" Oh? Bakit natulala ka d'yan? "
tanong ni Trix.
" Paanong hindi matutulala e,
ayun oh, si Ran, paparating "
Sabay turo ni Yoona sa gate ng school.
Napalingon din ang dalawa sa
gate kung saan naroon si Ran at
ang mga kaibigan n'ya.
Papalapit na ito nang papalapit saamin
" Parating na "
ani ko.
" Isa "
" Dalawa "
" Ayan na "
dagdag ni Trix.
Dumaan si Ran sa harapan ko.
Parang,
nag slomo ang buong palagid
..
Lumabo ang mga mata ko,
Wala akong ibang makita,
..
Siya lang.
Sakanya lang,
nakafocus ang paningin ko,
blurred na ang lahat,
Maliban sakan'ya.
Kitang kita nang mga mata ko,
kung gaano siya kasaya,
kapag kasama ang
mga tropa niya.
Ano kayang pakiramdam?
na makasama siya?
....
..
Nagulat ako nang bigla akong
kurutin ni Yoona sa braso ko,
at tila ba,
parang nagising sa katotohanan.
" O-ouch, Ano ba? "
naiinis na tanong ko sakaniya
" Titignan mo na lang talaga 'yan?
'di mo manlang kakausapin ganun? "
tanong naman ni Yoona.
" H-hindi "
" Ayoko"
dagdag ko pa.
" Osige na. Mag t-twelve na,
una na kami ni Yoona "
pag papa-alam naman ni Trix.
Hindi na rin ako nakapag paalam pabalik,
madaling madali na kasi sila paakyat,
sa Second Floor.
Tinignan ko ang orasan ko,
Dalawang minuto na lang ay mag sisimula
na ang klase namin.
Nag simula na akong maglakad
papunta sa room.
12:30
Sakto!
Maayos akong nakarating sa room,
pero wala pang Guro,
Bakit kaya?
tanong sa'king sarili
takang taka ako dahil mga ganitong oras
ay,
dapat may nagtuturo na sa harapan,
ngayon lang din nangyari 'to.
Hindi ko na lang ito pinansin at umupo na sa upuan ko.
Tinignan ko naman ang upuan ni Ran,
Buti naman, nandito na rin siya
Akala ko late nanaman e.