bahay, at sampung building. Kaya ang mga nilalang na gustong tumira sa Ikarus ay napilitang itaas ang tax na kanilang babayaran buwan buwan. Ang Ikarus ay isang Level 5 na bayan, kaya umabot sa isang daan ang bahay na pweding itayo dito. Ang bayan naman ng Masador o Library of Heroes ay isang Level 1 na bayan, kaya dalawampung bahay lang ang pweding itayo dito at dalawang building.
Sa loob lang ng isang araw ay naitayo ang dalawampung bahay sa Masador. At dito na rin lumipat ang dalawampung pamilya mula sa ibang mga bayan na hindi na kayang magbayad sa mataas na tax. Natanggap naman ni Jin Kurie ang sampung Alpi na tax ng mga nilalang na pumiling manirahan sa kaniyang bayan. Masaya si Jin Kurie sapagkat mayroon na siyang mamamayan sa kaniyang bayan, nakakalungkot sapag hindi niya alam kung ano ang itatayo niya na dalawang building. Kung hospital ay kailangan niya rin ng doctor, kung paaralan ay kailangan niya rin ng guro, at kung anu ano pang naiisip niya.
Kaya napagpasyahan ni Jin Kurie na pumunta sa Capital City, ang orihinal na bayan sa mundo ng Alphian. .....