Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 145 - Chapter 40

Chapter 145 - Chapter 40

"I-ikaw n-nga si Princess Ambreiya! Wag mo kong atakehin, hindi ako isang kalaban. Ako ang kapatid ng iyong ina, si Princess Levora Fortilon- Adveriara!" Sambit ng babae at mabilis na nagbago ang kanyang anyo. Katulad ni Breiya ay nagbago rin ang buhok nito na kulay puti na kasingputi ng niyebe at ang mata nito ay naging kulay puti rin na may halong kulay bughaw. Sobrang lakas rin ng awrang nakatago sa katawan nito.

"Tita Lora? Ikaw ba talaga iyan?! Akala ko ay pinaslang ka na nila? Paanong nakaligtas ka?" Sambit ni Breiya habang naguguluhan. Napalitan ng saya at pagkagulat sa kaniyang nalaman. Hindi niya aakalaing buhay pa ang kaniyang tita Lora/ Levora. Unti-unting nawala ang kaniyang totoong anyo at bumalik sa normal ang kaniyang anyo bilang isang simpleng dalaga.

"Hindi na mahalaga iyon. Kapag malakas ka na ay saka ko lamang sasabihin sa iyo. Ang sikretong at nangyari noon ay lubhang napakasensitibo na maglilikha lamang ng malaking gulo. Nga pala nasaan na ang pasaway na si Bim-Bim? Nasaan siya?!" Sambit ni Princess Levora sa malungkot na boses ngunit mabilis niyang iniba ang usapin nila. Agad ring nagbago ang kanyang ekspresyon habang nagtataka siya kung saan na ang nakakatandang kapatid ni Breiya na si Bim-Bim. Limang taong gulang pa lamang si Breiya ng makita niya ito at pitong taong gulang naman si Bim-Bim nang makita niya ito kaya wala siyang ideya kung saan na ito.

Unti-unting bumalik sa dati ang anyo ni Levora o mas angkop sabihin na Princess Levora.

"Si Kuya Bim po ba Tita Lora? Siyempre tumaba na po siya. Siya yung numerong 876, ayaw kasi tumigil kakakain kaya ayon, lumobo." Sambit ni Breiya habang natatawa. Naalala niya kasi si Tita Lora/Levora niya. Sa kanilang magkapatid ay si Kuya Bim ang paborito nito kung kaya't nag-aaway sial palagi ni Kuya Bim niya.

"Oh, siya pala yun. Kaya pala ang galing niyang gumamit ng konsepto ng tubig hehe... Manang-mana talaga siya inyong ama." Sambit ni Levora habang may lungkot sa boses nito.

"Uhm, opo nga tita eh. Kaso nga lang ay wala na si Ama at Ina upang makita kung paano kami lumaki at lumakas. Balang araw ay makakamit rin natin ang hustisya sa pagkamatay ng ating lahi." Sambit ni Breiya habang nakakuyom ang kanyang dalawang kamay. Masyadong mapait ang naging kapalaran nila at ng kanilang lahi. Maraming nagbuwis ng buhay upang makaligtas sila. Maging ang kanilang mga magulang ay namatay dulot ng pagprotekta sa kanila ng kanyang kapatid.

"Oo nga pamangkin. Alam kong magiging proud sila sa inyong dalawa ni Bim-Bim. Iilan na lamang tayo ang natirang buhay dulot ng hindi inaasahang paglusob ng ating kalaban. Ang pagkakaroon natin ng special physique na kung tawagin ay Mortal Ice Body/Physique para sa kababaihan at Mortal Water Body/Physique ay isang biyayang ibinagay sa atin ng manlilikha ay gustog puksain ng ating kalaban. Kailangan nating mag-ingat upang sa hinaharap ay maibangon nating muli ang ating lahi. Pagkatapos ng kompetisyong ito ay sa kukunin ko kayo upang lubos na mahasa ang inyong lakas at kapangyarihan." Sambit ni Levora habang nakatingin sa kaniyang pamangkin.

"Kung iyon po ang gusto niyo Tita. Tsaka hindi naman po siguro kayo Opisyales ng isang Sect hindi ba?!" Sambit ni Breiya habang hinuhulaan ang estado ng kanyang Tita Lora/Levora.

"Hahaha... Hindi pa siguro sinabi ni Mama niyo, ako ang kasalukuyang Sect Master ng Spirit Ice Sect. Naging personal disciple ako ng nakaraang Sect Master ng Spirit Ice Sect." Sambit ni Levora sa mahinahong boses. Ipinagmamalaki niyang naging Master niya ang Spirit Ice Sect. Hindi siya nagsisising ito ang nagturo sa kaniya ng lahat ng bagay na dapat niyang matutunan.

"Wow, hindi ko aakalaing Sect Master ka na pala Tita. Sasabihan ko po si Kuya Bim dito." Sambit ni Breiya.

"Nga pala Tita, baka medyo matagal na ang ating pag-uisap rito. Baka maglikha ito ng komosyon sa Martial Junior Tournament." Dagdag ni Breiya habang makikitaan ng pangamba ang kanyang boses.

"Oo nga eh. Pero mayroon naman akong Time Enchantment kaya hindi rin masyadong matagal ang oras na ginugol natin. Ako na mismo ang kakausap sa Sect Master upang kunin kayo at sa aking Spirit Ice Sect kayo mag-aaral." Sambit ni Levora sa seryosong boses. Alam niyang kung sa kanyang puder mapupunta sina Ambre/Breiya at Bim-Bim/Fatty Bim ay matuturuan niya ito ng personal at mahahasa ng husto ang kanilang potensyal. Gusto niyang makuha ng kaniyang pamangkin ang pinakamainam na pagtrato at pagtuturo bilang pagbibigay-impotansya niya sa kanyang Ate na magulang ng kanyang dalawang pamangkin.

"Opo Tita, pero paano po ang aming kaibigan na si Kuya Van na may numerong 877?" Nababahalang sambit ni Breiya. Ayaw niya ring hindi makapasok at maiwan si Kuya Van niya dahil ito ang tumulong sa kanila na walang hinihintay na kapalit kahit hindi sila magkaano-ano.

"Hmmm... Nakadepende iyon sa kaniyang kakayahan pamangkin. Wala akong kontrol sa kapalaran niya. Kung makakapasok siya o hindi sa Soaring Light Sect o sa ibang mga Sect ay nakadepende iyon sa magiging performance niya, hindi rin ak osigurado kung matutulungan ko siya dahil Concept of Fire ang pinag-aaralan nito. Ayaw mo naman sigurong pangunahan ang tadhana niya diba?!" Sambit ni Tita Lora/ Levora habang matamang nakatingin sa kniyang pamangkin. May lungkot sa boses nito. Alam niyang wala siyang kontrol o karapatang makialam sa usapin at pamamalakad ng ibang Sect lalo na ng Soaring Light Sect dahil isa iyong kabastusan o pag-akto ng rebelyon laban sa mga matataas na opisyales.

"Naiintindihan ko po Tita, upang kunin kaming dalawa ni Kuya Bim ay malaking pasakit na iyon sa inyo bilang Sect Master lalo pa't magkadugo po tayo. Naniniwala rin po ako sa kakayahan ni Kuya Van lalo pa't siya ang pinakamalakas sa amin." Sambit ni Breya haabng sa malungkot na bose ngunit kakikitaan ng saya ang boses nito sa huling sinabi niya.

"Pinakamalakas? Eh Diamond Rank lamang siya eh na halos kasinlebel mo lang siya sa Cultivation Level." Sambit ni Levora habang nagtataka sa sinabi ng kaniyang pamangking si Breiya.

"Basta po tita, malalaman niyo rin po yan!" Makahulugang sambit ni Breiya habang nakangiti.

"Aabangan ko iyan Princess Ambreiya Sophia Fortilon. Upang makuha ang pabor ng batang prinsesa ng Fortilon Clan ay isang karangalan para sa batang iyon." Tanging nasambit ni Levora na animo'y may inaasahan. Labis ang kaniyang pagtataka sa sinabi ng kanyang pamangkin. Bilang makuha ang recognition ng isang prinsesa ay isang karangalan para sa isang batang lalaki na may numerong 877.

Agad na nawala ang yelong bumalot sa lokasyon nina Breiya at ng kanyang Tita Lora/Lovera. Nawala rin ito na parang bola dahil medyo napukos ang kanyang atensyon sa kaniyang kaharap.

Nakita ni Breiya ang kaniyang kalaban na si Lily Ciro na nakatayo sa isang sulok. Gagawa pa sana siya ng panibagong Skill nang magsalita ito.

"Sumuko na ako kanina pa, hinintay ko lamang na mawala ang Tipak ng yelong bumalot sa iyo at ng misteryosong babae." Seryosong sambit nito.

Agad namang lumakad pababa ng entablado si Lily Ciro.

"878 Win!" Malakas na anunsiyo ng announcer.

Malakas na hiyawan naman ang biglang maririnig matapos ang anunsiyo.

...

"Ano'ng sinabi ng misteryosong babae sa'yo Breiya? Sinaktan ka ba niya?!" Sambit ni Van Grego habsng matamang nakatingin kay Breiya.

"Wala naman Kuya Van, Sinabi niya kasing kukuhanin niya ako bilang disipulo niya at si Kuya Bim sa kanilang Spirit Ice Sect. Pero di ko alam kung ano ang magiging desisyon ko lalo pa't hindi ka namin kasama. May kamag-anak kasi kami na doon nag-aaral. Nangako pa kami na walang iwanan pero kami 'tong mang-iiwan." Malungkot na saad ni Breiya. Halatang naguguluhan at malungkot ito sa kanyang ibinalita.

"Eh paano 'yan Breiya?! Siguradong hindi natin makikita ng madalas si Kaibigang Van natin.  Kung ako lang masusunod ay ayokong sumama." Malungkot na sambit ni Fatty Bim. Halos namimili siya sa dalawang choices. Una ay masyadong maganda ang Spirit Ice Sect para sa kanilang mga nag-aaral ng Concept of Ice at Concept of Water. Ang pangalawang choice ay ang pagsama kay Van Grego upang hindi sila magkakawatak-watak ngunit ang kanilang pag-unlad naman ang maaapektuhan. Okay lang kay Fatty Bim ngunit sa kapatid niyang si Breiya ay hindi lalo pa't bihira lamang ang mga heretancies ng mga Ice Skills/ Techniques at iba pa. Ngunit ayaw niya ring sisihin siya ng kaniyang kapatid sa hinaharap at hindi ito umunlad sa kanyang pagtahak sa Cultivation Path. Samakatuwid, gulong-gulo siya sa pangyayaring ito.

"Bata, pumayag ka na lalo pa't siguradong ligtas sila laban sa mga humahabol sa inyo. Tsaka napansin kong medyo mabagal at mahina ang komprehensiyon ng magkapatid sa apoy kung kaya't limitado rin ang maibibigay ng Soaring Light Sect. Kung mananatili sila rito ay hindi sila uunlad ng mabilis. Sa lagay mo naman ay seguridad lamang ang habol mo rito. Bilang Outer Disciple ay hindi ka pagtutuunan ng pansin ninuman at wala ring maaaring hadlang sa paglalakbay mo sa labas." Mahabang eksplenasyon ni Master Vulcarian gamit ang mindlink habang iniisa-isa nito ang bawat mahalagang detalye patungkol sa kaniyang obserbasyon sa pangyayaring ito.

Napag-isip-isip rin ni Van Grego ang sinabi sa kaniya ni Master Vulcarian. Ang bawat sinabi nito ay talagang tugma sa kaniyang iniisip lalo pa't iba ang kalagayan niya sa daalwamg magkapatid na sina Fatty Bim at Breiya. Kaya pala madaling ibinigay sa kanya ni Fatty Bim ang Divine Aquatic Scroll dahil primary technique lamang ito at mayroon na itong natutunang ibang Aquatic Scroll at focus si Fatty Bim sa kaniyang Wing-Type Technique kaya hindi kataka-takang waalng silbi sa kanya ang Divine Aquatic Scroll. Kay Breiya naman ay masyadong walang silbi ang Divine Aquatic Scroll o ang Red Fury Profound Seed dahil likas na magkaaway ang elemento ng apoy at yelo. Fire can burn, Ice can freeze. Dalawang magkaibang at magkalabang elemento.hindi maaaring pagsamahin ang primary element (fire) at ang secondary element ng tubig (yelo). Sa lagay ni Fatty Bim ay maaari siyang makapagsanay sa dalawang elemento/attribute pero limitado lamang ang kaniyang pag-unlad sa apoy dahil sa mga hindi malamang factors.

[A/N: Fatty Bim having a Mortal Water Body/Physique na siyang 100% Water Attribute Element Concept Compatability na hindi alam ni Van Grego o ni Master Vulcarian maging ang pagkakaroon ni Breiya/ Princess Ambreiya Sophia Fortilon ng Mortal Ice Body/Physique ay hindi nito alam dahil isa ito sa pinaka-iniingatang lihim ng magkapatid.]

"Wag kang mag-alala Breiya o ikaw Fatty Bim dahil okay lang ako. Ayoko namang ipilit ang sarili ko dahil hindi angkop sakin ang Spirit Ice Sect para sa aking pag-aaral ng konsepto lalo na sa konsepto ng apoy. Hindi makabubuti sa akin ang pag-aaral ng mortal na kalaban ng apoy na walang kundi ang yelo. Isa iyong Suicidal act. Huwag kayong mag-alala dahil bibisita rin naman ako doon sa inyo kapag may oras akong bakante." Masayang sambit ni Van Grego habang nakangiti. Makikita ang lungkot sa pares na mata nito ngunit hindi niya pinahalata ito. Ayaw niyang maging malungkot na tagpo ang kanilang paghihiwalay ng landas.

"Pero malulungkot talaga kami Kuya Van eh. Parang pakiramdam namin ay nagtaksil kami para sa personal naming ikabubuti tapos iiwan ka namin ng ganon. Masyadong mahirap na desisyon ito para sa amin lalo na't nasanay kami na palagi kang nasa tabi naming magkapatid." Sambit ni Breiya habang kitang-kita ang lungkot sa boses at mukha nito. Nag-aalala siyang tunay at medyo na-guilty siya sa pangyayaring ito.

"Kaibigang Van, tama ang sinabi ng aking kapatid. Parang pakiramdam namin ay ang sama-sama naming kaibigan para sa'yo. Yung pakiramdam na hindi kami naging worth it na kaibigan mo. Ewan ko ba basta ngayon ulit ako nakaramdam ng ibayong lungkot lalo pa't parang tunay na kapatid ka namin hindi lamang iyon dahil parang ikaw pa ang mas nakakatanda sa amin dahil ikaw yung palaging nagpaparaya at gumagabay sa amin. Kung mawalay ka sa amin ay parang nawalan rin kami ng sarili naming kapatid." Malungkot na saad ni Fatty Bim. Kahit pangiti-ngiti pa ito ay bigla ring lumungkot ang mukha nito tandang masakit talaga ang biglang mawalay ka sa taong naging karamay mo sa problema.

Hindi mapigilang malungkot ni Fatty at ni Breiya. Umiyak pa nga si Breiya dulot ng labis na lungkot. Sa kaunting panahon lamang nilang nagkasama ay hindi na iba sa kanila si Van Grego lalo pa't kahit hindi man nila sabihin ay may puwang sa puso nila ang pagkakaibigan nila, ang pagdadamayan nila.

"Ang dadrama na natin ah. Group hug nakang tayo tsaka magkikita pa tayo uy! Masyado yata tayong negatibo mag-isip. Dapat ay subukan niyang mas maging malakas dahil hindi lang dito magtatapos ang paglalakbay ko. Sasama naman siguro kayo sa'kin na lakbayin ang mundong to hindi ba?!" Sambit ni Van Grego habang tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang mata. Hindi man niya sabihin pero parang kapatid na rin ang turing niya kina Fatty Bim at Breiya. Napangiti na lamang. Mas makabubuti ito para kanilang tatlo. Parang isa lamang itong training kung saan susubukan ang tatag ng iyong sarili at kung gaano katatag ang pagkakaibigan nila.

"Oo ba, game ako diyan! Gusto ko ring lakbayin ang buong mundo st harapin ang panganib na dulot nito" Sambit ni Fatty Bim ng nakangiti.

"Sali ako diyan ha! Gusto kong maging malakas na Martial Artists. Sayang naman kung hanggang dito lang ako noh!" Masungit na sambit ni Breiya ngunit hindi niya mapigilang tumawa.

Umukit sa bawat isa sa kanila ang itsura ng saya at lungkot ng kanilang pagsasamahan. Ilang oras na lamang at magkakahiwalay na sila ng landas ngunit hindi ibig sabihin nito ay naputol ang kanilang ugayan bilang magkakaibigan. Dito ay magsisimula ang kanilang pagsubok, pagsubok sa kung gaano katatag ang kanilang sarili at kung saan sila dadalhin ng agos ng buhay.