Dahil sa pagkainip naisip nalang Alison na bumalik na lamang sa kanilang apartment.. at sa kanyang pagbaba ng marating nito ang pintuan ng kanilang apartment ay mayroon itong napansin.. tila mo siwang ang kanyang pintuan.. alam niyang bago siya umakyat ng rooftop ay sinara niya ng maayos ang kanyang pintuan ngunit hindi iyon ng kanyang naabutan... Napansin nito na tila may nag bukas ng kanyang pintunan... Kaya agad nya itong binuksan upang makasigurado sa kanyang hinala.. sa pagpasok niya sa kanilang apartment.. tila naguluhan ito at kinabahan at pakiramdam niya ay tila may tao sa loob ng kanilang apartment.. dahan dahan itong pumasok at nilibot ang kanyang mga mata..nang biglang!!!! " Ma'am Alison!!!! Wika ng isang lalaki na kinagulat ni Alison.. sa pag harap ni Alison sa lalaki ay hawak na nito ang kanyang susi" nakaka gulat ka naman hindi mo naman siguro ko papatayin diba" wika ni Alison na pinagtaka ng lalaki. " Ano po ang ibig sabihin nyo?? Nanggaling pa po ako sa itaas dahil ang akala ko po ay doon nyo ako hihintayin" wika ng lalaki. " Hindi bali na kung wala na kayong kailangan maari na ba ako magpahinga at maaari na rin kayong umalis" wika ng Alison bago umalis ang mga lalaki.
Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Alison.. doon ay nakita nya ang isang numero na paulit ulit na tumatawag sa kanya noon pang nakaraan gabi.. at mula nga ng mga sandaling iyon ay nagdadalawang-isip si Alison kung sasagutin niya nga ba ang tawag ngayon..
At mula nga na mga sandaling iyon ay sinagot nya narin sa wakas ang tawag..
"Ai.. wakas sinagot ng dyos..ang aking panalangin at sinagot mo ang tawag ko.. alison naman"
"Wika ng isang lalaki sa kabilang linya " tito klay?" Wika ni Alison. "oo ako nga sino pa ba" wika ni klay. " Hay!!! Ito na naman tayo tito klay.. o sige huhulaan ko...hihinge nanaman ba kayo ng tulong sa akin dahil nakulong na naman" naputol na paliwanag ni Alison. " Patay na si Ruel" wika ni klay. "Patay??? Anong nangyari" wika ni Alison . "Droga... alam mo naman.... siguro may nakabangga syang malaking pangalan.. kaya yon.. matagal ko na kase syang ng pinagsabihan na itigil na nya... pero hindi siya nakikinig.. nakakalungkot lang ang nangyari sa kanya" wika ni klay.
Sa pag-uusap ni Alison at ang kanyang tito klay ay napagdesisyunan nito na puntahan ang kanyang tito upang makiramay.
Pasado ala sais ang gabi ng narating ni Alison ang bahay ng kanyang tito klay at mula nga doon ay agad siyang pinapasok ng kanyang mga kamag-anak.. mula sa unahan ay nakita niya ang kanyang tito klay balisa ito at malungkot.. gayun paman ay agad niya itong nilapitan at kinausap..
Nang malapitan ni Alison ang kanyang tito klay ay agad na itong hinawakan sa balikat senyales na ito ay nakikiramay at niyakap na rin ito...
Mula doon ay kinuwento nga ng kanyang tito klay ang lahat ng nangyari sa kanyang pinsan na si ruel.. " iyon ang dahilan kung bakit nag decide na rin kami na ipa cremate nalang sya dahil nga wasak at basag ang kanyang mga mukha.. labing apat na tama ng baril ang nakita sa kanyang mukha at uluhan.. plano talaga na patayin sya.. gusto ko syang bigyan ng maayos na burol at alam kung iyon din ang gusto niya pero papaano" wika ng kanyang tito klay. Mula nga doon na hinayaan na muna ni Alison ang kanyang tito klay at pinuntahan naman naya ang kanyang tita mayet.
"Masaya ako dahil nandito ka"wika ng kanyang tita mayet na may dalang beer at binigyan si Alison. "Pasensya na po kayo tamai( tita mayet) kung ngayon lang po ako nakapunta.. nakikiramay po ako sa nangyari kay ruel" wika ni Alison. "Wala ka naman dapat ipaliwanag sa akin Alison.. naiintindihan kita... ( Hinawakan ang kamay ni Alison) e ikaw kamusta ka na ba? pagkatapos ba lahat ng nangyari ayos ka lang ba? oo hindi mo naman kailangan magpaliwanag sa akin.. hindi mo kailangan gawin iyon.. ang hangad ko ng sanay maging maayos kana at masaya kana" ani ng kanyang tita mayet.
"Masaya naman po ako tamai at tahimik..
masaya sa piling ni Billy tahimik ,masaya ako sa ganong setup ng buhay .. nakikita ko naman na mga magulang ko every weekend..at ayos na ako doon" wika ni Alison. " Sana nga.. sana nga ay maging maayos na ang lahat Alison.." wika ng kanya tita mai. Makalipas ang halos dalawang oras ay napagpasyahan na rin ni alison na umuwi na at Nang narating ni Alison ang kanilang apartment ay agad siyang sinalubong ng kanyang asawa at agad na nakibalita. " Ang akala ko ay magtatagal ka doon.. ito nga at dapat ay tatawagan na kita.. naisip ko na sunduin o samahan sana kita pero ito dumating ka na nga" wika ni Billy na napansin na bahagyang nakainum si Alison. "Wala naman talaga akong balak magtagal doon.. kaya nga na message na ako sayo na wag mo na akong daanan.. dahil uuwi rin naman agad ako" wika ni Alison. " Bakit parang matamlay ka? lasing kaba?? para may iba sa iyo.. hindi ba maganda ang pakiramdam mo? nagugutom ka ba" wika ni Billy. " Ayos lang ako.. nalulungkot lang ako sa nangyari kay ruel..sa nangyaring iyon naisip ko na ang buhay.. hindi mo talaga masasabi ko hanggang kailan.. maaaring mawala ka bukas...maaring sa makalawa.. hindi natin alam nakakalungkot ung parte nawala ka sa mundo na parang hindi ka pa handa" wika ni Alison. " Kaya nga habang nabubuhay tayo may pag-asa.. habang nabubuhay pa tayo gawin natin yung mga bagay na dapat nating gawin.. para hindi mahuli ang lahat.. para di tayo magsisi sa huli.. Ayusin ang dapat ayusin..patawarin ng tapat patawarin at harapin ang dapat harapin.. Alison.. Ipinapangako ko sayo mula ngayon..kasama mo ako.. na harapin ang mga bagay na ayaw mong harapin.. ang laban mo ay laban ko.. dahil ang tanging hangad ko ay ang panalo mo.. dahil ang panalo mo ay ang panalo ko" wika ni Billy. " Hindi ako lumaban dahil duwag ako.. nagtago man ako pero hindi dahil takot ako.. at alam kong darating ang araw.. lahat ng bagay na ipinagdamot nila sa akin ipagdadamot ko rin sa kanila.. ipaparamdam ko sa kanila kung papaano makiusap.. kung ano pakiramdam na parang binabaliwala ka lang..ung pakiramdam na hindi ka tinulungan ng mga taong alam mo naman na kayang kaya kang tulungan" wika ni Alison na pinigil ni Billy. " Allison tama na! Naparami ata ang inum mo..mabuti pa at mag pahinga kana muna" wika ni Billy bagi ihatid si Alison sa kwarto at pinagpahinga..