Lumang dormitoryo ng Woodside University.
Ala-una nang madaling araw. Sabado.
Kilala ang lumang dormitoryo ng Woodside University o W.U. dahil sa tagal na nitong nakatayo. Simula pa ata panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay nakatayo na ito. Nagsisilbi itong dormitory para sa mga estudyante ng Woodside na nakatira mula sa malayong lugar. May katandaan na rin ang dormitoryong ginagamit nila ngayon at nakatayo pa sa likod ng unibersidad. Malapit din sa may paa ng bundok kaya medyo delikado at lapitin ng ahas. O kaya naman ay mga insekto. Mahina rin ang signal kaya talagang kailangan ng lumipat.
Dahil nga sa may katandaan na ang dormitoryo, madilim ang bawat pasilyo. Halos pundido na ang bawat bumbilya at tanging mga ilaw mula sa mga gilid ng bawat silid na bukas pa ang ilaw ang nagbibigay liwanag sa korido. Hindi na binabalak palitan dahil isang taon na lang din naman ay lilipat na ang mga estudyante sa bagong dormitoryo sa may tapat ng oval. Maingay na rin ang sahig dahil sa mga kahoy na parang ilang tapak na lang ay bibigay na.
At dahil nga tapos na ang exams, halos lahat ay tulog na. O kung hindi man ay wala rin sa dorm dahil nagsasaya sa labas. Nageenjoy dahil sa wakas, tapos na ang hindi matapos tapos na exams sa unibersidad at sem break na. Ang iba nga ay umalis na agad pagkatapos ng exams.
Sobrang tahimik at payapa na sana kung hindi lamang sa lumalagabog sa may dulong kwarto. Ang thirteenth room. Ang malapit sa tambakan at halos madilim na. Wala masyadong tao sa mga katabing kwarto kaya walang nagrereklamo.
Rinig ang lagaban at iilang kaluskos pero hindi ganoon kalakas para magbigay alarma. Nagsisimula na rin naman umulan kaya natatabunan din ang ingay. At hindi lang naman ito ang ingay na mariring. Meron din sa second floor pero eto lang ang maingay sa first floor. Uwian na rin kasi kaya maingay magayos ng mga gamit.
Patuloy ang malakas na ulan. Bumubuhos at sinasabayan pa minsan ng kulog at kidlat.
Nawala ang tahimik at payapang ambiance kanina.
Lumang dormitoryo ng Woodside University.
Alas-tres nang madaling araw. Sabado.
Muling tumahimik ang buong dormitoryo. Pwera na lamang siguro sa iilang pintong nagbukas. Mukang may lumabas ata mula sa kwarto nila dahil rinig ang ingay ng tubig sa may cr. Alam na sa cr dahil sa ingay ng pagbukas ng gripo sa may lababo. Sira kasi at tinotopak kaya minsan di talaga nagana. Kailangan pang hampasin para gumana.
Nanatiling tahimik ang buong dormitoryo hanggang sumapit ang ala-siete nang umaga.
Lumang dormitoryo ng Woodside University.
Ala-siete nang umaga. Sabado.
"HOY, KATHARINA! BUKSAN MO NGA 'TO!" isang sigaw ang gumising sa halos lahat ng mga nasa first floor. Halos lahat ng pinto ay nagbukasan para makiusisa. Umagang umaga kasi ay sigaw ng sigaw agad.
"Agang-aga, Cris. Bakit ang ingay mo?"
"E kasi itong si Katharina! Parang tanga! Alam naman na hindi lang sya ang Anak ng Diyos dito iniwan ba naman ba sa may banyo tong plastic nyang parang tinapunan ng sandamakmak na napkin! Hindi pa marunong magayos at ang baho!" saad nito sabay taas ang isang itim na plastic bag na nangangamoy.
"Paano mo naman nalaman napkin aber? At bakit alam mong kay Kath yan? Nako, Cris! 'Wag kang masyadong mainit ang dugo kay Kath!"
"E ano naman babaho pang basura bukod doon? At tsaka hello! May pangalan nya ang plastic bag! Magiging burara na nga lang, pinangangalandakan pa!" bunganga nito. Kumatok ulit ito ng pagkalakas lakas sa pinto ni Katharina. Naiirita na at gusting itapon pabalik sa loob ng silid ang mabahong plastic bag.
Hindi na nakatiis sa ingay si Genna kaya naman kinuha na nya ang spare key para sa kwarto ni Katharina. Napakaingay at wala pa sya sa mood gumising ng ganito kaaga.
Pagkabukas ay agad bumungad sa kanila ang isang maduming pasilyo. May ilang basag pa ngang gamit. May kalmot pa sa sahig! Sinabing wag na ipapasok si Muning, ang pusa na natambay sa kanilang dormitoryo, sa loob dahil naninira ito ng gamit. Lumakad pa sila ng ilang hakbang bago makita ang mismong kwarto ni Katharina.
Isang mahabang pasilyo kasi muna ang bubungad pagkabukas ng pinto. Sa kanan gilid ay ang lababo, ref at ang cabinet. Sa kaliwa naman ay ang banyo. Tapos sa may padulo ay ang study table na katabi ng bukas na bintana ni Katharina. Tapos sa medyo tapat noon ay ang kama ni Katharina. Halata mong makalat din doon at tulog pa ito.
"Katharina! Ito ngang gamit mo! Kanina pa ako sigaw doon---AAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!"
Isang malakas na sigaw ang pinakalawan ng dalawa. Imbis na natutulog na Katharina kasi ang kaninang madatnan, isang malamig na bangkay na.
Isang malamig na nakadilat at nakangiting Katharina ang bumungad sa kanila.
Isang pwersahang ngiti na hanggang tenga.