Chereads / The Billionaire's Proxy Bride / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

I tried my best to stay away from Lili but it's just impossible...

"Alam mo Bel, feeling ko malaki ang tyansa na magiging erotic novel writer ako balang araw. Kasi tignan mo, ang galing kong mag-imagine. Kabisado ko lahat ng posisyon—"

"Ano ba yang pinagsasabi mo Lili," putol ko sa sinasabi niya.

"Ay para yon lang. So innocent mo naman my friend. Di bale, malapit na ang reunion naming mga Cuevas. Mahahanap ko na din ang Cuevas na para sa iyo, naku. Paniguradong malalaglag ang panty mo sa mga iyon. Top of the line yata lahi namin, tsk. Bibiyak ang perlas ng silanganan mo—" panunuya niya sa akin.

"Hoy, grabe ka! Tumigil ka nga Lili!" pigil ko sa kanya saka tinakpan ang tenga ko. Sobrang bulgar ng mga lumalabas sa bibig niya. Hindi ko sukat akalain na ganito ang magiging epekto sa kanya ng sobrang panonood ng anime at pagbabasa ng komiks.

Tumawa lamang siya ng malakas. "Ang sarap mo talagang asarin, ang inosente mo. Oh sya, tara na nga lang sa garden, bisitahin natin yung tanim nating pechay. Baka binungkal na naman ng mga unggoy," aniya at saka hinila ang braso ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong titsirya dahil sa lakas ng paghatak niya.

This is why I cannot stay away from her. Dahil hindi niya ako tinitigilan. First time na iniwasan ko sya ay hindi man lamang siya natinag, bagkus ay lalo lamang niya akong ginulo. Hanggang sa wala na akong peace of mind. At dahil doon, tinanggap ko na lang ang katotohanan na permanente na siya sa buhay ko.

Nalugmok ako ng makita na tama nga ang hinala ni Lili. Nawala na naman ang bagong tanim namin na pechay, iyon pa naman ang proyekto namin.

"Bwiset talaga yung mga unggoy na yon! Tsk. Pasensya ka na Bel dahil nadadamay ka sa pambubully nila sa akin," aniya saka kinuha sa gilid ang mga halaman na sinadyang tanggalin. Mukhang kanina pa iyon nabunot dahil lanta na ito.

"Ayos lang Lili. Magtanim na lang ulit siguro tayo," I said just to assure her that it's fine with me. Kung tutuusin, wala pa ito sa mga pang-bubully na naranasan ko sa States.

I was once locked up in the common bathroom of the school. Some bunch of girls threw a garbage on me every time they had a chance. Some students spit on my food. Called me names, tease me then spread rumors about me that is'nt true. Marami pa, hindi ko na maisa-isa.

I experienced all of that. But here I am, still breathing. Nalagpasan ko naman.

"Okay class, listen! Here's the full schedule of our Foundation week. It will start on Monday through Friday. I expect each and every one of you to participate at least in one of the events. Then, for the Miss SVH, we'll have Gabriela Herrera as our candidate, so please support her," anunsyo ni Mrs. Olande. Nagpalakpakan naman ang lahat lalo na ng marinig na na isasali sa pageant si Gabriela.

"For sure mananalo tong kakambal mo. Ganda eh. Sana lang hindi maligwak sa Q&A noh?" bulong sa akin ni Lili. Napabuntong hininga na lamang ako.

"No offense ha. Your twin is gorgeous, so are you of course. But Bel, di natin maitatanggi na medyo may kahinaan ang brain ng kakambal mo," bulong niyang muli. Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. Niligpit ko na lamang ang mga gamit ko para hindi ko masyadong alalahanin ang pageant na iyon.

"Kung sana ay nakuha niya yung utak mo, perfect package na siya," muling komento ni Lili.

Sana nga ay nakuha na lamang niya ang utak ko para hindi na ako nahihirapan.

Pagkatapos ng iba pang anunsyo ni Mam Olande ay pinauwi na din kami agad. Nauna nang umuwi si Lili dahil nagpahuli pa ako para samahan si Gabriela na magpractice kasama ang ibang kandidata.

Gustuhin ko man umuwi na kaagad but I don't have a choice. I need to be here. I need to familiarize everything during the pageant. Para hindi ako maligaw.

"So, the coordinator said that the judging for the preliminary will be based on personality, posture and walk, beauty then confidence. There will be categories like casual attire, school attire then sports attire," paliwanag ni Gabriela habang nasa sasakyan kami pauwi sa mansyon.

Tumango ako, "kayang-kaya mo yun Gab," I cheered her up.

"I know right. I'll aced that for sure. But for top 3. It'll be back to zeron then 50% beauty, 50% for question and answer," wika niya. She leaned closer to me.

"You know what to do Bel," she whispered.

"Okay," sagot ko.

"Yey! Now, we just have to practice your walk again, dahil baka nakalimutan mo na," aniya.

I nodded then smiled at her. This isn't the first she asked me to do this. Yes, every time na isasali siya sa pageant ay ako ang sumasabak during question and answer. I only agreed to do it because I don't want her to be embarrased and be humiliated in front of everybody. She, herself knows that she' not the best during Q&A. Kaya naman nakaisip sya ng paraan, ang i-cover up sya sa pamamagitan ko. No one knew about it. Hindi pa naman kami nahuhuli cause we're careful.

"San ka naman pupunta nun aber?" tanong ni Lili ng sabihin ko sa kanya na hindi muna kami magkakasama sa araw ng pageant.

"Uhh. Sasamahan ko si Gabriela. Ako kasi ang assistant nya at saka make-up artist na din," wika ko. Inayos kong muli ang mga libro na balak kong hiramin mula sa library. Nandirito kami ngayon dahil may binigay na takdang aralin sa amin at nais kong humiram ng libro kung saan maaari akong makakuha ng sagot.

"Edi sasama na din ako. Kahit taga buhat lang ng sapatos ni Gabriela," pangungulit ni Lili.

"Isa lang daw ang pwedeng isama sa backstage Lili. Mabuti pa at manood ka na lang. Magkita na lang tayo after ng event," pangungumbinsi ko sa kanya. Umirap lamang siya sa akin at tumalikod.

Nagpasalamat ako sa librarian saka umalis na upang habulin si Lili.

"Lili, babawi ako sa iyo. After ng pageant punta tayo sa hotel namin, kain tayo. My treat!" muli ko syang kinumbinsi. Sana naman ay mapapayag ko sya.

"Sige na nga dahil mapilit ka. First time kong kakain sa establishment nyo, masarap ba food don? Wag mo ipagsasabi na Cuevas ako ha, baka lasunin nila ako. Nako, kahit anak ako sa labas, mahal ako ng tatay ko. Susunugin nya buong hacienda nyo pag namatay ako!"

Siniko ko sya, "hindi kami ganon," wika ko. Lagi na lamang niyang pinapangalandakan na masama ang pamilya namin. Pero alam ko naman na biro lamang niya iyon.

Ilang araw din kaming lihim na nag-ensayo ni Gabriela sa mansyon. Kahit na sa Q&A lang naman ang labas ko ay dapat makabisado ko pa rin ang bawat galaw ni Gabriela, lalo na ang personalidad niya.

"You'll win for sure hija, do your best okay?" wika ni Tiya Carol habang kumakain kami. Nasabi niyang mamaya na gaganapin ang pageant.

"Thanks Tiya. I really hope na mapanood niyo ako, but I know busy kayong lahat," Gabriela answered.

"Well, I have no doubts for you apo, I know you will win. Herrera's always win. I just hope that they won't fabricate the result just because you're a Herrera. The foundation is owned by the Cuevas after all. They're our rival," wika ni Don Romualdo, our Papà. Ilang buwan din bago siya nakapag move on mula sa pagka-wala ng asawa. It's nice to have him back again, even though hindi naman kami malapit sa kanya. He's still our Papá.

"Speaking of the Cuevas. I heard that they have a newly appointed CEO," wika ni Tiyo Asher, changing the topic. This will be the first time na mapag-uusapan namin ang mga Cuevas.

"Yes. Rocco stood down as the CEO of the Cuevas Group of Companies. All of their Estate is now managed by the newly appointed CEO," paliwanag ni Papá. He's updated when it comes to the Cuevas.

"Really. That man must be really something. The Cuevas entrusted everything to him," Tiya Carol commented.

"Who's the new CEO by the way?" Tiyo Asher asked. Kami naman ni Gabriela ay patuloy lamang sa pagkain. Si Gabriela ay may binabasa pang script habang kumakain, script para sa pageant siguro iyon. Habang ako naman ay tahimik na nakikinig sa kanilang usapan.

"Lysander Cuevas," sagot ni Papá.

"Hmm, not familiar. Who's Lysander Cuevas? I was hoping it was Rancho, since he's the younger sibling," wika ni Tiyo Asher. Nagulat na lamang kami ng nasamid si Tiya Carol. Binigyan naman siya agad ng tubig ng isa sa mga kasambahay.

"Or, Randal. He's the youngest sibling of Raheem. Randal is okay I think. I met him few times, he's a professional. Just kind of distracted by the women," wikang muli ni Tiyo Asher.

"Lysander Cuevas is the only son of Raheem Cuevas," sagot ni Papá. "We should be careful. We don't know what he's capable of," dagdag na sabi ni Papá.

Who is that Lysander Cuevas?

"Are you ready Bel?" tanong ni Gabriela sa akin.

Katatapos lamang ng unang parte ng pageant, at tama nga ang hula, nakapasok sa top 3 si Gabriela. May ilang special number pa bago muling pumunta ang tatlong kandidata sa stage para sa question and answer. Mabilis kong inayos ang aking sarili sa backstage. Mabuti na lamang at mayroong sirang CR sa backstage kung saan pwede akong magpalit. Ang ibang makeup artist at assistant ng ibang kandidata ay may kanya-kanyang pwesto sa backstage.

"Okay na," bulong ko saka lumabas.

Si Gabriela naman ang pumasok sa CR upang magtago. Lalabas na lamang siya pag natapos na ang Q&A. Kakatok na lamang ako upang maging hudyat na natapos na ang portion na iyon.

"Let us welcome again back on stage our Top 3 candidates!" anunsyo ng MC.

Huminga ako ng malalim bago humakbang. P"ag hakbang mo dyan Isabella, ikaw na si Gabriela, tandaan mo yan," sa isip-isip ko.

I walked then gave my best Gabriela impersonation. Halos lahat ay nagpapalakpakan ng lumabas ako. Kuhang kuha ni Gabriela ang audience impact.

"Hi, I'm Randal Cuevas. I'll be the one who's gonna ask you the question. Actually, it should be Lysander Cuevas, this is his question by the way. But he has some meetings to attend so he asked me to attend here on his behalf. Going back. This will be your question. Miss Herrera—what makes you a geniune person?"

Kinuha ko ang mikropono mula sa MC, huminga muna ako ng malalim at pumikit saglit bago magsalita.

"A real geniune or authentic person is someone who could speak their mind with full honesty and integrity. They do not lie to themselves or to others—cause authenticity stands for being true to yourself and being true to others, and I truly believe that I am that person. Thank you," I answered confidently.

Damn, I hope it's enough to make Gabriela win this pageant!

Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa backstage. Maingat akong nagpunta sa CR, para makipagpalitan kay Gabriela.

"I heard your answer. Ang galing mo talaga Bel!" puri sa akin ni Gab. Nginitian ko na lamang sya.

Nagbihis ako kaagad at tinanggal ang make-up sa mukha ko. Pagkatapos ay lumabas na din para mapanood si Isabella. Marami pang naganap bago inanunsyo ang nanalo.

"Ang galing din pala ng kapatid mo noh? Medyo waley sya sa acads pero nanlalamon sa pageant! For the first time, nakuha ng section natin ang Title sa Miss SVH!" komento ni Lili ng magkita kami. Nakalimutan ko nga palang sabihan ang driver namin na sunduin kami after ng pageant para pumunta sa hotel. Masyado na kasi kaming naging busy ni Gabriela kanina.

"Teka, sasakyan namin iyon ah. Andun kaya si Kuya Lander? Tamang-tama sa kanya na lang tayo pahatid papunta sa hotel nyo!" wika ni Lili.

This is what I'm saying, na imposibleng iwasan din si Lander dahil driver sya ni Lili. Kumatok sa bintana ng sasakyan si Lili dahil nakalock ang pinto. Rumolyo naman pababa ang bintana at tumambad si Lander. Nakasuot siya ng classic business attire though wala na sa pagkakaayos ang neck tie nya. His hair is also in tidy ponytail. I wonder what's the occasion. May dinaluhan ba siyang party?

Ilang saglit pa ay pumasok na kami sa sasakyan matapos ang paguusap ni Lili at Lander, mukhang kinumbinsi nya muna ito na ihatid kami sa hotel.

"Shit, nakalimutan ko yung envelope ko sa classroom. Wait lang, babalikan ko!" hysterical na sabi ni Lili saka dali-daling bumaba sa sasakyan at tumakbo. Ni hindi ko na nagawang samahan siya dahil kumaripas na siya.

Now it's only me and Lander.

Tumingin na lang ako sa labas kung saan may mga estudyante na dumadaan. Paminsan-minsan ay nasusulyapan ko si Lander mula sa rear view mirror dahil nasa likuran ako nakaupo.

"Congrats," bigla na lamang siyang nagsalita. Napatingin ako sa kanya kahit na hindi naman niya ako nakikita mula sa likuran niya. Hindi na lamang ako kumibo. Ako ba kausap nya? Malamang ako, pero okay lang naman siguro na di ko na sagutin, para di na rin kami magusap.

"You did well on the pageant. Specially on that question and answer part," wika nyang muli. Can't he read the room? This is really awkward.

"Uhm. Hindi po ako yun. Yung kakambal ko po, si Gabriela," I said correcting him.

"Really, huh?"

"Opo,"

"So you decided on talking formal now huh?"

Napa-awang na lamang ang labi ko? Ano bang ine-expect niya? Last time we talked he told me 'you're just kid', and now he's wondering why I'm talking formally with him?

"Pagbibigay galang lang po sa nakatatanda," I said then looked at him through the rear view mirror, and I notice him grinning.

"You must be really proud of your sister," he talked again after a minute of silence. "I hope she gives you the credits too... for nailing that answer," he said then met my eyes through the rear view mirror.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. How come he knows?

"Paano—" hindi ko na natapos ang tanong ko ng magsalita siyang muli.

"Talking bout authenticity, yet you can't practice it on yourself," he grinned again while looking at me through the mirror.

He is so arrogant.

"It's none of your business," I said then looked away.

"Really,"

"Oo,"

"Now, you're talking casually,"

"Sorry po kung ganoon po, di na po mauulit. po," I answered sarcasticly. He chuckled for a bit. What's funny? He thinks this is funny?

"Paano mong nalaman?" tanong ko. Losing the formality.

He just shrugged. Then decided to just ignore me, hanggang sa makabalik si Lili.

Pinaandar na nya ang sasakyan ng makaupo na si Lili na hinahabol ang hininga. Literal nyang tinakbo papunta sa classroom hanngang pagbalik, dahil baka daw makita ng mga kaklase ang komiks na binabasa nya.

Katulad dati ay si Lili lang ang maririnig na nagsasalita sa amin buong byahe. Ang sampung minuto na byahe papunta sa hotel ay tila sampung oras para sa akin. I cannot wait to get out of this car, and get away from him.

Ng makarating sa tapat ng hotel ay agad na bumaba si Lili. Sobrang excited siyang makapunta sa hotel namin. Hindi ko rin malaman kay Lili, di hamak naman na mas malalaki at magarbo ang mga establishments nila pero naeexcite syang magpunta sa amin.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at akmang lalabas ng ni-lock ni Lander ang pintuan sa side ko. Tumingin ako sa kanya, he's looking at me too through the rear view mirror. He extended his right arm to reach the passenger headrest, then he looked back at me.

"Just so you know—you're a terribe liar, Isabella."