Chereads / Beast Tamers: The Legendary Predators / Chapter 1 - 0 Ang Mundo ng Ikarus

Beast Tamers: The Legendary Predators

🇵🇭Alpha_00001
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 0 Ang Mundo ng Ikarus

Sa mundo ng Ikarus, kung saan naninirahan ng masaya at mapayapa ang mga tao. Ginagawa ang karaniwan nilang ginagawa, namumuhay kasama ang kanilang pamilya.

Nagtatrabaho ang mga magulang, nag aaral ang mga kabinataan at mga kadalagahan at masaya namang naglalaro ang mga kabataan. Kumakain sila araw-araw, umiinom, nagsasaya at nagsisipag-asawa.

Naging madali ang pamumuhay ng mga tao sa mundo ng Ikarus, sapagkat halus lahat ng kailangan nila ay nandoon na.

Subalit dumating ang panahon na nagbago ang lahat, nagsimulang dumami ang mga tao at hindi na kayang masustinahan ang kanilang mga pangangailangan. Kaya halos naubos na ang mga resources sa kapaligiran dahilan upang maghirap ang mga tao naninirahan sa mundo ng Ikarus.

At dumating na sa mga tao ang pinakamalaking banta sa kanilang buhay, dahil sa pagkaubos na ang mga resources sa kapaligaran, nagsimula na ring mabuo ang mga tinatawag na " Dungeon ".

Dungeon - mundo sa ibang dimension kung saan nakatira ang iba't ibang uri ng mga halimaw o monster na tinatawag na " prey ".

Dahil sa pagkaubos ng mga resources sa kapaligiran, nawalan na rin ng mga natural enerhiya sa kapaligiran, na tinatawag na

" mana ". Dahilan para manghina ang mga "gate" na pumipigil sa mga prey sa paglabas mula sa dungeon.

Mana - Isang natural na enerhiya mula sa kapaligiran. Karaniwan itong makukuha sa mga halaman at mga hayop. Maging sa mga mineral na matatagpuan sa mundo ng Ikarus. Ito rin ang nagsisilbing pagkain ng mga gate para manatili ang kanilang kakayahan na pumigil sa mga prey na lumabas mula sa mga dungeon.

Gate - ito ang pintuan ng mga dungeon. Dito dumadaan ang mga prey palabas sa mga dungeon. Kailangan nito ang mana para hindi magkaroon ng dungeon break, na tinatawag na " outburst ".

Outburst - ito ang paglabas ng mga prey sa dungeon. Nangyayari lamang ito kapag wala nang mahigop na mana ang mga gate.

Dahil sa pagkaubos ng mga resources, humina ang mga gates dahilan para magkaroon ng outburst. Halos maubos ang mga tao, nawasak ang mga syudad at nangalat ang mga tao. Ang mga syudad na nawasak ay naging mga ruins at pinamugaran ng iba't ibang uri ng mga prey.

Ruins - mga syudad na nawasak. Ginawang tirahan ng mga prey.

Kasabay ng paglabas ng mga prey sa mga dungeon, ay lumabas din ang saganang mana na naipon sa loob ng mga dungeon. Ito ang nagpabago sa natural na structure ng katawan ng mga tao. Nagpagising sa natatagung kakayahan ng mga tao. Nagkaroon ng kakayahan ang mga tao na parang katulad sa mga diyos. Ito ang nagbigay sa mga tao ng kapangyarihan para labanan ang mga prey. Ang mga taong ito ay tinatawag na mga " predator ".

Predator - mga tao na naexpose sa matinding radiation mula sa mana, na nagpagising sa kanilang natatagong kakayahan o kapangyarihan, at nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang katawan, maaaring physical, mental, spiritual o maging elemental.

Ang mga predator ang nanguna para puksain ang mga prey na nakalabas mula sa mga dungeon. Nabawing muli ng mga tao ang ibang syudad na nawasak mula sa outburst. Nag umpisang bumangong muli ang mga tao, at tinanghal na mga bayani ang mga predator.

Itinayo nila ang Capital City, ang pinakamalaking syudad na naitayo ng mga tao sa tulong ng mga predator. At itinatag nila ang Predators Founders Association, na naglalayon protektahan ang Capital City, ang mga mamamayan nito at puksahin ang mga prey sa lahat ng sulok ng mundo ng Ikarus.

Itinatag sa Capital City ang Founders Academy. Dito sinasanay ang mga predator ukol sa mga bagay na may kinalaman sa prey. Sinasanay din sila kung paanu makipaglaban sa mga prey. Nang magsimulang dumami ang mga predator, ay inumpisahan naring pasukin ng mga tao ang mga dungeon na nasa palibot ng Capital City. Ito ay tinatawag na Dungeon Termination.

Dungeon Termination- ito ang pagsama sama ng mga professional na predator para puksahin ang mga prey sa loob ng dungeon, alamin kung anu ang mga resources na pwede makuha sa loob ng dungeon at para pag aralan ang natural na structure ng dungeon.

Ang mga dungeon na naterminate ay tinayuan ng mga syudad. Ang gate ng dungeon ang pinakasentro ng mga syudad na tinayo ng mga tao. Ang predator naman na naka terminate sa mga dungeon ang ginawang tagapamahala sa mga syudad na itinayo sa dungeon nayun. Dito nagsimula ang batas na tinatawag na Dungeon Ownership.

Dungeon Ownership - Isang batas na ginawa ng Predators Founders Association, na kung sino ang naka terminate sa dungeon ay sa kaniya/kanila mapupunta ang pagmamay-ari sa dungeon, sa lahat ng resources na nasa loob ng dungeon at maging ang syudad na itatayo sa labas ng dungeon. Isang dungeon lamang ang pwedeng maging pagmamay-ari ng isang predator.

At dito magsisimula ang ating kwento, tungkol sa isang bata na nakatira sa pinakalamayong syudad mula sa Capital City, ang Verdin City.