Chapter 31 - 29

Congratulations

Nagising ako kinabukasan sa kwarto ko at may damit na pero inaapoy ng lagnat. "Mabuti naman at gising ka na." I saw manang Elsa sitting on my bed and may face towel sa noo ko. "Anong nangyari?" I asked sitting up then I remember everything.

Sino yung nag dala sakin dito? Our employees?

"Nag lasing ka kagabi at naligo sa ulan kaya ayan nilagnat ka tuloy. Nagpatawag na ako ng doctor, bilin ng daddy mo. Wag mo ng uulitin Shantal. At wag ka mag alala, ako ang nag bihis sayo." She replied giving me water and placed a food tray on my bed. "Kailangan mo ng kumain at pag okay ka na daw pinapauwi ka na ng daddy mo." She added and joy entered my room bringing more food and water. She smiled big when she saw me.

"Mabuti naman at gising na kayo, ma'am! Kinabahan kaming lahat kagabi pero walang nag lakas ng loob na puntahan kayo sa takot na masisante." She said and took the face towel that I placed on the chair beside me. Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi nya, walang nag lakas ng loob na puntahan ako? Edi sinong nag karga sakin kagabi?

"Huh? Then who carried me here then?" I asked after taking my medicine.

"Naku po, ma'am! Ang knight in shining armor nyo! Sobrang gwapo, ma'am! Isa sa mga lalaki na pina upgrade nyo ang kwarto. Grabe ang gwapo nya po, ma'am, as in!"

My jaw dropped when I heard what she said. That guy?! Oh my goodness, nakakahiya ka shantal!

"What?! Bakit sya?" I asked completely lost. "Hay nako, ma'am. Palagi ka kaya nyang pinagmamasdan. Sa buong araw mo kahapon sa dagat, nandun lang din sya sa tabi tabi kahit ang mga kaibigan nya ay umalis para mamasyal, feeling ko binabantayan ka ma'am. Umalis lang sya nung tinawag na sya ng isang kaibigan nya para kumain sa labas tapos pag balik nya after mga one hour ata dumretso sya sa restaurant na parang may hinahanap." She replied recalling last night's happening. I didn't say anything expecting for her to say more.

" Tapos ayon, nakita nya kaming mga empleyado na nagpa panic dahil sayo at yun nakita ka nya and walang pag dadalawang isip syang tumakbo patungo sayo kasi sobrang lakas na po ng ulan. Grabe po talaga, ma'am! Lahat kami kinilig! Tinawag nya kami habang buhat buhat ka ma'am, tsaka wala syang t-shirt ma'am! Jusko po ang abs at englishero po!" She added and laughed na parang kinikilig habang umambang susuboan ako ng pagkain pero umilag ako kaya ko namang kumain mag Isa.

"Tapos?" I asked still curious. "Tapos ayon po, pinasok ka nya dito ay tinakpan ng kumot at sinabihan kaming lahat na alagaan ka tsaka umalis din kaagad." She replied and sat beside me gesturing me to eat. "Asan sya ngayon? I want to thank him." I asked then started eating slowly.

"Ay ma'am, umalis na po sila ng mga kaibigan nya. Maagang nag check out may flight pa daw sila mamayang gabi." She replied sadly. Hindi man lang ako naka pag pasalamat.

Pagkatapos ko kumain nanatili ako sa kwarto habang hinihintay ang doctor. Hindi naman na talaga kailangan pero dad insisted. Yes, he called me at puro sermon ang nakuha ko at pinapauwi na ako. He's sending a private plane here para deretso na akong maka uwi pag okay na ang pakiramdam ko.

"Good morning, Ms. Sy!" The female doctor greeted when she got inside my room at may dala syang mga gamit at nurse. Bakit ba ang dami ng dala? Parang dinala nya ang ospital dito.

"Good morning, doc." I replied and smiled at her as she prepared to check me. "I talked to your dad and he instructed me to check you thoroughly to make sure that you're okay kaya naman madami akong dala." She said and laughed while started to check on me.

Halos isang oras din kami sa loob ng kwarto ko pero hindi naman ako kinabahan and she's really nice.

"Okay, we're done!" She said after writing down some things. She asked me a lot of questions mostly about what I've been taking and I answered honestly.

"Mabuti nalang at naagapan kaagad ang lagnat mo and I'm telling you, Shantal. You better stop drinking any alcoholic beverages and eat a proper meal! In cases like this, katulad ng pagpapabayang ginawa mo hindi lahat naka ka survive. You're lucky that your baby is a fighter at kumapit talaga kahit halos tatlong araw kang walang kain!"

Lumipad ata ang utak ko at hindi nakuha ang ibang sinabi nya maliban nalang sa isang salita. My jaw dropped and my eyes widened at what she said and I started shaking.

" Doc, what did you say? You must be mistaken. I'm not pre-pregnant." I replied shocked and shaking.

"Oh, I forgot to tell you. Congratulations! You're one month and two weeks pregnant and very lucky, your baby is a fighter." She replied and smiled at me before reminding me of what I should do. The check ups that I need to attend to when I get home but hindi na yun nag sink in lahat sa akin.

" Doc, can you please leave me alone for now. Thank you." I said as she nodded and left together with her nurse and that's when I broke down. I covered my mouth to stop myself from sobbing and rubbed my stomach.

Paanong buntis ako? Eh wala nga akong signs! Walang morning sickness! Pero fuck! Ngayon ko lang na realize na hindi ako dinatnan for almost two months but I thought wala lang yun dahil ganyan naman ako lagi and this explains my love for tuna pie recently!

Anong alam ko sa pagiging ina? How do I do this?!

Fuck! I have a baby and I didn't know! And nagpabaya ako! I could lose my baby dahil sa mga ginawa ko!

I'm scared. Natatakot ako pero anak ko to. Akin to at walang makakakuhang iba sa anak ko.

"I'm sorry, baby. Mommy's sorry. Babawi ako, aalagaan kita." I whispered while caressing my stomach kahit hindi ko pa sya ma feel.

Putang ina ka Tristan! Talagang dalawang babae ang binuntis mo!

I sobbed realizing everything. Kung alam nya na buntis ako, ako kaya ang pipiliin nya? Babalikan nya kaya ako? But it's too late. I bet his happy now. At least I have my baby with me. Mag sama sila.

Kumalma rin ako, pinilit ko ang sarili kong wag na isipin ang sakit dahil makaka epekto ito sa anak ko. The doctor advised me to see an OB when I get home and she gave me some vitamins for my baby.

Bigla akong nabuhayan ng loob ng malaman kong may baby ako. That I'm not alone after all. On that same day I planned to go home and booked the best OB in cebu para ma check kaagad ang baby ko. Nagpadala agad si daddy ng private plane para makauwi ako but he does not know about it yet.

Kakayanin ko to. I'll do everything to give my baby the love he or she deserves kahit wala syang daddy.