Nakauwi na ang binata. Ngayong nasa harap na siya ng pinto ng bahay nila, hindi niya magawang kumilos para humakbang paabante at buksan ang pinto.
Hindi niya kayang humarap sa ina dahil sa mga nagawa niya rito. Nahihiya siya sa ina sa ipinapakita niya rito.
Nahihiya siya dahil sa mga sakripisyo ni Josephine para sa kan'ya. Pero siya...
Napayuko ang binata.
Nagsisisi siya. Hindi niya mabubura ang mga iniwang salita ni Jenny.
Wala na siyang maihaharap na mukha sa kan'yang ina.
Pero...
"Kaya sulitin mo na kuya ang oras while she's still there for you..."
Sa mga salita na iyon ng tinuring na kapatid, lumakas ang kan'yang loob.
Huminga siya ng malalim.
Dahan-dahang humakbang paabante.
Limang metrong hakbang...
"Nakakahiya ang ginawa ko kay mama. Naging pasaway ako, pero hindi pa naman siguro huli ang lahat?" saad ni Zack sa isipan.
Tatlong metrong layo...
"Ipinagmamalaki kita, anak."
Lumitaw sa balintataw ng binata ang nakangiting mukha ni Josephine habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Dalawang metro...
Paikli nang paikli ang destansya ng binata sa bahay, patindi nang patindi naman ang mga magkahalong emosyong kan'yang nararamdaman.
Isang metro...
"Ito na ako ma," bulong ni Zack. "Nagbalik na po ako."
Kalahating metro...
Napahinga muli ang binata ng malalim na hininga. Tila pinapatatag ang sarili.
Huling hakbang na lang at nasa mismong harap na siya ng pinto.
"Kaya ko 'to. Bahala na," saad ni Zack at dahan-dahang inabot ang seradora ng pinto.
Muli siyang humugot ng hininga. Pagkatapos, unti-unti niyang tinulak pabukas ang pinto.
Kasabay ang paglangitngit ng pinto ay ang pagkabog din ng dibdib sa kaba, sa takot, at sa pananabik.
Tuloyan nang nakapasok ang binata.
Sandali niyang inilibot ang tingin sa bahay.
Mula sa dingding, sa lumang orasan, sa maliit na kusina na nasa di kalayuan, at sa higaan nila ng ina na ang ginawang harang ay isang flywood.
Pumihit si Zack para isara ang pinto.
"Ma?" malumanay na tawag ng binata sa ina.
Tahimik, walang kaluskos ni ingay.
Muli niyang tinawag ang ina.
"Ma?"
Walang tugon.
Muling namutawi ang katahimikan.
Nagtaka ang binata.
Sinibat ang orasan na nakasabit lang sa dingding.
Alas sais ng gabi.
Pangkaraniwang naghahanda na ng pagkain si Josephine sa mga oras na iyon.
"Baka may okasyon?" tanong ni Zack sa sarili, "Walang sumagot eh. Baka andun lang si mama sa likod-bahay.
Agad na tinungo ng binata ang likod-bahay kung saan magluluto ang ina.
Pagkarating niya roon ay walang tao.
Tahimik. Tanging kuliglig lamang ang maririnig.
Napaisip ang binata.
Ano bang trabaho ni mama ngayon?
Tanong niya sa sarili.
Wala siyang mahanap na sagot. Hindi niya alam ang trabaho ng ina dahil mas abala siya sa mga barkada.
Nakonsensya ang binata.
"Ano ba 'yan, pati trabaho hindi pa alam. Tanga ka Zack," asig pa niya sa sarili.
"Aiiish, hahanapin ko na nga lang dito sa bahay si mama. Baka ginagawa niya na naman ang trip niya rati na gulatin ako," sabi na lang ni Zack sa sarili. Ngunit ang totoo, kanina pa siya kinakabahan.
Walang sumagot sa kan'ya na mama, tahimik ang paligid at walang mama Josephine ang kan'yang naabutan na nagluluto.
Muli siyang pumasok sa loob.
Nagpaikot-ikot siya sa buong bahay para hanapin ang ina. Paulit-ulit din niyang tinawag ito subalit...
"Walang sumagot sakin. Saan na kaya s..." napahinto sa iniisip si Zack.
May narinig siyang tunog.
Tila umuubo.
At kilalang kilala niya ang boses na iyon.
Mama...
Bulong niya at tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
Agad niyang tinungo ang kinaruruonan ng pag-ubo ng ina.
Sa higaan nito.
Pumasok si Zack.
At natigilan sa sinapit ng ina.
Nangayayat ito at halatang walang masyadong tulog dulot ng pag-aalala sa kan''ya at sa iniindang ubo.
Napaluha si Zack.
Hindi n'ya kayang masilayan ang ina sa ganitong kalagayan. Hindi niya kayang tiising makita na ang kan'yang ina ay nahihirapan ng ganito.
Hindi niya kaya. Pero...
"Wala kang kuwenta..." umalingawngaw sa kan'yang isipan, ang kan'yang sinabi noon sa ina.
Napaatras siya at napayuko.
Mabigat ang loob sa nagawang mali. Muli na naman niyang nararamdaman ang matinding hiya sa sarili.
Ngunit, ibinukas ng kan'yang ina ang braso nito. Tila inaanyayahan siya sa isang yakap.
Nagdadalawang isip ang binata.
Hindi pa rin niya nakakalimutan ang kan'yang sinabi sa ina.
"Bwisit ka talaga!"
Lalo pang nadagdagan ang hiya ni Zack nang maalala 'yon. At habang ang alaala ay dumagsa, palala ng palala ang nararamdaman niya hanggang sa nagalit na siya sa sarili.
"Anak ko..."
Nakuha ni Josephine ang atensyon ng anak na tila nagdadalawang isip.
Dahan-dahang umupo si Josephine sa kinahihigaan kahit na hirap.
Nang makita ito ni Zack, otomatikong lumapit siya sa ina para pigilan ito.
"Ma, huwag na po... Huwag mo na pong puwersahing kumilos..." saad ni Zack na may luha sa mga mata habang ang kamay ay magaang hinawakan ang balikat ng ina.
Mahinang ngumiti si Josephine. Inangat ang kamay at hinaplos ang mukha ng anak.
"Sa wakas ay umuwi ka na rin, anak. Miss ka na ng mama."
Napahigpi si Zack sa narinig.
Hindi na rin niya napigilan ang emosyon at yumakap na rin siya sa ina.
"Miss na rin po kita, mama. Sorry po sa lahat lahat na nagawa ko po sa'yo," umiiyak niyang tugon.
Sinuklian ni Josephine ang yakap ng anak.
"Kay tagal ko nang marinig na tawagin mo ulit ako ng mama," saad ni Josephine.
"Tandaan mo lang lagi anak, mahal na mahal kita. 'Kahit na sinaktan mo ako, kahit na nagbisyo ka kasama ang mga kaibigan mo, mahal na mahal pa rin kita.
Alam ko ang mga ginawa mo, anak. Pero hindi kita pinigilan. Dahil anak kita, Zack. At titiisin ko lahat ng hirap, para lang sa'yo, anak ko.
Makinig ka, Zack anak. Hindi magtatagal, iiwan ka na ng mama. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Huwag mong kalimutan ang mga turo ko sa'yo noon.
Matagal ko nang inilihim sa'yo 'to. May sakit ako. Hindi ko alam kung ano at hindi ko rin nagawang magpatingin sa doktor dahil ikaw ang iniisip ko. Kaya kung maiiwan man kita, lagi mong dalhin ang mga aral na natutunan mo sa bawat araw."
Humagulhol si Zack. Pakuwari ng binata, namamaalam na ang ina.
"Ma, huwag mo namang sabihin po 'yan. Kailangan pa po kita mama, hindi ko po kayang mag-isa. Babawi pa po ako sa'yo..." umiiyak na saad ng binata.
Subalit, ngumiti lamang si Josephine. Muling hinaplos ng babae ang mukha ng anak.
Sa pagkakataong iyon, umatake na naman ang sakit ng babae. Naninikip ang kan'yang dibdib simula pa noong makita niya ang anak sa bukana ng higaan. At sa bawat sigundong lumilipas, pasikip nang pasikip ang dibdib n'ya. Gamit ang nanghihinang boses, muling sinabi ni Josephine ang lagi niyang sinasabi sa anak sa tuwing siya ay magtatrabaho na.
"Kumapit ka sa itaas, Zack. At ituturo n'ya ang daan sa'yo. Mag-ingat ka anak. Mahal na mahal kita," pabulong nitong tugon at sa hila ng kamatayan ay nagpadala na siya.
Unti-unting pumikit ang mga mata ni Josephine. At kitang kita ito ni Zack.
Nataranta ang binata.
Agad na tinawag ang ina at pilit itong ginising.
Ngunit wala itong tugon.
"Ma? Mama Josephine? Mama ko?" paulit-ulit na saad ng binata.
Habang pilit na pinising ang ina, patuloy naman ang pagtulo ng kan''yang luha. Pabilis ito ng pabilis, hanggang sa tuloyan na niyang maramdaman ang hindi matatawarang sakit sa puso.
Bumagsak si Zack sa papag at doon pumalahaw ng iyak. "MAMA KO! HUWAG MO PO AKONG IWAN! HINDI KO PO KAYANG MABUHAY NA WALA KA, PATAWAD PO MAMA KO... PATAWAD..."
Ang nararamdamang sakit ng binata ay hindi niya magagawang pagtakpan. Tila sinunog ng buhay ang kan'yang katawan habang pinapaulanan ng saksak ng karayom. Maliliit na sakit, ngunit palaki nang palaki habang minuto ay lumilipas.
Tila pinunit ang kan'yang balat at ibinuhos ang mainit na tubig sa kan'yang laman. Sakit ng pagkawala ng kan'yang mama ay patindi ng patindi.
"Mag-ingat ka anak," pag-alingawngaw ng boses ni Josephine sa isipan ni Zack.
Tumarok ang milyon milyong karayom sa puso ng binata sa naalalang sinabi ng ina.
"Mahal na, mahal kita..."
Umiling ang binata.
Hindi matanggap ang nangyari. Muling tumayo at tinungo ang walang buhay na katawan ng ina.
"Ma? Huwag ka naman pong magbiro ng gan'yan..."
Ayaw niyang maniwala sa pagkamatay ni Josephine. Ayaw niyang maniwala dahil hindi niya matanggap.
"Akala ko po mahal mo po ako mama?" tumingala ang binata. Pilit na pinapaniwala ang sarili na natutulog lamang ang kan'yang mama.
Muli niya itong hinawakan. At wala siyang ibang nararamdaman maliban sa malamig nitong katawan.
Walang kakilos-kilos, walang hininga, walang pintig ng pulso. Isang bangkay. Patay na ang kan'yang mama. Ang kan'yang mama, Josephine.
***