Agad na nabasag ang nakakabinging katahimikan nang biglang nagsalita si Kin o mas sabihing si Shiba.
"Kahanga-hanga, bilang may titulong Eye Crow ay masasabi kong nakakahanga ang iyong abilidad. Oo, ako nga si Shiba hahaha!" Sambit ng impostor na Kin.
Unti-unting natunaw ang mukha ni Kin at napalitan ng ibang itsura. Lumitaw ang maamong mukha ngunit kasabay din nito ang paglabas ng nakakatakot na awra.
Agad na naglabas ng isang mahabang katana si Shiba, ito ang kanyang totoong sandata. Aatake na siya ng may maramdamang distorsyon ng enerhiya na nasa di kalayuan. Naamoy niya rin ang dugo ng sugatang Adult Four-Armed White Ape.
Maging si Eye Crow ay naramdaman din ang timatagas na awra ng Four-Armed White Ape. Unti-unti niyang nakita ang kinaroroonan ng halimaw at ng isang batang lalaki?!"
Saan ka pupunta magnanakaw? Kung inaakala mong makakatakas ka ay nagkakamali ka!" Galit na pagkakasabi ni Shiba habang nakatingin sa hindi kalayuan. Nang masaksihan ng mga manonood ang inasta ni Shiba ay halos magtaka sila. Hindi nila alam ang kakaibang pangyayari ito.
"Ano Shiba, ako pa ang pagbibintangan mo sa pangyayaring ito? Ako baa----!" Sambit ni Eye Crow ngunit agad itong pinutol ni Shiba.
"Manahimik ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng tiyansa ang magnanakaw na iyon upang makaalis eh." Tugon ni Shiba kay Eye Crow habang may galit na ekspresyon sa kulay dugo nitong mata.
"Hmmp! Parehas lamang tayong nautakan ng magnanakaw na iyan. Habulin na lamang natin siya!" Sambit ni Eye Crow. Hindi niya alam kung makakayanan niyang labanan si Shiba. Matatakasan niya ito pero ang manalo? Hindi niya ito alam kung mananalo talaga siya.
"Hmmmp! Kapag nakatakas siya ay ikaw ang pupudpudin ko ng katana ko!" Sambit ni Shiba na may kasamag pagbabanta. Marami siyang nasayang na oras at enerhiya dahil dito pero wala siyang napala? Isa itong malaking sampal sa mukha niya maging isang malaking kahihiyan para sa sarili niya.
Agad namang sinundan ni Shiba at Eye Crow ang daang tinahak ng magnanakaw ng kanilang pagmamay-ari dapat. Halatang malaking bagay para sa kanila ang Adult Four-Armed White Ape na nasa kamay ni Van Grego.
Napakabilis ng kanialng paglipad gamit ang kanilang pambihirang pakpak. Kahit na hindi sila isang Martial God Realm Experts ay may kakayahan silang lumipad ngunit hindi kasing bilis ng isang Martial God Realm Experts pero wala silang pakialam. Kailangan nilang mahabol ang magnanakaw na iyon sa laong madaling oras.
Maraming Martial Artists ang biglang sumunod sa kanila kahit na takang-taka sila. Kung susunod sila ay siguradong malalaman nila ang buong pangyayari ito.
...
"Hindi ko aakalaing pinapikit mo ako, Master upang kopyahin ang aking anyo at ipahabol sa mga iyon. Inilagay mo rin ang awra ng Adult Four-Armed White Ape doon para saan?! Takang tanong ni Van Grego habang mababakasan ng mangha sa kanyang pares na mata.
"Hmmmp! Isa iyong unique Technique na tinatawag na Illusory Clone technique. Mawawala rin yun mamaya. Ginawa ko iyon para may oras akong maitago ang lugar na ito gamit ang isa pang kakaibang Technique. Ang Area Shift Technique na kayang pagpapalitin ang mga lugar dito sa outer part ng kagubatang ito na tinatawag na Black Phantom Forest upang hindi nila makita ang lungga ng Four-Armed White Ape. Pero hanggang outer part lang ang kaya kung gawin para sa iyo. Wag kang mag-alala dahil ligtas ito.
Hindi na nagsalita pa si Van Grego at giait ang kanyang divine sense uoang silipin ang kalagayan ng Four-Armed White Apes at ng One-eyed Black Wolf. Nasa maayos at hiwalay naman sila ng espasyo ng Interstellar Dimension kung kaya't hindi na pinroblema ni Van Grego ang bagay na ito.
"Sa ngayon ay umalis muna tayo dito, bumalik muna tayo sa maliit na plateau upang makapagrelax tayo. Bukas naman tayo mangalap ng ibang mga sangkap." Sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego.
Tanging tango na lamang ang naging tugon ni Van Grego. Agad na rin siyang umalis sa lugar na ito. Sa tulong ni Master Vulcarian ay naging madali ang paglabas nila sa labas ng kagubatan sa pamamagitan nang walang nasasagupang kalaban alinsunod kay Master Vulcarian.
Masayang bumalik si Van Grego sa kanyang tirahan na walang iba kundi ang Miniature house artifact.
Si Master Vulcarian ay unti-unting kinontrol ang galaw ng kanyang Illusory Clone technique. May namumuong ngiti sa kanyang labi.
"Oras na para makipaglaro sa mga pasaway na mga insekto hahaha!" Sambit ni Master Vulcarian habang nakaupo siya sa isang trono sa loob ng Myriad Painting. Mayroon ding nakalitaw na gumagalaw na imahe. Ang imaheng hinahabol ng dalawang nilalang ang kanyang nasabing Technique. Nakita niya rin ang napakaraming Martial Artists na nakasunod sa pangyayaring habulang ito.
...
Patuloy pa rin sa pagtugis ang dalawang binata na walang iba kundi si Shiba at Eye Crow. Kasalukuyan nilang hinahabol ang matinik na magnanakaw. Mayroong kulay asul na damit ito ngunit napakalabo ng itsura nito maging ang awra nito ay hindi din matutukoy.
"Tikman mo to, Scorching Hell Strike!" Sambit ni Shiba habang malakas na ibinato sng kanyang pambihirang skill.
Limang malalakas na katana Strike intent ang biglang namuo na mabilis na bumubulusok sa kalaban.
Ngingisi sana si Shiba ngunit bago niya pa nagawa ay bigla siyang natuod sa kanyang senaryong nasaksihan maging si Eye Crow ay ganon din.
Tatama na sana ang limang enerhiya na animo'y mga matalim na bagay ngunit bigla na lamang nawala sa pwesto nito ang batang may bitbit ng Four-Armed White Ape. Ang afterimage lamang nito ang natamaan. Patuloy sa pagtakas ang nasabing asul na bata na walang lingon likod.
Ngunit agad naman itong sinundan ni Eye Crow at ni Shiba na hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan.
"Napakaliksi mo bata pero makakatakbo ka pa yata sa gagawin kong ito, White Haven Cage!" Sambit ni Eye Crow habang isinagawa ang isang Trap Technique ng kanilang White Haven Powerhouse.
Agad na biglang lumitaw na sahig na gawa sa enerhiya sa ilalim ng paanan ng nakaasul na bata. Unti-unting may enerhiyang bumalot sa sahig. Nagporma itong kulungan.
"Hahaha, tapos ka na bata---- ano ito? Nakalusot siya? Hindi maaari, hindi ko maramdaman ang awra niya maging ang katawan niya ay gawa sa enerhiya? Patay, kailangan na naming umalis rito. Hindi magandang manatili pa kami rito. Pag nalaman ito ni Shiba, siguradong papatayin kami ng lalaking ito, hahabulin kami nito hanggang sa dulo ng mundo." Sambit ni Eye Crow sa kanyang isipan. Ayaw niyang matuklasan ito ni Shiba dahil siguradong magagalit ito ng lubusan. Kung wala itong mapagbubutan ng galit ay sila mismo ang magdurusa.
Gamit ang divine sense ni Eye Crow, agad siyang nagpadala ng mensahe sa kanyang kasamahan.
Nang biglang humabol si Shiba sa magnanakaw ay nawala ng parang bula ang bawat miyembro ng White Haven Powerhouse kasama na rito si Eye Crow.
Ang iba ay hindi na rin nakahabol at ang iba ay hindi na rin sinundan sina Shiba at Eye Crow. Malapit na silang pumasok sa boundary ng Inner part ng Black Phantom Forest kung kaya't nabahag ang buntot ng halos lahat.
Sa kasalukuyan ay si Shiba na lamang ang natira.
Nang makita niyang papasok na sa inner part ng Black Phantom Forest ang nakaasul na damit na bata ay nahintatakutan siya. Gamit ang kanyang katana ay nagsagawa siya ng isang napakalakas na Technique.
"Shattering the Void Katana!" Sigaw ni Shiba habang binato niya ito ng malakas. Isa itong all-out strike.
Mula sa itaas ng nakaasul na damit na bata na may dala-dalang Four-Armed White Ape ay mayroong maraming malalakas na Katana sword Light. Bigla itong sumabog sa mismong katawan ng batang nakaasul na damit.
"Hmmm, energy clone? Hindi maaari! Eye Crow! Eye Crow? Buwiset, tinakasan ako ng traydor na iyon! Magbabayad siya. Hindi ko man siya mahanap ngayon ay siguradong lilitaw siya sa Martial Tournament limang taon mula ngayon. Doon ko siya lalampasuhin!" Galit na galit na sambit ni Shiba. Sa isip niya ay ilang ulit na niyang pinapatay si Eye Crow.
Hindi na nagtagal ay nilisan ni Shiba ang lugar na ito na may sama ng loob partikukar na rito ang panglilinlang na kanyang natamo. Isa itong kahihiyan na gugulo sa kanyang isipan. Isa ito sa kanyang Heart demon na tatatak sa kanyang puso't-isipan.
...
"Boring... Hindi man lang ako pinagpawisan." Sambit ni Master Vulcarian matapos ang kanyang paglalaro sa kanyang mga itinuturing na laruan.
Inisang lagok niya lamang ang pambihirang wine na kanyang iniinom.
...
Ilang oras ang nakalipas at nanumbalik sa kanyang sarili si Van Grego. Hindi niya alam ngunit bakit ganon na lamang nakakatakot ang enerhiyang inilalabas ng mga Martial Artists sa kaniyang paligid ng kaniyang inoobserbahan. Ang pagtatakang ito ay patuloy na bumabagabag sa kanya.
Para mawala ang pagtatakang ito ay agad na nagtanong si Van Grego kay Master Vulcarian.
"Master, hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang lakas ng mga Martial Artists na naroroon sa loob ng kagubatan? May kinalaman ba ito sa kanilang Bloodline o wala? Sa awra pa lamang nila ay walang binatbat ang mga Martial Artists ng Hyno Continent sa Arginon Continent o Bat Continent." Wika ni Van Grego na puno pa rin ng pagtataka sa kanyang isipan.
"Hmmm... Marahil nga ay mayroong kinalaman ang special bloodline nila sa mga Martial Beasts ngunit isa lamang iyong factor na nakakadagdag sa lakas ng Martial Artists ngunit nakalimutan mo ba na mayroong Seal ang Hyno Continent at ang pagtanim ng Evil Germinating Seed Pills sa kanilang katawan ay lubos na humina ang mortal na katawan ng mga tao na naninirahan sa loob ng Hyno Continent pero huwag kang mag-alala dahil isa iyong biyaya o suwerte sa kanila. Kumbaga pa ay sampong beses na mahirap ang pagcucultivate ng isang Martial Artists sa Hyno Continent kumpara sa labas. Kung hindi mapupuksa ang Evil Germinating Seed Pills sa katawan ng tao ay magkakaroon ng pagbara ng mga enerhiya sa loob ng dantian ng mga ito habang lumalaki sila maging ang Seal ay nagpapahirap sa pangangalap ng essence energy o yung origin energy na natural na namumuo sa kapaligiran. Huwag kang mag-alala dahil malaking tulong iyon sa bawat isa lalo na habang papatagal. Kung may masamang dulot ay mayroon din itong magandang epekto. Hindi magtatagal ay lilitaw ang maraming mga Martial Experts sa loob ng Hyno Continent ngunit masasabi kong masasagupa mo ang iba sa kanila limang taon mula ngayon." Sambit ni Master Vulcarian sa mababang tono haabng may matalinhagang salita siyang sinabi sa dulo.
Nagtataka man si Van Grego sa mga bagay-bagay ay inintindi niya ito maging ang maaaring maganap daw limang taon mula ngayon ay lubos niyang itinanim sa kaniyang isipan. Alam niyang makakalaban niya din ang ibang mga talentadong Cultivator sa hinaharap. Hindi na siya nagtanong pa dahil wala rin siyang mapapalang sagot muli kay Master Vulcarian.
Agad niyang binuksan ang Interstellar Dimension, ngunit isang malaking kamay na may matatalas na kuko ng halimaw ang biglang lumabas dito. Mabuti na lamang at ginamit agad ni Van Grego ang Law of Space and Time. Agad siyang umikot at umatras palayo.
GRRRRRR!!!!
Biglang lumabas ang Adult Four-Armed White Ape na may mabagsik na ekspresyon na animo'y galit na galit.
Nahintatakutan naman si Van Grego sa inasal ng halimaw na Four-Armed White Ape.
Aatake sanang muli ang malaki at mabagsik na halimaw ngunit isang kakatwang pangyayari ang biglang nangyari.
"Tigil!" Sambit ni Master Vulcarian sa ibang tono ng pananalita.
Bigla namang natuod at sumuka ng sariwang dugo ang halimaw. Makikita sa mata ng Four-Armed White Ape. Isa lamang ito, isa itong absolute suppression sa halimaw na Four-Armed White Ape.
"Master, akong ginawa niyo? Baka mapatay niyo ang Adult Four-Armed White Ape!" Sambit ni Van Grego na puno ng pag-aalala.
"Hmmp! Muntik ka na ngang atakehin ng halimaw na iyan, mas pinapahalagahan mo pa ang mabagsik na halimaw na iyan. Hindi niya kasi alam ang lakas ko sa basurang halimaw na iyan. Kung hindi ko pinigilan ang aking awra sa kanya ay baka nalagutan ko na ang basura niyang buhay!" Sambit ni Master Vulcarian habang nagpipigil ng inis.
"Naiintindihan ko po, salamat Master sa iyong pagligtas sa akin pero paano ko ito mapapaamo?!" Sambit ni Van Grego na puno ng pag-aalala. Hindi kasi siya yung may abilidad na magpaamo ng halimaw.
"Hanapin mo sa iyong isip bata ang Heart of Undying Beasts Technique! Siguradong makakatulong iyon upang hindi ka aatakehin ng mga halimaw sa agresibong paraan. Ikaw na bahalang umalam. Kunin mo ang mga medicinal herbs sa loob ng Interstellar Dimension gamit ang iyong isip at ilagay sa Medicinal Garden mo dito." Sambit ni Master Vulcarian habang nagbibigay ng utos sa batang si Van Grego.
Agad namang sinunod ito ni Van Grego. Gamit ang kanyang sariling kontrol sa Interstellar Dimension ay agad na lumipad palabas ang medicinal plants (medicinal herbs, grass, fruits). Unti-unting itinanim ni Van Grego sa lupa mismo ng medicinal garden ang mga ito. Napakarami nito, ito ang lahat ng kanyang nakuha sa paglalakbay niya sa outer part ng Black Phantom Forest.