Chereads / THE DEMON LORD'S DAUGHTER / Chapter 3 - Kay buting Demonyo

Chapter 3 - Kay buting Demonyo

"Sino ba 'tong mga 'to? Kakaiba ang mga mukha, para silang hindi tao. Pero dahil sanay ako sa horror noon ay nagagwapuhan ako sa isa sa kanila bagaman kanina pa akong naliliyo sa maliit at masikip na basket na ito at teka bakit nga ba ako nasa basket? Anong aking ginagawa rito? at sandali lamang...bakit yata maiiksi ang aking mga biyas? Naging bata ako ulit? Ngunit bakit? Ay oo nga pala...namatay na nga pala ako, hindi lamang ako tinanggap sapagkat masyado akong nilaman ng kasamaan. Huhu..huhu... sighed...its really hard to speak filipino language straightly! Even I am pure Filipino, it makes me ahhh...gosh. Forget about it. For now, what should I do? Do I really have to be a good person and do good things...only????"

"Yes, you have to."

?...?

"What the f*ck! Who are you? and where are you?"

"You can't see me, I am stuck in your right brain."

"What?! What are you doing there and who the hell are you???"

"You're the only one who can hear me so don't worry."

"I am not worried about that! Just answer my question b*tch!"

"Calm down. I was sent by God to look after you. You're one of the luckiest soul."

"Ha! F*ck you! Luckiest soul my foot! As if I will be good here! Duhhh...?"

"You swear to him, don't you remember?"

"Who cares about it? I'm alive again! I can do what I want! If I die then I will be given another life again since I can't be accepted in your heaven."

"Sorry to inform you but if you can't fulfill what you promise to God, you will die immediately and your soul wouldn't be accepted in Heaven and will never be reborn again."

"Immediately? Seriously? That wasn't fair!"

"Exactly, you were given a chance to live again while other souls were not. That is really not fair."

"What?"

"Don't you know? Well anyway, you have no choice now because you already chose what to do before you got here."

"Ha? Oh here? Speaking of it! Tell me where I am right now?!"

"My bad. I have to go now. I'll answer your question next time."

"What the hell! Where are you going?!!"

"..."

"Hey!"

"Where are you going?!"

"Hey! Are you serious?! Hey!"

Tuluyan na ngang naglaho ang mga boses na kaniyang naririnig sa kaniyang utak at hindi man lamang niya namalayan na siya'y buhat-buhat na pala ng kanang alagad ng Mahal na Diablo.

"Hala....shhhh..shhhh..." - pagpapatahan ni butler John, inakala nito na umiiyak ang sanggol nang binuhat niya ito kahit may kaunti pa siyang takot. Ngunit kung kaniya lamang na maiintindihan ang sinasabi ng sanggol ay malamang kanina pa niya ito napagsabihan dahil sa sunod-sunod nitong pagmumura. Nag-alala naman agad ang Mahal na Diablo at hindi na agad siya mapakali...

"Anong ginawa mo sa kanya butler John? Bakit mo siya pinaiyak? Paano na ngayon iyan tatawa?"

"Ha? Wala po akong ginawa sa kaniya Mahal na Diablo! Hindi ko po pinaiyak ang bagay na iyan!"

"Binuhat mo lamang siya at bigla na siyang umiyak, mukhang ayaw niya sayo john hahaha..."

"Seryoso ka ama?"

"Ibigay mo sa akin ang paslit na iyan. Ang mabuti pa'y alamin mo kung paano ito tatahan."

"Ngunit Mahal na Diablo..."

"Sundin mo na lamang ang utos ko."

"Hahaha...labag ba sa iyong kalooban John? Hwag mo na lamang damdamin ang aking sinabi kanina sapagkat alam mo namang nagbibiro lamang ako hehehe" - singit ng hardenero.

Iba sana ang nais na sambitin ni butler John pero hindi bale na ang sabi niya sa kaniyang isip at, "Sige po Mahal na Diablo. Aalamin ko po kung paano iyan patitigilin sa pag-iyak." - sabay tungo't tumalikod, hindi pinansin ang ama at handa na sanang lumabas sa silid nang biglang tatlong katok ang bumulabog sa kanila.

"Paumanhin po sa pag-abala Mahal na Diablo subalit narito na po ang inyong ipinatatawag na mga kusinerong nagluto ng inyong tanghalian kanina." - ang aalis sanang si butler John ay agad na lumapit sa Mahal na Diablo at tinakpan ang bibig ng sanggol. Dali-dali naman siyang nahampas ng hardenero dahil mukha raw na papatayin niya ang bata. Hindi naman niya ito sinasadya dahil nag-aalala lamang siya na makita ang sanggol ng ibang mga demonyo, maaari kasi itong magdulot ng isang kaguluhan o pagmulan ng rally mula sa mga demonyo bilang pagtataksil ng hari sa kaniyang nasasakupan. Ang pagpasok o pagpapapasok kasi sa mga tao sa Demon Kingdom ay ipinagbabawal, kasama rin ito sa 333 rules nila. Kaya nga mayroon silang burn barrier na tinatawag na nakapalibot sa buong kaharian ng Demon Kingdom bilang proteksyon ng mga demonyo mula sa mga tao. Ginawa ito para ang sinumang tumungtong sa kanilang lugar ay masunog agad at maging abo at wala na silang poproblemahin. Kanila itong panlaban nang sa ganoon ay makaligtas sila sa panghihimasok o pananakop ng mga tao sa kanila. Kinatatakutan kasi ang mga tao sa daigdig na ito.

"Ako na muna ang bahala sa kaniya." - kinuha ng hardenero ang sanggol at minadaling gumawa ng pansamantalang teleportasyon patungo sa hardin upang kahit na umiiyak ang bata ay hindi ito maririnig nang sino mang demonyo 'pagkat malayo ito sa kaharian.

Pagkaalis rin nila ay siyang pag-ayos ng Mahal na Diablo sa kaniyang pag-upo saka pinapasok ang mga kusinero kasama ang dalawang may buntot na demonyo at sila'y nagbigay pugay sa kaniya sa pamamagitan ng pagtungo at pagluhod ng kanilang kanang paa at ang kanang kamay ay nakatikom na itinapat sa kanilang kaliwang dibdib. Pagkatapos ay tumayo rin sila agad.

"Mahal na Diablo, kami raw po ay inyong ipinatawag..."

"Ganoon na nga."

"Maaari po ba naming malaman kung bakit po ninyo kami ipinatawag?"

"Akin na kayong dadaretsuhin. Nais ko lamang namang malaman kung bakit karne ang lagi kong tanghalian. Hindi ba kayo aware na vegetarian ako? Mga baguhan lamang ba kayong tagapagsilbi sa kusina?"

Nagkatinginan muna ang mga kusinero bago sumagot,"Hindi po Mahal na Diablo."

"Alam po naming vegetarian kayo Mahal na Diablo subalit bilang tagapagluto't tagapaghain po ay may puso kami na ihanda ang mga pagkaing naiibigan rin naming lutuin para sa inyo Mahal na Diablo." - sagot ng isa sa kanila na agad ikinakati ng tainga ni butler John. Siya ay tahimik na nakatayo nang tuwid sa tabi ng Mahal na Diablo at matiyagang nakikinig sa usapan pero tila yatang hindi niya nagugustuhan ang tabas ng dila ng mga ito.

"Ah ganun ba, ibig ba ninyong sabihin ay kayo ang masusunod kung ano ang aking kakainin at wala akong karapatang kumain ng kung ano ang nais ko?"

"Naku hindi po ganoon ang aming ibig sabihin Mahal na Diablo patawad po"- agad silang napaluhod at yumuko sa kanya. Waring hindi nila akalain na 'big deal' pala ito sa Mahal na Diablo gayong ang totoo'y nagpapayabangan pa sila kung aling luto ang magugustuhan ng Mahal na Diablo. Wala silang ideya sa kagustuhan ng Mahal na Diablo sa kadahilanang mas pinili nila ang kanilang 'pride' at maging 'bida-bida'.

"Sige, nauunawaan ko, simula ngayon hindi na kayo magluluto para sa akin ngunit bilang pagbabayad sa inyong kasalanan ay ipakakain ko na lamang - "

Hindi pa tapos magsalita ang Mahal na Diablo ay napagtanto na nilang sila'y nagkamali, paano'y natakot sila agad at nagising sa diwang hari nga pala ang kaharap nila. "Huwag po Mahal na Diablo! Patawarin po ninyo kami, hindi na po namin kayo susuwayin, patawarin po ninyo kami Mahal na Diablo, huwag po ninyo kaming ipakain sa mga alaga ninyo, maawa po kayo sa amin parang awa nyo na po Mahal na Diablo, bigyan pa po ninyo kami ng isa pang pagkakataon maawa po kayo..."

"Patapusin muna ninyo ako. Ang nais ko lamang naman, bilang parusa ay ipakakain ninyo ang inyong mga nilulutong pagkain sa mga tagasilbi, mga kawal at mga katulong na nagtatrabaho sa buong palasyo. Kailangang ipaghain ninyo silang lahat nang pantay-pantay at walang pinipili na kung sino lamang ang gustong pakain. Gayundin ay hindi kayo maaaring humingi ng kahit na anong kapalit, maliwanag?" - seryosong utos ng Mahal na Diablo. Agad naman silang napaluha at nagpasalamat sa kaniya pero hindi sumang-ayon rito si butler John dahil nasobrahan yata sa kabaitan ang hari ng mga demonyo ngunit ang paliwanag naman ng Mahal na Diablo ay demonyo lamang rin silang nagkakamali at kailangan rin nang malawakang pag-intindi at dahil siya ang hari, kailangang sa kanya magsimula ang pag-unawa't pagpapatawad.