" Hindi ako mula sa hinaharap, hindi rin ako mula sa nakaraan, akoy nagmula lamang sa kasalukuyang panahon"
Nag umpisa ng maglakad si Jin Kurie papuntang Capital City, ang Alpha. Walang sasakyan na mula sa kaniyang bayan patungo sa Capital City sapagkat kailangan pang gumawa ng mga daanan para sa mga sasakyang panlupa, wala rin namang siyang mga dragon na katulad ng bayan ng Ikarus. Kaya paglalakad lang talaga ang tanging paraan mula sa bayan ng Masador patungong Capital City.
Sa paglalakad ni Jin Kurie ay marami siyang nakita, mga iba't ibang uri ng nilalang at iba't ibang uri ng halaman. Nabighani din siya sa ganda ng kapaligaran, hindi niya ito nakita noong inihatid siya ng isang dragon mula sa Capital City patungong Masador. Kaya sinulit na din niya ang paglalakad na parang namamasyal sa isang parke.
Sa kaniyang paglalakad ay may nakita siyang mga goblin, na nakasakay sa isang kotse. Namangha siya sapagkat hindi pa siya nakakakita nang ganoong uri ng nilalang at iniisip niya na ang kotse ay isang uri ng nilalang sa mundo ng Alphian. Gusto niya rin magkaroon ng ganoong nilalang na pweding masakyan at ang bilis pa. Iniisip niyang mas mabilis ang pagpunta niya sa Capital City kung iyon ang sasakyan niya. Kaya sinundan niya ang mga bakas ng gulong ng kotse hanggang makarating siya sa isang bayan. Ito ang bayan ng New York City, City of Technology.
" May bayan pala sa lugar na ito? Anong uring bayan ito? Bakit kakaiba ito kaysa mga bayan na nakita at nabasa ko? .." manghang sabi ni Jin Kurie sa kaniyang sarili. Marami siyang nakita na mga sasakyang tumatakbo, at inisip na lamang niya na ito ay mga nilalang na nakatira sa bayang ito. May mga nakita din siya na mga lumilipad subalit hindi niya alam kung ano ang mga ito. Ang nakita ni Jin Kurie na mga sasakyan ay mga kotse, motor at bisikleta, at ang mga nakita niyang lumilipad ay mga helicopter at glider, maging mga parachute.
Namangha talaga si Jin Kurie sa bayang ito. Kaya naisip niyang puntahan ang bayaning nagmamay-ari sa bayang ito. Pumunta siya sa pinakagitna ng bayan, at nakita ang isang building na may limampung palapag. Sinabi sa kaniya ng guard na ang may-ari ng bayan ay nasa pinakataas na palapag. Subalit napakataas nito, paanu niya maakyat ang limampung palapag ng gusaling ito. Kaya itinuro siya ng guard sa may elevator pero hindi niya alam kung paano ito gamitin, kaya sinamahan siya ng guard paitaas.
Pagdating nila sa itaas na palapag ay bumukas ang elevator at namangha si Jin Kurie sa desinyo ng palapag na ito. Napaka elegante, may isang napakalaking chandelier sa pinakagitnang bahagi at moderno ang estilo ng silid na ito. Nagulat nalang siya nang biglang may nagsalita, " Welcome sa aking tahanan, Mr. Jin Kurie." sabi ng isang binata na naka american suit at may kurbata. Pinaupo siya ng lalaki, at nagpakilala ito sa kaniya, " Ako nga pala si Arnold Midgard, ang may ari ng bayang ito at ako ang pangpitong bayani na napunta sa mundong ito ng Alphian." sabi nito nakangiti.
Sinabi ni Jin Kurie sa kaniya na ang gusto niya lang ay bumili ng nilalang na pweding masakyan. Natawa naman si Arnold Midgard, at sinabi niya Kay Jin Kurie na ang mga nakita niya ay hindi mga nilalang kundi mga di makinang sasakyan. Sinabi sa kaniya ni Arnold Midgard na ang mga sasakyang iyan ay mula sa ibang dimension sa hinaharap na panahon. Nagtaka naman si Jin Kurie kung bakit nandito sa bayan niya ang mga sasakyan na mula sa ibang dimension sa hinaharap.
At sinabi naman ni Arnold Midgard Kay Jin Kurie na isa siyang "dimensional traveler at time traveler". Nakapunta na siya sa napakaraming dimension at nakita na niya ang hinaharap at nakaraan ng mga dimension na kaniyang napuntahan. At ikinuwento niya kay Jin Kurie ang kaniyang nakaraan at kinuha naman ni Jin Kurie ang kaniyang panulat at sulatan.
Nagsimula ang lahat sa isang malayong dimension, sa planetang Dories. Ang mundong ito ay masyadong advance at ang mga naninirahan dito ay laging uhaw sa karunungan. Araw-araw ay naghahangad sila ng isang bagong bagay na kanilang matuklasan, kaya halos lahat ng bagay ay pinag aaralan nila. Isa na dito ang time travel at dimensional traveling. Nag imbento sila ng mga time machine at sinubukan nila ito. Ang iba sa kanilang imbensiyon ay nabigo at maraming buhay ang nasawi. Kaya itinigil nila ito at ipinagbawal.
Subalit may isang pamilya ng mga matatalinong tao ang sekretong nagpatuloy sa pag aaral ukol sa time travel at dimensional traveling, ito ang pamilya Midgard. Sa pamumuno ng lolo ni Arnold Midgard ay ipinagpatuloy nila ang pagsasaliksik ukol sa bagay na ito na ipinagbawal sa kanilang lahat.
At ipinanganak si Arnold Midgard, maging siya ay pinag aralan ng kaniyang lolo, at pinalitan ang kaniyang puso ng isang core engine. Pinalitan din ang kaniyang utak at ginawang katulad ng sa computer, subalit nananatili ang kaniyang emosyon bilang isang tao. Dumating ang panahon na pati ang kaniyang mga buto ay pinalitan na din ng kaniyang lolo at ginawang bakal na mga buto. Sa edad na sampung taon, ang panlabas na anyo ni Arnold Midgard ay isang tao, maging ang kaniyang emosyon at pag iisip, subalit ang panloob ay isang robot.
At sa wakas ay nakumpleto na din ang pinakahuling imbensiyon ng lolo ni Arnold Midgard, ito ang advance time machine. Hindi ito isang sasakyan, hindi rin ito isang capsule at hindi rin isang uri ng gear equipment, kundi isang memory card chip. Isinaksak ito sa ulo ni Arnold Midgard ay pumasok sa kaniyang ang timeline ng iba't ibang dimension. Hindi niya alam kung saan ito, at hindi rin niya kung kailan ito naganap, ang alam niya lang ay ang lahat ng ito ay nasa kaniyang isipan.
Tinuruan siya ng lolo niya kung paano gamitin ang advance time machine. Isipin niya lang ang isang dimension at ang timeline nito na gusto niyang puntahan at agad agad mapupunta siya sa timeline ng dimension na iyon. Naging possible lamang ito sapagkat ang katawan ni Arnold Midgard ay katulad ng sa robot. Nagawa niya ang mga bagay na hindi kayang gawin ng mga tao na may katawang nabubulok.
Sinubukan nga ito ni Arnold Midgard, at napunta siya sa isang mundo sa ibang dimension. Hindi niya alam kung saan ito at anong panahon ito. Ang nakita niya lang sa paligid ay ang napakaraming mga punongkahoy, mga higanteng punongkahoy, at mga nilalang na mas malaki pa sa tao, mga dambuhalang nilalang. Isa sa kaniyang nakita ay mga higante, isang tribu ng mga higante.
Nakita siya ng mga higante, at tinangka siyang hulihin ng mga ito. Subalit dahil sa kakaibang katawan ni Arnold Midgard, nagkaroon siya ng bilis na hindi kayang sundan ng mga mata ng mga higante. Peru hindi parin siya tinigilan ng mga higante, napakarami nilang humahabol sa kaniya at iniisip na lamang ni Arnold Midgard na naglalaro siya. Hindi niya napansin na nag eenjoy din pala ang mga higante sa paghabol sa kaniya at nagpaligsahan pa ang mga ito kung sino ang unang makahuli sa kaniya ay may pabuya. Dahil dito, hindi nila tinigilan si Arnold Midgard hanggang mapagod sila, subalit hindi man lamang nakadama ng pagod si Arnold Midgard dahil sa kaniyang robot na katawan.
Dahil sa pinakita ni Arnold Midgard sa mga higante, naging kaibigan niya ang mga ito. Napag alaman niya na sa mundong ito pala ay hindi lang mga higante ang nakatira, may mga tao din at iba pang mga nilalang tulad ng mga elf at fairy. Napag alaman din niya na may isang tribu ng mga dragon na naninirahan sa mundong ito. At ang sampung pinakamalakas na tribu ng mga nilalang ay tinawag Ten Great Tribes, kabilang dito ang mga higante, tao, dragon, fairy, elf, ogre, orc, dwarf, goblin at mga seaman.
Dumating ang panahon na kailangan nang bumalik ni Arnold Midgard sa kaniyang tunay na mundo at panahon. Naiyak ang mga higante sapagkat mahabang panahon din nilang nakasama si Arnold Midgard. Binigyan nila si Arnold Midgard ng isang buto ng punong kahoy, mula ito sa pinakamalaking punongkahoy sa kanilang mundo, bilang alaala ni Arnold Midgard sa kanila.
Nang makabalik na si Arnold Midgard at nagtaka siya sa kaniyang nakita. Hindi na ito katulad ng panahon na kaniyang pinanggalingan o Hindi ito ang mundo kung saan siya nagmula. Ito ang parallel ng kanilang mundo kung saan ay halos magkatulad. Nakita niya dito ang pamilya Midgard, subalit kabaliktaran sa mundo na kaniyang pinanggalingan, sila ay walang interes sa pagtuklas ng karunungan. At nakita niya ang Arnold Midgard sa mundong ito, magkamukha sila. Nakita din siya nito. Kitang kita sa mukha nito ang pagkalito, kaya hinuli siya ni Arnold Midgard at dinala sa isang lugar na sila lang dalawa. Ipinaliwanag ni Arnold Midgard sa kaniya na, silang dalawa ay pareho, nagmula nga lang siya sa ibang dimension sa pareho ding mundo. At ipinagmamalaki niya ang mundo nila ay mas advance kaysa mundong ito.
Naging magkaibigan silang dalawa, dalawang Arnold Midgard na magkapareho ang ugali, pero ang isa ay matalino samantalang ang isa naman ay tanga. Laging sinasabi ni Arnold Midgard sa kaniyang kapareha sa mundong ito na itago ang lahat ng tungkol sa kaniya at dapat manitili itong sikreto sa kaniyang pamilya. Tumango naman itong si Arnold Midgard na mula sa mundong ito na parang naiintindihan niya ang sinasabi ni Arnold Midgard na mula sa ibang dimension. Subalit hindi nga lumipas ang isang araw ay nasabi niya sa lahat ang tungkol kay Arnold Midgard na mula sa ibang dimension sa isang pagpupulong ng tinatawag na Big Three, kasama ang pamilya Midgard at dalawa pang malalaking pamilya.
Narinig ito ng pamilya Nostras, isa sa membro ng Big Three. Sila lamang ang natatangi sa mundong ito, sila ang uhaw sa karunungan. Subalit iba ang gusto nilang pag aralan. Ito ay ang paano muling mabubuhay ang mga namatay na. Kaya pinag expermintohan nila ang mga bangkay. Si Necro Nostras, ang pinakalider ng pamilya Nostras, ay gustong maabot ang hinahangad niya na pagbuhay sa kaniyang asawa at anak. Kaya tinago niya ang mga bangkay nila at prineserve niya ito para manatiling buo. Nang marinig niya ang tungkol kay Arnold Midgard na mula sa ibang dimension na mas advance kaysa sa kanilang mundo ay nabuhayan Siya ng pag asa. Gusto niyang hulihin si Arnold Midgard para pag aralan ang kaniyang katawan. Kaya palihim niya pinasundan ang bobong Arnold Midgard hanggang sa lugar kung saan nagkikita ang dalawa. Agad na hinuli nila ang dalawa, subalit hindi nila kayang hulihin ang Arnold Midgard na mula sa ibang dimension dahil sa liksi at bilis nito. Kaya hinustage nila ang isang Arnold Midgard, kaya napilitang sumuko ang Arnold Midgard na mula sa ibang dimension. Humingi naman ng tawad ang Arnold Midgard sa mundong ito at sinabi niya sa Arnold Midgard na mula sa ibang dimension na hindi niya napigil ang kaniyang pagsasalita at nasabi sa lahat ang tungkol sa kaniya. Tumango lang ang Arnold Midgard na mula sa ibang dimension.
Dinala sila sa isang lugar na madilim, dito ay nakita ng Arnold Midgard ang mga bangkay na gumagalaw o ang tinatawag na undead. Nakita nila si Necro Nostras at buong pinagmamalaki nito ang kaniyang ubra maestra. Ang pagbuhay sa mga patay, subalit walang mga alaala at emosyon at ang tanging magagawa lang nila ay sumunod sa utos ng bumuhay sa kanila. Tinanong niya ang Arnold Midgard na mula sa ibang dimension kung ano ba siya sa mundo na pinagmulan niya. Sinabi naman ni Arnold Midgard na malaki ang pinagkaiba, dito ay masama at doon ay mabuti. Hindi ito nagustuhan ni Necro Nostras kaya sinuntok niya ito sa sikmura subalit siya lang ang nasaktan dahil robot nga itong si Arnold Midgard.
Nang mapansin niya ito, agad niyang pinag aralan ang katawan ni Arnold Midgard, Nakita niya ang kakaibang structure ng katawan nito at ang core, isang crytal na maliwanag at may hindi nauubos na source ng energy. Naisip niya na ito ang kailangan para mabuhay ang kaniyang pamilya. Kaya pinag aralan niya itong mabuti hanggang nakagawa siya ng isang core. Tuwang tuwa Siya sa kaniyang nagawa, ito na ang kailangan niya. Pero hindi niya napansin na ang bobong Arnold Midgard pala ay nakatakas na sapagkat may tumulong sa kaniya, ang pamilya Midgard na naghahanap sa kaniya dahil mga ilang araw na siyang nawawala. At sumulpot ito sa kaniyang likuran at tinusok siya ng matulis na bakal. Tinamaan ang kaniyang puso, kaya halos hindi na siya makahinga at namatay na nga siya. Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, ang core na kaniyang hawak hawak ay pumasok sa kaniyang katawan at binuhay siya nito. Naging isang undead si Necro Nostras, pero nananatili ang kaniyang alaala at emosyon. Nang makita niya ang kaniyang sarili ay agad siyang tumakbo at nagtago, binalot niya ang kaniyang katawan sa isang maitim na damit para hindi makita ng sinuman ang kaniyang itsura.
Subalit alam na ng pamilya Midgard ang tungkol sa nangyari kay Necro Nostras. Sapagkat hindi nga napigil ng bobong Arnold Midgard ang kaniyang pagsasalita. Kaya pinuntahan ng mga tao ang bahay ni Necro at nagsisigaw sila na lumabas ito para maparusahan sapagkat isa na itong halimaw. Nagalit naman si Necro Nostras ng makita niya ang napakaraming tao sa labas ng kaniyang bahay. Kahit ang mga membro ng kaniyang pamilya ay takot na sa kaniya. Kaya iniutos niya sa mga undead na patayin lahat ng tao na makita nila. Lumabas ang naparaming kalansay sa lupa, bumangon ang patay at pinaghahabol ang mga tao at pinagpapatay. Hinigop niya ang life force ng mga taong namatay at ginawa niya itong dark energy. Ang mga undead ay naging mga dark beast. Maraming tao ang namatay at ginawa sila ni Necro Nostras na mga undead at ginawa niya naman ang mga undead na mga dark beast.
Inubos niya ang pamilya Sebas, isa sa Big Three at isinunod ang pamilya Midgard. Subalit nakatakas na si Arnold Midgard na mula sa ibang dimension kasama ang Arnold Midgard sa mundong ito. Nagbalik na siya sa kaniyang dimension. Iniwan niya dito si Arnold Midgard na bobo at bumalik sa mundo nito para tapusin si Necro Nostras. Pero pagbalik niya, wala nang tao ang buhay kundi lahat sila ay mga dark beast na at mga undead.
Inactivate ni Arnold Midgard ang kaniyang huling baraha bago pa mapansin ni Necro Nostras na nagbalik siya. Gusto niya na patayin si Necro Nostras kasama ang mga undead at dark beast na ginawa niya. Kaya sinakripisyo niya ang kaniyang sariling core at inactivate ang Core Explosion. Sa araw ding iyon ay naglaho sa dimension na iyon ang planetang Dories. Namatay din si Arnold Midgard sa ginawa niyang self destruction, nawasak ang kaniyang buong katawan.
Nalaman ng lahat sa dimension na iyon ang dahilan ng pagkawasak ng planetang Dories. Ito ay dahil sa isang bayani na ang tanging ay ang pigilin ang kasamaan na gustong sakupin ang buong universe. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nakaligtas si Necro Nostras dahil sa core na katulad ng kay Arnold Midgard at dahil sa kaniyang undead na katawan ay nagawa niya ring mag travel sa ibang dimension. Gayunpaman ay napigilan parin ang plano niya sa pagkakataong iyon at matatagalan pa bago siya makakilos ulit.
" Yan ang aking kasaysayan, nalaman ko sa ibang mga bayani na napunta sa mundong ito na nakalaban din nila si Necro Nostras, sa kasamaang palad ay natalo niya sila sa kaniyang panlilinlang." sabi pa ni Arnold Midgard kay Jin Kurie.
" Napakahusay ng ginawa mo, isa ka talagang bayani. Hindi ko na nakita si Necro Nostras pero nakalaban siya ng aking ama " sagot naman ni Jin Kurie. At naalala ni Jin Kurie ang dahilan kung bakit siya napunta sa bayan ng New York, iyon ay bumili ng sasakyan papuntang Capital City. Tumawa naman si Arnold Midgard ng sabihin ito ni Jin Kurie at sinabing hindi niya ito ibibenta sa kaniya kundi bigay niya nalang dahil pareho naman silang mga bayani. Natuwa naman si Jin Kurie ng marinig ito kaya dali dali niyang sinakyan ang kotse. Ang problema paano siya makakapunta sa Capital City gayong hindi siya marunong magmaneho LoL