Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 92 - Chapter 37

Chapter 92 - Chapter 37

BOOGSSHH!!!

Walang naramdaman na kahit anong sakit ang batang Cultivator habang nakapikit pa rin ito ng matagal. Hindi niya alam na nagmaterialize ang katawan nito palabas sa Aerial Training Platform. Maraming mga iba't ibang kulay ng mga aparato ang nakakabit sa kanyang katawan.

Napamulat siya ng makarinig siya ng sigawan o sigaw lamang ng boses na alam niyang sobrang pamilyar siya. Ito ay walang iba kundi ang guro nito.

Nang makita siya nito ay mabilis siyang niyakap ng guro niya na halos hindi siya makahinga.

"Ano ba guro, hindi na ko makahinga. Papatayin niyo ba ko sa higpit ng yakap niyo?"Ang nakangiwing sambit ng batang Cultivator habang yakap-yakap siya ng mataba niyang guro. Halos mabaon siya sa laki ng bilbil nito na tumatalbog-talbog kung lumakad at ito siya ngayon, nakikipagsagupaan sa bilbil nito.

Tawang-tawa naman ang guro niya sa reaksyon ng kanyang estudyante at aga niyang binitawan sa mahigpit na pagkakayakap ito. Ngunit nagbago ang ekspresyon nito ng nilibot nito ang kanyang paningin sa labas ng Aerial Training Platform na kinaroroonan nila.

Nasaan ang namamahala ng Aerial Training Platform na ito? O gusto niyong iparating ko ito sa nakakataas na opisyales ng Platform Alliance upang sila ang umaksiyon sa kapabayaan niyo!" Sambit ng kanyang guro habang nagsasalita ito ng napakalakas na boses na sa tonong pagalit. Alam niyang sobra kong magalit ang kanyang guro lalo na kung may kinalaman ito sa kanyang estudyante.

"Ahh...ehh, hindi po p----" sambit ng isang miyembro na namamahala sa Aerial Training Platform.

"CREAAAKKKK!" Malakas na tunog ng pintuan ng marahas itong binuksan ng isang Cultivator na siyang pamilyar ang lahat. Ito ay si Syll Malone. Halatang hindi maganda ang timpla ng kanyang araw ngayon lalo pa't madami siyang gawaing napakakomplikado at ngayon ay dumagdag pa ito. Gusto niyang puntahan at bigyang-aksyon ito kung kaya't nawala sa kanya ang pagiging kalmado at halos hindi siya magkandaugaga sa mga papeles at gawain sa kanyang opisina. Ang pagiging Pinuno ng isang Alliance ay isang napakabigat na pasanin at tungkulin lalo pa't maraming Cultivator ang kanilang binibigyang serbisyo at siguraduhing tama ang serbisyong ibinibigay nila kapalit ng malaking halaga.

"Anong nangyayari dito!" Pasigaw na sambit ni Syll Malone sa kanyang inatasang miyembro sa Aerial Training Platform na naririto. Nakayuko pa rin ito at sa pagkakaintindi niya sa sitwasyon ay hindi ito magsasalita. Agad na nilibot nito ang kanyang paningin upang makita ang mga tao o Cultivator na may kinalaman sa ganitong kaguluhan. Agad siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan ng makita kung sino ang nakatayo ilang metro mula dito.

"Mas-master I-inuyo?! A-ano p-po ang ginagawa niyo rito?" Pautal-utal na pagkakasabi ni Syll Malone nang makita ang isang tanyag na Master ng napakalawak na Kontinenteng ito. Sinong mag-aakalang mapapadpad dito ang isa sa tinaguriang

bayani noong nagkaroon ng malaking dagok ang kontinenteng ito ngunit iwinaksi niya muna ang mga bagay na kaniyang iniisip dahil talagang isa sa iniidolo niyang persona ito.

"Ah, ikaw pala Syll, Malaki ang pinagbago mo ah parang hindi kita nakilala agad." Masayang sambit ni Master Inuyo habang sinusuri nito ang kabuuang itsura ni Syll maging ang pananamit nito. Noong bata niya pa ito huling nakita at ngayon ay ibang-iba na ito. Alam niyang may mataas itong posisyon hindi dahil sa mayroon ito itsura kundi sa magarang kasuotan na suot nito idagdag pa ang kakaibang mga disenyong nakaburda sa damit nito maging sa mga dekorasyon sa katawan nito lalo na ang mga singsing sa mga daliri nito.

"Oo ako nga po. Pero bago ang lahat, ano po ba ang naging suliranin ninyo tungkol sa Aerial Training Platform na ito Master Inuyo?" Sambit ni Syll Malone sa magalang na tono. Hindi basta-bastang Cultivator ang nasa harap nila at kahit na sinong mga Customer nila o siniserbisyuhan nila ay pinakikitaan nila ito ng paggalang at anumang sensiridad upang hindi masira ang anumang reputasyon na kanilang Alliance. Isa pa ay alam niya ang kinalulugaran niya. Hindi siya isang pinuno ng kabuuang Platform Alliance. Isa lamang siyang Ambassador ng Aliance at mukha ng samahan na ito. Ang pagiging bastos niya ay siya rin namang makakaapekto ng masama sa Platform Alliance na siyang iniiwasan niya.

"Masyadong mapanganib ang naging pagsasanay ng aking estudyante lalo pa't hindi nakayanan ng Platform ang pinagsamang atake ng dambuhalang Martial Beast at ng aking estudyante. Siguradong hindi niyo ito pinagtuunan ng pansin dahil nasa himpapawid ang naging labanan ngunit masyadong marahas at brutal ang halimaw na inyong ipinalabas at ipinalaban niyo sa aking estudyante. Sigurado akong iuulat ko ito kay Xizoll Narim upang solusyunan ang anomalya sa data at system na nakalagay dito sa Aerial Training Platform." Sambit ni Master Inuyo habang isinasalaysay ang kanyang obserbasyon sa Aerial Training Platform na naririto. Kahit na sabihing consciousness lamang ng Cultivator ang naroroon at tanging data lamang ang natatransport sa loob ng Aerial Training Platform ay masyado pa ring delikado kung mamamatay ang artificial na katawan ng Cultivator at siguradong tatama at maaapektuhan nito ang utak at isipan ng indibiduwal na Cultivator. Ito ang lubos na inaalala ni Master Inuyo.

"Ngunit papaanong nangyari iyon? Siguradong aksidente lamang ang nangyari at hindi na kinakailangan ng anumang safety Precautionary measures na gagawin, hindi po ba?" Sambit ni Syll Malone habang iniisip ang maaaring idudulot ng aksyon ng matandang guro na ito na si Master Inuyo.

"Kung inaalala niyo ang maaaring idulot nito sa inyong propesyon lalo na sa inyong trabaho ay wala itong magiging anumang epekto sapagkat pormal na inatasan ako ni Xizoll Narim upang subukan ang Aerial Training Platform at marami ngang anomalya sa system na komokontrol sa Platform na ito. Baka nga sa iba ay ganoon din kung Kaya't siguradong aayusin ito ng Platform Alliance mismo." Sambit ni Master Inuyo habang isinasalaysay ang kabuuang dahilan ng lahat ng ito.

"Ganon po ba Master Inuyo, tiwala akong masyado ng maraming anomalya ang nangyayari sa Aerial Training Platform lalo na sa ibang uri ng Platform na pinag-eensayuhan ng mga iba't ibang Cultivators." Magalang na pagkakasabi ni Syll Malone habang makikita ang sinseridad sa mata nito habang nakaharap ito sa matabang guro.

Maya-maya pa ay dumapo ang mata ni Syll Malone sa batang Cultivator na medyo maputla ang itsura nito.

"Sino ang batang Cultivator na ito Master Inuyo?"dagdag na sambit ni Syll Malone habang sinusuri ang batang Cultivator ng may kuryusidad na makikita sa mata nito. Sa antas ng batang Cultivator na ito na Martial Precognitor Realm ay imposibleng wala pa itong Martial Soul maging ng Martial Spirit na lubos niyang ipinagtataka. Posible pang mayroon itong Martial Soul pero walang Martial Spirit. Nangangahulugan lamang na kung walang Martial Soul ang isang Cultivator ay maituturing na lamang silang pabigat sa Clan o sa angkang sakop nito na katulad sa mga crippled na mga Cultivator noon ngunjt ordinaryong nilalang o tao na lamang ang mga ito.

"Ohh, siya nga pala ito ang aking nag-iisang estudyante. Ang pangalan niya ay Aljero, isang Vessel Cultivator." kalmadong pagkakasabi ni Master Inuyo.

Halos malaglag ang panga ng nakarinig lalong-lalo na si Syll Malone. Hindi sila makauma sa kanilang narinig idagdag pang isang Vessel Cultivator, isang maalamat na Cultivator na may malaking potensyal na maging makapangyarihang indibiduwal o nilalang sa mundong ito.