New Era (Zombie Apocalypse)

🇵🇭Daoist_Jade25
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 1.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - NEWS

Kasalukuyang kaming nagka klase ngayon sa English, Naka upo ako sa May tapat ng bintana habang nakatingin sa labas.

"Hay, ang tagal naman mag bell, I'm hungry already"

Bulong ko habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

Hindi rin naman nagtagal at narinig ko na ang mahiwagang tunog ng Kampana.

"Class dismissed!"

"Yes!"

"Tara na sa Cafeteria"

Sari saring kumento ng mga kaklase ko at nag simula na silang maglabasan isa isa.

Nang makalabas na sila lahat ay kasa lang ako tumayo at lumabas din para pumunta sa Cafeteria para bumili ng makakain ko, sa dorm kasi ako kumakain every lunch time kaya bumili lang ako sa Canteen ngayon kasi tinatamad ako mag luto.

Naka pili na ako sa Counter at turn ko na para bumili, pinili ko ang 3 cups, rice, 1 chopsuey, 1 adobo, 1 bottled water, and 2 Yakult for my lunch.

Pagkatapos ay nag lakad na ako ngayon papuntang dorm.

My dorm is located at the forest, yes inside the forest.

Family namin ang May ari ng school na 'to kaya May sarili akong dorm. Actually mini bungalow house siya na napapaligiran ng protected wall.

Nakarating na ako sa loob at nakita ko si Zoe my white tiger na nakahilata sa sofa habang nakatingin sa akin.

Tumayo ito at patakbong lumapit sa akin at umupo, pantay sa akin ang taas niya kapag nakaupo siya dahil sa laki niya.

"Let's eat Zoe, marami pa tayong gagawin."

"Roar"

*

*

*

*

*

*

*

*

*

After lunch ay pumunta kami sa likod ng dorm ko at lumakad ng ilang minuto bago namin narating ni Zoe ang mini Farm namin.

Last year because of boredom naisip ko na mag alaga ng ibat ibang farm animals like, chickens, pigs, goats, ducks, cows, at ngayon nga ay marami na sila.

Meron din akong 3 fish pond na May lamang mga tilapia.

May tanim din akong mga gulay at prutas sa buong forest kaya halos hindi na ako bumibili sa canteen dahil marami akong pagkain.

Sabi nga ni mommy para daw wala akong pamilya dahil hindi ko man lang daw maisip na umuwi sa sarili naming bahay dahil nga May mini Farm house na ako dito sa loob ng school, and yeah sa amin ang school na ito kaya May sarili akong mini house. Actually sa akin ang school na ito regalo nila noong fifth birthday ko and I upgrade it into an emergency welfare.

Located din ito sa paanan ng bundok kaya ng falls sa dulo nitong gubat. ¼ ng gubat ang sakop ko at ang ibang bahagi ay kagubatan at kapatagan.

Pagkatapos kung pakainin ang mga alaga kong hayop ay bumalik na ako sa dorm ko at pumasok sa kwarto kasunod si Zoe para mag palit at matulog.

.

.

.

.

.

.

.

.

[DANGER!!]

[DANGER!!]

[DANGER!!]

*WOOWEE* (a/n:sound of alarm)

Naalimpungatan ako sa tunog ng emergency alarm, napabangon ako bigla at patakbong pumunta sa monitor room para tingnan ang nangyayari sa labas.

Nakita ko sa monitor ang mga nagkakagulo ng mga estudyante dahil sa malakas na tunog ng alarm system.

Automatic na nag activate ang Alloy iron gate na pag emergency lang lumalabas na ibig sabihin ay malala ang nangyayari sa buong City dahil sa automatic na sumara ang Gate.

Parang lumilindol ang paligid habang sumara ang Gate dahil sa sobrang bigat ang kapal nito.

Maraming estudyante ang nag bubulungan at nagtataka kung anong nangyayari.

"Don't panic everyone and go to auditorium for a meeting"

"Again, Don't panic everyone and go to auditorium for a meeting"

Pag a anounce ni Principal Jane sa speaker na umalingawngaw sa buong school at nag si lakad na nga ang mga estudyante papuntang auditorium.

Lumabas na rin ako para pumunta doon, iniwan ko na muna si Zoe kasi bawal siyang lumabas dahil baka matakot ang mga estudyante sa kanya.

Pagtapak ko sa loob ng auditorium ay nabaling sa akin ang tingin ng mga estudyante at nag simula na naman mag Bulungan.

"Nandiyan na si Nerd"

"Oo nga eh, ang pangit pa"

"Hoy, tumigil nga kayo diyan"

Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi nila at dumiretso sa pinaka dulong bahagi ng auditorium, madilim ang parte na ito kaya wala masyadong umuupo dito kundi ako lang at oo walang May alam sa mga estudyante dito na ako ang May ari ng school na ito maliban sa principal at sa assistant niya kahit ang mga teacher ay hindi alam.

Naka disguise din ang ako ng pang nerd kaya wala ding nakikipagkaibigan sa a akin dahil sa itsura ko, pero paki ko ba kung ayaw nila sa akin.

Umakyat na si Principal Jane sa Stage.

"Good afternoon students hindi ko na ito pahahabain pa, nakikita niyo naman na nag sara ang emergency gate natin na ang ibig sabihin ay malala ang nangyayari sa labas ngayon at ito ang dahilan watch carefully ang this is true and not just some pranks."

Lumabas sa malaking t.v monitor ang isang pangyayari na sa hinagap ay hindi mo inaasahang mangyayari.

"What the hell!"

"A-ano yan zom-zombies!?"

"Wahh!! I want to go home!"

Nag simula ng mag sigawan ang mga estudyante dahil sa takot. Marami rin ang naduduwal dahil sa pandidiri.

"Calm down everyone! and yes it's all true, we already confirmed this in the outside and it's real, they are real and it's already happening to us. I know it's hard to accept these new situation but for now go back to your dorms and contact your families and after 3 days we'll have a meeting again para sa plano."

Nagtayuan na ang mga estudyante na wala sa kanilang mga sarili at isa isa ng lumabas.

Nagpaiwan ako dahil kakausapin ko pa si principal Jane tungkol sa situwasyon ngayon.

"Principal Jane,"

Tawag pansin ko kay principal Jane na nakatayo pa rin sa stage at nakatingin sa kawalan.

"Young Miss, what's our plan now?"

"Sa ngayon wala pa, May stocks pa tayo diyan for three months okay na muna yun wag lang damihan ang pagluto ng ulam kahit isang meat dish at isang vegetable dish lang pag tanghali at gabi, sa umaga ganoon pa rin wala naman masyadong kumakain ng kanin pag umaga. At sa sunod na meeting na lang pag usapan ang iba pang details sa ngayon bumalik ka na muna sa dorm mo at tawagan ang pamilya mo."

"Thank you Young Miss, ikaw din po tawagan mo na rin po ang family mo"

"You're welcome, and natawagan ko na sila at nasa camp sila lahat dahil na rin sa nangyayari ngayon ay mga busy sila sa mga evacuees at lalo na sa search and rescue operations na gagawin sige magpahinga ka na"

Pagkatapos umalis ni Principal Jane ay umuwi na rin ako sa dorm ko para umisip ng magiging plano para sa next meeting.