Chapter 13 - Chapter 13

Nung nalaglag yung folder nakita kong pinulot ni Michael yun at nagulat siya sa nakita niya

"Nica a-ano to? Pinaglalaruan mo ba ako? O isa to sa mga paraan mo para mapaikot ako" tanong niya sakin habang galit na galit pero hindi ko pa rin siya tinignan nilingon ko lang at umalis na ko naiwan silang 3 sa mansion

"Michael let me explain" awat ni Rica sa kanya nung paalis na si Michael na galit na galit

"So alam mo rin? Ano pa nga ba eh partners in crime kayo bakit pa ko magugulat at magtataka" tumalikod na si Michael pero hinabol pa rin ni Rica saktong dating ng mga tauhan ni Nica sa mansion

"Dont let him go!" Utos ni Rica sa mga tauhan ni Nica "paalisin kita kung hahayaan mo kong magsalita at sabihin sayo" sinabi ni Rica kay Michael habang hawak ang balikat nito

"Hindi ako aso para maging sunod sunuran niyo paalisin niyo ko!" Sigaw ni Michael sa kanilang lahat

"Sige umalis ka sirain mo na lahat ng plano ni Nica tignan ko lang kung san ka pupulutin akala mo ba kakampihan ka ng pamilya mo eh kaya nga lolo mo lang kakampi mo eh asan mga kapatid mo at magulang mo?" Sigaw na sagot ni Rica kay Michael na agad naman siyang tumigil at humarap kay Rica ng masama tingin

"Anong pinagsasabi mo? At sino ka para questionin ako at ang pamilya ko ng ganyan" galit na nilapitan ni Michael si Rica sabay hawak ng madiin sa braso nito

"Nakakalungkot isipin" lumingon si Rica at bumuntong hininga "na ang kitid ng utak mo" umiling lang si Rica habang nakataas ang isinv kilay niya

"Wow! ikaw pa talaga may ganang magsabi niyan sino ba pinagmamalaki mo si Nica! Eh ikaw nga tong nagtatago sa pamilya mo!" Sigaw naman ni Michael kay Rica hindi nila namalayan na bumalik si Nica sa mansion dahil tinawagan niya ni Yna at sinabing nagaaway yung dalawa

"So what kung nagtatago si Rica so what kung ako ang pinagmamalaki niya at backer niya may problema ba dun?" Malamig na sagot ni Nica kay Michael agad naman silang dalawa napa lingon kay Nica na naka upo sa sofa

"N-Nica kelan ka bumalik?" Tanong ni Rica sa kanya hindi naman pinansin ni Nica si Rica tumayo ito at lumapit sa dalawa

"Hindi na kayo mga bata para magkagulo gulo pwede ba tigilan niyo na yang bangayan niyo ang gulo na nga ng nasa paligid ko sasabay pa kayo!" Sarcastic na banggit ni Nica sa dalawa sabay abot ng baril sa kanila

"Oh ayan baril magpatayan na lang kayo para tapos na bangayan niyo!" Pagkasabi ni Nica nun tumalikod na siya at sinabihan si Yna "sabihan mo ko pag tapos na yang dalawa sabihan mo rin ako sinong may galos o patay sa dalawa" malamig na utos ni Nica kay Yna na bigla nilang naramdaman ang panlalamig katawan nila

"Pre-president Nica" hindi matuloy ni Yna sasabihin niya dahil natatakot siya kay Nica dahil yung aura nito ay nakakatakot na

"Dyan ka magaling Nica tama yan pakita mo sakin yung totoo mong ugali siguro tama nga sila may sa d*monyo ka!" Sarcastic na sinagot ni Michael si Nica habang nangigil siya sa galit

"Oo may sa d*monyo ako kahit asawa kita kaya kitang patayin" sabay tutok ni Nica kay Michael ng baril at saktong dating ni Philip sa lugar inawat niya agad si Nica

"Nica stop pagusapan niyo ng ayos wag mong gamitin sa dahas lahat ng desisyon mo alam mo sa sarili mo bakit kailangan mo silang dalawa protektahan kahit hindi nila alam ang katotohanan" nung marinig ni Nica yung sinabi ni Philip binaba niya ang baril at umalis na hindi na sila pinansin dumiretso siya pa akyat ng kwarto sa 2nd floor ng mansion

Nilapitan naman ni Philip sina Michael at Rica para kausapin ng ayos inuna ni Philip kausapin si Rica

"Rica alam kong mahal mo kapatid mo pero may pinagdadaanan din siya sana naiintindihan mo lalo ka na Michael hindi niyo alam yung hirap na dinadanas niya para protektahan kayong dalawa" malumanay na sinabi ni Philip sa dalawa

"Si Nica ay may sakit mahigit 3 days na pero hindi niya ito pinapaalam sa inyo kasi ayaw niyang mamoblema kayo o mag alala kayo" dagdag naman ni Philip sa dalawa at napabuntong hininga siya ng sabihin niya kay Rica ang tungkol sa kanya

"Simula nung nalaman niya pinaghahanap ka at may nagsabi na buhay ka hindi niya tinigilan na hanapin ang taong nagpakalat nun wala pa siyang pahinga simula nung kinasal sila ni Michael dahil mas kailangan niyang maging alisto" malungkot na sinabi ni Philip sa dalawa agad naman naramdaman ni Rica sumakit yung puso niya sa narinig niya tungkol kay Nica hindi niya magawang makapagsalita

"Ikaw naman Michael asawa ka niya kahit malamig siya sayo pinoprotektahan ka niya kahit buhay niya kapalit nito" sabay tingin ni Philip kay Michael pero iniwas ni Michael ang tingin niya

"Hindi mo ba naisip o na appreciate ginagawa niya sayo?" Tanong ni Philip kay Michael pero hindi siya nito sinagot

"Michael simula nung nalaman niya na hindi ka tunay na anak ni Mrs. Roberts at Mr. Roberts lahat ng pwedeng hanapin hinanap niya pinakalkal niya lahat ng pwedeng kalkalin tungkol sayo" pagduduro ni Philip kay Michael

"Kasama ko ni Nica simula pagkabata kaya kilalang kilala ko siya gagawin niya lahat kahit ikamatay niya o makapatay siya sana intindihin niyo rin siya kasi tao rin si Nica" bumuntong hininga si Philip at umupo sa sofa

"Yna samahan mo muna si Rica kakausapin ko lang si Michael magisa" inutusan naman ni Philip si Yna at sinenyasan ang mga tauhan na nasa paligid na sumunod sa dalawa

"Michael alam kong nagugulahan ka at galit ka kay Nica dahil pakiramdam mo para kang tauhan lang niya pero mali ka kasi ginagawa niya yun para protektahan ka" hinawakan ni Philip ang balikat ni Michael

"Protektahan saan? At bakit?" Tanong ni Michael kay Philip bumuntong hininga naman si Philip

"Dahil hindi ka totoong Roberts Michael kaya lolo mo lang ang close mo dahil pamangkin ka niya sa kapatid niyang babae" inabot naman ni Philip ang DNA lab result nito at birth certificate

"Huh pano nangyari yun lumaki ako sa magulang ko sila kinikilala kong magulang at anong DNA to at Birth Certificate baka isa rin to sa mga ginawa niyo ng pandaraya kaya ng kay Rica" sagot ni Michael kay Philip na may halong emosyon

"Sa tingin mo ba sa situation na to lolokohin pa kita nanganganib ang buhay mo at hindi namin hahayaang mapahamak ka kaya namin sinasabi to sayo at noon pa namin alam to ni Nica 2 years ago" sagot ni Philip kay Michael at biglang iwas nya ng tingin

"Nanganganib? At panong 2 years ago?" Tanong ni Michael sa kanya

"Nung panahong niligtas mo si Nica sa aksidente umuwi siya sa Country B para magpagaling doon niya nakilala ang totoo mong magulang nung niligtas ng mom si Nica mula isa pang aksidente binigay ng mom mo ang kidney niya kay Nica at ang tanging hiling ng mom mo sa kanya ay protektahan ka" hindi maintindihan ni Michael ang nararamdaman niya may kirot sa puso niya at marami siyang tanong na tumatakbo sa isipan nito

"Bakit napano si Nica nung nasa Country B siya?" Tanong ni Michael kay Philip na may pagaalala at namumuong luha sa gilid ng mata niya

"Nung nasa Country B siya naging business partners sila ng magulang mo sa Underworld" bumuntong hininga si Philip dahil alam niyang hindi niya dapat sabihin pero kailangan niyang malaman dahil magulang din niya yun

"Underworld?" Biglang kumunot ang noo ni Michael nung marinig niya ito

"Oo Underworld ang mom mo ay isang Mafia Queen  ng Smith nagbago ang lahat simula ng naging asawa ng Mom mo ang mga Smith. Si Nica ay Mafia Princess na soon to be Queen dahil taga pag mana siya ng Underworld ng dad niya at may sarili rin siyang Mafia clan hindi ko nga dapat sabihin sayo to pero sinabi ko nangako ako kay Nica na kahit anong mangyari hindi ko sasabihin sayo ang tungkol sa kanya dahil natatakot siya na baka kamuhian mo siya at mas kinakatakot niya ay baka ikamatay mo pa" biglang yuko ni Philip dahil sa sinabi niya wala siyang mukhang ihaharap sa kanilang dalawa

"Michael may dapat ka pang malaman kay Nica kaming dalawa lang nakakaalam nito dahil ayaw niyang sabihin sa iba at sayo dahil ayaw niyang magalala kayo" bumuntong hininga ulit siya at kumuha ng lakas para sabihin ito kay Michael dahil bilang asawa kailangan niyang malaman ang sakit nito

"Ano yun pipilitin kong intindihin lahat pero gusto ko rin malaman lahat" sagot naman ni Michael sa kanya

"May sakit si Nica at malubha ito hindi siya basta bastang sakit lang" nagulat si Michael nun marinig niyang may sakit si Nica

"Ano may sakit si Nica" napalakas nitong sabi at biglang tinakpan ni Philip bibig ni Michael at sinenyasang wag maingay

"Hinaan mo boses mo baka may makarinig at pag nalaman niya yun magagalit sakin yun" naka kunot noo nitong sinabi at palingon lingon dahil baka dumating si Nica

"Anong sakit niya? Bakit ayaw niya magpagamot?" Nagtatakang tanong ni Michael kay Philip

"Ang sakit ni Nica ay hindi basta basta kailangan siyang operahan para matanggal ito at kakailanganin niyang pumunta sa Country Z para maoperahan at ang ikinakatakot kung pano pag hindi naging successful pano na kayo minimum of 6 months ang kailangan niya sa pagpapagaling at ang pinaka matagal ay 1 year" dagdag na sinabi ni Philip

"So ang sakit ni Nica ay-" hindi natapos ni Michael sasabihin niya ng may biglang bumagsak na malakas mula sa 2nd floor nagkatinginan si Michael at Philip at tumakbo na pataas

"Nica!" Sigaw ni Rica mula sa pinto dahil nung narinig niya yung galabog nanakbo agad siya pataas

"Michael! Philip! Bilis bilis si Nica!" Sigaw naman ni Yna sa dalawa habang hawak hawak ni Rica si Nica sa magkabilang braso niya

Pag akyat ng dalawang lalake nakita ni Michael na nakahiga si Nica kay Nica na puro dugo ang katawan nagkalat din ang mga gamot at syringe sa sahig

"Anong nangyari?" Tanong ni Philip at tumawag na agad sa private doctor nila binuhat naman ni Michael si Nica para ihiga sa kama

"Yna tawagan mo si Paul para pumunta dito ngayon na kamo emergency!" Sigaw na utos ni Philip at aligaga na rin dahil putlang putla na si Nica

"Sige sige! Michael kumuha ka ng maligamgam na tubig sa kusina" utos nito kay Michael at tumango rin siya pagalis ni Michael tinignan ng masama ni Yna si Rica

"Bakit ganyan ka makatingin Yna anong ginawa ko?" Tanong nito habang umiiyak dahil sa kalagayan ni Nica

"Kung hindi kayo nag away kung hindi kayo nagtalo ni Michael siguro okay pa siya" inis na sambit nito habang umiiyak

"Tumigil na kayong dalawa hindi nakakatulong pagaaway niyo wag na kayong dalawa dumagdag sa problema please lang" awat naman ni Philip sa dalawa

"Yna wala ka dapat sisihin una sa lahat walang may gusto sa nangyari kay Nica kaya pwede ba kumalma ka!" Malamig at may halong galit na dagdag ni Philip kay Yna

Biglang dumating ang private doctor nila at si Michael chineck agad ang kalagayan ni Nica lumayo silang 4 after ilang minutes nagsalita ang doctor

"Okay after checking Nica okay naman siya kaya lang pag tumagal ng ilang araw na masama pakiramdam niya I suggest na dalhin na siya sa hospital" seryosong sabi ng doctor at inabot ang papel kay Rica para sa mga gamot at ibang kailangan

"Salamat po Doc!" Sagot naman ni Rica sabay buntong hininga at lumapit kay Nica ngumiti naman sa kanya ang doctor

"Philip we need to talk in private" dagdag nito sumunod naman si Philip at tumingin kay Michael

"Michael sumama ka!" Malamig na sabi nito "Yna, Rica kayo muna bahala kay Nica wag kayong gagawa ng gulo please lang" naka kunot noo niyang dagdag

Lumabas silang tatlo sa kwarto at pumunta sa may study room naunang pumasok si Michael at sumunid naman yung doctor huling pumasok si Philip

"What to discuss?" Tanong naman ni Philip sa doctor na may malamig na tingin at boses

"Relax Philip actually this is about Nica's condition" sagot naman nito sabay abot ng envelope kay Philip "nakahanap na kami ng compatible donor para sa kanya anytime soon pwede na siyang operahan" dagdag nito

"Wag mo sakin sabihin dun sa asawa niya alam na rin niya about sa sakit ni Nica" sabi ni Philip sa doctor habang naka crossed arm at turo kay Michael gamit yung nguso

"Ano! Bakit mo sinabi alam mo namang sinabi niya yun at pag nalaman niya na sinabi mo pare parehas tayong mayayari nito!" Galit na sinabi ng Doctor kay Philip at sabay tingin ng masama kay Michael

"Bakit hindi ko ba karapatan malaman sakit ng asawa ko?" Tanong nitong malamig ksa doctor

"Hindi naman sa ganon pero ipangako mo na hindi mo sasabihin sa kanya na alam mo na baka gusto mong maglaho na lang bigla" sagot ng doctor sa kanya

After nilang pagusapan ang about sa sakit ni Nica nag decide si Michael na ituloy ang operation ni Nica at umalis ng bansa lumabas na rin sila sa study room nakita nila si Nica naka upo sa kama