Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

CODE NAME: COSIMA—HER SECRET IDENTITY

🇵🇭Soulless_Wp
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.6k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

"Oy! Tignan niyo may isang mayabang na babae rito, gusto mo rin bang masaktan?"

"Wait, chill mga pre. Tignan niyo naman ang ganda ng hubog ng katawan parang model, masarap siyang gawing pulutan."

"Gusto ko ako ang mauuna. Hey, miss! Baka gusto mong magpakasarap sa amin?"

"Mamili ka na sa aming apat kung sino ang gusto mong pumapak sa iyo, para hindi ka na rin naman masaktan. Paligayahin mo na lang kami," ito ang maririnig mong mga wika nila.

"Wasting my time is not one of my cup of tea, but sige pagbibigyan ko kayo mga bulldogs. Apat na mga pangit na lalaki laban sa isang studyanting walang kalaban-laban," wika ko rito. "Sa tingin ninyo ba ay papatulan ko iyang pangit ninyong pagmumukha? Nakasusuka!" wika ko pang nang-iinis.

"Yabang mo ah, baka naman katawan mo lang ang maganda kaya ayaw mong alisin ang helmet mo dahil mukha kang hipon," wika ng isang lalaking mukhang shokoy. At sabay-sabay silang nagsitawanan.

"Tsk! Some fun? Wannit? Well, gusto ko rin iyon." Wika ko sabay sipa sa tiyan ni shokoy, at saka ko ito sinikmuraan.

"Ahhhhhh! Masakitttt!" Sigaw ng mukhang tarsier, sabay wasiwas ng kutsilyo. Umikot ako bahagya at saka sinipa ang masilan niyang bahagi sa katawan sinunod ko naman ang dalawa niyang kasamahan at binugbog hanggang sa hindi na makilala ang kanilang itsura.

"Sa susunod na makikita ko pa na mayroon kayong sinaktan, o pinagtripan papatayin ko na kayo!" wika ko sa apat na lalaki.

"H-Hindi... Hindi na mauulit boss," sabay-sabay nilang wika na natatakot at tumakbo paalis.

Bumalik ako sa motor ko at sumakay doon.

"Tumayo ka at sumakay ka sa motor ko," wika ko sa studyante na kanilang binugbog kanina.

Sa una ay nag-aalanganin itong sumakay pero sa kahulian ay sumakay rin. Nagmaneho na ako papalayo sa lugar na iyon. Ramdam ko ang panginginig niya kaya naman huminto ako saglit sa pagpamaneho.

"Your hands," walang emosyon kong ani at mabilis din naman niya itong nilahad sa akin.

Pinulupot ko ito sa aking maliit na baywang at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Baka mahulog pa ito dahil sa panginginig ng katawan niya at maging kasalanan ko pa.

After a few minutes na pagmamaneho ay hininto ko na ang aking motor sa may malapit sa mga bus at doon ko siya pinababa.

"Here, take this! Wipe the stain— blood on your face. Ayaw kitang makita ulit sa ganoong sitwasyon! Try to protect yourself dahil hindi sa lahat ng oras o panahon ay may darating na tulong na para sa iyo. Be a man not a boy, keep it on your mind," walang emosyon kong ani.

"W-Wait... M-Magkikita pa ba tayong m-muli?" matapang nitong tanong sa akin.

"Kung nanaisin mo." Aniya at mabilis na pinaharurot ang aking motor paalis.

**†**

"Pagmasdan ninyong maigi ang inyong amo! Ito ba? Ito ba ang pinagmamalaki ninyong mafia boss? Isang talunan at mahinang nilalang, naliligo sa kaniyang dugo!" sigaw ni Cosima, ang kinatatakutan ng lahat ng mga mafia.

"I'm the only Queen, and to those who do not wanna obey my rules, I swear! I will kill you without any hesitation! And seeing your bloods will make me alive and happy." Sabay bugbog nito sa lalaking nakamaskara, ang boss ng mga ibang mafia.

"Parang ibang Cosima, na ang na sa harapan natin ngayon," wika ng isang lalaki. I don't know kung sino ang taong ito.

Baguhan pa lamang ako at wala pang masiyadong alam sa mundong ito at kung ano ang mga patakaran na dapat ay sundin. Ginagawa ko lang ito upang kahit papaano ay matuto akong protektahan ang aking sarili sa mga gang na gusto akong pagtripan at gaya ng gusto ng babaeng minsan ay nagtanggol sa akin.

"What do you mean?"

"Si Cosima, ay ginagalang ng mga karamihan sa mga mafia. Totoong tinuturing siyang reyna, kahit siya ay babae lamang ay napakagaling nitong makipaglaban at magaling ding pinuno wala pang nakakatalo sa kaniya. Ngunit kahit kailanman ay hindi niya binanggit na isa siyang reyna ng mga mafia, kahit na iyon naman talaga ang turing sa kaniya. Hindi ako puwedeng magkamali dahil hindi siya mayabang at puro salita. Hindi niya kailangang manakot dahil sa titig palang niya ay puwede ka ng mamatay kung sobrang hina ng iyong kalooban. Presensya palang niya ay tunay na nakasisindak na."

"Ano ba ang nasaisip mo?"

"Parang may mali, oo kinatatakutan siya dahil sa taglay niyang galing kung makipaglaban, brutal din siya kung pumutay sa kaniyang mga kalaban na kinasusuklaman ngunit hindi kabilang sa mga pinapatay niya ang mga taong walang kalaban-laban," wika nito na halatang naguguluhan at takot.

"Isang taon siyang nawala at ngayon ay nagbabalik na para bang ibang tao na. Naging mayabang at kahit na ang walang kalaban-laban ngayon at mga inosente ay pinapatay na. Alam kong hindi ito ang totoong Cosima, dahil ang totoong Cosima, ay sa titig palang niya ay matatakot ka na ng husto at manginginig na para bang demonyo ang nakikita mo."

"ORAS NA PARA IKAW AY MAMATAY!"—Cosima.

Halos maistatwa ako nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking kaniyang binubugbog dahil sa inalis ni Cosima, ang suot nitong maskara.

"Pa-" someone's cutted my word.

"Huwag kang sisigaw! Baka pati ikaw ay madamay."

"Wala akong pakialam!"

"Don't you dare! Ibang Cosima, na ang nasa harapan natin baka pati ikaw ay paslangin niya."

Tatakbo na sana ako sa kinaroroonan ni Papa, ngunit huli na ang lahat dahil walang awa na itong pinatay ni Cosima, ginilitan ng leeg at pinutulan ng dila.

"BOSS! BOSSSSS!" sigaw ni Zee, na naging dahilan para magising ang aking diwa. Tsngina mga alaala lang pala.

"What!"

"Boss, kanina pa kita kinakausap ngunit parang ang utak ninyo ay lumilipad."—Zee.

"I see. Wala namang pakpak ang utak ko!" sarkastiko kong ani.

"Hayst, alam ko naman iyon boss."—Zee.

"Tsk, sampong taon na pala ang lumipas ngunit hindi pa rin natin nabibigyan ng hustisya si Papa. Limang taon na rin nating pinaplanong patayin si Cosima! Pero wala paring nangyayari. At ngayon bigla naman siyang naglaho. Anim na buwan na siyang hindi nakikita!"

"P-Pero boss? Hindi ka ba natatakot sa kaniya? Kaya mo na ba kayang makipagsabayan sa isang reyna ng mga mafia? Kahit na isa kang mafia boss, at sobrang kinatatakutan na rin at pumapangalawa sa kaniya... Pero iba pa rin ang mafia Queen, isa siyang magaling... Diyosa sa pakikipaglaban at matalino sa pag-iisip ng mga taktika wala pang nakatatalo sa kaniya marami rin siyang koneksyon," wika nitong may halong takot habang binabanggit ang ngalan ng pstang babaeng iyon.

"I am not Ieroux Patiemone for nothing! Sa sampong taon na iyon ay ginugol ko rin ang pagpapalakas sa aking katawan at isipan—sarili. At para maabot ko rin kung saan man ako ngayon ay kinailangan kong  patayin ang mga malalakas at pinakamasamang mga mafia boss. I'll kill her, I swear! I will avenge for what she've done to my father. Kinasusuklaman ko siya ang marinig palang ang ngalan niya ay umiinit na ang ulo ko. I will never show any mercy to her. NEVER!"

To be continued...