Ang isip ay tahimik na nagmumuni-muni, habang pinagmamasdan ang kumikislap na bituin sa langit.
"Makatotohanan nga ba ang kabilang buhay?"
Katungan na walang kasagutan ang bumabagabag sa isip.
Huminga ako ng malalim at humigop ng mainiit... Bawat kilos ay marahan tila sa sagot ay hindi naiinip.
Tiyak na walang darating kahit anong tagal sa pag-hihintay;
Pinapakalma lamang ang loob ng kasinungalingang iniisip na makatotohanan.
Ibinaba ko ang mababaw na tasa, habang nilalasap ang mapait na timpla.
Isang pagsubok sa buhay na paulit-ulit ang lasa.
Sa huli ay naisip na walang panalo sa ginawa; at makamtam ang kaligayahan ay maituturing na himala.
Nag-iisang habang nilalamon ng kalungkutan sa loob ng madilim na silid.
Ngayo'y tuluyang nagpalamon sa pagkawala ay naging isa.
"O diyos ko, ano ang ganap sa kuwentong inakda,
saan Ako dadalhin ng agos...
Ngayong ilog ay natapos ang simula?"
Sigaw na binulong sa nabinging pagkatao, ang mahilig sumunod ay hindi sumusunod sa payo!
Gayong nagnais umakyat at mapasakamay na tuluyan; Palusong lamang dinadala ng inaakyat na hagdanan.
Hindi aabot sa hangganan kung walang destinasyon patutunguhan,
ngunit papaano ito makararating?
Kung ang nagliligaw ay mismong taga gabay sa dinadaanan!
Itinaas ko muli ang baso ay ibinagsak sa pagka basag!
Kung walang hustisya na makakamit ay ilalagay sa kamay ang pagkawasak...
Tama nga ba ang nasa isip kung nasa isip ay hindi iniisip na tama!
Hustisya na hiningi ay hindi maibibigay, sapagkat sapalagay walang hustisya na maihahanay!
Pumatak sa sahig ang mapait na itinimpla, habang may pakana ay nagmamasid na kinahinatnan ng ginawa.
Magdudulot lamang ng kalat...
Ito ang sa tingin ng iba,
Ngunit kailangan nga bang isa-isip pa kung hindi naman isinasaisip sa kanila?
Isa nanamang tanong ang makabagong bumabagabag ~ Ako'y huminga ng malalim at pinulot ng marahan ang mga bahagi na dinala ko sa pagkawasak.
Ramdam ko ang talas sa bawat dampi ay humihiwa,
dugo ay lumabas sa sugat na nagbukas sa aking munting diwa...
Tanging walang hantungan kung dadalhin paghiwa, ang paglaslas sa tibok ay maling pagkilos... Hindi ba?
Muling huminga ng malalim at nagpatuloy sa pagpulot,
Nang mga aral na sa isipan ay may maganda na dulot...
Gayong layunin sa buhay ay pansamantalang naudlot,
Hindi kinalimutan ang pagkatanggal sa saplot.
Isip ay kumalma sa bawat segundong lumipas...
Ang mga matang tuso ay may napansin sa kailaliman ng lamesa.
Isang munting liwanag sa bandang sulok,
Aking naisip na isa lamang ito sa mga tumalsik na bubog at ang kislap ay dulot lamang ng liwanag...
Ngunit sa aking pagpulot ay binulag Ako sa sinag!
Susunod:
Kabanata Dalawa: "Lugar na Estranghero"