Chereads / BITCH AND ISLAND / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Minsan ang katahinikan ni Alison ang gumigising sa pagkabalisa ni Billy.

Mula sa sa malambot na upuang kinauupuan ni Alison ay agad siyang nilapitan ng kanyang asawang si billy. " Alam mo ba na maraming bituin daw ang makikita ngayon gabi.. oo tama.. ngayong gabi nga iyon.. at siguro hindi iyon pinalalagpas ng madami.. ( ngunit tahimik lamang si Alison) sa ganong mga pagkakataon.. masarap silang pag masdan lalo na siguro kung nakikinig ka ng magandang musika.. oo katulad ng mga paborito mong pinakikinggan.. ai.. oo naiisip ko palang natutuwa na ako... Kaso ang problema... maliit masyado ang ating bintana para makita lahat sila... Ai.. saan kaya magandang pumunta?? Ai oo tama... sa rooftop.. oo tamang maganda ang naisip ko iyon.. ( tumingin kay Alison) ai bakit ko nga ba binangit ang rooftop.. Billy naman nakalimutan mo na ba na iyon ang paboritong lugar ng asawa mo( tumitingin kay Alison) oh Alison mahal ko...hindi ko sinasandyamg ipaalala sa iyo na napakagandang pagmasdan ang mga bituin ngayong gabi mula doon sa rooftop. ..ah ganto nalang ako nalang siguro ang mag isa ang pupunta sa rooftop. Ayos lang ako... Kahit ako lang." wika ni Billy. "Nakita ko na sila kahapon pa ng gabi.. dalawang gabi lamang silang magpapakitang ng ganoon kadami. Ang unang gabi ay kahapon ng gabi.. ang huling ay ngayong gabi.. Billy? bakit ba Hindi mo na lamang ako.. derityusin.. hindi bat.. may mga oras na ayaw mo kong pumupunta doon .. pero bakit nag iiba ata ang iyong.. timpla.. " Wika ni Alison. Mula doon ay dahan dahang hinawakan ni Billy ang kamay ni Alison at dahan-dahan niya itong hinila papunta sa rooftop..

nang marating nila ang rooftop ay laking gulat at namangha si Alison sa kanyang mga nakita.

Dahil ang dating madilim at tahimik na rooftop ay napuno ng mga ilaw at kandila.. na syang dahilan kung bakit ito lumiwanag.. mula rin sa gitna ay makikita mo ang isang lamesa na mayroong masasarap na pagkain at inumin na para lamang sa kanilang dalawa..

malamig ang gabing iyon.. maliwanag ang langit dahil sa liwanang ng buwan at mga bituin.. doon ay pagmamasdan nila ang lahat mula sa itaas habang pinagsasaluhan nila ang napakasayang sandali iyon. isang romantikong gabi na nababagay lamang sa mga taong nag mamahalan na tulad nila.

Bago pa mahawakan ni alison ang kutsara at tinidor para kumain doon ay nahawakan nya muna ang isang bugkos ng bulaklak na ibinigay sa kanya ni Billy..

"Ngayon alam ko na.. ito pala ang dahilan kong bakit.. gusto mo kong pumunta dito.. pero Hindi ba't katatapos lamang ng anniversary natin?? Kahit ang kaarawan ko o kaarawan mo eh napakalayo pa?? Dapat ba akong magtaka o may aaminin ka" wika ni Alison.

" Kailangan ba talaga ng ispesyal na araw para gawin ko ito.. hindi mo ba naiisip na normal lang itong ginagawa ng mga lalaki sa kanilang mga asawa.. sa dami ng paraan na pwede gawin ng tao para sumaya ang taong minamahal nya.. isa ito sa napakaganda... teka.. para mas mainitindihan mo.. oo.. plinano ko ito.. alam mo naman ang gusto ko diba" wika ni Billy.

" Alam ko" wika ni Alison bago ngumiti at hinawakan ang pisngi ng kanyang asawa bago sila kumain.

matapos silang kumain at agad ngang binuksan ni Billy ang isang napakasarap na Wine At agda nga nila itong ininum.

" Nga pala hindi bat umalis ka kanina saan ka nga pala nagpunta" wika ni Alison. " Ah iyon ba.. ipinatawag kase ako ng bagong kumpanya Na nakuha namin.. naalala mo ba ung nakwento ko sayo... ( Hinawakan ang kamay ni Alison) alam mo Alison napakasaya ko.. kase... " Kase ano?" Singit ni Alison. " Kase nakuha na namin sa wakas..ung kumpanya ng yellow Page.. alam mo naman na matagal nanamin gusto iyon.. ngayon nga ay di parin ako makapaniwalang na nangyayari ito.. ikaw ba?? Napagisipan mo na ba ang tungkol dito' wika ni Billy ( natahimik si Alison) alison bakit hindi subukan.. malay mo.. isa sa mga kwento mo magustuhan nila" wika ni Billy. " Malay mo rin ni isa sa mga kwento ko hindi nila magustuhan.. Billy diba napagusapan na natin ito.. kuntinto na ko sa buhay na meron ako ngayon na kasama ka.. siguro naman kaya mo ito ginawa ay para celebrate lamang ang pag kakuha nyo sa YellowPage at tignan lamang ang mga bituin.. tama ba ako... Hindi naman siguro tayo uupo dito para pag usapan at ipilit yang gusto mo" wika ni Alison. " Ah.. oo syempre. Iyon lang talaga.. pasensya kana" wika ni Billy.

Tunay ngang kayang alisin ng masasayang kwentuhan ang oras na madalas natin binabantayan.. ilang oras ang lumipas matapos nilang maubos ang tatlong bote ng wine ay agad na bumaba si Billy upang kumuha ng balabal at mainit na maiinum..

Mula doon at nakita nyang nakatingala si Alison sa langit na tila may mabigat na iniisip.

" Iniisip mo nanaman ba sila.. ang mga nangyari?" Wika ni Billy bago iabot kay Alison ang balabal at mainit na tyaa) sabi nila mas masarap daw inumin ang tyaa habang mainit pa..pero mas masarap daw inumin ang mainit na tyaa lalo na kung.. babawasan mo yong... Sakit na nararamdaman mo..( hinakawan ang kamay ni Alison) hindi ko kahit kailan makakalimutan na ako ang mas pinili kesa sa lahat ..sa lahat na meron ka..sa lahat ng iniwan mo para saakin" wika ni Billy. " Hindi kita pinili dahil hindi nila ako pinili o dahil iniwan nila ako.. ikaw ang dapat kong piliin.. liban sa pamilya ko.. wag mong iisipin na nadito lang ako dahil wala na sila.. dahil nandyan man sila o wala.. ito parin ang pipiliin kong buhay" wika ani Alison. " Sana dumating ang araw na maging handa ka na.. para sabihin saakin ang lahat lahat.. sa tatlong taon na mag kasama tayo.. alam ko may mga bagay ka pang itinatago dyan sa dibdib mo.. pero bilang asawa mo. Dapat kitang unawain at laging pasiyahin.. katulad ngayon.. kaya ko ito ginagawa.. pero Mahal ko tandaan mo sana ito..

Lahat ng bagay na mabibigat..gagaan lamang kapag binitawan" wika ni Billy bago nya yakapin si Alison .