Chereads / Whispers from the Dead / Chapter 3 - FIRST WHISPER

Chapter 3 - FIRST WHISPER

GENNA.

Have you ever felt like everything is moving too fast? As if everything is blurry and they are just passing by and then there you are, in the center, and the only one who remain still and numb.

"Genna? Genna can you hear me?"

It is the exact feeling I'm feeling right now.

I'm feeling numb.

I am cold and shivering despite it being like boiling hot outside. And even despite that, I feel suffocated with the noise and the crowd.

I can hear multiple screams, mutters, cries, rushing of footsteps and sirens. the sirens is what hurts my ears the most.

I'm feeling numb and void. I'm feeling rather empty.

"Genna ija. Naririnig mo ba ako?"

"Genna, gusto ka kausapin ng mga pulis."

Ah.

What the fuck is wrong with this day?

Dapat pahinga namin to. Dapat pahinga ko 'to.

My fucking exams just ended! I was supposed to be suffering from headaches and hangovers. I was supposed to be on my bed and laying while waiting for my mom to pick me up. This was too much!

"Genna, anak. Sumagot ka please. Nandito na si Mama. Please, 'nak."

Right. Right.. what happened last night?

***

Building 101. Woodside University.

Ala-una nang hapon. Biyernes.

THE EXAMS ARE FINALLY OVER!

Sa wakas. After ilang months of hellish weeks due to the exams, projects and classes, makakahinga na rin ako. Sobrang saya ko. I'm so happy that I feel so freaking high. Para akong nakatira ng you know what--based sa napapanood ko sa mga series--sa sobrang high ng feeling ko right now. It was as if I'm free and light.

"GENNA!" I immediately look back pagkarinig ko ng pangalan ko. There, nakita ko si Cristine na tumatakbo at nakikisingit mula sa isang bulto ng mga tao na angsilabasan mula sa building where we took our last and final exams. "Excuse me! Excuse me!"

Inabot sya nang ilang minuto. Nasa may labas na kasi ako ng building at sya ay nasa room katapat ng exit. 'Yung building kasi na napag-exam-an namin is parang two storey na malaking bahay. Sa baba ay isang malaking gate na nasisilbing pinto or like entrance sa building. Pagkapasok mo pa lang ay meron ng ilang rooms. Dalawa sa left, dalawa sa right tapos dalawa din sa unahan. Sa may bandang gilid naman ay isang hagdan pa papuntang second floor na puro rooms din. Pero malimit lang gamitin kasi, una, luma na at pangalawa, wala naman masyadong nageexam dito sa building except na lang kapag punuan na sa ibang building na pinage-exam-an namin.

"Hi, te!" bati nito. "Kamusta exam?"

"Oks lang. Tipong makakahinga naman ako ng maluwag." sabay kaming napatawa. Isa kasi sa mahihirap na exams 'tong exam namin ngayon. Buti nga at last na kasi maiiyak talaga kami kapag sinabay pa sa mga naunang exams. "Anong balak nyo mamaya? May inom ba?"

Napangisi si Cristine or Cris. "Syempre naman." umakbay sya sakin bago kami maglakad papuntang dorm. "Sa may Restobar kami dyan. Sa may papasok sa mga kainan. Tropa ni Kael yung mayari kaya medyo may discount. G ka ba mamaya?"

"Syempre." napangiti ito bago napapalakak. "Anong oras ba kita? Sabay na ba tayo?"

"Mga 6, te. Pero di na ko sasabay. Kila Marie Anne na ko sasabay e. Makikiayos ako. Alam mo na, maraming pogi sa napili nilang dorm e."

"Nako, sinasabi ko lang sayo. 'Wag kang masyadong pumatol sa kung sino-sino. Baka ending mo nyan broken na nga, kick out pa dito." napangiwi sya kaya naman natawa ako. "Well, kapag naman nangyari yon, painom ka na lang."

"Inamo. Mauna na ko sayo. Ayain mo din si Katharina."

"Oh? Di pa rin kayo naguusap? Tagal na nung issue nyo ah." saad ko. "Bati bati rin. Maikli lang oras baka mamaya dedo na kayo n'yan di pa kayo bati HAHAHA."

"Inamo mga pinagsasabi e." banas nitong sagot. "Ewan ko ba roon. Simula nung nakila yun ka-M.U. na sinasabi nya di na nagparamdam. Nung kinompronta ko nagalit. 'Wag daw akong makielam kung wala akong maitutulong. Parang tanga."

"Ayusin nyo basta yan. Sayang pagkakaibigan nyo, uy."

"Ewan ko. Bahala na. Basta ayain mo. Baka magtampo lalo baka masampal ko na."

"Gaga! HAHAHAHA. Basta kitakits na lang mamaya."

Ala-sais nang gabi. Lumang dorm.

Woodside University.

"KATH!" Katok ko. Medyo may halong inis na dahil kanina pa ako text ng text wala man lang reply. Kahit paramdam wala. Napilitan na nga kong dayuhin sa room nya mismo. Sa thirteenth room.

Medyo ilang akong pumunta dito. Bukod sa masikip ang kwarto na pang-isahan tao lang talaga, napaka-creepy din ng vibes. Malapit sa bintana na makikita mo yung gubat sa likod tapos katapat pa ng CR. Mamaya may mumu 'no.

"KATH! Ano ba!" sigaw ko habang kakatok sana ulit kaso biglang nagbukas yung pinto. Magtataray na sana ko kaso mukang tuliro si Kath. "Luh? Ano nangyari sayo, te? Ayos ka lang?"

"Bakit?" sagot nito. Medyo mataray at nagmamadali. 'Di ko matarayan pabalik kasi parang aligaga habang tingin ng tingin sa may bintana tapos sa pasilyo palabas. Parang may chinecheck.

"Iinom daw. Ano? Tara na. G na tapos na naman exams e."

"Ayoko. Kayo na lang." isasarado na sana nya yung pinto pero pinigilan ko.

"Tara na. Nandon din si Cris. Magbati na kayo. Tara na iintayin kita--"

"AYOKO NGA! BAKIT BA ANG KULIT MO?" sigaw nito.

"Hoy, Katharina! Ikaw na nga tong inaaya kasi mukha ka dyan multo tapos ako pa sisigawan mo? Kung ayaw mo edi wag!" Magmamartsa na sana ako paalis ng hawakan nito ang kamay ko. "Oh, ano?"

"P-pwede mo ba akong samahan? Please Gen. Natatakot na talaga ako. Baka kung ano ng gawin nya sakin. Naiiyak na ko sa takot, Gen."

"Huh? Ano bang sinasabi mo dyan, te?" napalingon ako sa sinabi nya. Nawala lahat ng inis ko Kanina. I saw how anxious and fidgety Kath is. She's scared. Very scared.

"Natatakot talaga ako, Gen. Pakiramdam ko lagi lang sya nandyan. Kahit sa mismong kwarto ko. Gen. Gen please. Please samahan mo ko." nanginginig na saad nya.

"'Yan ba 'yung sa jowa mo? Alam mo, Kath. Sumama ka na lang samin. Iinom natin yan tapos manghingi ng tulong kila Cris."

Nagaalangan man ay nag-agree na rin si Katharina. Pinapasok at pinaghintay nya ako sa may kama. I observed her room habang nagaayos sya sa may banyo. Mali atang desisyon ayain sya uminom ganon na balisa na sya pero kasi hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong pwede kong maitulong gayong takot na takot si Kath.

Napadaan ako sa tabi ng study table nya. Medyo makalat at puno na rin yung trash can sa gilid. Puro sulat. Pumulot ako ng isa, yung nasa lapag, pero sulat lang mula sa jowa nya. Sulat lang pero sobrang nakaka-bother. Parang sweet sa unang basa pero nung tumagal na parang kinilabutan na ako.

It was a long letter expressing his undying love for Kath. Nung una ayos lang pero may detalye na na nakakabother. Katulad ng katagang "I really like how focused you are while studying late at night. Don't forget to always close your windows, okay? Lagi mong nakakalimutan magsarado ng bintana.". Ang creepy lang kasi parang bantay sarado si Kath.

Wait.

"Anong binabasa mo?" I flinched. Napalingon agad at nakita ang seryoso at nanginginig na pigura ni Kath. Hindi pa rin ito nakapagpalit ng damit. Basa din ang mukha at umaagos din ang makeup na ginawa nya kanina.

"Oh? Bakit hindi ka pa nagbibihis? Binura mo pa makeup mo. Di mo ba trip?"

"ANO SABING BINABASA MO?! BAKIT MO BA PINAPAKIELAMAN GAMIT KO?" sigaw nito.

Napakunot noo ako. Hindi ko alam pero nanginginig ata sya sa galit. Sabay lakad sa buong kwarto. Pabalik balik at balisa. Napaka-weird. Halos ilang minute syang ganon. Hindi ko magulo kasi mukang malalim ang iniisip.

She stopped. Sabay tingin sa may bintana. Tapos ay tumingin sakin na muling nanginginig. She threw the clothes she was about to wear sa lapag bago ako hinila paalis. "Umalis ka na."

Gusto ko sana magtanong kaso nasaraduhan nya na ako ng pinto. "Tangina?" saad ko. Naguluhan na medyo nairita ako. Sya itong nanghihingi ng tulong kanina tapos ngayon naman parang tanging pinapalayas ako sa kwarto nya!

I walked away. I heard something dropped sa kwarto pa nya. Pero mukang nagwawala sya dahil pinakielaman ko ang gamit nya. Bwisit. Napaka-arte. Ako na nga itong nagoffer na samahan sya tapos ganon?

Alas-tres nang madaling. Lumang dorm.

Woodside University.

I'm wasted. Ramdam ko ang pagikot ng paningin ko as I try to stand. Ilang rooms pa ang dadaanan ko bago makahiga sa kama. Nasa ika-anim akong kwarto. At nasa pa-gitna pa yong ng pasilyo. Malapit kung iisipin pero hindi para sa katulad kong lasing.

"Hmm? Sinong nasa banyo?" lakas ng trip magbanyo ng madaling araw ah. Alas-tres pa. Hindi ba 'yon nausuhan ng Devil's Hour?

I searched for my keys. Nahulog pa nga. I get it immediately, syempre, at agad na sinusian ang kwarto ko. Napansin ko pa ngang napatigil yung tunog ng tubig sa banyo. Sabay bukas ng pinto. Tapos may sumilip. Astig nga kasi napapansin ko pa rin kahit madilim at gamit lang peripheral vision ko.

Napansin ko rin na lalapit na sana sya sakin. Actually, naglalakad na nga palapit. Pero I was too intoxicated to care. Pumasok na ako ng kwarto bago pa sya makalapit at naglock.