Chereads / THE CEO'S ORPHAN WIFE / Chapter 1 - Chapter 1

THE CEO'S ORPHAN WIFE

🇵🇭Shynnbee
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Pinunasan ko ang basa kong kamay bago ko sinagot ang tawag ng aking byenan sa aking celphone.

"Hello, Mommy?"

"Anak, magpunta ka ngayon sa St. John's Hospital," bungad niya sa akin.

"P-Po? Bakit po?"

"Hihintayin ka namin doon. Papunta na din kami." Agad na niyang pinatay ang tawag. Ni hindi man lang sinabi sa akin kung ano ang dahilan.

Ganoon na lamang ang kaba sa aking dibdib. Sa sobrang pag-aalala at pagkataranta agad kong kinuha ang wallet ko na nakapatong sa taas ng refrigerator. Hindi ko na inabala pang magbihis.

Tingin ko importante ang tinawag ng byenan kong babae. At sana lang hindi ito masamang balita.

Pumara ako ng taxi at pagkatapos ng kulang trenta minuto, nakarating ako sa ospital.

"Kuya, ano pong nangyari?" Humahangos kong tanong sa panganay na kapatid ng aking asawa.

"Si Ivan—

"Ano'ng nangyari sa kaniya? Ano'ng nangyari sa asawa ko, Kuya?" Naiiyak kong tanong.

"Nasaan siya?"

"Nasa operating room siya. Nadisgrasya siya. May nakabanggaan na truck."

"Dios ko po!" Napatakip ako ng aking bunganga at hindi ko na napigilang mapahagulgol.

Oh my God. Nagpapadyak ako ng aking paa. Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin. Agad namang lumapit sa amin ang ate ni Ivan at agad akong niyakap.

Naging mabagal ang oras habang hinihintay namin ang mga doktor na nag-opera kay Ivan. Isa hanggang sa umabot ng dalawang oras. At nang magbukas ang pintuan ng operating room, nilapitan namin ang doktor.

"The operation went well. Pero kailangan namin siyang obserbahan sa loob ng bente kuwatro oras sa ICU."

Halos hindi ko na maunawaan ang iba pang sinabi ng doktor. Operation went well pero bakit ididiretso siya sa ICU?

Pinuntahan ko ang asawa ko sa ICU. Nahabag ako sa kaniyang itsura dahil napapalibutan siya ng mga aparato. Naka-monitor din ang kaniyang mga vital signs.

Sabi nila naririnig ka daw ng taong na-comma, kaya dapat kausapin mo siya. Ilang sandali akong tahimik dahil hindi ko kayang pigilan ang aking pag-iyak. Hinaplos ko ang kaniyang kamay. Hinalikan ko ang kaliwang bahagi ng kaniyang noo, dahil iyon lang ang walang galos sa mukha niya.

"Honey, lumaban ka, okay?" Kinagat ko ang aking labi na nanginginig. "Kailangang kayanin mo." Mariin akong pumikit at suminghap pero kahit ano'ng pigil ko napahikbi ako.

"Kapag gumising ka, hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo. Hindi na ako magseselos. Hindi na kita aawayin."

May kataga akong gustong-gustong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawang bigkasin.

"Mahal na mahal kita, Ivan. Sobrang mahal kita."

Sa buong magdamag, binantayan ko si Ivan. Nangako naman ang kaniyang mga magulang at kapatid na pupunta sila bukas upang palitan ako sa pagbabantay.

Halos hindi ako nakatulog dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kaniya. Kung ano-ano ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na ito. Paano kung tuluyan na siyang mawala?

Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok. Pinakatitigan ko siya dahil baka huling beses ko na siyang makita. Minemorya ko ang kaniyang guwapong mukha, baka hindi ko na siya ulit makita pa.

I am not wishing him to be harm. Gusto kong gumising siya. Bumalik sa dati. At ako naman ay tuluyan nang aalis sa buhay niya.

Muli akong napaiyak. Isipin ko palang na mawawala na ako sa buhay niya ay tila kay sakit. Para bang dinudurog ang puso ko na isang taon nang wasak dahil dahil sa iisang tao.

Pero kahit na ganoon, mahal na mahal ko pa din siya.

"Kung makaka-survive ka. Hahayaan na kita. Hahayaan kitang makasama ang babaeng mahal mo. Alam kong matagal mo na itong gusto pero nagmatigas akong makipaghiwalay." Bumuntong hininga ako. Para bang sinasakal ako sa mga katagang aking binibitawan.

Hindi ko lubos akalain na kakayanin kong sabihin ang mga salitang iyon.

Sa isang taon naming pagsasama bilang mag-asawa, masasabi kong naging mabuti ako. Pinagsisilbihan ko siya. Pero ni isang beses hindi namin nagawa ang bagay na ginagawa ng mga mag-asawa.

Nandidiri siya sa akin. Galit na galit siya sa akin dahil ninakaw ko sa kaniya ang kaniyang kalayaan. Na sinira ko ang kaniyang pangarap.

Ulilang lubos na ako. Kinse anyos lamang ako nang mamatay sa plane crush ang aking mga magulang.

Dahil matalik na kaibigan ng mga magulang ni Ivan ang mga magulang ko, sila ang kumupkop sa akin. Wala kasing ibang gustong kumupkop sa akin sa mga kamag-anak namin.

Unang beses ko pa lang noon makita si Ivan, nagkagusto na ako agad sa kaniya. He's my first crush. My first love. Mas matanda siya sa akin ng pitong taon.

Twenty na siya that time at nag-ma-manage na ng kanilang company. May girlfriend siya, si Maureen. Patay na patay siya sa babaeng ito.

Sinikreto ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero alam kong batid ng mga magulang niya at kapatid niya na may feelings ako para kay Ivan. But they didn't talk anything about it.

Bakit kami naging mag-asawa?

A year ago, umuwi si Ivan nang lasing. Ako ang nag-asikaso sa kaniya. Tinulungan ko siyang makaakyat sa kaniyang silid. Dis-oras na ng gabi kaya mga tulog na ang mga katulong.

Hinubaran ko siya ng kaniyang damit upang maging komportable siya. But we ended in bed together. That was my first time. Batid kong lasing na lasing siya pero ang marupok kong puso, nagpadala sa mainit na mga yakap at matatamis niyang halik. That's my first.

Dala ng pagod at sakit ng katawan ko dahil sa nangyari sa amin, nakatulog ako sa kaniyang tabi.

At nagising na lang kami dahil sa boses ng kaniyang Mommy at Daddy. Nahuli nila kaming magkasama.

Wala naman akong plano sana na malaman nila pero shit happens.

Galit na galit noon si Ivan sa akin. Pinagsamantalahan daw niya ako.

"You're such a desperate woman. I hate you!" Iyan mismo ang mga katagang lumabas sa kaniyang mga bibig.

Galit na galit ang kaniyang mga magulang sa kaniyang sinabi. Wala naman akong nagawa kundi ang umiyak sa sulok habang yakap ang kumot na nakabalot sa aking katawan.

That day, pinakasal kami agad ng kaniyang mga magulang. Pumirma kami ng marriage contract.

Bumukod din kami ng bahay, at buong akala ko magiging masaya kami. Pero hindi. Ni minsan hindi man lang niya ako na-appreciate. Ni hindi man lang niya ako tinignan bilang kaniyang asawa. He treats me like a slave. Pero kahit na ganoon, nagtiis ako. Umasa ako na mamahalin din niya ako balang araw.

But it's been a year. At kahit hindi man niya sabihin, hindi pa din ako nagkaroon ng puwang sa kaniyang puso.

It's still Maureen. Siya pa din ang laman ng kaniyang puso.