Chapter 4 - LEO

02

"This is my penthouse and this is your extra key" saad niya at pumasok na sa unit.

"Obviously penthouse mo 'to alangan naman sa iba edi trespassing tayo"bulong ko sa sarili ko.

Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang malaking sala set,sobrang laki pala nan penthouse niya.Napalibutan ito ng maraming paintings, maybe he loves art. White and Gray ang kulay ng penthouse niya, not bad.Mukha mamahalin lahat ng gamit niya dito,ang ganda din ng mga furniture niya siguro galing ito sa Concept Furniture.Lol.

"Do not touch any of my things "he said in a serious tone.

"Kahit ito?"tanong ko sabay turo sa Plaque.

"Do not touch that Agent, it's a lifetime award."

"Sus bilhan kita nito madami, lifetime pa nga."

"You don't know what is Lifetime Award because you never receive an award" pang iinis niya sa akin at ngumisi.

"Gusto mo ihampas ko sayo lahat ng awards ko?"

"How many awards do you have?"

"I have five awards"

"Yan lang ang ihahampas mo sa---"

"Plus 12 shunga patapusin mo muna ako."

Seventeen awards in total kasama na yung awards ko since Kindergarten, awards din naman yun ah.

"That's all you got? Poor."

"I can kill you. Right here.Right now"hindi ko man lang nakita sa mukha niya ang pagkatakot."Hindi  ka natatakot sa sinabi ko?"Umiling lamang siya.

"Let's go upstairs."

May limang kwarto at mini sala set.Ang yaman pala niya,hindi ko kayang bilhin ganito kalaking unit,baka ibenta ko ang isa kong kidney.

"Ang daming vacant rooms,pero dun ka natutulog diba?"tanong ko at itinuro ang kwartong malaki.

"Yeah."

"Mali yan.Dapat gagamitin mo lahat ng kwarto"bahid sa kaniyang mukha ang pagtakaka.

"How?"

"Dapat everyday nasa ibang kwarto ka,baka may ibang nakatambay na diyan yung hindi natin nakikita at kayang palamigin yung paligid"inirapan lamang ako, bwesit."Bahala ka diyan,hindi ko pa naman kayang bumaril ng multo."

"Stop talking nonsense."

"Stop talking nonsense"pang gagaya ko sakanya.

"This is you room"

Pagkabukas niya kwarto ay namangha ako dahil sobrang laki din.Pang master's bedroom,may mini fridge din.Pumunta ako sa nay banyo para makita ang loob nito.Ang linis ng banyo at pwede mo na din itong gawing kwarto.

"You can take a rest.I wil just cook for our dinner"he said and left me here.Inaantok na din naman ako kay nagpasya akong matulog.

"Dad asan kayo?"nag aalala kong tanong dahil hindi ko sila mahanap.

"Nandito kami ngayon sa parking lot ng mall,may binili  lang ang kapatid mo kaya sinamahan namin."

"Dad pumasok muna kayo sa loob ng mall,hintayin niyo 'ko.Habang papunta ako diyan tumawag kayo ng pulis,okay?"

"Bakit anak?"

"Dad may nakaaway ako, binantaan ako na idadamay niya kayo,please wait for me."saad ko at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Tapos na ang misyon namin pero ang anak ng sindikato ayaw matanggap na nahuli namin ang tatay niya.Galit na galit siya,lalo na sa akin.Nakita ko siya noon na nagmamasid sa labas ng bahay namin.

"Dad are you still there?"

"Yes anak."

"Just wait for me."

Nagising ako sa dahil sa may naamoy akong mabangong  ulam.Pumunta muna ako sa banyo para mag ayos at maglabasa ng sama ng loob.Bumaba din ako agad pagkatapos dahil sa sobrang gutom.

"Let's eat"bungad ni Cyden habang umuupo.Tumango lang ako at umupo sa harapan niya.

"Sinigang?"tanong ko.

"Obviously."

"Pwede din naman nilaga 'to,malay ko ba."

Nagsimula na kaming kumain,tanging madidinig ko lamang ang paghigop ko ng sabaw sa sobrang tahimik.Masarap pala siya I mean masarap siya magluto.Pwede ko siyang bigyan ng panibagong award.Tinitingnan ko lamang siya habang kumakain,ang gwapo kahit kumakain nakakainis;<

"Hindi ka mabubusog niyan"biglang sabi niya kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Bakit sinabi ko ba?tinitingnan ko lang naman  kung naaasiman ka."

"Let's talk about my House rules."

"Edi I'll make my own rules din"he just raised his eyebrows parang ayaw sumang- ayon.

"First rule,do not touch my things without my permission."

"Anong akala mo sa kin,makati ang kamay?"

"Second,do not invite your 'boys' here"wala din naming akong mga lalaki. "Third,know your limitations and lastly,you should do some household chores."

"Okay,my turn.First,no invading of privacy.Second,you should stick with me like stick glue.Third,you should always use my car,for safety.Lastly,wear this"sabi ko at inabot ang ang Minimalist Silver Earrings.

"This is for what?"

"Ginawa yan para sa aming mga agents para magkarinigan kami kahit malayo,that is one of our special earpiece .Always wear that."

Tumango siya at nilagay na sa tenga.

"It looks good on you."papuri ko at ngumisi lang ang depungal. "Oh before I forgot,ito din pala"inabot ko sakanya ang Silver Ring.

"This is for what?"tanong niya habang sinusuot ang singsing.

"Diyan ka magsasalita,pero wag kang magpapahalata.Ang tawag naming diyan ay Da' Voice"tumawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko. "Why are you laughing?yan talaga ang tawag naming ,basag trip ka ah."

"Let's try it,pupunta ako sa kwarto.Magsalita ka, sabihin mo Dabest ka lodi"dagdag ko at pumunta sa kwarto.

"Naririnig mo ba ako?"

"Yeah"tipid niyang sagot.

"Sabihin mo na"

"I don't have time for your nonsense things"

Nagmamadali akong bumaba para kumain ulit.Kakain na sana ako kaso nagtanong siya.

"What's your real name?"

"Leo,just call me Leo."

"Bakit?"

"It's my dad's name,kaya Leo"

Leonard Dela Paz.Sa sobrang pag iidolo ko sakanya ginaya ko na rin ang pangalan.But I think its cool,isipin mo babae ka pero name mo pang lalaki ,wayuk.

"How old are you Leo?"

"I'm 25 years old.Interview ba ito?"

"Saan ka nagtapos?"tanong niya,hindi talaga nauubusan ng tanong.

"Sa skwelahan po"he just stared at me like waiting for my real answer. "I graduated at DLSU."

"Are you happy with your job?"

"Yeah.Bilisan mo sa pagkain."

"Why?"

"It's my turn"saad ko saka uminom ng tubig.

"Let's talk about yourself."

----

I'm open to criticisms! Spread love and positivity:>> Ily!!!