"I'm ok!" sabi niya sa kapatid sabay yakap dito
"Leila, ito na iyong tubig" biglang lapit ng babaeng katulong nila
"M.E.? ok ka lang?" tanong naman nito sakanya
"ate inom ka muna" sabi naman ni Leila, sabay bigay ng tubig sa kapatid niya
Inabot nito ang tubig saka uminom ng kaunti,
"Anong oras na ba?" tanong nito sa kapatid
"Alas tres pa lang po ng madaling araw ate"
"Madaling araw pa lang pala, bakit gising ka na?" tanong ulit niya sa kapatid niya
"Nagising ako po ako para uminom ng tubig ate, nung natapat kasi ako sa pintuan mo bigla ka sumigaw buti na lang at nakabukas pintuan mo nakalimutan mo ata ilock, sigaw ka ng sigaw akala ko ano na nangyayari saiyo ate, lagi ka na lang binabangungot ate, my problema ba?" sabi ni Leila
"Wala, sige na iwan niyo na ako mag isa" sabi na lang niya
Lalabas na sana sila Leila nang matigilan siya
"ate, one more thing"
"Yes?"
"what is your plan for your upcoming Birthday? diba sa isang araw na iyon? ilang taon ka na ulit?" tanong nito sakanya
"30" tipid na sagot niya
"Mukhang inaantok ka pa nga ate, sige iwan ka na muna namin at matulog ka muna, huwag mo po ilock ang pintuan ah" sabi nito, pinatay muna nila ang ilaw bago tuluyang umalis.
Marie Eleonor's POV
Naiwan ako sa kwarto kong binabalot ng dilim, nahiga ako at tinitigan ang aming kisame.
15 years na ang lumilipas pero parang sariwa pa sakin ang lahat, sa 15 taon na iyon lagi akong binabangungot para bang humihingi ng hustisya ang aking pamilya.
Hustisya?
Nasaan na nga ba ang hustisya?
Hanggang ngayon hindi pa namin nakakamit ang hustisya. Hanggang ngayon nababalot parin ako ng poot sa mga taong nanloob sa aming bahay sa araw na iyon.
Nakatakas, at ilang araw din naging palaboy hanggang sa my kumupkop.
Isang mayamang mag asawa na walang anak. Buti na lang at tinanggap nila kami ni Leila kahit na hindi maganda ang aming nakaraan.
Sinabi ko sakanila ang lahat, pero hindi na kay Leila.
Pinapalitan ko ang pangalan at apelyido ko.
Siguro nga my dahilan bakit ako nabuhay. ito ay para MAGHIGANTI.
Babalikan ko ang mga taong iyong, hahanapin ko sila kahit saang impyerno man sila nagtatago!
Hahanapin ko ang mga hayop na sumira ng pangarap namin ng aking mga pamilya.
Si Leila na lang ang naiwan sakin, siya na lang ang aking Pamilya kaya dapat hindi niya malaman ang aking gagawin. Gusto ko siya mamuhay ng normal.
Dahil sa pag iisip, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
***********************
"Ate"
Yugyog mula sa aking kapatid ang gumising sakin
"Ate! Ate!" sabi pa ni Leila habang niyuyogyog ako
"Oh?" sabi ko, nakatalikod ako sakanya
"Gising ka na, umaga na" sabi pa nito habang niyuyugyog ako
Pagkalingon ko sakanya,
"aaaaaaahhhhhhh!"
Napasigaw ako sabay pikit ng aking mata, nagulat ako sa mukha ni Leila, duguan ito at mukhang nabugbog!
"Ate? Ano nangyayari saiyo? Natakot ka talaga sakin? sa ganda kong to?" sunod sunod na tanong niya, binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko ang nakangiti at napakaamong mukha ni Leila,
Ano ba nangyayari sakin? Bakit ba bumabalik ang nakaraan? Hindi kaya ito na ang hudyat para maghiganti? Ito na ang tamang oras para ipalasap ang sakit na pinaranas nila sakin, sa amin ng pamilya ko!
Anton! Anton! Ikaw ang uunahin ko, alam ko na kung nasaan ka, ikaw ang magiging susi kung paano ko mahahanap ang mga kamasa mo! Hinihintay ko lang ang tamang panahon.
"Ate? My Problema ba?" boses ni Leila ang nagpabalik sakin sa kalasukuyan
"Wala, tara na" sabi ko sabay tayo mula sa aking higaan at saka inakbayan ang aking kapatid.
"Uhmmm ate?" sabi ni Leila nung naglalakad kami palabas ng aking kwarto
"Yes?" tanong ko, mukhang my kailangan ang kapatid ko
"ano kasi" sabi nito sabay kamot sa kanyang ulo
"kasi?" sabi ko, tumigil muna ako sa paglalakad sandali saka humarap sakanya
"eh, mayroon po kasi kaming fieldtrip sa Vigan, pwede po ba ako sumama?" tanong niya
"hindi" sabi ko saka nagtuloy sa paglalakad
"Pero ate?" sabi niya habang sumusunod sakin
"Sorry Leila, hindi pwede, ayaw ko na mapahamak ka" sabi ko
"Mapahamak? ate naman, my mga teachers naman kaming kasama, at mga kaklase ko ang kasama" sabi niya
"it's a no! No more buts no more whys ok?" sabi ko saka humarap sakanya
"ok" sabi niya saka yumuko, naawa naman ako sa kapatid ko, napaisip tuloy ako, masyado ko na atang hinighigpitan ang aking kapatid pero para sakanya din ito,
Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi saka itinaas ang kanyang ulo,
"Leila, wala na sila Mommy and Daddy, at ako na lang ang kasama mo dito, at ang ikakabuti mo lang naman ang aking iniisip" paliwanang ko sakanya
Namatay kasi ang mag asawang kumupkup samin nang dahil sa disgrasya at lahat ng kayamanan nila ay samin pinamana.
"I know ate" sabi na lang nito at saka ngumiti sakin
"ok good, lika na kain na tayo at my pasok pa tayo" sabi ko
"Opo" sabi nito at magkahawak kamay kaming naglakad papuntang kusina.
***********************
"Mam, hindi kaya masyado na kayong naghihigpit sa kapatid niyo?"
"Maan! diba sabi ko Don't call me Mam if tayong dalawa lang?" sabi ko sakanya
Siya si Maan Rodriguez, my Bff and my personal secretary, isa siya sa mga taong nakakaalam sa lahat ng nangyari sa nakaraan, kapatid na din ang turing ko sakanya. Lahat ng tungkol sakin ay alam niya.
"Sorry sis, baka kasi my masabi mga ibang tao eh" sabi niya
"ano ka ba? Don't mind them ok? Back to our topic, tingin mo masyado ko na siyang nahihigpitan? eh para sakanya din naman iyon diba?"
"andoon na tayo sis, pero isipin mo, Educational Tour naman ata ang pupuntahan nila? Paano matututo ang kapatid mo kung laging "No" ang sagot mo sakanya? Paano niya matutunan ipagtanggol ang sarili niya kung lagi siyang nakadepende saiyo sis?" sabi nito sakin
"sabagay" sabi ko
"Sabagay ka diyan, ay teka eh bakit parang my bumabagabag saiyo?"
"I think, this is the right time" sabi ko
"Right time ng ano?"
"para balikan ang mga taong sumira sa pamilya ko" sabi ko habang nanginginig na kinuyom ang aking kamao.
"I think, you don't need to take revenge! Walang maidudulot na maganda ang paghihiganti sis"
"I don't like to call it revenge, returning the favor sounds nicer! They do it then i think they want it!" sabi ko sabay ngisi ng nakakaloko
"Sis, nakakatakot ka promise! Wildflower lang ang peg?" sabi niya
"No sis! Hindi ako si Ivy Aguas na kayang makipagplastikan sa mga taong gumawa sakanya ng mali! I am Maria Eleonor Mayhem, ang babaeng magbibigay bangungot sa mga nagkasala sakin o samin!"
Clap Clap Clap
"Wow sis! Parang nasa contest lang ah" pagbibiro ni Maan
"Che!" sabi ko sabay irap sakanya
"Maiba ako, paano si Leila?"
"Papapuntahin ko siya sa Amerika"
"What!? Papayag naman kaya iyon?"
"Yes!" sabi ko
"Ok! Sis, i will support you no matter what pero please huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo! Huwag na huwag kang mahuhulog sa sarili mong bitag! I wish you all the best! Sana nga makamit mo ang hustisya na matagal mo nang inaasam!"
"Thank you sis!"