Nang makarating na ako sa paaralan,
bumungad sa'kin ang mga kaklase ko
na nakapila sa initan sa tapat ng room.
" late na naman siguro yung adviser namin "
bulong ko sa'king sarili.
Hindi na muna ako pumila kaya naman
naisipan ko na lang na umakyat
sa Second floor,
kung saan naroon ang room
ng mga kaibigan ko,
balak ko sana silang bisitahin
ngunit..
pumansin sa atensiyon ko na wala pa si Ran at ang mga tropa n'ya sa tambayan nila.
pinagmasdan ko lang ang tambayan,
nakatulala.
"Late lang siguro"
boses na nang-galing sa likuran ko
Lumingon ako agad
lumingon..
..
...
bumungad sa'kin ang kaibigan ko na si
Trix at Yoona.
" Si Ran nanaman ba ang hanap mo?
nandoon pa sa gate, papunta na kasama
yung mga kaibigan niya "
Natatawang saad ni yoona.
" Lagi namang late iyan si Ran,
huwag ka ngang praning Lia,
hindi naman aabsent yan "
Pang aasar naman ni Trix.
Natawa na lang ako sa pang aasar nang dalawa, at nag tuloy-tuloy pa ang pang aasar nila sa'kin tungkol kay Ran.
Nang mailing ang tingin ko sa gate
ng school ay bumungad sakin si Ran
kasama ang mga kaibigan niya.
Heto nanaman ako,
Kinakabahan tuwing
nakikita siya,
besides,
Napaka gwapo niya talaga,
Matangkad, Matalino,
Singkit, Mabango,
At higit sa lahat,
Alam niya kung paano
rumespeto sa babae.
Napaka unique niya rin,
ibang iba siya sa mga
lalaking
nakilala ko,
Halos lahat nasa kaniya na.
At ayon ang nagustuhan ko sakaniya.