GINA's POV
"Hello Friend" nabigla ako nang bigla akong tapikin ni M.E
"oh ikaw pala M.E" Si M.E. ay isang kaibigan na kamakailan ko lang nakilala, tinulungan niya ako noon nung muntikan na akong pagtripan ng mga nakainom na lalaki.
"Okey ka lang ba? Bakit nakatayo ka diyan? Sino tinitignan mo at sino kasama mo?" sunod sunod na sabi niya
"Ah wala, tara, hanap tayo ng puwesto" sabi ko
"Teka nasaan na iyong ipapakilala mo sa akin?" sabi niya na nakangiti
Ipapakilala ko sana si Archie pero walanjo iniwan ako nang lalaking iyon
"Naku, hindi daw siya makakarating eh" sabi ko na lang
"Sayang naman akala ko makikilala ko na ang kasintahan mo" sabi niya
"Oo nga eh" sabi ko na lang na medyo lumungkot
"Naku, okey lang meron pa naman ibang pagkakataon, ano gusto mong kainin, treat ko" sabi niya
Pagkatapos kami nag order, nagkwentuhan kaming dalawa, bagong salta lang pala siya dito sa amin, at madami pa ako nalaman tungkol sakanya.
Umabot din kami sa dalawang oras sa Café na iyon bago naghiwalay ang aming mga landas. Masarap kausap si M.E pero parang mayroon siyang tinatago sa kanyang pagkatao.
Kriiinggg Kriiiiinggg Kriiiiinggg
Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang aking Cellphone, kinuha ko ito mula sa aking bulsa saka sinagot.
"Hello babe? Sorry Sorry Sorry kung bigla akong nawala" sabi ni Archie sa kabilang linya
"SORRY??? Lagi na lang ganyan! Pagkasama mo ako ang tapang tapang mong sabihin na hihiwalayan mo na iyang asawa mo pero pagnakikita mo siya nagiging duwag ka! LAGI MO AKO INIIWAN SA ERE!" sabi ko, hindi ko na mapigilan ang sumigaw, naglalakad pa man din ako pauwi sa aking bahay!
Paano naman kasi sinundo niya lang ako kanina kaya hindi ako nakapagdala ng sasakyan, wala pa man din akong masyadong nadalang pera! My Gosh Archie pag nakita kita kakalbuhin talaga kita!
"Sorry talaga babe! Hayaan mo babawi ako, bukas! Promise!"
"Babawi yang mukha mo!" I said then I ended the call.
Kriiiinnngggg Kriiiinnngggg Kriiiinnngggg
Pinatay ko na muna iyong cellphone ko, naririndi ako sa pagtunog nito! Nakakasawa na din ang laging ganito, parang gusto ko na din sumuko pero paano? mahal ko si Archie at marami na din akong naipundar dito.
Nang mailagay ko ang aking cellphone sa aking bulsa nagpatuloy ako sa aking paglalakad pero bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba, napatingin ako sa aking likod pero wala akong nakitang kakaiba kaya nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang aking paglalakad.
Nang umpisahan ko ulit ang paglalakad, pakiramdam ko may sumusunod sakin. Kaya naman binilisan ko ang paglalakad.
Ano ba iyan may araw pa naman ah pero bakit parang may sumusunod na sakin?
Lakad takbo na ang ginawa ko para makalayo kahit papaano sa sumusunod sakin.
Nakahinga ako nang maluwag ng matanaw ko ang aking bahay.
Walang lingon lingon kong tinahak ang daan patungo sa aking bahay.
Nang makapasok ako, agad kong sinara ang pintuan ng aking bahay saka sumilip sa bintana kung mayroon mang tao sa labas pero ilang minuto ko nang sinisilip pero wala parin.
"Naprapraning na ata ako" sabi ko sa sarili ko saka pumunta sa aking kwarto
Kinuha ko ang aking cellphone at swinitch on ito
totoot totoot totoot
Sunod sunod ang pagtunog nito.
Lahat ng message ay galing kay Archie, nagsosorry ito. Rereplayan ko na sana nang biglang tumawag si Archie
"Hello Babe!" sabi agad nito
"Hello" walang ganang sinabi ko
"Sorry na babe, promise talaga babae ako bukas! i Love you mwaah!" sabi niya na ikinakilig ko
"Ok, sabi mo yan ah" sabi ko
"Yes"
"Promise?"
"Promise"
"Sige maya na lang at kararating ko lang din nang bahay, mag aayos lang ako" paalam ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin niya basta pinatay ko na lang ang tawag.
Pagkatapos kung ibaba ang aking cellphone, lumapit ako sa kabinet at kumuha ako ng damit saka nilagay sa kama.
Habang naglalakad tinanggal ko isa isa ang aking suot iniwan ko lang ang aking underwear saka tumapat sa salamin na kuha ang buong katawan.
Pinagmasdan ko ang aking katawan.
Napaisip ako.
Ilang taon na din ba akong kabit ni Archie?
Isa?
Dalawa?
Tatlo?
Tingin ko ay nasa sampung taon na.
Matagal na din, matagal na akong umaasa, matagal na akong nagpakatanga, pero ano nga ba magagawa ko mahal ko siya gusto ko man siyang hiwalayan pero hindi ko kaya.
Minsan nakukunsensya ako, pero nananaig parin ang pagmamahal ko sakanya.
Krrriiiinnnngggg Krrrriiiinnnggg Krrriiinnnggg
Lumapit ako sa aking cellphone at sinagot agad ito nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hello Friend" bungad niya
"Hello" sabi ko
"Nakauwi ka na? Thank you kanina ha, Masarap kang kakwentuhan sayang ang bilis lang ng oras" sabi niya
"Naku ako dapat mag thank you kasi trineat mo ako, teka libre ka bukas?"
"Oo" sagot niya
"Imbitahan ulit kita huh" sabi ko
"Sige, just text me, i have to go" sabi niya
"Ok." sabi ko saka niya pinatay ang tawag.
*******************
ARCHIE's POV
"Hon, lalabas lang ako" paalam ng asawa ko ng hapon iyon
"Saan ka pupunta?" sabi ko
"Ay my bibilhin kami ng anak mo gusto mo ba sumama?" tanong nito
"Hindi, sige ingat kayo" sabi ko
Nang makaalis ang mga ito dali dali kong kinuha ang aking cellphone.
Tinignan ko ang number nang babae kanina sa Cafe
Kriiinnnggg Krriiinnnggg Krriiinnnnggg
Nagulat ako nang bigla itong tumawag.
"Hello" sabi ko kaagad
"Hello" sabi niya, ang ganda talaga ng boses niya
"Are you free tomorrow?" tanong niya sakin
"Ah- eh-" hindi ko alam sasabihin ko, Paano si Gina?
"Mukhang hindi, sayang naman" sabi niya na para bang lumungkot ang boses
"No i'm free, anong oras ba?" tanong ko
"Mga 6pm" sabi niya
"Ok sure, saan"
"sa cafe doon tayo magkikita, see you then"
"ok"
"wait, one more thing" pahabol niya
"Ano iyon?"
"Pwede ba ang cellphone mo sa video call?" tanong niya
"Yes why?"
"Video call tayo" sabi niya
"Ok, wait" pinatay ko muna ang tawag niya saka ako tumawag sa kanya sa papamigitan ng video call.
Halos maglaway ako nang makita kong nakatwo piece lang siya! Ang ganda ng katawan niya, ang kinis, nakakabogli.
"Oppps! sorry nakalimutan ko magdamit, nadidistract ka ata wait magdadamit lang ako" sabi niya
Gusto ko siyang pigilan kasu baka isipin niya manyak ako.
Nawala siya bigla sa harap nang video pero mas lalo ako naglaway nang bumalik siya.
My suot na nga siya pero manipis naman at kitang kita ang kanyang nipple, tinanggal niya siguro ang kanyang bra.
"Mag isa mo diyan?" tanong niya bigla
"Oo" sabi niya
"Teka baka may magalit ah, asawa? girlfriend?" sabi niya
"Wala, wala akong asawa at girlfriend"
"Talaga, sa gwapo mong iyang, siguro pihikan ka no" sabi niya saka tumawa kaming dalawa pero bigla din siyang nagseryoso
"Eh ako, papasa ba ako sa taste mo?" tanong niya
"Hmmnnn" kunwari nag iisip ako bigla niyang binago ang expression ng mukha niya, para bang nang aakit at naaakit naman ako.
"Pag ako naging girlfriend mo, lahat ng gusto mo sakin magagawa mo" sabi niya saka ngumiti ng napakatamis
"Talaga?" sabi ko
"Oo" sabi niya, hindi ko napigilan ang ngumiti na para bang aso
"Edi tayo na" sabi ko
"Sure" sabi naman niya
"Sige, see you tomorrow" sabi pa niya sabay nag flying kiss,
"Bye!" sabi ko sabay kindat saka niya pinatay ang tawag.
Yes! Ang suwerte ko talaga, palay na ang lumalapit.
Kinabukasan . . .
Nagkita kami ni Gina.
"Babe" sabi ko sabay halik sa pisngi niya
"Babe" sabi naman niya
"Halika my ipapakilala ako saiyo" sabi niya saka hinila niya ako papunta sa isang lamesa
Bigla na lang ako kinabahan nang makita kung sino ang ipapakilala niya, si M.E.
"Friend, ito pala si Archie" sabi ni Gina sa kanya pagtingin niya samin nagulat ito akala ko makikipag away siya pero hindi ngumiti lang ito nang napakatamis.
Mas mabait ito kesa kay Gina.
"Archie, ito si Maria Eleonor, M.E. for short" sabi ulit ni Gina saka kami nagkamayan na dalawa, Ang lambot ng mga kamay niya
"Nice meeting you" sabi niya, mala anghel talaga ang kanyang boses...
"Nice meeting you too" sagot ko
Umupo kami ni Gina sa harap niya, sakto naman na sa harap niya ako nakaupo.
"Friend pwede ba ako makitawag?" sabi ni M.E. kay Gina
Binigay naman agad ni Gina ang kanyang cellphone saka lumayo ng kaunti sa amin.
Pagkabalik niya, nagkwentuhan kaming tatlo habang kumakain, mga ilang minuto lang ang lumipas nang bigla na lang my kung anong gumagapang sa aking legs.
Napatingin ako sa ilalim nang lamesa at nakita ko ang mga paa ni M.E. na lumalakbay sa aking legs.
Napatingin ako sakanya, ngumiti lang ito nang nang aakit. Buti na lang at medyo mahaba ang table cloth sa cafe na iyon.
Nabigla ako kaunti nang pumunta ang kanyang paa sa aking alaga.
"Ok ka lang babe?" sabi no Gina
"Oo babe" sabi ko kaya naman ipinagpatuloy ni Gina ang pagkain
Napatingin ulit ako kay M.E at nakita ko ang pagkagat niya sa kanyang pang ibabang labi. Nang aakit talaga siya. Hindi na mapigilan nang aking alaga na tigasan.
"Babe, M.E. cr lang ako ah" sabi ni Gina saka umalis
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" tanong ni M.E sakin pero hindi parin miya tinatanggal ang kanyang paa sa aking alaga bagkus mas lalo pa niya itong pinapasarap.
"Hmmn, ang sarap" sabi pa niya na para bang nasarapan talaga
"Masarap ba?" sabi niya
Napatango lang ako
"Humanda ka mamayang alas sais, huwag mo akong indiyanin ah dahil sa pagsisinungaling mo paparusahan kita" sabi niya sabay kindat.
Tumayo ito saka lumapit sakin.
"See you later Mr. Archie" sabi niya saka hinila ang aking ulo at nilapit sakanyang mukha, kinabahan ako baka makita kami ni Gina.
Umnnn
Hinalikan niya ako sa aking labi, ang lambot ng kanyang mga labi, ang bango nang kanyang hininga
Napapikit pa ako.
Pagdilat ko wala na siya, nakita ko na lang na papaalis na siya.
"Babe?" biglang dating naman ni Gina
"Babe" sabi ko
"Asan si M.E?"
"Nauna na babe, hindi na nakapagpaalam, emergency daw eh" sabi ko
"Ah ok"
Nang matapos kami doon, hinatid ko na siya pauwi at saka umuwi na din ako, nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam.
************
GINA's POV
Hinatid ako ni Archie dito sa bahay simula nang hinatid niya ako hindi ako mapakali. Ewan para bang my bumabagabag sa aking sarili.
Totoot Totoot Totoot
Nagulat ako nang tumunog ang aking cellphone.
"Friend nakita ko si Archie may kasamang babae" sabi ng unknown number kaya naman agad ko siyang tinawagan
"Hello totoo ba iyong sinabi mo? at saka sino ka ba?" sabi ko
"Oo friend, si M.E ito, sexy iyong babae" sabi niya, hindi ang asawa ni Archie ang kasama niya kasi mataba ang asawa nito, so my iba pa pala siya maliban sakin napatiimbagang ako sa aking naisip
"Friend narinig kong usapan nila kanina pupunta sila sa Apple Hotel mga 7:00 PM" sabi pa niya
"Ano!" sigaw ko
"Gusto mo puntahan natin mamaya?"
"Sige" sabi ko saka nanginginig na pinatay ang tawag.
*******************
6:00 PM
ARCHIE's POV
Nasaan na ba si M.E kanina pa ako dito sa cafe.
Kriiing Krinnng Krinnng
"Archie kita na lang tayo dito sa Apple Hotel, andito na ako, ang room number ay 13 at sabihin mo name mo" sabi nito saka pinatay ang tawag
Masyado talagang hot ang bago kong girlfriend.
Napapangisi ako sa naiisip ko. Humanda ka mamaya mas magiging wild ka sa ipapainum ko saiyo.
Pagdating ko sa hotel na iyon agad kong sinabi ang pangalan ko at number namin sa front desk ng hotel saka itinuro sakin ang room namin
Nagtaka ako bakit binigay niya ang susi sa akin, pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.
Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay amoy na amoy ko na ang bango nito na nakakapagdagdag ng bogli sa aking katawan
"M.E?" sabi ko
"Andito ako" sabi niya nasa likod ko siya.
Susunggaban ko na sana siya nang halik nang pigilan niya ako
"Sandali masyado ka namam atang mabilis, halika at inumin muna natin yang wine na hawak mo" sabi niya hinaplos pa niya ang kamay ko saka kinuha ng tuluyan ang wine.
Kumuha siya namg dalawang baso na nasa lababo, Hanep ang hotel na to parang condo, Kumpleto sa mga gamit.
Nang maalala ko ang balak ko, kinuha ko ang eine at baso sakanya at ako ang nagsalin, hindi niya alam my nilagay akong pinagbabawal na gamot sa inumin niya.
"Oh ito na" sabi ko sabay lapag sa mga baso sa my lamesa,
"Pakikuha naman iyong pagkain sa Ref" sabi niya
"Ok!" sabi ko saka tumalikod sakanya at hinarap ang ref. Madaming pagkain ang nandoon.
Nang mailapag ko ang pagkain, kinuha ko ang isang baso ng wine saka inunom ito.
"Maligo ka muna at my kukunin lang ako sa aking sasakyan" sabi niya
"Ok" pumasok ako sa banyo at naligo.
Napasarap ang aking pagligo dahil nakaramdam k ng kakaiba sa aking sarili.
Paglabas ko nagulat na lang ako nang si Gina ang nasa kwarto.
"Ba-babe?" sabi ko
"Asan ang babae mo?! nasaan!" sigaw niya
"Wa-wala akong babae!"sabi ko
"Anong wala! ano tong mga damit at underwear dito? saiyo? bakla ka ganun?" sigaw pa niya
"Hi-hindi hindi ano ka ba babe ikaw lang mahal ko" sabi niya
"Tang ina mo lahat binibigay ko saiyo pero kulang pa pala iyon, lahat lahat tiniis ko pati na pagiging kabit pero ano ginawa mo!" sabi nito na nanginginig pa saka lumapit sa mesa at ininom ang wine doon.
"Nasaan ang babae mo?" sabi niya na medyo kumalma na
"Wala talaga babe! Ikaw lang babae ko" sabi ko nilapitan ko siya saka niyakap.
GINA's POV
Niyakap ako ni Archie na medyo nagpakalma sa aking nararamdaman.
"Ikaw lang talaga babe" sabi niya
Pero nang inamoy ko siya, amoy babae ang kanyang pang amoy!
"Ako lang pala huh! bakit amoy babae ka?" tanong ko sakanya
"Huh? baka iyong sabon dito" sabi niya kaya kumalma ulit ako
Nagtatalo ang aking isip! Hindi ako maniwala kahit anong sabihin niya!
Bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba! Ewan ko kung ano iyon!
Tumingin ako sa paligid, pakiramdam ko my mali.
"Yam, tara sa kama" sabi nito na aking kinabigla
"Yam!!!??? sinong yam?" sigaw ko hindi siya sumagot hindi niya alam sasabihin niya
Para bang nandidilim ang paningin ko
"My iba yan, My babae iyan! kabit ka lang" sunod sunod na sigaw sa utak ko para bang my nagsasabi sakin nun kaya naman hindi ko na mapigilan manlim ang paningin ko, kinuha ko ang kutsilyo sa my lababo.
"Huwalanghiya ka! sinungaling ka! paasa! tang ina mo dapat saiyo mamatay!" sabi ko saka ko siya sinaksak.
Hindi pa ako nakuntento sa iisa, dalawa tatlong saksak na ginawa ko sakanya.
"Tama na Gina, tama na" sigaw nito
Pero tawa lang ang naisagot ko saka ko siya pinagsasaksak ulit.
"Gina please" sabi niya
"Iyan lang ang tama saiyo! Manloloko ka!" sigaw ko kitang kita ko sakanya ang paghihirap.
"Manloloko? ikaw din naman manloloko parehas tayong manloloko dahil kabit ka lang!"
"Kabit ka lang!" paulit ulit na naririnig ko iyon kaya hindi na ako nkapagtimpi sinugod ko siya saka pinagsasaksak hanggang sa malagutan ng hininga.
Nakatayo akong pinagmamasdan ang patay na lalaking aking minahal. Hindi ko mapigilan umiyak. Naghalo ang dugo ni Archie at aking luha sa aking mukha.
"Diyan! Diyan po!" narinig kong sigaw ng mga tao sa labas.
Boooogggg!
Nakita ko ang mga pulis na palapit sa akin saka ako pinosasan at ipinunta sa presinto para ikulong.
Nang nasa kulungan ako doon ko lang napagtanto ang aking ginawa. Pinatay ko ang lalaking minahal ko! ang lalaking pinaglaban ko!
Paano? anong nangyari?
"Gina" nanginginig akong lumingon sa pinaggalingan ng boses
"Babe?"
"Halika na" sabi nito sabay lahad ng kanyang kamay.
Kinuha ko ito at saka sumama sakanya.
*********************
Breaking News
Ika 8:00 ng gabi sa Apple Hotel ay nadatnang wala nang buhay si Mr. Archie Estolas na napag alaman na ang kanyang kabit na si Miss Gina Pada ang pumatay sakanya. Walang cctv sa naturang hotel kayat hindi nakita kung my iba pa silang kasama.
Nalaman ang insidente dahil sa malalakas na sigaw nk Mr. Estolas sa loob ng kwarto na narinig naman nang nasa kabilang kwarto.
Hindi nalaman ang motobo kung bakit pinatay ni Miss Pada ang lalaki dahil pagkatapos ikulonh ay nagpakamatay ang supect sa pamamagitan ng pagbibigti.
Pero napag alaman namin na ang dalawa ay nasa ilalim ng influwensya ng ipinagbabawal na gamot kaya siguro nagawa ng suspect ang ganoong bagay.
Case Closed. Iyon naman ang sabi ng mga pulis na nag iimbestiga sa pagkamatay ni Mr. Estolas dahil namatay na din ang suspect.
Yellow Minion Nag uulat.
Maria Eleonor's POV
Hindi alam ni Archie na nilagyan ko ang wine na ininom niya at hindi alam ni Gina na ang mga damit na nandoon ay mga damit niya. Pati ang pangalan na pinareserve ko ay kay Gina gamit ang kanyang cellphone.
Dapat lang sainyong dalawa iyan, mga manloloko!
Pasensya na Gina, hindi ko alam na magpapakamatay ka dahil sa nangyari pero mas maganda na din iyon para wala nang makaalam ng tungkol sa akin.