Chereads / My Ace: Lowkey but Undeniable / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

venusarchilles: wtf?

I replied while frowning hard. My heart is skipping so fast by the question. It was so sudden! This could be more serious personally.

lhieonkhaizer: seryoso ako:))

Tinignan ko siya at nakatingin din siya sa akin. It is not his usual normal stares but it was a stare of admiration.

Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko at nagtipa.

venusarchilles: idk. I would be shocked? It was the first time that someone confessed personally.

venusarchilles: If you're going to ask about chances it's a 50/50 chance. You're my friend. It is somehow hard for me to get rid of a friendship.

From my peripheral vision, I saw him smile a little and put his phone down so I did the same.

It is unlikely to happen in my thinking. Mostly nang umaamin sa akin is sa twitter o nagtatago sa anonymous twitter account ng university. Meron din na nagsusuksok ng letters sa locker ko tapos initials lang nila nilalagay. I really appreciate those letters a lot. Minsan may chocolates and flowers pa. Lalo na sa valentines.

Nagmumukhang masungit na nga ako sa school tapos parang ambait sakanila non.

But Lhieon was different. If he really likes me, bakit hindi siya gumagalaw? Hindi naman sa nag eexpect ako or what pero he's totally different. Hindi ko siya lubos na kilala dahil ngayon lang kami madalas nagkakasama. One of the reasons sa 50/50 chance, hindi ko siya lubos na kilala. Masyadong mataas ang trust issues ko pedo alam ko kung katiwatiwala ba ang isang tao.

We arrived at a simple breakfast restaurant. It has a nature view and you can still see the Taal Lake. I can feel the wind welcoming us even I'm wearing a jacket.

"Lamig," sambit ni Caleb.

"Sana kasi nag jacket ka, 'diba?" pamimilosopo naman ni Kiz.

"Yes po. I forgot lang. Para kasing multo si Venus doon sa sinisilipan niya kaya napaalis ako agad," iiling iling na sabi niya, natawa naman.

"Sino ba naman kasing babangon na pero natutulog pa ng naka-upo sa kama?" natatawang sabi ko.

Inexplain naman niya na habit na daw niya iyon ever since. After the little talk, umorder na kami. We all ordered the same meal which is pancakes. Sabi ko nga sana nag Jollibee nalang kami.

Feeling ko talaga 'yung plating ang binabayaran dito e.

The pancakes aren't that sweet. Okay naman siya kasi mag lalagay ka pa ng honey. I like sweets, mainly Chocolates, but I don't like those very sweet ones lalo na sa chocolate cake.

Nag-uusap usap sila about things, nagpaplano pa nga sila umalis ulit. It is the first time that I went out with huge circle of friends. Lagi kasi akong kulong sa bahay. Naglalaro lang ako sa computer o nag-aaral. Minsan naman ay si Niri ang kasama ko, nagyayaya kasi siyang lumabas kaya pumapayag naman ako. I never experienced complete family hangouts naman. Dad is always busy. Minsan nga ay kasama namin siya ngunit nagtatrabaho pa rin ito.

Anim lang kami pero sa akin ay madami na ito. Sila Kiz at Lia lang ang madalas kong kasama kahit pa may school trips. Hindi naman ako mahiyain, ayoko lang ng masyadong malaking circle of friends.

"New York tayo," yaya ko sakanila.

Tinignan naman nila ako na parang may sinabi akong masama. Inano ko sila?

"Para namang lalakarin mo lang 'yon, ano?" sarkastikong sabi sa akin ni Lia.

"Sino namang may sabi sa'yong lalakarin natin 'yon?" sabi ko.

"Mahal mahal ng ticket saka ng hotel huy," reklamo naman ni Caleb.

"Ako bahala don. Basta magdala kayo nang malaking pocket money, 'di ko sagot 'yon," pinangunahan ko na sila.

Masyado nang malaking gastos kung pati pocket money nila akin din. I mean... I can pero they should not depend on me with everything in trips. Kuripot din ako 'no.

"Kailan?" tanong ni Lhieon.

"After sport's fest. May two weeks acad break non. Settled na siya by the way," I said as I continued eating.

Pagkatapos naman ay umalis na agad kami at bumalik sa hotel. We're planning to go to skyranch after lunch kaya puwede pa magchill sa hotel. I'm planning to make my reviewers for the exam. I love making personal reviewers tapos ipiprint ko. Minsan naman ay sa index cards.

When reviewing, I usually memorize the names or the word at saka ko babasahin lahat pero may tatandaan lang ako na specific keyword for that one topic. Minsan naman ay hindi talaga ako nagrereview, swertihan nalang talaga. Pero dahil nasa ABM ako,

Hindi naman kasi ako ganoon ka-grade conscious pero I'm aiming high grades or just passing grades. huwag lang talaga 80 below. But so far so good, hindi pa nababa ng 85 grades ko. I'm also not the the of person to pressure myself with this things, I can handle them very well.

As we cane back, pumunta agad ako sa kuwarto at kinuha ang laptop ko. Maaga pa naman para mag-ayos.

Nilabas ko rin ang cellphone ko para makuha ko 'yung PDF files ng reviewer na binigay nang mga lecturer.

Hinati ko nalang 'yung screen para sa word at sa facebook account ko. I only use Facebook for study and family purposes. IG at Twitter naman for friends and interactions sa school. Madalas naman ay sa email ko napasok 'yung school files and other stuffs na need gawin sa school. I also have TikTok which I use to entertain myself. Nakapagtataka lang na nahanap ng ibang schoolmates ko iyon.

I do share my notes pero pag may humingi lang. Si Ken lang naman ang madalas humingi ng notes sa akin.

A notification popped up while I was typing. It is from my research GC and from Lhieon. I opened the one from my research GC first. Sinend lang nung nag revise nang paper namin sa gc 'yung ipiprint. Gathered ideas namin 'yon, may naka assign din naman na gawain namin. Sources nalang binigay ko last week dahil ako nag revise nang nasa body. Lahat naman kami tumulong doon kaya walang dumbbell sa group.

After exams 'yon.

Binuksan ko naman ng message ni Lhieon na galing padin sa Twitter.

lhieonkhaizer: gising ka?

I replied immediately.

venusarchilles: Yes. Why?

lhieonkhaizer: wala lang. Ano ginagawa mo?

venusarchilles: Nagawa ng reviewer ko

lhieonkhaizer: can I come in? rreview din ako pls

venusarchilles: As long as mag rereview ka talaga. U can.

Maya maya pa ay nakita ko na siyang pumasok. Umurong naman ako sa inuupuan ko sa kama para may maupuan siya. Magulo kasi 'yung kasama nila Kiz.

Meron siyang dalang laptop, notebook, at ballpen.

"You can sit here," tinapik ko ang bakanteng pwesto sa tabi ko.

Medyo malaki naman 'yung kama kaya sigurado akong hindi kami magkakagulo dito.

We started studying after that. Tahimik lang siyang nagsusulat at nagtytpe at ganoon din ako. Minsan ay tinatanong niya ako kung alam ko 'yung topic nila at kung alam ko naman ay nililinaw ko sakanya paano iyon. More on math naman kaya hindi ganoon kahirap.

"How did you manage studying our topics along with yours?" takang tanong niya pagkatapos ko mag explain.

"May subjects na same tayo. Meron din kasing tinuro naman kahit papaano noong junior high," paliwanag ko.

"Talas ng memory mo," sabi niya pa.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at ganoon din siya. Mas nauna lang akong matapos sakanya kaya nag cellphone lang ako. I uploaded some of the photos from earlier in Twitter and IG.

A.

venusarchilles

With them.

"You done?" tanong ko kay Lhieon nang isara niya ang laptop niya.

He nodded, "Oo. Babalik na ako sa room namin para mag-ayos," I nodded as well.

Nang lumabas siya ay nanatili ako sa loob ng kwarto. Hinahanap ko 'yung twalya ko sa bag. Nang mahanap ko naman ay pumunta na ako sa bathroom para maligo. Mabilis lang naman ako natapos kasi may mga susunod pa sa akin. Check out na rin kami pagkaalis.

I wear a white hoodie and just maong shorts. I partnered it with my converse shoes. Inayos ko na rin ang ibang gamit ko habang sila Lia at Kizealla ay magkasunod na naligo. Nagsisigawan na nga sila kasi ang tagal daw e parehas lang naman sila.

After I finish my things, I came out of the room seeing the other three all ready while on their phones.

People are really into their phones nowadays. Mga wala namang kausap.

I decided to use mine too and reply to some tag tweets. Sa Twitter nila ako kinakalatan palibhasa'y naka-private ang facebook account ko. Bilang na bilang ngalang ang friends ko doon at kahit mga kaklase ko ay hindi ko basta inaaccept unless kailangan talaga.

I have a lot of followers in Twitter. Most of the majority are from my school and other universities and the other one's might be relatives or anak ng mga business partners ni Daddy. Ang finofollow ko lang din doon ay si Kiz, Lia, at Ken lang. Binabalak ko palang ifollowback 'yung dalawa.

Tadtaran na ng tags kaya hindi ko na rin mapigilan hindi magreply sa ibang posts. Minsan din kasi ay may gumagawa ng rumors kahit nananahimik lang naman ako sa gilid ng gym.

@someonefromsmwhr

Lhieon likes Venus a lot ever since HAHAHAHA he's probably dying because of kilig.

I replied.

@venusarchiles

He doesn't look like he is hahaha.

He didn't really admitted that he likes me so I guess he's not. 'Di ko naman ugaling mag-assume.

Kizealla at Lia came out wearing matching clothes. Both of them are wearing white maong shorts and a white t-shirt na napapatungan ng nakazip na black jacket.

Anong trip nila?

"Palit ka do'n, Ven!" Lia told me but I shook my head.

"Ayaw shuta kayo," sabi ko at tumayo na.

"Dali na!" pamimilit pa nila pero pinagatuloy ko ang pagtanggi.

Hindi ako mahilig makipag matchy. Sa jersey lang ako papayag. Couple things isn't my thing kaya ni matching clothes with friends ay hindi ko magawa. Okay lang same design pero please lang 'wag naman yung pati color parehas.

It is Lhieon's turn in driving kaya siya ang nauna at kumuha ng sasakyan sa parking.

Hindi na ganoon kalamig pagbaba namin, tama nalang. Pero mahangin padin naman. Trees are swaying a long with the wind.

Doon padin ako pumwesto sa likod pagdating ni Lhieon. Si Ken na ang umupo doon sa puwesto ni Lhieon kanina. I don't care though.

Tumingin ako sa mirror sa harap at nakita kong nakatingin sa akin si Lhieon kaya nagtama ang mata namin sa salamin. He smiled a little before looking infront and driving.

His eyes is not showing up when he smile widely. It was kinda cute though. I already saw a lot of people having eyeless smiles but I personally found his different. It has a different energy from them.

I decided to sleep while on our way so I lean on the window and closed my eyes.

Later on, I woke up with someone gently moving my shoulders. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at lumingon doon. Nakita ko naman na Lia iyon.

"Dito na tayo," mahinag sambit niya.

Tumango ako at sumunod na sakanya palabas. I'm carrying a small sling bag with my wallet and phone inside.

Lahat sila ay nasa labas na at talagang ako nalang ang hinihintay. Kaso ang hindi ko kinatuwa ay ang kasagsagan ng araw. Buti nalang talaga ay kahit papaano ay malamig dito.

"By pairs tayo! Para hindi hussle sa mga OA mag rides," suggestion ni Kiz.

"Gusto mo lang makasama si Caleb. Para-paraan mo, ulol," Lia argued.

"Shut up, bff! Mandadamay ka lang sa 'di pagsakay nang ferris wheel," Lia is afraid of heights. Kapag nasa EK kami ay hindi kami nakakasakay ng ferris wheel at roller coasterdahil sakanya, ayaw din naman magpa-iwan at takot mag-isa.

We really did end up pairing each other. Nag bato bato pick kami at 'yung unang tatlo na nanalo ay mamimili ng kasama.

"I'll go with Lia. But don't be too loud," Ken picked. Siya ang naunang manalo.

Lia rolled her eyes at him pero sumunod na siya sakanya nang umalis ito.

Kizealla won second place so she had a chance to pick who to be with. I came last so I will pick last. But it'll be obvious that I will be left with Lhieon kasi syemre, pipiliin ni Kiz si Caleb.

And it did happen like that. Wala naman akong reklamo kay Lhieon pero napapansin kong madalas kaming nagsasama nito ngayon.

"Where do you wanna go first?" tanong niya

"Kahit saan naman okay lang. We can go sa ferris wheel for last," I told him and he nodded.

Alam ko kasi ay pupunta pa kaming picnic grove after dito pero sa gabi na. Siguro ay pagkatapos ng dinner saka kami dideretso doon.

We both decided to try every ride that is there. We even tried doing Zipline! It was fun though. We also took a lot of pictures of each other and us together. Walang malisya iyon.

Nakakasalubong namin madalas sila Lia at Ken na nagbabangayan lagi kasi gusto ni Ken sa matataas heights while Lia doesn't.

"Ferris wheel na?" Lhieon asked me so I looked at him and nodded.

He was holding my shoulder like I would be lost anytime. At this time, I became more comfortable being with Lhieon. Mahilig siya magtanong ng permission bago gawin yung bagay na gagawin niya lalo na kapag hahawak siya sa balikat o braso ko.

Nagkukwento din siya para mawala yung awkwardness between us. Sinisigurado naman niyang nakakarelate ako sakanya. I was smiling the whole time we're together. Maliban sa wholesome na expressions niya, talagang masaya siya kasama. Sobra.

Never felt this type of excitement in my whole life.

We went to the Ferris Wheel. It's our last ride since both of us are planning to eat snacks sa labasan. Ewan ko lang sa iba kasi hindi naman sila nagtetext.

Lhieon held my hand when it's our turn to go in. He went in after me. Magkaharap kaming dalawa sa upuan.

"Let's ask each other 10 questions about things you wanted to know about each other. You can go first," desisyon 'to ah! 'Di pa nga ako napayag.

"Eh?" I reacted ngunit nag kibit balikat lang siya kaya nag-isip ako ng tanong, "Ano ginagawa mo para makatulog ka?"

He looked up like he was thinking, "Wala naman? Pinipilit ko lang talaga sarili ko matulog," he answered.

Tinuro ko naman siya senyas ng siya naman ang mag tanong.

"Why is it hard for you to accept new friends? If too sensitive yung tanong you can pass," sabi niya.

I started thinking. Bakit nga ba?

"Masyado akong sarado sa ibang tao. Kung hindi pa nga ako nilapitan nung dalawa malang, lonely ako sa campus. Takot ako magtiwala sa iba," seryosong sagot ko.

I've been betrayed by a lot of people already from my old school and I already got tired of trusting people. Nagkaroon ako ng trust issues dahil doon and it gave me hard trust issues.

"Ikaw? Do you trust people easily?" balik ko ng tanong.

I'm curious with other people's point of view in trusting someone.

"No. Mahirap magtiwala lalo na pag recently mo lang sila nakasama or nakilala," sabi niya.

I raised a brow, "But you're with us tapos recently mo lang kami nakasama," I pointed out.

He chuckled and answered, "We're not talking, yes. But I know that I can trust you enough from the very first palang," he smiled, a sweet one.

"I'll let you finish all ten dali!" he excitedly exclaimed.

Nag-isip naman ako ng tanong for him. But when I already think of one, I asked it out of curiosity.

"Do you like someone?"

Lhieon looked surprised by my question but he still answered it with his eyes gleaming like light.

"Meron. Ikaw," huh?

"Wala-" he stopped me by his words.

"Hindi ko tinatanong if you like someone. I'm telling na ikaw... You are the person that I like."