Chereads / Pagdating Ng Panahon / Chapter 19 - Chapter 19: Sundo

Chapter 19 - Chapter 19: Sundo

Ala syete na ng gabi ako nakauwi. Ang sabi nung boy sa volcanizing shop. Kailangan daw palitan ng buo yung gulong ko dahil pudpod na at may butas pa sa loob. Umoo nalang ako kahit sakto lang sanang pang-allowance ko this week ang pera. Pinambayad ko na yun para kahit paano. Di na ako masiraan kahit saan. Lalo na pag gabi. Buti kung kasama ko lagi si Karen. Di ako kabado kapag ganun dahil maalam ito sa parts ng sasakyan at marunong na ring mag-ayos. Tinuruan ni Papa. Kahit hindi pa sya marunong magdrive. Maalam na ito. Talo pa kami ni Ate. Baliktad nga e. Kami na marunong magdrive, di naman marunong mag-ayos. Si Karen na di pa marunong magmaneho. Marunong ng mag-ayos ng sira. Ganun ba talaga ang buhay?. Hindi lahat alam mo?. Hindi lahat ay natutunan mo?. Bakit kaya?. Isa ang sagot dyan Ken. Ano?. Tamad ka lang!. Empunto! Natawa ako ng bumaba na. Kasi ako. Kahit paulit-ulit nang pinakita sakin ni Papa kung paano magdisbomba o maglagay ng hangin sa gulong ko. Hindi ko pa rin ito makuha-kuha. Di ko alam kung tamad ba talaga ako o wala lang interes sa mga ganito. Impossible naman ang walang interes diba?. Dahil kapag nagsimula ka ng humawak ng manibela at lumarga ng malayo na. Magkakainteres ka na talaga tungkol sa parts ng sasakyan.

Why not me?.

Hay... Ewan ko sa'yo.. Tamad ka nga kasi!.

"Magandang gabi po." bati ko sa kanilang lahat. Nasa sala sila Mama at Kim na kasalukuyang nagtutupi ng damit. Si Ate naman. Mukhang wala pa dahil wala pang nagkalat na kung anu-anong gamit sa sala. Si Karen naman. Nakaupo sa may hagdanan. Sandal ang likod sa dingding habang abala sa pagtitipa sa cellphone. Okay na kaya sila ni Kian?. What about his Mom?. Ang alam ko din kasi, ikakasal na ang dalawa without his Mom's conscience. Tsk.. Bathala na nga sila! Nandyan naman sila Mama. Ayoko nang problemahin pa yan. I have my own problems too. Si Papa naman, nilagpasan si Karen sa may hagdanan. Mukhang kakauwi lang. Nagsusuot palang kasi ito ng sandong puti.

"Magandang gabi rin.. Nagkita na ba kayo ni Poro?." he asked suddenly. Inilapag ko sa sahig ang dalang bag saka sa gitnang mesa ang hawak na libro. Kinurot ko ang pisngi ni Kim na agad inalis ang kamay ko sa mukha nya. Sinipa pa nga ako. Buset na bata!. Saka naman ako humalik kay Mama.

"Sa school po kanina. Bakit po?." kailangan kong tanungin kung bakit dahil baka totoo ngang nasa school sya kanina at sinabi lang nung isa na wala si Papa. Alam ko namang hindi sinungaling si Poro. Sadyang. Malay ko din ba kung may hidden agenda sya. Diba?.

"Tumawag sya kanina rito. Tinatanong kung nakauwi ka na ba?. Oo nga. Saan ka galing at ginabi ka na?. Diba wala kang pasok buong araw?." pumasok si Papa ng kusina at kumuha ng baso para lagyan iyon ng tubig. Umupo din ako sa pang-isahang sofa. Tabi lang ni Mama na abala. Pagod akong sumandal duon at tumingala saka pumikit na.

"Galing po akong shop.. pinaayos ang gulong sa harapan dahil naubusan po ng hangin." paliwanag ko pa rin. Kahit may hinala na akong may alam na sya kung bakit ako ginabi. Knowing him to Poro?. Sus!. Baka nga. Nagkwentuhan na naman sila.

"Ganun ba?. Hmm.. nasabi nga nya sakin yan.. buti nalang daw nakita nya yung sasakyan mo bago ka umalis.." naglakad na sya't tumayo sa harapan namin. Gitna ng sala.

See?. Matagal silang nag-usap. Hay.. Oo nalang.. Pero may positive naman ang kwentuhan nila dahil hindi na sya nag-isip pa kung saan ba talaga ako galing.

"Ihahatid ka daw sana nya rito at maghahapunan na rin kaso may pasok pa daw kasi.."

"Yun nga po.. tsaka.. nakakahiya naman po kung ihahatid pa nya ako. May sasakyan naman akong dala." giit ko naman. Dumilat ako at nakitang nasa harap na ito ng tv. In-on yun.

"Sabagay nga naman.." anya saka natahimik ng hawak na ang remote. Mukhang manonood na naman ng basketball. Pero mali ako ng makitang balita ang channel ng kanyang tv. Naglakad sya't umupo sa tabi ni Mama na hindi pa tapos magtupi. Nilipat nya na rin yung mga damit na di pa tapos sa kanilang gitna. "Nga pala.. may lakad daw kayo ngayon?. Saan?."

Nagulat ako. Napaahon ako sa pagkakahiga. Sinilip ko sya. Tinignan nya din ako patagilid. Nagkatinginan kami. Maging si Mama eh, tinignan kami ng salitan.

"Nino po?." parang tanga lang!. Sino bang topic nyo ngayon Ken ha?. Diba si Poro lang?. Malamang sya ang nagsabing may lakad kayo. Pero, sa pagkakatanda ko. Di nya ako inaya, officially. Yung kaibigan kaya nya ang nag-imbita. Hinfi mismo sya.

Pinanlakihan ako ni Mama ng mata. "Sus.. nakikinig ka ba?. si Poro nga daw.. yung gwapong batang abogado.." puri pa ni Mama dito. Ngumiwi naman ang labi ko.

"Tsk.. hindi nya po ako niyaya.." pagkakaklaro ko. Baka isipin kasi nilang, nagpapagood shot na yung tao. Kahit hindi naman.

"Saan kung ganun ang sinasabi nyang pupuntahan nyo?."

Nagkamot ako ng kilay. Sana di mabura yung pagdaan ng lapis dito. "Sa may Rooftop Bar and Cafe lang po. kakanta po ata sya duon.."

"Ay Ate.. hindi lang marunong kumanta si Kuya Poro.. maganda talaga boses nun.. sya kaya pambato ng tropa namin pagdating sa mga singing contest.." kumpirma din ni Karen na kanina ay tahimik lang sa likod.

"Talaga?. Mas maganda pa sa boses ni Aron?." ani Mama. Kumakanta din naman ang pinsan namin. Pero sa hindi ko pa naririnig ang boses ni Poro kapag kumanta. Hindi ko nga makukumpirma kung maganda ba talaga ang boses nya o hinde. Aron is A for singing. Pero lagi nyang pinipilit na pang road trip lang daw boses nya kapag sinusutil namin ni Karen na lumahok minsan. Ayaw nyang sumali sa kahit na anong paligsahan na yan. Di nya daw porte ang humarap sa maraming tao habang nakikinig sa kanya. Hay.. Mga rason nya.

"Kakantahan ka?." tunog biro man ito ni Papa. Muntik na akong maniwala sa kanya.

"Hindi ho!. Hindi naman kami close para kantahan nya ako.." paliwanag ko naman.

"Why not know him more kasi?."

"Papa. akala ko ba ayaw nyo muna akong magkaboyfriend?." hindi ko sya maintindihan ngayon. Gusto nya ba ai Poro para sakin?. Bakit?. Dahil abogado?. May kaya?. O, dahil mabait at nakakasundo nya?.

"People change Kendra.." anaya pa sabay ng tahimik na pagtawa. Binulungan pa si Mama. Umirap nalang ako. Kita nyo na?. People change daw like climate change?. Sus nako!.

Anong people change?. Sya?. Basta bastang nagbabago ng opinyon?. Hindi ako naniniwala. Wala akong tiwala!

"Tsk.. nagbibiro ka lang e.. di mo ako maloloko brad." tumayo ako para icharge ang phone ko. "Sinusubukan mo lang ako kung kakagat ba ako sa bitag mo. o hinde. But no.. nakakahiyang ipagsiksikan ang sarili sa taong di ka gusto Pa.. diba sinabi mo na sakin yan, ilang ulit pa?."

Di lang sampung beses na nya itong sinabi sa tuwing nalalaman nyang paiba iba ako ng manliligaw. Na minsan. Wala namang konek sa topic. Para lang. May masabi sya ganun.

"Seryoso nga ako.." ginawa nya ring tunog seryoso ang boses nya. An evil smirk tickles me.

"Kilala kita Pa." nakatalikod man ako sa gawi nya. Alam kong, napapailing na ito sa tuwa.

"Oo nga naman Kendra.. ikakasal na ang bunso nyo.. kayo ng Ate mo?. Kailan balak magdala dito ng nobyo?." sa kanila na mismo galing na BAWAL pa muna kami ni Ate magboyfriend. Tas ngayon. Kulang nalang ipagtulakan kami na magkaroon?. Ano ba talaga?. Nalilito na ako.

Di na ako umimik. Pagtatawanan lang naman nila ako kapag sinabi kong, college diploma muna bago boyfriend. Tumatak na iyon sa isipan ko. At kahit anong gawin o gusto nila ngayon. Di yun basta magbabago.

Hindi nga ba?.

Lumabas si Papa. May bumusina ata sa labas. Baka parcel yun ni Mama.

"Dali.. pasok ka muna. andito na sya kakauwi nya lang.." dinig kong boses ni Papa. Nakasalampak kasi ako sa sahig. Habang hawak ang phone na nakacharge. May ipapasa lang akong email para sa group study namin. Need na daw kasi, asap. "Ken, andito si Poro.. sabay na raw kayong pupunta ng Rooftop.." dagdag pa ni Papa.

Huli na para tumayo. Dahil nasa harapan ko na sya't nakita na ako. Nakaiskwat ako't di pa nagpapalit ng damit. Alam kong ayaw nyang ganun ang upo ko. Ayaw ba talaga?. Tanga! Ginagalang ka nung tao. Malamang, ayaw nyang ganyan ang asta mo. Buang ka!.

"Papayagan mo ko Pa?." inayos ko ang sarili saka tumayo. Nilapag ang phone sa sahig saka ngumiti sa kaharap.

"Papayagan man kita o hinde.." sinabayan ko na ang paborito nyang linya. "Tatakas ka pa rin.."

"Atleast, umuuwing di lasing,." rason ko pa.

Tumango nalang sya. Ayaw ng magsalita o pagod nang pakipagbarahan sakin. "Sige na.. umuwi ng maaga.. Poro.. ihatid ng ten pm ang sundo mo.." paalala pa nya rito.

"Eleven, Pa?." nanghirit pa ako.

"Ten is ten, Kendra.." malamya nalang akong tumango saka sya niyakap.

"Wala hong problema Tito.." tinapik ni Papa ang balikat ni Poro after reassuring him his rules. "Ako nang bahala sa kanya.." he added.

Nag-usap pa sila ni Papa nung pumanhik ako saglit sa taas para kumuha ng jacket. Malamig duon mamaya. Kaya kailangan ng extrang damit.

Sya na nga bahala sakin. Free ako tonight from driving. Maging sa gasolina. Libre ako. Di sa kuripot ako noh?. Haler!. Let's just face the fact na, minsan kailangan din natin ng libre. Thanks to him. Lalo na kay Papa. May sundo na nga ako. May bantay pa. Yes!