Sa pagtuntong ko nang apat na taong gulang, kami ay bumiyahe at lumipat sa Lugar na kilakihan nang aking stepdad. Sa bayan nang Aritao,Nueva Vizcaya. Malayo sa tirahan nang aking Lolo at Lola sa Benguet.
At makalipas ang 12 oras, narating na namin ang munisipalidad/palengke nang Aritao.Maayos naman at tahimik madami ding mga bagong lugar at bagong mukha para sa akin.Sila ang mga kamag-anak at pinsan sa side nang aking stepdad.
Halos dalawang oras din ang biniyahe namin para marating ang Brgy.Yaway,Aritao,Nueva Vizcaya.Dito ang hometown nang aking stepdad,halos apat na taon din akong tumira sa kanila.Ngunit sa apat na taon na ito,panggugulpi at pang-aapi ang dinanas ko.Na sa edad ko ay di ko alam kung bakit ganon ang trato nila sa akin.