Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ito ang araw na magbabago sa buhay ng iba at para sa iba ito ay kasawian. Sapagkat wala pang natuklasang gamot sa mana curse. Kaya may ibang hindi na naglakas loob na sumubok sa seremonya.
Pero para kay Aries, isa itong malaking opportunidad, para matupad ang kaniyang pangarap na maging isang malakas na predator. Hindi na nagdalawang isip sa kabila ng payo at paalala ng kaniyang mga magulang na ito ay maaaring magsapanganib sa kaniyang buhay.
Sa taong ito, 100 ang nakalistang aplikante sa gagawing seremonya. Isa na dito si Aries. Kaya maaga pa lang ay gising na si Aries, ang totoo ay hindi na siya halos makatulog sa kasabikan kaya kita sa kaniyang mga mata ang antok.
Pagdating sa gitna ng syudad kung saan makikita ang dungeon, napakarami ng tao na gustong makasaksi sa mga mangyayari sa seremonya. Dumating na din si Aries, kasama kaniyang ama at ina. Dumating din si Cero, anak ng isa ring tagapamahala ng Verdin City. Siya ang karibal ni Aries, sa katanyagan at sa atensyon ni Vera, anak din ng isa sa tatlong tagapamahala sa Verdin City.
" Uy, narito kana pala Aries... handa ka na bang mapahiya sa harap ng napakaraming tao?" tanong ni Cero kay Aries. Iniisip niyang hindi magiging predator si Aries kundi siya lang. Gusto rin niyang mapahiya si Aries kay Vera para siya ang piliin nito.
Hindi na sumagot si Aries at tinignan lang si Cero habang naglalakad papunta sa gitna ng plasa kung nakaupo ang pamilya ng Namamahala sa Verdin City.
Namula sa hiya si Cero, iniisip niyang minamaliit siya ni Aries, at hindi man lang siya karapat dapat sa kaniyang atensyon. "Aries, makikita mu... Sa huli, ako parin ang mananalo " sa isip ni Cero.
Naupo na ang lahat ng mga tao na nakapalibot sa plaza at sa gitna ang gate ng dungeon. Nasa unahan tatlong pamilya na namamahala sa Verdin City. Ang Seryu Family, pamilya ni Cero sa kaliwa, ang Berus Family sa gitna, pamilya ni Vera at ang Aurus Family sa kanan, pamilya ni Aries. Ang Berus Family ang pinakamalakas sa tatlong pamilya na namamahala sa Verdin City.
Sa wakas, tumayo na ang ama ni Vera, na si Agostos, nagsalita siya sa kapulungan ...
" umpisahan na ang seremonya, lahat ng aplikante ay tatawagin isa isa, lumapit lamang sa tapat ng gate ng dungeon at higupin ang mana na sapat sa inyong katawan...."
Nag umpisa nang tumayo ang aplikante, habang isa isang tinatawag ang kanilang pangalan. Palubog na ang araw at hindi pa tapos ang seremonya. Hanggang sa tatlo nalng ang natira, sina Vera, Cero at Aries.
Nakita nila kung paano naging predator ang iba sa mga aplikante, nakita din nila kung paanu nabigo ang iba, at sa kasamaang palad, may limang nasawi ang buhay dahil sa mana curse. Kaya may halong kaba, takot at pananabik ang nararamdaman ng tatlo. Sila ang magiging karangalan ng kanilang pamilya at mamumuno sa Verdin City kasunod ng kanilang mga magulang. Kaya hindi sila pweding mabigo, lalo pa at nakatingin ang buong bayan sa kanilang gagawin.
" Cero... " tawag ni Agostos sa pangalan ni Cero. Siya na ang kasunod, Siya na Ang tatayo sa harap ng gate, Siya na ang magpapakita ng kakayahan ng kanilang pamilya. Halos manginig ang buong katawan ni Cero sa takot, pero nang makita niya na nakatingin si Vera at Aries sa kaniya, ay naglakas loob na lamang itong tumayo sa tapat ng gate at hinigop ang mana na lumalabas sa gate ng dungeon...
Naging kulay pula ang gate pagkatapos ng 5 minuto. At ang lahat ay namangha, isang predator na naman, at hindi lang basta predator, isang elemental predator. Si Cero ay isang elemental predator, mga predator na may kakayahang kumontrol ng mga elemento sa kapaligiran, tulad ng hangin, tubig, lupa, at apoy. Tuwang tuwa si Cero sapagkat tulad ng kaniyang ama, na kumokontrol ng apoy at ina, na komokontrol naman ng tubig, na mga elemental predator ay isa na rin siyang elemental predator.
Narinig niya na tinawag na rin ang pangalan ni Aries, kaya tinignan niya ito habang naglalakad patungo sa tapat ng gate... bakas rin sa mukha ni Aries ang kaba...
" nagtagumpay si Cero na maging isang predator, kaya dapat Ako rin, kaya ko to... magiging isang predator din ako... " sa isip ni Aries na nagpapalakas ng kaniyang loob.
Tumayo na si Aries sa tapat ng gate, tumingin siya sa kaniyang mga magulang, tinignan din niya lahat ng tao na nanunuod sa kaniya, si Vera at si Cero. At dahan dahan niyang hinigop ang mana na mula sa gate. Napuno ang buong katawan ni Aries, at para siyang lobo na sasabog na kapag nasobrahan pa sa mana, kaya tinigil niya ang paghigop at hindi siya huminga... pinigil niya ang kaniyang paghinga para walang mana ang makawala sa kaniyang katawan.. Naramdaman niya na humalo sa kaniyang dugo Ang mana at nanunuot sa kaniyang laman at mga buto.
" Kunting tiis nalang, hindi pa nagbabago ng kulay Ang gate, hindi pa ako isang predator..."
Naramdaman na lang ni Aries na bumagsak siya at nawalan ng malay.