Nagising ako nasa kama na ako nasa tabi ko si Rica at Yna tinignan ko silang dalawa nung nakita nilang gising na ko lumabas si Yna para kumuha ng makakakain at iayos ang sasakyan pabalik sa kabilang mansion
"Kamusta ka na Nica? anong nangyari sayo kanina? May masakit ba sayo?" Tanong ni Rica sakin
"Yeah ok lang ako nahilo lang ako kanina tinanggal ko kasi yung bala sa katawan ko magisa" sagot ko naman sa kanya habang pilit ang ngiti
'Alam kong nalubha na sakit ko pero hindi nila pwedeng malaman lalo na si Rica' sabi ko sa sarili ko napapikit naman ako
"Nauuhaw ako gusto ko ng tubig" sabi ko naman kay Rica agad naman siyang kumuha ng tubig sa baba
Pagka alis na pagkaalis ni Rica tumayo agad ako kahit nanghihina pa ko pinilit kong tumayo para kunin yung gamot sa bag ko saktong pasok naman nila Philip at Michael sa kwarto
"Gising ka na gusto mo bang kumain?" Tanong ni Philip sakin umiling naman ako lumapit naman sakin si Michael
"Nica ayos ka na ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang sakin ha" habang hawak niya braso ko at inaalalayan ako para umupo "wag kang matakot na hindi magsabi sakin asawa mo ko Nica nagaalala din ako sayo" dagdag niya sakin ako naman ngumiti at tumango lang dahil wala akong ganang magsalita kasi masama pa rin pakiramdam ko
"Nica" pagtawag sakin ni Philip nilock niya bigla yung pinto "sabi ni Tian may nakuha na daw donor" nagtaka naman ako about saan yung donor?
"Donor? Meron na?" Naisip bigla yung donor para sa kidney ko
"Oo pero kailangan mo ng maoperahan kung gusto mo pang magpatuloy sa laban na to" dagdag ni Philip si Michael naman naka tingin lang sakin inaantay reaction ko
"Teka bakit ka pala nandito Michael?"tanong ko sa kanya nagtataka ako bakit siya nandito hindi niya dapat malaman pa
"Actually Nica sinabi ko na sa kanya kasi mas magagabayan ka niya naalala mo si Jerome? He can help us" so sinabi na niya noon ko pa sinasabi na dapat walang makakaalam
"Ano? Bakit mo sinabi? Hindi ba noon ko pa sinasabi sa inyo na wag na wag niyo sasabihin kahit kanino!" Galit kong sagot kay Philip napahawak na lang ako sa mukha ko dahil sa inis
"Nica need niya rin malaman to asawa mo siya" kalmadong sagot ni Philip na apologetic voice
"Fine since you know it already ikaw ang pipirma sa lahat ng procedure na gagawin sakin dahil asawa kita if ever na may mangyari sakin don't tell anyone make some errands to cover it up" pagkasabi ko nun may kumatok bigla sa pintuan ibinaling ko yung tingin ko kay Michael at tinaasan ko ng kilay
Hindi ko alam anong pumasok sa kokote ni Philip na sabihin yun pareparehas naman kaming nagkaintindihan na walang makakaalam bukod saming tatlo binuksan ni Michael ang pintuan at pumasok na si Rica at Yna
"Bakit naka lock yung pintuan?" Tanong ni Rica samin
"Ah nagbihis kasi ako nagpatulong ako kay Michael don't worry hindi naman nakita ni Philip kasi nakatalikod naman siya" sagot ko kay Rica na may pilit na ngiti
"Ah okay" sagot niya sakin
"President Nica nakaready na yung sasakyan pabalik sa mansion" singit naman ni Yna saminĀ tumango naman ako
Pagkaayos ng mga gamit ko umalis na kami sinabihan ko na rin si Philip na ipalinis lahat ng kalat dito sa mansion na to pagkarating namin sa Luifatans mansion nakahain na lahat ng pagkain kumain kami ng walang umiimik
"Akyat na ko sa taas" paalam ko sa kanila
Pagpasok ko sa kwarto binuksan ko kagad yung secret room ko at sinara to kumuha ako ng gamot sa drawer at uminom umupo ako sa sofa at habang hawak ko yung Syringe nagchat naman ako kay Michael na pumunta dito sa secret room sa kwarto ko
"Nica nasa labas na ko hindi ko alam password nito" chat niya sakin
"Araw ng kasal natin tsaka birthday mo" nireply ko naman sa kanya after ilang minutes bumukas na yung pinto
"Bakit okay ka lang ba may masakit ba sayo" tanong biya sakin sabay sara ng pinto
"Okay lang we need to talk privately" sagot ko sa kanya sakay lapag ng phone ko itinusok ko na rin yung injection sa braso ko
"Okay about saan ba paguusapan natin" tanong niya sakin habang nakatingin sa ginagawa ko
"Alam kong marami kang tanong sakin pwede mo kong tanungin alam ko na rin na sinabi na sayo lahat lahat ni Philip" sagot ko sa kanya habang nakayuko at tinitignan yung ginagawa ko sa braso ko
"Hmm hindi ko alam ano isisimula kong tanong sayo" sagot niya sakin sabay kamot sa ulo niya
"Well okay sige ako na magsabi sayo san ka magsimula" napaisip ako alin sa mga yun ang uunahin ko "well you can start asking me about your family?" dagdag ko sa kanya na patanong din
"Okay yeah so totoong hindi ako Roberts?"
"Nope kasi isa kang Smith ikaw ang Heir ng mga Smith" sagot ko sa kanya nakita ko naman siyang nanlumo
"So sa buong buhay ko ang kinalakihan ko ay hindi totoo"
"Nope pero family mo pa rin naman sila ang pinagkaiba yung kinikilala mong dad ay pinsan mo ayung Grandparents mo is uncle and auntie mo" sagot ko sa kanya alam kong hindi pa niya matatanggap lahat lahat
"Pano mo nalaman tong lahat na to Nica?" Tanong niya sakin na nakapagpakaba sakin
"Uhmm kasi ganto yun" tinaggal ko na yung injection bago ko siya sagutin pinaupo ko na rin siya sa tabi ko
"Yung Mom mo is wife ng Heirs ng Smith nagkakilala kami nung time na nag open ng business ang Mom mo 2 years ago" bumuntong hininga naman ako "nung time na rin yun may naging kaaway mom mo sa hindi inaasahan siya yung ex girlfriend ng dad mo na hindi makamove on" dagdag ko sa kanya
"Hanggang sa naging sukdulan yung galit niya sa mom mo napahamak siya saktong nakita ko yung nangyari tinulungan ko mom mo naging close kami at napakulong namin yung ex ng dad mo"
Nakatingin lang ako kay Michael at kita ko namang nakikinig lang siya tumayo ako at kinuha yung gamit na binigay ng Mom niya sa kanya na ibigay ko daw pag dumating yung panahon and I think it's the right time pagka abot ko sa kanya ng isang box tinignan niya muna ako
"Ano to?" Tanong niya sakin na curious
"Just open it hindi ko rin alam laman niyan kasi sabi ng mom ikaw daw mismo magbukas" sagot ko sa kanya sabay side smile
"Oh okay hindi naman to something na pwedeng ikamatay ko diba" tanong niya sakin tinaasan ko naman siya ng kilay at nag crossed arms din ako
"Hindi naman siguro at kung itatanong mo kung sumasabog ba yan edi sana sumabog na tong bahay" sagot ko sa kanyang sarcastic napa twitch din ako ng labi
After kong sabihin yun binuksan na niya yung box at dahil curious ako tinignan ko na rin tumingin naman siya sakin sandali at tinignan ulit yung laman ng box
"Picture and titles?" Patanong niyang sabi sakin ako naman napa shrugged lang ng balikat
"Ohhh patingin ng pics" sabi ko naman sa kanya at inabot naman niya sakin
"Ohh it's your baby pic" piakita ko naman sa kanya yung hawak ko
"Uhmm Nica look" sabi niya sakin lumapit naman ako at tinignan ko "titles ng house and lot tsaka list ng company na owned ko" dagdag niya sakin
Inagaw ko sa kanya yung mga papers patingin ko legit ngang mayaman siya at mga nasa top 50 ang company na owned niya pero isang company yung hindi mawala sa isip ko kasi hindi ko maalala kung anong company yun
"Oh my God Michael this company I-I remember this" turo ko dun sa isa sa nasa list ng company "this is major Company na owned mo at sister Company ng owned ko so it means" napa takip lang ako ng bibig ko kasi yung company na yun ay supplier ng mga guns and weapons and armors all over the world
"What kind of business is this?" Tanong niya sakin nakatulala pa rin ako dahil siya yung hinahanap kong President to help me supply more Guns and Wepons
"It's, it's supplying Guns and Weapons" sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kanya
"Wait what?" Nanlaki mata niya sa sinabi ko
"Yes and don't worry it's legal most of the clients are all governments and privates so don't worry" sagot ko sa kanya habang nagwawave yung kamay ko kasi mamimisinterpret niya
"Ohhh" tinignan niya yung isang Certificate na naka lagay din sa box "ano naman to?" Tanong niya sakin
"Uhmm yan yung Certificate na sinasabi ng Mom mo sakin ingatan mo daw yan at pirmahan mo" sagot ko naman sa kanya kinuha ko yung ballpen sa desk ko at inabot ko sa kanya
"Wait babasahin ko muna bago ko pirmahan"
"Okay" pumunta naman ako sa shelves ko at kinuha yung isang libro "tignan mo to at aralin mo utos din yan ng Mom mo binigay niya sakin yan nung nasa ospital ako dinalaw niya kasi ako" dagdag ko sa kanya
"Life and Death?" Tanong niya sakin at pinakita yung book
"Yup gawa yan ng Mom she is also a writer may copy rin ako niyan" sagot ko sa kanya at bumalik na sa upo
"But why?" Hindi ko na siya sinagot tinignan na niya yung book
"You'll like it" nakangiti kong sagot sa kanya
"Really? I'll read it some other time" sagot niya sakin hinawakan naman niya kamay ko
"I think may mas magandang gawin ngayon since malamig" sabay tingin niya sakin may nakakalokong ngiti
"Oh no no no I'm not in my mood I also need to take a rest" iwas kong sagot sa kanya sabay tayo palabas na sana ako pero hinila niya ako bigla
"Hey hey hey hot pot yung tinutukoy ko, ano ba nasa isip mo? Pero parang gusto ko rin yung naisip mo" ngiting nakakaloko niya biglang kumabog dibdib ko para kong kinabahan
"H-hot pot yeah masarap yung hot pot t-tara sakto gutom ako" iwas kong tingin sa kanya na nauutal
"Hmm nagbago isip ko iba na gusto ko" hinawakan niya yung mukha ko para mapatingin sa kanya
Para kong nakukuryente sa ginagawa niya at mas lalong lumalakas kabog ng dibdib ko napatingin ako sa mga mata niya pilit kong iniiwas tingin ko pero kusang nabalik balik ang tingin ko sa kanya
'Bakit ganto nararamdaman ko bakit para akong naeexcite na hindi ko alam' tanong ko sa sarili
'T*nga syempre mahal mo na' sagot naman ng sarili ko that's imposible
"No way" napalakas ako ng sabi nagulat naman niya ng napasigaw ako
"Huh! What? no way? You dont like samgyup?" Tanong naman niya sakin hindi ko namalayan kinakausap na pala niya ko
"Huh s-samgyup? Sure lets go im a bit hungry" pagkasabi ko naman nun tinulak ko na siya ng malakas napaatras naman siya
Pagkatulak ko sa kanya umalis na agad ako at kinuha yung jacket sa kama at lumabas ng kwarto nag ring bigla phone ko nakita ko tumatawag si Ashley
"Hello Nica!" Bati niya sakin na masaya
"Yes Ashley napatawag ka?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad pababa sa 1st floor
"Kamusta tagal na natin hindi nagusap?" Tanong naman niya sakin
"Okay naman hindi ka pumunta nung kasal ko nagpadala ako ng invitation sa mga classmates natin sila Kim at Sydney lang pumunta" sagot ko sa kanya habang kumuha ng juice sa ref
"Nako alam mo naman araw yun ng lauching ng new product ko nagpadala naman ako ng gift nareceived mo ba?"
"Oh shoot oo nga pala isa ka ng business woman nawala sa isip ko pero maiba ang ganda nung gift pero hindi ko magagamit" sagot ko sa kanya habang tumatawa
"Magagamit mo din yun hindi nga lang ngayon malay mo soon" pabiro nitong sagot sakin nakita ko naman bumababa na rin si Michael
"Loko ka talaga" sabay naming tawa "pero bakit ka pala napatawag?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa sofa
"Oh yes there's a reunion/homecoming sa school next Saturday punta ka ha pupunta lahat sama mo na din si Yna para kahit papano magka bonding bonding tayo" sagot nito sakin
'So for sure nandoon nanaman yung dalawa at mga alipores ni Sheen na feeling entitled' sabi ko sa isip ko habang umupo naman si Michael sa tabi ko
Tinignan ko lang siya at nagphone lang siya nag scroll sa Twitter sumenyas naman ako sa kanya na gusto ko ng juice
"Oh okay try namin alam mo naman busy tayo sa buhay buhay" sagot ko sa kanya
"Pumunta kayo balita ko nandoon ang Rolls Applause" pagkasabi niya nun napatingin ako kay Michael
Rolls Applause? Eh band group yun ni Michael imposibleng sasama si Michael matagal ng hindi sila nagkikita kita magkakabanda
"Rolls Applause?" Tanong ko ulit sa kanya napalingon naman si Michael sakin
"Yup kaya pumunta ka balita ko pogi yung main vocalist nila" oh my parang lalong ayoko na tumuloy nandoon si Michael