Chapter 2 - CHAPTER 1

"Boss Ieroux, hawak namin ang dating kanang kamay ni Cosima, nasa headquarters kami ngayon," wika ng isang lalaki sa kabilang linya. Masaya nang marinig ni Ieroux, ang balitang iyon dahil gustong-gusto na niyang malaman kung saan naroroon ang mortal niyang kalaban upang mabigyan nang hustisya ang kaniyang ama na pinatay ni Cosima. Kating-kati na ang palad nito.

IEROUX PATIEMORE, he was born on may 17, 1995 a Ceo in real-world and a mafia boss in underworld and he is also a licensed Doctor. A sexy, rich and handsome man, many woman, praised on him. But he doesn't care about it. He's only deeply in love to the woman whom saved him 10 years ago. Lubhang kinatatakutan sa underworld wala siyang awa kung pumaslang, magaling kung siya'y makipaglaban. At simula nang makaupo at kilalanin siyang mafia boss, ay hindi pa siya natatalo kahit na minsan. Nakukuha niya ang lahat ng kaniyang nais puwera lang sa hustisyang matagal na niyang gustong makamit para sa namayapang ama.

Ieroux: "Okay," walang emosyon nitong ani at mabilis na binaba ang telepono.

Walang anu-ano ay pinaharurot na ni Ieroux, ang kaniyang kotse upang mabilis na makarating. Para sa kaniya dapat ay wala siyang sinasayang na oras pagdating sa taong pumaslang sa kaniyang ama.

IEROUX'S POV:

Nang makarating ako sa headquarters ay dali-dali kong pinuntahan si Zee, hindi ko dapat palagpasin ang araw na ito lalo na at tunggol sa babaeng iyon.

"Where?" malamig kong ani rito dahilan para siya ay matakot sa akin. Alam kong ayaw niya sa ganito kong presensya kahit madalas naman akong ganito.

Zee: "N-Na... Na sa loob, boss."

Bumungad sa akin ang isang babae, hindi na ako magtataka na babae ang kanang kamay ni Cosima, dahil isa rin naman siyang babae. Babaeng psta.

"Nasaan ang amo mo at sino ang pamilya niya?" mariin kong tanong dito habang hawak-hawak ang kaniyang buhok.

Nagsuot ako ng mask at tanging mata ko lang ang kaniyang nakikita pero kitang-kita ko kung paano siya masindak.

"W-Wala akong alam sa sinasabi ninyo!"

"Huwag kang magmatigas babae, I don't care if you're a woman, dahil sa oras na maubos ang pasensya ko sa iyo. I will kill you! Now, tell me where is she!" Mabilis itong napalunok ramdam ko ang kaniyang takot. Sige lang ganiyan nga matakot ka sa akin.

"M-Matagal na akong walang balita kay Cosima! Matagal na rin kaming umalis sa underworld simula nang mamatay ang Papa, niya nabanggit niya iyon nang hindi sadya, bigla siyang naglaho At kahit ako ang naging kanang kamay niya ay kahit ni minsan ay hindi ko pa nakita ang itsura niya. Kaya wala akong alam kung nasaan siya ngayon!"

"Zee, my dagger baka gusto talaga ng babaeng ito na sinasaktan siya!" Nakangisi kong ani dahilan para pagpawisan siya ng sobrang lagkit.

"K-Kahit patayin mo pa ako ay wala kang makukuhang sagot mula sa akin, I am not scared to die, wala nang mas nakakatakot na bagay sa akin kun'di ang makaharap si Cosima, habang sobrang galit. Hindi ko alam kung nasaan siya! Wala akong alam sa buong pagkatao ni Cosima, kahit ang tunay niyang ngalan ay hindi ko alam dahil sobrang maingat siya! Wala siyang binabanggit tungkol sa pamilya niya!" mariin nitong wika.

"Okay, kapag hindi ako nakapagtimpi sa babaeng ito baka mapatay ko nang hindi manlang napakikinabangan! Kayo na ang bahalang kumuha ng mga impormasyon sa babaeng iyan baka magilitan ko ng ulo nang wala sa oras. Pasalamat ka at may aasikasuhin ako ngayong araw. Pahirapan niyo kung kinakailangan!"

"Pasalamat ka dahil may kailangan kami sa iyo dahil kung hindi kanina pa nakahiwalay iyang ulo mo sa katawanan mo!"

Tumalikod na ako para umalis.

Aalis nasa na ako nang... Nang biglang magsitumbahan ang mga tauhan ko at nang lumingon ako ay nakawala pala sa pagkakatali ang babaeng iyon hindi ko akalaing magaling siya kung makipaglaban dahil mabilis niyang napatumba ang lima kong tauhan, pero wala siyang panama sa akin.

Mabilis kung sinipa ang likuran niya dahil sa nakatalikod siya sa akin na naging dahilan para siya ay matumba, mabilis naman itong tumayo. Aakmang susuntukin ko na sana ang kaniyang tiyan pero nang mahawakan ko ang kaniyang pulsuhan ay bigla akong napatigil kaya naman ang dalawang tuhod na lang niya ang mabilis kong sinipa para mapaluhod siya.

"Ahhh," rinig kong daing niya.

"Pregnant, woman?" tanong ko rito na hindi pinag-isipan at naging dahilan upang manlaki ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang reaksyon ay wala siyang kaalam-alam sa kaniyang sarili. Pero wala akong nakuhang sagot na mula sa kaniya.

"Tsk, itali ninyo ng mahigpit ang babaeng iyan."

"Zee, bantayan ninyo siya ng maigi ibigay ninyo ang pangangailangan niya. Patayin ninyo kapag tumakas siya!"

Zee: "Masusunod, boss!"

"Huwag kayong tatanga-tanga babae lang iyan."

Ang buong akala ko ay makakukuha ako ng sagot muntik pa akong makapatay ng bata. Kahit ano pa ang galit ko ay hinding-hindi ko kayang pumaslang ng bata na walang kamuang-muang at ipagkait ang mundo na dapat ay kaniyang masilayan. Pero bakit habang kaharap ko ang babaeng iyon ay wala akong maramdamang galit?

Masiyadong mailap sa amin si Cosima, sa bagay mahirap mamatay ang masamang damo at siguro ay kakampi rin niya si kamatayan.

May isa pa pala akong dapat hanapin at iyon ang babaeng nakilala ko 10 years ago. Nasaan na kaya siya? Kumusta siya? Paano ko naman kaya hahanapin ang isang taong tanging palatandaan ko lang ay isang panyo? Ni hindi ko manlang nasilayan ang kaniyang mukha. P-Pero ang babaeng iyon nabihag niya ang puso ko sa maikling oras kahit na hindi naging kami ay naging tapat ako rito at wala akong ibang babae na minahal at nagustuhan bukod sa kaniya ang hirap niyang kalimutan para bang araw-araw siya ang madalas kong maisip. She is like an ecstasy. At isa lang ang alam ko siya lang ang makapagpapanumbalik ng sigla sa puso kong nanghihingalo buhat ng aking mapait na nakaraan. Sana nga lang ay wala pang pamilya ang babaeng mahal ko.

Hindi ko alam kong saan ako magsisimula para hanapin ang misteryosong babaeng iyon pero ang sumuko ay wala sa aking bukabularyo lalo na at tungkol sa kaniya, sana nga lang ay masilayan ko na siyang muli.

"Wait... Magkikita pa ba tayong muli?"

"Kung nanaisin mo."

Biglang sumagi sa aking isipan ang binitawan niyang mga salita. Kung nanaisin ko? Matagal ko nang ninanais na masilayan siya ngunit hindi ko pa rin siya mahanap-hanap. Kagaya lang siya ni Cosima, na mahirap hanapin.

To be continued...