Chereads / The Billionaire's Proxy Bride / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

"You okay, Bel?"

Napaigtad ako sa pagtawag sa akin ni Lili, halos mabitawan ko pa ang hawak kong tupperware. Naglalakad na kami ngayon patungo sa resort nila Lili. Kanya-kanya na kami ng bitbit ng mga dala naming pagkain at gamit. Some of the staff helped us too, considering na nakilala agad nila si Lili na anak ng nagmamay-ari ng mismong resort.

"Yes, I'm fine. Medyo nahilo lang ako sa byahe," tugon ko kay Lili.

Tumango naman siya saka muling iginala ang tingin sa paligid. Kahit si Lili ay namamangha sa ganda ng ambiance ng resort, it was cozy, warm, almost felt like home. Sobrang achieved ang mediterranean style or theme ng beach resort na ito.

"Ang ganda dito di ba? Sana dito na lang ako nakatira. Tignan mo yon! Ang laki nung villa, magkano kaya per night dun? Baka mahal, mag-tent na lang tayo," biglang sabi ni El. Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ba at sa inyo ito? Bakit ka pa magbabayad?" nagtatakang tanong ko kay Lili. Nanlaki ang mga mata niya saka lumapit sa akin at pilit na tinatakpan ang bibig ko.

"Wag kang maingay, grabe ka. Baka may makarinig. At saka, anong akala mo sa amin? Porke ba pamilya namin ang may-ari ay libre na ang lahat? Nagbabayad kami ng patas noh, hindi uso ang padrino sa amin. Everytime na pupunta kami sa mga establishment na pagaari ng pamilya, itinuturing kami na customer gaya ng iba, hindi owner o boss," mahabang litanya niya saka tinanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ko.

"Palibhasa, ganun siguro kayong mga Herrera, ang dami niyong hotel and restaurant. Don't tell me di ka nagbabayad?" she asked.

Ako man ay napayuko na lang sa tanong nya. I am somehow guilty.

"We were thought that way," sagot ko na lamang sa kanya. Natawa na lang sya saka kumapit sa braso ko.

"It's okay. Now you know! Next time, magbayad ka ng tama ha. Tauhan nyo man o hindi, kasi di nyo naman sila slave na nabili pati pagkatao," aniya saka nagpatuloy na kaming maglakad papunta sa mga mini villa na nakahilera sa gilid ng infinity pool.

"Uhh, Lili?"

"Yup?"

"Uhh, ganoon ba talaga yung driver mo?" tanong ko na nakapagpatigil sa kanya sa paglalakad.

"Ha?! Driver, sino?" she said while looking at me, puzzled by my question. Isa lang naman naghahatid sundo sa kanya, may iba pa ba syang driver?

"Lander pangalan nya diba? Yung kanina," mahinahon kong sagot.

Tila naliwanagan naman siya ng binaggit ko ang pangalan ng driver niya. "Ahh! Si Kuya Lander! Driver ko ba yon?!" she said then squinted her eyes as if she's thinking really hard kung tama nga ba ang sinabi ko.

"Araw-araw ka pinagda-drive, hatid sundo ka sa school. Edi driver mo yon!" I said hysterically. Maging sya ay nagulat sa sudden change ng tono ng pananalita ko. I'm stunned too. Kailan pa ako nagtaas ng boses? But it's frustrating cause she's acting dumb.

Nagisip muna siya bago tumingin sa akin. "May iba pa ba syang ginagawa maliban sa paghatid sundo sa iyo?"

"Wala, nasa bahay lang sya," she answered quickly.

"Edi driver nyo nga sya," sabi ko saka sya tinalikuran. How come she's not aware that Lander is her driver?

"Hindi ko sya driver, Bel. Pero may point ka naman, wala naman syang ginagawa kundi maghatid sundo sa akin. Driver nga sya kung ganoon. Wow, ngayon ko lang naisip yon. Kuya Lander is like my personal driver na nga," she said. Ngayon nya lang narealize yon? Naglakad na kami pareho para tumungo sa function hall.

"Anyway, what about him? Bakit mo sya natanong?" this time. Ako naman ang natigilan sa tanong niya.

Huminto ako saglit saka tumingin sa kanya. "Uhh. Just curious. Kasi... he does'nt talk that much? Tapos parang lagi syang galit?" I said carefully. Baka may masabi akong hindi magugustuhan ni Lili.

"Yeah kinda. He's always like that! Ever since! Told you, that is why di ko sya maisa-suggest sa iyo eh. He's too grumpy! Masyadong seryoso sa buhay yon," aniya.

Tumango naman ako, ganoon na pala talaga siya. I looked at Lili again. "Uhh. Wala ba siyang girlfriend?" I asked Lili.

"Bakit mo tinatanong?" Lili said, she squinted her eyes a lil bit, as if she was trying to find out if I'm up to something.

Saglit akong natigilan sa tanong nya. "I— why? Uhm. I'm just... curious," utal kong sagot sa kanya.

She looked at me straight in the eyes, "mabuti pa kung huwag mo na lamang siyang pansinin Bel. He's not—" tumigil siya sa pagsasalita saglit saka kinagat ang pang ibabang labi.

"He's not, what?" I insisted.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. She's worried, I can see it in her eyes. Worried of what?

"Isabella, do you like Kuya Lander?" tanong niya na nakapagpalaglag ng panga ko.

"Ha?! Naku. Lili hindi!" sagot ko saka umiwas ng tingin sa kanya.

"Mabuti kung ganoon. Kuya Lander—he is brutal. He's cold-blooded and merciless. He's not for you Bel. You're like a pebble, beautiful yet fragile. Kuya Lander—he's a rock, a very hard one. He'll crush you," Lili said with a warning tone.

"I don't like him Lili," wika kong muli. Saka nauna ng naglakad sa kanya. I hope I made it clear for her. Ang mga gamit na dala namin ay binaba namin sa table sa function hall, ang mga staff na ang nagayos noon. Habang kami naman ni Lili ay bumalik sa sasakyan para naman dalhin ang sarili naming gamit.

Nakarating kami sa villa kung saan may dalawang bakante na bed. One for me and Lili, I took the bed at the right side. Binaba na namin ang kanya-kanyang gamit saka nagpahinga saglit bago lumabas upang kumain ng tanghalian. Saka lang namin na-realize na kanina pa pala naliligo ang mga kasama namin sa pool. But it's okay, kahit di nila kami ininvite to join them ay at least nakapagpahinga kami.

Mabilisan lamang ang pagkain namin dahil gusto daw nilang mapuntahan ang iba pang tourist spot sa lugar.

We end up going at the nearby Falls called Bulawan Falls. Natagalan lamang kami sa paglalakad dahil may nasa gitna ng bundok ang falls but it's worth it.

Hindi ko na nakita pa si Lander magmula ng makarating sa resort.

I don't like him. Muli kong banggit sa isipan ko. I need to remember that.

"Bel mauna na akong matulog ha, sobrang napagod ako sa paglangoy!" sigaw ni Lili ng makarating sa Villa. It's almost 9pm, katatapos lamang namin kumain ng dinner. Natagalan lamang dahil nagkwentuhan pa sila. Ang iba naman ay nagpunta sa Tent malapit sa beach para mag-inuman. I'm not a fan of liquors so nauna na kami sa Villa ni Lili.

"Okay, sa beach muna ako Lili," sabi ko habang sinusuot ang long blazer ko cause I was only wearing a night gown.

"It's already dark Bel. Samahan na kita," she said while trying to get up but I stopped her immediately.

"Wag na Lili. Dyan lang naman ako, hindi ako lalayo. Promise. Magpapahangin lang ako tapos babalik din kaagad. Okay lang ako, promise," I assured her. Sa huli ay pumayag din naman siya.

Nakita ko kaagad ang mga kaklase ko na nagsasaya sa dalampasigan. Nag bonfire din pala sila. Gabriela is having fun, and that's the important thing. Huwag lang sana siyang malasing ng todo. I will check on her later, bago matulog. I need to make sure na walang magte-take advantage sa kanya.

Sa kabilang direksyon ako naglakad. May mangilan-ngilan din namang resort doon. But nothing compares to the Resort of the Cuevas.

"May mga corals kaya dito, or pebbles?" I said while leaning down pero bigo akong makahap ng mga bato. This beach is not like the beaches in Baler, pino ang buhangin dito.

"Wrong beach."

Napatalon ako ng marinig ang boses ng lalaki sa likuran ko. I was more surprised when I realized that it was Lander. Lili's driver. Nandirito pa pala sya. Maybe he's waiting for Lili, bukas pa naman ang uwi namin. He already changed his clothes, but his hair is a bit wet, maybe he just got out of shower.

"Bakit ka nandito?" I asked but he just shrugged. He ignored my question and then continued to talk.

"If you're looking for beach stones and pebbles then you're looking at the wrong place. It's pure sand here," aniya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

"Uhm—" I tried to say something but I can't.

"You could've said earlier that you wanted to pick beach stones. There are a lot of beaches on the way where you could get one. But not here," he said then stepped a little closer. Mas lalo akong napako sa kinatatayuan. Now we're just a meter away.

"Hindi. Uhh. Okay lang kung wala, nagtitingin-tingin lang naman ako sa paligid," paliwanag ko.

Tumango naman siya saka muling lumapit at ngayon ay yumuko na sya. Lalo akong kinabahan sa ginawa nya. I stepped back then pointed at him.

Every time he's near, I'm almost out of breath like he's taking all the air around me.

"Anong ginagawa mo? Kanina ka pa lumalapit sa akin, nananadya ka ba? Anong balak mo?" I finally said.

Tumingin siya saglit sa akin saka ngumisi, pagkatapos noon ay may pinulot siya malapit sa paanan ko. Bag pala iyon. Why is his belongings always on my back?

"This. Sorry," aniya. Medyo napahiya ako sa sinabi ko. Damn, now he must be thinking na assumera ako.

"Sorry, akala ko kasi—"

"Do not overthink. I won't make a move on you, not worth it, and you're basically a kid," sabi niya saka naglakad palayo, pabalik sa resort.

Naiwan akong nakanganga sa dalampasigan. Wow! Did he just say that? Am I not worth it? And he called me a kid? Maybe I am, but I'll be 18 the next month! I'll be an adult!

Why am I pissed off? I don't care if he does not like me. Hindi ko din naman siya gusto.

"My God! Ang sakit ng likod ko Bel!" sigaw ni Lili. Nagbreakfast lamang kami at nag-impake na din kami ng mga gamit. Ngayon ay naghihintay na lamang kami sa sasakyan. Dalawa na kaming nakaupo ni Lili sa likod, dahil sasabay daw umano ang isa nilang tauhan. Mabuti na iyon para hindi ko maging katabi ang lalaking iyon.

"Lagyan natin ng efficacent oil?" suhestyon ko.

"Mabuti pa nga. Ang tahimik mo ngayon Bel. I know palagi ka naman tahimik, pero mas tahimik ka ngayon, okay ka lang?" tanong ni Lili habang minamasahe ko ang balikat nya.

"Oo naman. Napagod lang siguro ako," sagot ko naman.

"Ang galing mo mag masahe, pwede ka na mag-asawa Bel! Bet talaga kita, wag kang mag-alala. Ihahanapan talaga kita ng Cuevas na matino. Ibubugaw kita agad pag may nahanap ako," aniya. Kinurot ko naman ang tagiliran nya. Natawa lamang siya.

"Pero sayang noh? Kung di lang nag-away ang angkan natin edi sana sanib pwersa na ang bawat angkan. Tapos magaganda pa lahi!" aniya. Tumingin ako sa kanya. Paanong sanib pwersa?

"Paanong sayang?" tanong ko.

"Malalim ang dahilan ng pagkakaroon ng hidwaan ng pamilya natin Bel. Simula pa kay Don Romualdo at sa aking yumaong lolo, wag kang magagalit sa akin ha, dahil ito ang alam kong kwento, kung hindi ka sang-ayon, pupwede ka din naman magtanog sa pamilya mo. Heto na nga… Dati kasi, nag-aagawan na talaga sa lupa ang angkan natin. Tapos dumating yung araw na nagpasya silang magkasundo para happy-happy na ang lahat. So gumawa sila ng kasunduan, si Tiyo Rancho, nakababatang kapatid ng aking ama ay ipinagkasundo kay Corrine Herrera upang magpakasal. Sa paraan na iyon, mas lalakas ang pwersa ng dalawang angkan na pinagsanib. Pero hindi raw natuloy ang kasal eh. Hindi ko nga alam kung bakit, sabi nila bigla na lang daw nawala si Corrine," kwento ni Lili

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Lili, lalo pa at na-mention niya ang pangalan ng aking ina na si Corrine Herrera. I think Lili has no idea that Corrine is my mom.

"Tapos, syempre nagkagulo na naman. Dahil ang akala ng iyong lolo na si Don Romualdo ay itinago ng pamilya namin si Corrine. So, your lolo abducted Tiyo Rancho at tinorture, pilit pinaaamin kung nasaan si Corrine. Hanggang sa napatunayan na wala naman talagang alam si Tiyo Rancho. Though, ang nangyari daw ay tinulungan ni Tiyo Rancho si Corrine na umalis. At iyon na nga, pinakawalan ng lolo mo si Tiyo Rancho, pero syempre, galit na din ang pamilya namin dahil sa ginawa ng iyong lolo. Pero hindi na rin naman nagsampa ng kaso si Tiyo Rancho at ang pamilya sa lolo mo,"

Lalo akong napanganga sa narinig ko. I can't believe na kaya iyong gawin ni Don Romualdo. He's strict to us, but I did not know na kaya niya iyong gawin. Malupit na tao talaga siya.

"Where's your Tiyo Rancho now? Is he okay?" tanong ko kay Lili.

"Okay naman siya, he's a pilot now. Though single pa rin at his age, nasa 37 na yata siya. Pero alam mo ba Bel, after siyang kunin at itorture ng lolo mo noon… bumalik pa siya, kahit anong pigil sa kanya, bumabalik at bumabalik pa rin siya sa hacienda ninyo. Dumating pa nga daw sa point na nagmamakaawa siya kay Don Romualdo na papasukin siya sa hacienda, hanggang sa naging tauhan na sya don sa hacienda. Grabe, hindi daw nila alam kung bakit nagkaganoon si Tiyo Rancho. Pero umuwi din naman siya kaso hindi na daw siya katulad ng dati, naging cold na daw, which is true. Kasi pag nakikita ko yon, nakakatakot, parang kasalanan na titigan siya o kahit sulyapan man lang. Ayaw mag-asawa dahil may hinihintay daw sya sa kabilang hacienda, eh iisa lang naman ang hacienda na katabi ng sa amin..." hindi na natapos ni Lili ang sinasabi sapagkat nag-bukas na ang pintuan sa driver's seat at sa katabi nito. Pumasok si Lander at isang lalaki na may katandaan na rin.

Naging tahimik lamang ang byahe pabalik sa Baler. Paminsan-minsan ay nagkukwentuhan si Lander at ang katabi niya. Si Lili ay tulog buong byahe, nagising na lamang siya ng malapit na kami sa bayan.

"Ihatid ka na lang namin sa hacienda nyo Bel?" tanong ni Lili.

"Uhh, salamat, hindi na. Kahit sa school na lang ako ibaba, doon din naman bababa ang iba nating kaklase," sagot ko.

"Ngi, for sure ihahatid na ang mga yon ng driver nyo kasama si Gabriela. Paano ka?"

"Ha, ganun ba?"

"We'll drop you off at your house. Just lead the way," biglang nagsalita si Lander.

"Kuya Lander, sa hacienda sya—hacienda ng mga Herrera," may pag-aalinlangan na pagsabi ni Lili.

"Sa kabilang hacienda? Kaano-ano mo si Don Romualdo hija?" tanong ni manong na katabi ni Lander.

This is awkward. Lalo pa at hayag na magkatunggali ang angkan namin.

"Lolo ko po," sagot ko.

"Anak ka ni—" muling tanong ni manong.

"Corrine po. Corrine Herrera," sagot ko.

Napatakip sa bibig si Lili. "Anak ka ni Corrine?! Omg! Ngayon ko lang nalaman," sabi ni Lili. Ngumiti lamang ako sa kanya.

"Herrera huh," mahinang sabi ni Lander pero sapat na para marinig ko. What's wrong?

Kung tahimik ang byahe kanina ay mas lalo na ngayon dahil nalaman nilang anak ako ni Corrine Herrera. Though, it's not the case for Lili. She's fine with it.

"Nandirito na tayo," wika ni manong. Huminto muna kami sa gate papasok sa hacienda dahil kailangan muna i-verify ang mga papasok.

"Grabe ang security dito sa hacienda nyo, sobrang secluded pa ng area. Anong tinatago nyo? May droga ba kayo dito?" Lili said. Siniko ko lamang siya.

Nasa labas na kaagad ng mansion si Tiyo Asher ng huminto ang sasakyan. Marahil ay naitawag na ng gwardya na paparating kami. Si manong na ang nagbukas ng pintuan para makababa ako. Nagpaalam ako kay Lili bago bumaba, hindi ko na nagawang magpaalam kay Lander dahil nauna na syang bumaba at kausap si Tiyo Asher.

"Thank you for safely bringing my niece here," rinig kong sabi ni Tiyo. Tumango lamang si Lander pagkatapos ay bumalik na sa sasakyan. Pinanood lang namin ni Tiyo na makaalis ang sasakyan nila bago pumasok sa loob ng mansion.

"He's a very dangerous man, Isabella. Stay away from him and his family. You're lucky Papá is not here, kung hindi—" wika ni Tiyo.

"I know Tiyo," sagot ko na lamang.

I will never understand why our family hates them. But maybe, I should listen to Tiyo. I should stay away from him. But what about Lili? She's my friend. I could never stay away from her, that also means that seeing Lander is inevitable.