Chereads / Single Dad by Author Bhelle / Chapter 1 - Kabanata 1

Single Dad by Author Bhelle

🇵🇭Author_Bhelle
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Kabanata 1

CHAPTER 1

DALAWANG magkasunod na malakas na busina ang pumukaw kay Manang Ester. Nasa kusina ito at nag-iimpis nang pinagkainan niya. Dali-dali itong lumabas upang buksan ang gate. Dumating na kasi ang amo niyang si Kinly.

"Salamat Manang," wika ni Kinly matapos maigarahe sa loob ang sasakyan.

"Kumain ka na ba anak?" tanong naman ni Manang Ester na kasalukuyang isinasara na ang gate.

Anak ang tawag niya rito sapagkat itinuring na ni Manang Ester na anak si Kinly. Sa tagal ng pagsisilbi nito sa pamilya ay hindi na matatawaran ang pagmamahal niya sa mga amo. At ganoon rin sa nag-iisang anak ng dati niyang amo.

"Busog pa po ako," maikling tugon nito.

"Sige, anak. Kapag nagutom ka ay tawagin mo lang ako. Ilalagay ko sa ref ang ulam upang hindi masira."

Sigurado si Manang Ester na hindi pa naghahapunan ang kaniyang amo. Kilala na niya ito dahil workaholic talaga ito simula ng mamatay ang mga magulang nito. Nailipat sa kaniya ang lahat ng responsibilidad ng yumaong mga magulang. Halos wala na nga itong oras para magpahinga dahil kulang pa ang oras nito upang matapos ang lahat ng trabaho niya. Umuuwi ito sa bahay ngunit nagkukulong pa rin sa kuwarto. Madalas na lang niya itong naabutan na nakasubsob sa lamesa at nakatulugan na ang pagtatrabaho.

Matapos iligpit ni Manang Ester ang mga gamit ni Kinly ay nagtimpla naman ito ng kape at dinala nito sa kuwarto ng amo. Nadatnan niya itong tutok na naman sa laptop at sa mga paper works sa lamesa.

"Anak, itinimpla kita ng kape." Ipinatong ni Manang Ester ang kape sa table.

"Salamat po," maikling tugon nito na hindi man lang nakuhang lumingon sa kaniya.

"Siya nga pala anak, bukas na darating 'yong bagong mag-aalaga kay Kenny."

Saglit na napatigil sa gawa si Kenny. Naalala ang anak na kasalukuyang tulog na ngayon sa kabilang silid.

"Kayo na po ang bahalang mag-training sa kaniya, Manang Ester. Kumusta po si Kenny?"

"Okay lang naman, kaso palagi ka niyang tinatanong. Mukhang kailangan ninyong magbonding mag-ama dahil nakikita ko sa mata ni Kenny na na-mimiss ka na niya. Palagi nga niyang tinatanong kung nasaan ang mommy niya."

"Baka next week po, mamasyal kami ni Kenny sa province."

"Pero sinabi mo na rin iyan ng ilang beses sa kaniya. Hindi na naniniwala ang bata sa mga pangako natin sa kaniya anak..." malungkot na saad ni Manang Ester.

Ilang beses na nga bang nangako si Kinly na palagi niyang ipapasyal ang anak, pero palaging nagkakaroon ng emergency o hindi kaya'y may minamadaling tatapusin sa trabaho. Nakakaawa ang itsura ni Kenny sa tuwing madi-disappoint siya sa ama. Kaya naman maging ang ina rin nito ay tinatanong na rin niya kung nasaan nga ba at bakit hindi niya nakakasama. Marami na lang siyang idinadahilan, ngunit madalas pa rin nitong itanong sa kaniya.

"Mauunawaan din po niya ang lahat kung bakit ako abala sa trabaho. Para din naman po lahat sa kaniya itong mga ginagawa ko." Malungkot na kinuha ni Kinly ang tasa ng kape at bahagyang humigop.

"Nauunawaan ko ang pagiging masigasig mo sa trabaho anak, ngunit huwag mo rin kalimutan na may anak ka na nangangailangan din ng iyong atensyon. Hindi natin maaalis sa mga bata na maghanap ng present ng magulang. Malawak ang sakop natin bilang magulang at hindi lang natatapos sa pagiging good provider ang ating role bilang magulang. Tandaan mo anak na dumaan ka rin sa magiging bata at alam mo kung gaano ka nangulila sa ama mo noong maliit ka pa. Ako ang kasakasama mo sa tuwing hinahanap mo ang iyong ama na abala rin sa pagtatrabaho. Ngayon ikaw naman ang nasa sitwasyon ng iyong magulang, alam mo ang nararamdaman ni Kenny ngayon."

Saglit na natahimik si Kinly at napatitig sa malaking bubog na bintana na tanaw ang bituin sa kalangitan.

"Nauunawaan ko na kung bakit naging abala ang Daddy ko sa trabaho. Isinaalang-alang niya ang magiging future ko upang hindi ko maranasan ang kahirapan. Ngunit sinira lang lahat ng babaeng iyon!" Muli niyang naalala ang nakalipas, ang sakit kung paano siya niloko ng dati niyang asawa na ngayon ay pinalayas na niya. Wala na siyang pakialam kung nasaan man ito ngayon, ang importante sa kaniya ay wala na ito sa buhay niya.

"Huwag na natin balikan ang ginawa ni Angela sa iyo anak, siguro ang mas mainam mong gawin ay muli kang magbukas ng iyong puso at palayain mo na ang malungkot na nakaraan."

"Hindi ko na yata magagawang magtiwalang muli, Manang... mahirap ng muling magtiwala dahil sa panahon ngayon madami na ang manggagamit lang."

Napailing-iling si Manang Ester sa tugon ni Kinly. Hindi na nga yata mapipilit ang kaniyang amo na magtiwalang muli sa mga babae dahil labis itong nasaktan sa ginawa ng ex-wife niyang si Angela Martinez. Nahuli ni Kinly sa akto si Angela na may ibang kasamang lalaki. Hindi niya labis maisip kung bakit nagawa ito ni Angela. Siguro ay dahil mayroon pang hinahanap si Angela kay Kinly na hindi niya makita kaya naghanap ito ng ibang lalaki. Sa kalaunan ay nahuli din, at nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawa, hanggang sa humantong na sa hiwalayan. Hindi na rin ipinaglaban ni Angela ang costudy ni Kenny dahil wala rin naman siyang ibubuhay pa sa bata. Sumama si Angela sa lalaki at nagtungo sa ibang bansa upang doon magtago. Hindi na rin hinabol pa ni Kinly ang mga ito dahil aniya sayang lang ang panahon pag-aaksayahin niya pa sa walang kwentang babae.

Lumipas ang panahon, mas naging matagumpay pa ang buhay ni Kinly. Dahil na rin iyon sa pagsusumikap niyang mas lalo pang palaguin ang naiwang negosyo at mga ari-arian ng kaniyang mga magulang. Matagal ng patay ang mga magulang niya, magkasabay na namatay dahil sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ng mga ito na patungo sana sa Australia upang magbakasyon. Nang mga panahon na iyon ay magkasintahan pa lang si Angela at Kinly. Labis-labis ang suporta ang ipinaramdam nito kay Kinly lalo na't sabay na nawala ang mga magulang nito. Lumipas ang panahon ay inalok ng kasal ni Kinly si Angela na mabilis namang tinugon ng dalaga. Nagpakasal silang dalawa at ibinigay ni Kinly ang lahat para sa kaniyang asawa. Ngunit hindi nito akalain na lolokohin pa rin siya ni Angela.

"Matutulog na ako anak, silipin mo na lang si Kenny sa kuwarto niya mamaya."

KABANATA 1

MANGHANG-MANGHA si Alice na pagmasdan ang malawak at napakagandang bakuran ng malaking bahay na pinasukan niya. Isa na ito sa pinakamagandang bahay na nakita niya sa buong buhay niya. Marami na siyang napasukang trabaho, ngunit mas kakaiba ang bahay na ito na nagmistulang kaharian sa lawak at laki. Hindi niya akalain na ganito kalaking bahay pala ang papasukan niya. Ito ang simula ng trabaho ni Alice Domingo. Ang 25 years old na dalaga na nagmula pa sa probinsyang Samar.

"Kanina pa kita tinatawag ineng, kanina ka pa nakatulala riyan." Isang boses ang nagsalita mula sa likuran ni Alice.

Napalingon si Alice sa likuran niya at doon lang niya napagtanto na may tao na pala sa likod niya.

"Naku! Pasensya na po kayo at naaliw lang po ako sa ganda ng kapaligiran. Para po kasing nasa fairy tail ako sa ganda po ng lugar." Hinging paumanhin naman nito sa ginang.

Naglalaro sa sisenta ang edad nito, nakasuot ng pang-maid na uniform. Sa edad nito ay nakakilay pa rin ito at nakalipistik ng makapal. Kung pagbabasehan ang itsura ay para itong isang masungit na mayordoma.

"Ikaw na ba si Alice? Ang pamangkin ni Criselda?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang aking tiyahin na siyang nagrekomenda sa akin para sa bagong trabaho.

"Opo, ako po si Alice Singson. Ako po 'yong mag-aalaga ng bata. Kayo po ba si Ma'am Ester?"

"Ate Ester na lang ang itawag mo sa akin, dahil pareho naman tayong namamasukan lang din dito. Halika sa loob at ituturo ko sa 'yo ang magiging silid mo." Anito na nagpatiuna nang maglakad papasok sa loob ng malaking bahay.

Mula sa labas hanggang loob ay manghang-mangha pa rin ako sa ganda at sobrang gara ng bahay.

"Napakaganda po talaga ng bahay na ito. Ilan po ang naglilinis dito?" takang tanong ko, tingin ko'y hindi kakayanin ng isa o dalawang katulong ang paglilinis sa laki ng bahay.

"Nasa lima ang maid dito, ngunit may kaniya-kaniyang trabaho ang bawat isa. Ikaw ang trabaho mo lang ay ang pag-aalaga ng bata, kaya huwag mong pababayaan ang trabaho mo dahil iyan ang pinakamahalagang trabaho rito. Ang alagaan ang nag-iisang anak ng amo natin. May mga ituturo ako sa iyo na pakatatandaan mo sapagkat kapag nagkamali ka ay maaari kang matanggal kaagad. Hindi nagbibigay ng second chance ang amo natin, at hindi rin siya tumatanggap ng anumang dahilan."

Napatango-tango ako sa sinabi ni Ate Ester. Ganoon pala kahigpit ang trabaho kaya naman ganoon na din kalaki ang sahod. Kaya nga ba hindi ako nag-alinlangang pasukin ang trabaho kahit na malalayo pa ako sa mga kapatid ko. Iyon ay dahil sa tripleng sahod na alok sa akin ng tiya ko kaya sinunggaban ko kaagad ang trabaho.

Pumasok kami ni Manang Ester sa isang kuwarto. Maaliwalas at nag-iisa lang ang kama.

"Ito ang magiging kuwarto mo. May mga uniform ka na rin diyan sa cabinet. Iwan mo muna riyan ang gamit mo at pupuntahan natin ang kuwarto ng batang aalagaan mo."

Ipinasok ko ang bag na dala ko at mabilis na sumunod kay Ate Ester.

Sa ikalawang palapag ng bahay ay pumasok kami sa kuwarto na malapit lang din sa hangdanan. Pagbukas ng pintuan ay nadinig ko kaagad ang iyak ng isang bata. Kaya nataranta si Ate Ester na pumasok sa loob ng kuwarto.

"Anong nangyari, Aiza?" tanong ni Ate Ester sa isa pang maid na nag-aalaga sa bata.

Ito na yata ang papalitan ko sa trabaho. Sabi kasi ng tiyahin ko ay aalis na raw ang mag-aalaga dahil sa problema sa pamilya.

"Ayaw po kasi niyang maligo, e tanghali na po."

"Naku ay kung ayaw pang maligo ay hayaan mo muna. Baka sipunin ang bata kakaiyak at mapagalitan na naman tayo ng amo natin!" saad naman ni Ate Ester kay Aiza.

"E kahapon pa po ito hindi naliligo. Pinunasan ko na nga lang po para hindi siya mangamoy."

"Hayaan mo na, at baka naman mapasama pa ang pag-iyak nang pag-iyak niyan. Ito nga pala si Alice ang papalit sa iyo." Pagpapakilala nito sa akin kay Aiza.

"Gudluck, Alice. Sana e matagalan mo ang batang ito." Kakaiba ang pag-welcome sa akin ni Aiza, tila may kakaiba siyang dahilan kung bakit siya aalis sa trabaho. Pero kung ano pa man ang dahilan na iyan ay kakayanin ko, para sa mga kapatid kong umaasa sa akin.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo, Aiza?" takang tanong ni Ate Ester.

"Wala po, ginu-goodluck ko lang po siya."

"O hala, iiwan ko na muna kayo. Ipaliwanag mo kay Alice ang mga gagawin niya. At ang mga rules and regulations na rin. May gagawin lang ako sa baba at may pinapatrabaho ako sa kusina sa electrician. Alice, ikaw na ang bahala rito." Pukaw ni Ate Ester sa akin.

"Sige po, salamat po Ate Ester."

Naiwan kami ni Aiza sa loob. Medyo kumalma na ang bata dahil naglalaro na ito ng tablet. Siguro ay naglalaro pa ito ay pinipilit na kaagad ni Aiza na maligo.

"Hi, ako nga pala si Alice Singson, taga Samar ako. Ikaw?" tanong ko.

"Aiza Lavides, taga Quezon Province."

"Ahm... bakit aalis ka na sa trabaho? Mahirap bang alagaan si..." Tinuro ko ang bata kasi hindi ko pa alam ang pangalan.

"Kenny, Kenny ang pangalan niya. Halos dadalawang buwan pa lang akong nagtatrabaho rito. At oo, mahirap talaga ang trabaho. Sobrang bibo nitong batang ito, at sa sobrang bibo e ang hirap niyang alagaan. Kung hindi lang dahil sa daddy nito e hindi ako tatagal sa trabahong ito."

"Ha? A-anong ibig mong sabihin?"

Napangiti ito na parang nagpapakita sa akin na parang may something sa among lalaki.

"Malalaman mo rin iyan pagna-meet mo na ang Daddy niya. Bago ko makalimutan, narito ang mga schedule ni Kenny sa pang-araw-araw. At ang mga rules and regulations na rin sa bahay na ito." Inabot nito sa akin ang folder. Binuklat ko kaagad at binasa ang mga nakalagay upang malaman ko ang mga gagawin at maitanong ko na rin kung mayroon pa akong hindi alam.

"May kahabaan pala ito... tungkol dito sa rules and regulations, bakit may oras ang pagtulog? Paano kung hindi pa ako dalawin ng antok? Seryoso ba ito, 8pm ay dapat tulog na?"

"Oo. Sa una talaga hindi kapani-paniwala ang rules na iyan. Kasi pati ba naman pagtulog ay may oras? Siguro ay strikto lang talaga si Sir sa mga katulong kaya siguro naghanap ng ibang lalaki ang asawa niya, kasi masyadong strikto sa lahat ng bagay." Saad ni Aiza.

"Ha? Hiwalay pala ang mga magulang niya?" gulat na tanong ko.

Napaawa ako sa batang kaharap ko. Sa murang edad ay naranasan na kaagad ang mahiwalay sa magulang. Naalala ko tuloy ang mga magulang ko, magkasama nga sila pero wala namang pakialam sa mga anak.

"Kaya nga nakakaawa rin talaga ang batang ito. Kahit na ano mang kayamanan ang nakapalibot sa kaniya ay kulang pa rin, dahil pinagkaitan naman siya ng kumpletong pamilya." dagdag pa ni Aiza.

Lumapit ako sa bata at hinaplos ang buhok nito. Napatingin ito sa akin, ngunit saglit lang din at abala ito sa paglalaro.

"Ako na lang ang magpapaligo sa kaniya, para masanay na rin siyang ako ang kasama niya."

"Osige, magandang ideya iyan para makapahinga naman ako bago ako umalis bukas."

Sanay naman ako sa pag-aalaga ng bata dahil ako na ang nag-alaga ng mga kapatid ko at ako na rin ang halos naging nanay nila. Ngayon pa na nalaman ko kung gaano kaawa-awa ang batang ito.

Unang gabi ko sa trabaho at halos namamahay pa ako. Hindi ako makatulog pero dahil sa rules and regulations na iyan ay bawal akong lumabas para magpahangin. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Napakatahimik na ng gabi at tingin ko ay tulog na ang lahat. Siguro naman ay wala namang makakakita sa akin kung lalabas ako para magpahangin.

Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Dumaan ako sa kusina upang walang makakita sa paglabas ko. Nagtungo ako sa labas malapit sa pool. Naupo ako sa duyan na nakatayo malapit sa pool. Bilog na bilog ang buwan, kaya naman napakaliwanang ng paligid. Ang bango ng simoy ng hangin. Nakatapat ako sa pool pero nakatitig ako sa kalangitan. Dinig na dinig ko ang kaluskus ng nga dahon na bahagyang hinahampas ng hangin. Nang walang anu-anong may bigla na lang sumulpot na ulo mula sa pool na nasa harapan ko lang. Muntik na akong mapasigaw sa takot, pero nang titigan ko ay isang tao pala ang sumulpot doon. Umangat ito sa pool at kitang-kita ng dalawa kong mata ang buong katawan nito. Isang maskuladong katawan ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang abs nito sa tiyan. Hindi ko na pinagmasdan pa ang mukha nito pero alam kong lalaki ito. Kaya dali-dali akong tumalikod at akmang aalis na sana ngunit bigla itong nagsalita.

"Stop! Who are you?!"

Nanatili akong nakatalikod, kagat-labi na hindi nakapagsalita. Lagot na ako pagsinumbong ako nito sa amo ko na nandito pa ako sa labas. Siguradong tanggal na kaagad ako.

"Sabi ko sino ka? Bakit nandito ka sa pool?!" Medyo nakakatakot ang boses nito dahil tila galit ito sa pagtatanong.

"Pa-pasensiya na kung naabala kita sa pagliligo. Nagpapahangin lang naman ako dahil hindi ako makatulog. Please huwag mo akong isumbong, parehas lang naman tayong nasa labas e. Kung inaakala mo na sinisilipan kita, diyan ka nagkakamali dahil hindi ko alam na nandiyan ka pala." Aba teka, bakit nga ba nagpapaliwanag ako? Siya nga ang dapat matakot kasi naliligo siya ng pool. Siguro hardinero ito o house boy. Pero bakit ang ganda ng katawan niya?

Ramdam ko ang pag ahon nito sa pool. Naglakad ito palapit sa akin, pero hindi pa rin ako humarap dahil ayokong makita niya ang mukha ko.

Siguro naman e sa dilim ng paligid ay hindi rin niya naaninag kaagad ang mukha ko. Kaya naman ito na ang pagkakataon na tumakbo ako. Madali ko nang maitatanggi na lumabas ako dahil hindi naman niya ako kilala. Akmang tatakbo ako, pero tila nahulaan nito ang gagawin ko.

"I'm warning you! Don't run or else I will call the cop!" pagbabanta nito.