Chereads / My Ace: Lowkey but Undeniable / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

It's already Monday and I'm in the urge of carrying my bag that has my stuff for the sports camp but Lhieon messaged me that he will pick me up and we will go together after lunch.

After what happened back in Tagaytay, he became more makulit. 12 midnight na tapos nangungulit pa sa chat. Puyat tuloy ako pero may recitation pa kami sa first subject namin kaya habang hinihintay ko si Lhieon ay nagrereview ako.

He didn't ask me if he can court me but he told me that he would.

"Wow eyebags," bungad niya pagkarating palang.

"Good morning ha," aga aga.

Bumati naman siya ng good morning saka kinuha niya gamit ko. Dadaan daw muna kami sa McDo para mag breakfast kasi maaga pa. Galing rin kasi siya sa bahay ng parents niya.

"Ano gusto mo? I'll pay," he asked me as we were lining up inside mcdo.

I'm not wearing my university blazer but I'm wearing our varsity jacket. Lhieon is just wearing his white polo and necktie.

"Chicken Fillet. The regular one, not Ala King," it's not that I don't like the sauce pero I like it in gravy more, "Add fries, please. Thank you!" I added.

Hindi ko alam kung ako lang but I dip fries sa gravy. Nakaka ilang refill nga ako para lang maubos 'yung fries ko. Minsan sa sundae.

Pinauna na niya ako para maghanap ng table. Nakahanap naman ako agad sa tabi ng salamin. Medyo madilim pa sa labas dahil maaga pa naman. Ganitong oras naman talaga ako umaalis kasi malayo 'yung school sa bahay kaya naman ay hindi ako nakakapag-almusal.

Bumabawi ako ng kain sa cafeteria o pag lunch na.

"Thursday at Friday exam niyo?" Lhieon asked as he sat infront of me.

Dala dala lang niya 'yung resibo.

"Oo. Para ngang ayaw ko mag review," I admitted.

Nakakatamad din naman kasi magreview minsan tapos 'yung utak mo kung saan saan lumilipad. Daig pa ibon.

"Kahit naman ata hindi ka mag review, sisiw lang sayo yan," wika niya ngunit nginitian ko lang siya.

Well...

"Tamo! Yabang," reklamo niya pa pero nilakihan ko lang lalo ang ngiti ko.

"Madali lang naman kasi talaga,"

"Nakita ko mga assignments ni Ken at hindi ko maintindihan. Paano naging madali 'yon?" tinaasanan na niya ako ng kilay this time.

"Mag advance study ka kasi tapos makinig ka sa teacher mo pag class na. Kapag similar 'yung pagkakaintindi mo sa explanation ng teacher, edi okay na. Review mo nalang ulit," sabi ko naman sakanya.

Nagsalita ang mahilig mag procrastinate.

Nag-usap pa kami about sa acads at patuloy ko lang siyang binibigyan ng tips kahit ako mismo ay hindi ko ginagawa. Maya maya pa ay tinawag na 'yung number na nasa resibo kaya pumunta na roon si Lhieon at kinuha ang order.

He carefully put everything in our table and gave the tray back to the counter before heading back at our table.

We talked about stuffs and I am already getting comfortable around him. Lhieon was really easy to get along with. Kaso minsan talaga ay asar talo ka sakanya. Kaya kung balak mo siyang kausapin tapos pikon ka, huwag mo na subukan.

"Daldal mo," sarkastikong sabi ko sakanya.

Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko, "Masyado na ba akong madaldal?"

I immediately shook my head, "No! You might take it in a bad way but you can be talkative until you got nothing to tell. It's fine,"

"Eh! Seryosong sagot?"

"Okay ngalang, promise."

I didn't mind. Lhieon has a lot of thoughts. I don't blame him for being too talkative. Sana lang may nakakausap siya tungkol sa mga whereabouts niya o natural na madaldal lang talaga siya.

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na kami sa school. Masyado ngalang maaga. Kizealla and Lia wasn't even here yet. Chinat ko sila at sabi nilang nakain palang sila kaya Lhieon and I studied together sa library.

We're seating in opposite seats to avoid getting distracted. Actually, siya lang.

I bring out my laptop and a pen and a notebook. I usually don't bring my laptop, I just needed to bring it as I will go to the camp and I might need it while I'm there.

I'm currently studying accountancy since I find it the hardest. Inaaral ko muna 'yung mahirap bago 'yung madadali, pero minsan hindi ko na inaaral 'yung madali.

Kasi nga madali lang.

Masyado akong focused na pati 'yung nag vivibrate ko na phone ay hindi ko na pinapansin. Nilalagay ko naman sa do not disturb mode 'yon pero kasi nag vivibrate parin.

"Lia is calling you," Lhieon told me while I was writing.

That became the reason for me to pick my phone up and answer the call.

"Ano?" mahinang sagot ko.

Mataray kasi 'yung librarian kaya hininaan ko lang boses ko. Andami na nang napalabas sa library kasi maingay at ayoko naman magaya.

"Nasaan ka?" tanong niya sa akin sa kabilang linya.

"Library. Why?"

"May announcement daw. Punta ka sa gym," um-oo nalang ako at pinatay na ang tawag.

Lhieon also received a message from Ken so we both went our way there. Halos lahat ng estudyante ay naandon na at 'yung iba naman ay naghahanap ng mauupuan. Agad namang hinanap nang mata ko si Kizealla at Lia na agad ko namang nakita dahil nasa bungad lang sila.

"Ano raw meron?" agad na tanong ko.

Napakabiglaan naman kasi.

"Ewan ko. Hindi sana ako a-attend kaso mark absent daw kapag walang proof," inis na saad ni Kiz.

Napakatamad neto. Minsan nga ay nahuli 'yan na natutulog sa klase kaya napa guidance. Nagpuyat kasi kaya ayon, sa klase natulog. Hindi raw strict 'yung teacher pero pina guidance siya.

Tahimik lang kaming naghintay sa inuupuan namin hangga't dumating 'yung Dean. Kilala ko 'yung Dean dahil close siya ni Dad. Nakikita ko siya lagi sa gatherings sa bahay.

"Good Morning, Silvers!" pagbati niya.

Agad namang bumati pabalik ang nga estudyante na hindi mo malaman kung mga nagsikain na ba o ano.

"We called you all here to announce that we will be having a exclusive game for Sports Fest. This will include specific sports only," everyone complained. I mean why? Alam naman nilang it should be watched free and publicly.

"The student council requested to make specific sports exclusive as the money that will be earned will be used in facilities and University needs," yaman yaman ng school na 'to. Tuition palang bakit need ng extra fees?

At saka, bakit nag approve sila?

"They are planning to held a big event inside the campus and will also use the earned money for that activity," sambit niya pa.

Pahirap lang 'yung ginawa nila. Maganda naman facilities ng university. Laki pati ng nakukuha ng University na 'to, bakit kailangan ng funds? Class fund nga namin bente lang.

"I am now calling Ms. Penelope Garcia to announce the sports included in the said exclusive games,"

Penelope went to the stage along with one of her somebody.

Penelope is the student council president and the cheerleading captain. Bully din daw 'yan e. Hindi ko naman pinapansin 'yan kaya wala akong alam sa buhay nan. Pero mukhang maarte.

She's smiling brightly while flipping through the folder she was holding.

"Sabi sayo e. Dapat tumakbo ka as student council president," bulong sa akin ni Lia.

"Busy ako," sabi ko naman.

Bago pa 'yung pasukan ay sinasabihan na nila ako pero hindi ako pumapayag kasi marami akong ginagawa.

"Busy humilata, sige," at least busy na may giangawa.

"Sports that will be included in the exclusive games will be," may pa thrill pa, "Basketball, Volleyball, and Badminton,"

Everyone reacted negatively as she announced those. Ginawa pang exclusive 'yung mga most watched games. Nakakapang-init ng ulo 'to ah.

"Pahirap lang naman ng buhay 'yan!"

"Binoto ka pala namin para d'yan!"

"Tanginang 'yan, pangit mo mamuno!"

Andami nang singaw ng ibang students dahil doon. Ngayon na ngalang siya gumalaw hindi pa pabor sa lahat.

Umalis kaming lahat sa gym ng may inis. Hindi naman kami kasama sa magbabayad pero syempre as someone na maglalaro doon, dapat hindi niya ginawang paid game 'yon. Kami nga hindi binabayaran sa paglalaro e.

Sama sama kaming kikimkim ng sama ng loob dito.

Dumeretso na kami sa classroom namin pagkatapos non dahil class time na. We all separate ways but we went to the same building.

Huli akong pumasok ng classroom kasi binagalan ko talaga lakad ko.

Sa likod ako nakapuwesto at katabi ko si Ken na hindi ko nakita kanina sa gym.

Our class started smoothly at nakikinig naman ako ng mabuti. Aalis na kami after lunch so I won't be able to attend afternoon classes kaya mag tatanong nalang ako ng notes para sa days na mawawala ako.

Time passed by and it is already recess. Inayos ko muna ang gamit ko bago lumabas ngunit hindi ko inaasahang makikita sila Kizealla sa labas. Kasama niya si Lia, Caleb, at Lhieon.

"Nasaan si Ken?" they asked when I got out.

"Ewan ko," sagot ko naman. Ang alam ko ay lumabas na siya bago pa ako makalabas. "May problema 'yon?" tanong ko kay Caleb dahil siya ang katabi ko.

Nagtaas lamang siya ng dalawang balikat as a sign that he doesn't know either.

"Try calling him," Lia told us so Caleb did but Ken's phone was off.

"Ayaw sagutin," Caleb said after he called Ken's phone three times.

Hindi na namin siya tinawagan ulit kasi baka ayaw niya lang ng kausap. I'm wondering if he's doing alright. I mean... as a friend I should care about him.

Malaki rin ambag nan sa buhay ko. Notes.

Pumunta na kami sa cafeteria dahil hindi naman namin siya macontact. Mahaba haba rin recess namin kaya umaalis padin kami ng building. Depende nalang talaga kung may kailangan kaming tapusin. Isa nalang pinapalabas namin tapos siya na bibili lahat para hindi na pabalik balik.

Minsan nga ganon ginagawa ko para makalabas.

I bought Chuckie and a bread for myself. Hindi ko alam anong klaseng tinapay 'to basta may makain ako.

"You like Chuckie?" Lhieon followed me since I got my order first so it is my duty to find a table.

"Yes. Ikaw?" I asked him back.

"Milk. I like milk," sabi naman niya.

"Milk is healthy. That's good," hindi ako mahilig sa gatas. Masyado akong nasawa noong high school ako. Sabi kasi pampatangkad 'yon.

Nakahanap na ako ng table kaya naupo na ako roon. Lhieon sat beside me so umurong ako ng kaunti para makaupo siya ng ayos.

"How's class?" he asked me before sipping on his milk.

"Good? Boring though,"

"Bakit?"

"Napag-aralan ko na eh," tinaasan niya lang naman ako ng kilay.

"Malamang. Boring na kasi alam mo na," na iling iling pa siya.

I study in advance kaya alam ko na. Pedo boring na sa akin 'yung klase kapag gets ko na 'yung lesson. Minsan nga ay inaantok na ako. Buti nalang hindi ako nahuhuli.

Akmang magsasalita na ako ng may umupo sa tapat namin. It was Penelope Garcia. I'm fighting the urge to roll my eyes at her because of how she smiles.

"Hi Lhieon," bati niya sa malanding tono.

Eww.

Tinignan lang naman siya ng katabi ko habang ako ay nakatingin sakanya ng walang emosyon sa mukha.

"Will you come sa sports camp later? I hope you won't so that we can go ou-"

"I am going," Lhieon cut her off by answering her in a cold tone.

"Rude," pa cute na sabi niya pa, "But I like it!"

Cringe kadiri.

"Tumigil ka na nga," mahinang pakiusap ni Lhieon ngunit may bahid na inis ito.

"Why? You guys aren't dating, right? So it's fine for me to move,"

"Stop. Okay? Just stop,"

Lhieon grabbed my wrist and dragged me towards our friends but before I can even leave, she grabbed the collar of my pollo.

"Are you guys dating?! Are you taking him away from me?!" nanggagalaiti sa inis na tanong niya.

Inaano ko 'to?

I sighed, "I'm not taking him away from you coz' he's not yours to begin with," nakita ko namang dumaan ang inis sa mata niya kaso hindi pa ako tapos e, "And we are not dating. Wait... Let me correct that," lumipat ako sa mukha niya at binulong ang mga katagang, "We are not 'yet' dating," I told her emphasizing the word yet.