5:00 am,
Kakatapos ko lang mag umagahan at ngayon ay papunta ako sa Backyard para magpakain ng mga alaga ko at mag dilig ng mga tanim.
Kailangan ko na anihin ang mga tanim at katayin ang mga alaga kong hayop dahil hindi ko alam kung kailan Maco contaminate ang tubig at pag nagkataon ay ma i-infect lang ang mga hayop at mas lalong hindi mapakikinabangan ganoon din ang mga pananim.
"Maganda sana kung May Space like abilities ako na pwedeng pagtaniman at mag alaga ng hayop"
*BOOM!!*
"SHIT! ARGH!! What is that!? It hurts! argh!!!"
Bigla na lang may kung anong tumama sa akin na parang bulalakaw. Sobrang init na may halong malamig na pakiramdam sa loob ng katawan ko at parang pinupunit nito ang mga kalamnan ko.
Nagpa gulong gulong ako sa lupa sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa buo kong katawan at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay ano mang oras.
"Ahhhhhhh!!"
Hanggang sa hindi ko na namalayan na nagdilim na ang paningin ko at nawalan ng malay na nakahiga sa lupa.
*°°°°°°°°°°°°*
"Hah!"
Napa balikwas ako ng bangon at napansin kong nakahiga parin ako sa lupa pero nasa ibang lugar ako dahil sa hindi pamilyar na kapaligiran.
"Na saan ako?"
Ang huli kong naaalala ay pumunta ako sa likod ng bahay ko pagkatapos kong kumain para magpakain ng mga alaga kong hayop at para mag dilig ng pananim, pagkatapos ay bigla na lang May tumama sa akin na bulalakaw at sobrang sakit ng nararamdaman ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
May kumuha ba sa akin at dinala ako dito?
Scientist? bandits? military?
No! Walang makakalusot sa security ng school ko kaya malabo ang iniisip ko.
"But where the hell am I?"
Naglakad ako ng nag lakad sa pagbabakasakaling baka May tao dito na maaari kong napagtanungan kung saang lugar ito.
Inabot na ng isang oras akong naglalakad pero wala parin akong makitang tao.
Umupo ako sa tabi ng sobrang linaw na talon na nakita ko, at napansin ko na parang may harang siya o invisible barrier na nakaharang sa dulo ng narating ko kanina pero sino naman ang mag lalagay noon eh wala namang ibang tao dito.
Nasa loob ng maliit na gubat itong talon kaya hindi mainit ang panahon dito, nakita ko na May mga isda din sa din palangoy langoy sa tubig at sakto namang gutom na ako kaya naisip kong manghuli ng isda para makain ko.
Hindi naman na problema ang kahoy dahil marami naman diyan sa tabi.
Isa pang napansin ko ay sobrang fresh ng hangin dito hindi katulad ng Manila na polluted na, at wala ding zombies dito kaya safe.
Pero hindi kaya isang secret organization talaga ang nagdala sa akin dito? at isa akong human subject? kasi diba sa mga movies ganoon ang ginagawa minomonitor muna ang mga pasyente bago pag experimentuhan.
Pagkatapos kung kumain ay naglakad lakad ako sa buong gubat, hanggang sa makarating ako sa gitna ng gubat at nakita ko ang isang maliit at magandang bahay.
"Kanino kaya 'to bahay? tao po!"
Itinaas ko ang kamay ko para kumatok at ng lumapat ang kamao ko ay biglang bumukas ang pinto, sumilip ako sa loob para i-check kung May tao ba.
"Tao po!"
Nang masiguro na walang tao ay nag tuloy tuloy ako papasok ng bahay at nakitang simple lang ito sa loob pero kumpleto sa gamit at malinis siya.
Umakyat ako sa ilang hakbang ng hagdang paakyat sa ikalawang palapag at binuksan ang unang kwarto na malapit sa akin at pumasok dito.
Merong kama, lagayan ng mga damit, mesa at upuan, meron din bintana.
Lumabas na ako at lumipat sa kabilang kwarto at inusisa din ito, ngunit ganoon din ang itsura ng kwarto.
Naisipan ko na matulog na muna dito sa kwarto dahil tanghali palang tutal ay wala namang tao dito.
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame at inisip na sana ay makabalik na ako sa bahay ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako sa dahil parang basa at May dumidila sa mukha ko at ng imulat ko ang mga mata ko ay dalawang pares ng kulay asul na mata na katulad ng mata ng alaga kong si Zoe.
'Zoe!?'
Bigla akong napabangon sa kinahihigaan ko at napansin kung nandito parin ako sa likod ng bahay ko at naka umupo sa lupa nakinahihigaan ko kanina, sa tabi ko ay si Zoe na siyang dumidila sa mukha ko kaya puno ng laway niya ang mukha ko.
Tiningnan ko ang wristwatch ko at napansin na one hour palang ang nakakalipas simula ng matamaan ako ng maliit na bulalakaw kanina.
Hinawakan ko ang ulo ko at pumikit dahil naalala ko ang panaginip ko kanina ,at ng muli kong imulat ang mga mata ko ay nandito na naman ako sa loob ng kwarto kung saan ako natulog.
"What the hell?! Panaginip ba yung? Para akong nagte-teleport papunta sa ibang lugar, Let me try again"
Pinikit ko ulit ang mata ko at inisip sa nakabalik na ako.
Wala pang 5 second nandito nga ulit ako sa likod ng bahay ko.
Anong nangyayari? is it real did I really teleported to somewhat else? But that doesn't seem right. Sa mga nababasa at napapanood ko ay kailangang kabisado mo o alam mo ang eksaktong lugar na pupuntahan mo, pero ang lugar na iyon ay hindi ko alam kung saan, Pero May isa pang term ang tawag sa ganoon.
"Space Ability"
"Space Ability!?"
"What the--!"
"Let's try again, Zoe come with me"
Hinawakan ko sa ulo si Zoe at muling inisip ang lugar na iyon, at bigla nga akong nakarating ulit sa harap ng bahay sa May gubat kasama si Zoe.
Sa sobrang pagkabigla ay napa tulala pa ako at muli lang natauhan ng umalulong si Zoe sa tabi ko.
Naalala ko ang sitwasyon sa labas ng mundo ngayon at dahil may space Ability na ako pwede ko ng ilagay dito ang mga hayop , pananim at mga gamit ko.
"Zoe dito ka muna okay I have works to do"
Kailangan ko magmadali dahil baka mahawaan ng virus ang mga alaga kung hayop through air Bourne at pati ang tubig ay nako contaminate pag nagtagal.
Muli ako lumabas ng Space Ability ko at ginawa ang mga dapat gawin at ilagay sa Space Ability ko ang mga dapat ilagay.
sinubukan kong ilipat ang bahay ko papunta sa loob ng space Ability ko pero hindi pala pwede ganoon din ang puno, mabuti nga pwede ang hayop sa mga bagay naman ay walang problema dahil kahit anong bagay pwede ko mailagay sa space Ability ko lalo na ang mga collections ko ng mga damit, weapons, at pati kotse at motor ko ay inilagay ko rin sa loob ng space para kahit saan ako mag punta ay dala ko sila.
Actually hindi ako magtatagal dito after ko ma settle ang mga kailangan dito ay aalis ako at ipagkakatiwala nalang kay principal Jane ang university at ang pamamahala ng mga survivors.
My family is all soldiers and so am I, the truth is I already graduated when I was 16 and I am already an army for 2 years now, pero dahil sa pinakamamahal kong mommy gusto niyang mag 18 birthday muna ako bago tuluyang mag focus sa pagsusundalo, at kaya ako nandito sa school ay dahil nga sa mga alaga kong hayop balak ko sanang ibenta sila or yun ang ipagluto kong handa sa birthday ko kaso nangyari naman ang outbreak na ito.
Matapos kong mailagay lahat ay nag pahinga na ako dito ulit sa May talon.
Naisip kung baka May iba pa akong ability kaya nag concentrate ako at nag try ng ibat ibang techniques na maaaring makapag palabas ng mga abilities or powers katulad sa movies or novel.
Hindi naman ako nabigo dahil sa sobrang daming techniques na sinubukan ko ay May iilan na gumana, at ang lumabas na abilidad ko ay Ice ability.
"Ice and space Ability ,nice"
Kung meron akong ganito hindi malabo na meron din ang ibang survivors,
"I need to train this ability to make it stronger at para narin maging bihasa ako sa paggamit nito."