Macabre Adventure in Another World
"Ang kabilang buhay nga ba ay makatotohanan ?"
Isang tanong na bumabagabag sa munting kaisipan.
Kasagutang pilit na inaabot,
Kahit "suntok sa buwan" na makamtan.
Dinadalang pag-nanasa sa loob ay tila dagat dagatang apoy;
Huling hantungan ay nasa sukdulan.
Ngunit kahit pumailalim sa kakahanap yaman;
Hukay ay hindi umaabot sa tunay na hangganan.
Sa huli't-huli ay mapapasirit, sa palaisipang hindi dapat isinasaisip...
Gayong hangin ay dumadaloy sa dalawang direkyon?
Hindi magbabago ang ihip!
Kaya't maisakatuparan adhikain ay makatotohan sa panaginip,
Isang pangarap na lang...
Tanging sa loob masisilip!
Ngunit nagbago ang lahat sa pagkasimula ng wakas..
Liwanag sa dilim, ito ang sa sarado'y nag bukas!
Binulag sa silaw at ibang dimensyon dinala...
Lugar na estranghero, ito'y hindi ko kilala!
Ibang klaseng pampalubag ng loob tila kaluluwa ay sinangla.
Atake sa puso ang ginawa ng may likha,
Animo tumitig sa mata ng ahas, pagkapakinig sa tinala!
"Ang katotohanan sa iyong isip ay makakatotohanan lamang sayong isip"
Mundo na ginagalawan ay may ginagalawan na mundo.
Maihahatid lamang sa destinasyon kapag mayroong taga sundo...
Ngayon, kinabukasan ay wala na isa lang magiging desisyon ko.
Malugod na pagtanggap sa ibinigay mo.
Natapos na kuwento kaya't handa na magsimula,
Sa makabagong lugar ay makaluma na ang dala.
Isang batang musmos na tila lumipat sa ibang bansa.
May ginto sa loob, ngunit walang halaga sa hitsura ang gansa.
Susunod:
Kabanata Isa: "Madilim na liwanag"