Chereads / Pagdating Ng Panahon / Chapter 18 - Chapter 18: Manok

Chapter 18 - Chapter 18: Manok

Sinamahan nya ako hanggang sa natanaw nyang umalis na sina Troy. Ilang dipa lang naman ang layo namin. We're in the shade of an Acacia tree at may benches dito with tables. Sinadya talaga for students who wants to study and at the same time , breath some fresh air.

"Pupunta ka pa bang Rooftop?." he asked nang tumayo ako. Pinagpag ko ang sarili kahit alam kong walang dumi na kumapit sa katawan ko. Feeling ko kasi. Madumi ang katawan ko kahit hindi naman. Feeling ko lang talaga.

Tinapunan ko sya ng tingin. Natanaw ko din sa malayong upuan si Jane na kumakaway na sa akin. Iminuwestra pa nitong mauna na syang umuwi. That's why I rushed. "Depende kung kakanta ka?." kinuha ko na ang bag ko sa upuan. Pati yung librong dala. Niyakap ko ka rin. "I have to go.. may sasabihin pa ako kay Jane.."

Hindi sya nakaimik nang patakbo na akong pumunta sa kaibigan ko. "Aasahan kita!.." and I heard his voice thundered. Bahagya kong binagalan ang takbo saka sya nilingon. Dahil sa Lago ng agwat namin. Isang thumbs up nalang ang binigay ko sa kanya.

I am not yet sure kung papayagan ba ako ni Papa na gumala ngayon. Lalo na at, exam week. Pero siguro kapag sinabi ko sa kanyang kasama ko si Poro. He'll definitely approve kahit di ko pa sabihin kung saan kami pupunta. Baka pa nga. Matuwa pa sya, kasi I'm doing his favor without him pushing me to do it. Hindi sya mahihirapan pang pangaralan ako't sermunan about boys para lang sumama kay Poro. I know him. Kapag may utang na loob sya sa isang tao. Sigurado akong lahat gagawin nya para makabawi rito. Kahit pa yata isugal nya rito ang anak nya. Ganern!

Talagang sugal Ken?. Baka naman strategy nya yun para bantayan ka at protektahan?. From what?. From boys.. E lalaki din kaya kadalasang kakilala nya. Syempre. He knows how boys play kasi lalaki sya. At ayaw nya rin sigurong masira kami ni Ate dahil lang sa isang lalaki.

I am grateful to that. Kasi kahit aminin kong medyo weird ang prinsipyo nya. Weird ba o ako lang ang nag-iisip ng ganun?. Basta. Like what I've said. I'll follow him kahit pa labag sa akin. He is my father and forever my one and only, boy friend.

Nang nakabalik na ako sa mesa namin. Sakto naman tumayo na si Jane. Paalis na. "Uwi ka na?." naupo ako sa harap nung palabok. Tsk!. Lumunok nalang ako!. Sayang naman!

"Yes girl.. sorry.. may emergency sa bahay.. we'll see each other tomorrow nalang.." she said like typing on her phone. I don't know kung anong emergency ang tinutukoy nya. Pero sa pagkaabala nya. Mukhang seryoso nga. Di ko na sya pipilitin pa.

"It's okay.. uwi na rin ako later.." paniniguro ko din sa kanya. Tinignan nya ako pagkatapos ibulsa ang hawak nyang phone. Luminga pa muna sya bago tinuko ang mga kamay sa mesa at bumulong sakin.

"You're not safe here alone.. if you want to stay here for a moment.. call Poro.. baka guluhin ka ulit nung gagong yun.."

"Don't worry about him.. I can handle.." nginitian ko pa sya to atleast convince her that I really can. Hindi pa rin sya kumbinsido.

Inirapan nya ako. "No!. You can't handle him Kendra.." oh my! Seryoso nga sya. Tinawag nya akong full name e. Umikot pa saglit ang mga mata nya bago napirmi sakin. "Kung wala pa nga yung alibi ni Poro kanina, baka kung ano nang nangyari sa'yo dito.."

May punto din naman sya. Hindi ako kokontra sa sinabi nyang ito dahil tama naman sya. Maging ako ay ganun din ang naiisip kanina. Ganun din pala sya.

"Halika na. Sabay na tayong lumabas ng campus.." anyaya nya. Hinawakan pa nya palapulsuhan ko. Nagpadala na rin ako. Ayokong maiwan din naman dito sa totoo lang. Mas gusto ko ng umuwi kaysa sa magkaroon pa ng sakit ng ulo dito.

"Hi Ken.. mahal kita.." isa sa mga kaklase ni Troy. Natatawa pa.

Bastos!

Nilagpasan lang namin sya. "Hi Kendra, can I count you?." may lalaki na namang tumawag sakin. Isa sa mga University player ng Swimming.

"Get lost.." si Jane ang nagsalita. Tinawanan tuloy ng mga kaibigan ang lalaki.

"Ken, I'll drive you home.."

"She has a damn car!." itinaas pa ni Jane ang kamay saka itinuro ang ulo ko tapos yung sasakyang dala ko.

"Hahaha.." tinawanan ko lang ang pagiging mataray nya ngayon.

Namaywang sya't tinitigan ako ng masama. "Nagagawa mo pang matawa sa kabila ng mga unggoy na yun?."

Unggoy talaga?. LoL!

"Bakit naman hindi?." pang-aasar ko sa kanya. She hated that move of boys. Para daw akong tinda lang sa tabi tabi tapos hayun silang passerbys na tumatawad pa ng presyo. Hindi daw ako ganun. I'm a precious gem ng Papa ko at bakit ko daw hinahayaan ang ganun?.

Kaya kahit anong busy ko minsan. Kapag nagtawag syang night life. I can't say no to her. Masyado nya akong mahal at tinetreasure. To the point na, tinuturing bilang kapatid.

"Ewan ko sa'yo, Kendra Manalo. Kapag ikaw!.." hinila nya ang kahibla kong buhok sa gilid ng tainga ko. Aw!. Nanggigigil sya!. "Marinig ko lang na pumatol sa mga isang yun!. Naku!. Goodbye friendship na tayo.."

Inipit ko ng husto ang labi upang hindi kumawala ang isang ngiti. Tahimik nalang akong tumango. "But, it has exception.."

Pinanlakihan ko sya ng mata. "Akala ko ba, wag akong pumatol sa kanila?."

Ang gulo nya ha?. Pero I have this gut feeling na, same kami ng iniisip na tao.

"Bruha.. hindi naman sya tulad ng mga unggoy na nilagpasan natin.." binigyan ko sya ng may nagtatakang mukha. I keep my mouth shut for her to continue. "Gaga. Si Poro ang tinutukoy ko. Kung mag-aya syang lumabas mamaya. Go for it. I can't assure you that, I can be with you tonight, dahil you know.. but you have my assurance this time. Kahit hindi na manligaw yung tao.. sagot na agad ha.."

Hahaha.. di ko maiwasang matawa!.

"Binebenta mo na ako ngayon?." biro ko na sineryoso nya naman. Hinila na nya ngayon ang buhok ko.

"Kung sa tulad nyang tao, mabait, matalino, gwapo.. hindi gago.. why not?. kesa naman mapunta ka lang sa mga walang kwenta, tulad ng ex mo duh?." inirapan nya ako ng todo.

"Ahahhahahahahaha.." natutuwa lang ako sa pagiging agresibo nya sa lovelife ko. Gayong sya itong sinasagot na sana ang nag-iisang magliligaw nya. SI Cristoff.

"Psh.. bahala ka na nga.. update mo nalang ako pag nasa lumabas ka mamaya.. I'll try if I can go.." naglakad na sya ng kaunti. "I have to go.. kanina pa sila nag-aantay sa akin.. drive safely please.. inaabangan ko pa, loveteam nyo ni Mr. Right.."

Napapailing nalang ako sa kadaldalan nya. Sa dami ng sinabi nya. Puro haha lang ang naisagot ko. It's because, she got a point. At hindi ko na kailangan pang magsalita because she knew me better. Baka nga. Mas kilala nya pa ako kaysa sa sarili ko. And jumping to her bet for me. I guess. She found a way para ilihis ako sa kabaliwan ko sa mga lalaking nanliligaw sakin. Napapaisip na ako ngayon na. Wag nang pansinin ang iba dyan. Huwag nang ientertain ang kung sino lang. She's saying that. I have to focus nalang sa iisa. At iyon ang manok nya.

Sumakay na ako sa sasakyan ko. Getting ready to drive home ng may kumatok sa bintana ko. Sinulyapan ko iyon. It's him!. Agad ko syang pinagbuksan. "May problema ba?."

"Napansin ko kasi yung gulong mo.."

Oh shit!.

"Bakit?." nataranta ako sa totoo lang. Sa baba sya tumingin. Mukhang sumipa pa sya duon.

"Flat.. tinignan mo ba ito kanina nung nagpark ka?." confused din sya. Nawala ang bulto nya sa bintana. Umupo ata to check the tire. Bumaba na rin ako para i-check kung flat nga.

Napasinghap ako. "Okay naman kanina yan nung pinark ko dito.." napahawak ako sa noo. Paano ako uuwi nito?.

Tumayo sya't sinipa ulit yun. Ang sabi nya, aayusin nya daw. Umalis sya't nagtungo sa may sasakyan nya. Umupo sya't muli. May dala ng bomba. Umupo din ako pero pinatayo nya lang ako dahil ang iksi daw ng shorts ko. Eh?.

"Sa loob yata ang may sira.. but you can drive this to the nearest volcanizing shops para mapaayos bago ka umuwi sa inyo.."

"Sige.. ako nang bahala.." hindi ito ang gusto kong sabihin. 'Samahan mo naman ako. Hindi ako sanay sa may volcanizing shops. Si Papa ang lagi duon kapag may sira ito..' ito ang laman ng isip ko. Pero dahil nahihiya ako. Di ko nalang sinambit. Baka kasi may pasok pa sya. Ayaw kong istorbohin.

"Ihahatid sana kita kaso I still have class.."

"It's okay.. kaya ko naman.." hinde. Ihatid mo na ako please. Arte!

Tama namang ganun nga ang nangyari dahil nakatanaw sa malayo si Troy. He's watching us. Seriously. Na kung pwede lang. Ready syang manuntok ng kung sino. Pinaalis ko na si Poro para di na sya pag-initan ni Troy. Sinamaan ko sya ng tingin. Warning him too na wag gagalawin si Poro.

Wag nya akong subukan!. Ayoko rin sa sarili ko kapag, nagagalit ako.